LOGINChapter 93Tahimik na tiningnan ni Neriah ang babae, tapos tumingin kay Cormac at kumindat.“Tita, si Uncle po ‘yan.”“Ay!” nanlaki ang mata ng ina. “Naku, pasensya na. Akala ko tatay mo.”Pagbalik ni Naomi mula sa ward ni Lola Maria, nadatnan niya si Cormac na nakaupo pa rin sa tabi ni Neriah. Tahimik ang presensya nito, malamig ang mukha, parang bato.Dumaan si Naomi sa pagitan ng maraming kamag-anak ng ibang pasyente bago makarating sa kama ng bata.“Sorry kung naistorbo kita… pati trabaho mo,” mahinang sabi ni Naomi habang nauupo sa tabi ng kama.Hindi kumibo si Cormac. Tinitigan lang siya.Nagtagpo ang tingin ng apat: si Naomi, Cormac, Neriah, at ang ina sa kabilang kama na parang ayaw umalis dahil sa tensyon.Sa wakas, bumulong si Cormac, “Kailan darating si Glenn?”Napatingin si Naomi sa sahig.“Kakapasok lang niya sa research team… At least 40 hours ang byahe mula U.S. papunta rito. Wala pang isang buwan bago ang annual leave niya. Hindi talaga magandang time para umalis…”Hin
Chapter 92Pagkatapos bayaran ni Cormac ang mga kailangang bayarin sa ospital, bumalik siya sa silid dala ang hapunan. Tahimik na nakaupo si Naomi sa tabi ng kama ni Neriah, halatang pagod pero nananatiling alerto.Pagpasok ay inilapag ni Cormac ang dala. Isang simpleng hapunan at isang mangkok na kalabasa at millet porridge.“Inumin mo mamaya,” mahinahong sabi niya. “Magigising din si Neriah. Bukas ng ang operasyon para sa navicular bone.”Kinabukasan, maaga silang gumising. Maiksi lang ang operasyon, ngunit sapat na para kabahan si Naomi. Isa’t kalahating oras lang ang lumipas at lumabas na ang doktor, nagbigay ng paalala tungkol sa pag-iwas sa impeksiyon at ilang gamot na kailangang inumin.Bitbit ni Cormac si Neriah palabas ng operating room—nakabalot nang mahigpit ang paa ng bata, at halatang kapapa-iyak lang nito, namumula ang mata. Hindi naman malubha ang bali, kailangan lang talagang magpahinga. Ngunit ramdam pa rin ni Neriah ang hilo at ang kirot mula sa mga galos sa katawan.
Chapter 91“Grabe ‘yong video, nakita niyo na ba?” bulong ng isa sa mga nanay sa waiting area habang nanlalaki ang mga mata. “Nakakatakot. May puting kotse na biglang sumulpot, tapos parang sinadya pang umarangkada. Rush hour pa sa school… Diyos ko, may dugo sa ilalim ng gulong…”“Mga gan’yan,” sagot ng isa, halos nanginginig ang boses sa inis, “ginagamit lang ‘yong sakit nila sa pag-iisip para gumanti sa lipunan. Wala nang pakialam kung sino pa ang madadamay.”Parang may sumabog sa loob ng ulo ni Naomi.“Naomi?” Hindi muna napansin ni Hannah ang lagim sa mukha ng kaibigan. Kinuha niya ang tissue at mabilis na pinunasan ang mesa. “Hoy… Naomi?”Paglingon niya, halos napaatras siya.Maputlang-maputla si Naomi, parang papel. Naninigas ang labi. Nanlalamig ang mga daliri. Parang unti-unting nawawalan ng hininga.“Naomi, anong nangyayari? Bakit nanginginig ka? Huy—”Hindi na siya nakasagot. Tinabig ni Naomi ang upuan at halos nagtatakbo palabas, nabunggo pa ang pinto, muntik madapa.Tumuno
Chapter 90Sumandal si Cormac sa counter gamit ang isang kamay, saka marahang tinapik ang ibabaw nito.“Where’s your Gpay QR code?” sabi niya. “Magbabayad ako.”Pagtingin niya sa freezer sa tabi ng cash register, naroon ang mga siopao. Napansin iyon ng waitress at kaagad siyang nginitian.“Sir, bili po kayo. Maraming suki ang bumabalik para dito. Masarap po kahit sa bahay lutuin, saka convenient,” paliwanag nito. “Si Naomi bumili rin kanina.”Hindi man kumibo si Cormac. Nakita niyang ibinigay ni Naomi ang isa kay Arnold. Nagtiimbagang siya.“Pahingi ako ng sampu,” utos niya sa sales lady.Napataas ang kilay ng ale. “Ha? Sampu?”“Yes,” ani Cormac.Nagkatinginan ang mga staff.“Sir… parang marami po yata—”Pero lumakad na si Cormac palabas.Sa labas ng compound, natanaw niya sina Naomi at Neriah sa fruit stall na magkatabi, parehong nakayuko habang pumipili ng prutas, hindi niya maalis ang tingin sa mag-ina.Si Naomi ay nakalugay ang buhok, ang kamay ay may hawak na supot ng strawberry.
Chapter 89Pinandilatan ni Naomi si Cormac. Bakit ang hahaba ng binti nito?!Sa ibabaw ng mesa, ngumiti siya nang magalang kay Arnold.“Ah, naku… hindi na kailangan. Kaya ko—ehem! Kaya ko naman saka nakakahiya sa’yo.”Pero sa ilalim ng mesa, hindi tumitigil si Cormac. Napapikit siya, kinuha ang phone at mabilis nag-type.Naomi: May sakit ka ba?!Agad ding nag-reply.Cormac: Interesado ka talaga sa private life ko, ha. No comment.Pag-angat niya ng tingin, nakita niyang nakasandal si Cormac, naka–cross arms, at may pilyong ngiting pinipigilan.Tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaki.Biglang nagbago ang expression ni Cormac. Ngumiti ito kay Arnold na parang santo, sabay yuko ulit sa phone.Cormac: Ang cute mo kapag naiinis.Napasinghap si Naomi. “Tumigil ka nga—”Maingat na kumalabit ang paa ni Cormac sa binti niya.“Naomi? Okay ka lang?” tanong ni Arnold.Ngumiti siya nang pilit. “Oo… medyo nadudulas lang ang—” Nagulat siya nang umabot ulit ang paa ni Cormac. “—uh… upo ko.”Buma
Chapter 88Kahit siksikan sila sa loob ng elevator, walang gustong kumilos o huminga nang malakas. Halos kalahating oras pa lang ang lumipas, pero bawat segundo ay para bang isang oras bago dumating ang maintenance team. “Ma’am, huwag kayong mag-alala, andito na kami,” para siyang nakahinga nang maluwag nang marinig ang sinabi nito.Biyernes ngayon at may usapan sila ni Neriah na manonood ng sine. Sinabihan pa niya ang anak na hintayin siya sa takdang lugar sa school gate.Agad siyang sumakay ng taxi. Nang makarating siya, madilim na ang paligid. Pagtingin niya sa school gate—wala.Natigilan siya.Nasaan si Neriah?Nilibot niya ang paningin, saka mabilis na nagpunta sa guardhouse.“Manong, may nakita po ba kayong batang ganito?” tanong niya, nanginginig ang boses habang ipinapakita ang larawan ni Neriah.Umiling ang guard. “Pasensya na po, ma’am. Wala po.”Umangat ang hilo sa ulo ni Naomi. Kumalabog ang dibdid niya nang bigla—“Mommy!”Paglingon niya, nandoon si Neriah, kumakaway.“A







