INICIAR SESIÓNChapter 66Akala niya panaginip lang iyon. Lasing lang siya.Pero malinaw pa rin sa isip ni Cormac ang nangyari.“Bakit, Cormac?” halos pabulong ngunit mariin ang tono ni Madison.“Ayaw kong maging... Dalawang taon lang ang tanda mo sa’kin. Pwede mo naman akong tingnan bilang babae, hindi ba?”Bago pa siya makasagot, marahas nitong hinila ang zipper sa likod ng suot na asul na knitted dress. Dahan-dahan itong dumulas pababa, lumantad ang makinis na balat.“Madison!” malamig ang boses ni Cormac, halos parang utos.Nanginig ang babae, mabilis na sinuot muli ang damit, nanginginig ang mga kamay. “I’m sorry… I’m sorry,” bulong niya, bago tumakbo palabas ng silid, tinatakpan ang mukha sa hiya.Tahimik na napaupo si Cormac, sumandal sa headboard. Humugot ng malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang sigarilyo at sinindihan iyon.Gusto niya sanang ayusin ang sarili. Pero kahit saan siya magpunta, iisa pa rin ang laman ng kaniyang isipan..Lumapit siya sa bintana. Hinangin ang kurtinang kul
Chapter 65Alas-diyes ng umaga nang dumalo kami sa isang malaking operasyon sa departamento ng cardiac surgery.Si Dr. Enrico, ang kauna-unahang cardiac surgeon sa Pasig, ang nanguna mismo sa operasyon, na ini-live broadcast pa ng mga pangunahing media outlet.Matapos ang pitong oras na operasyon, matagumpay itong natapos nang walang anumang komplikasyon.Sa labas ng operating room, nagbigay ng limang minutong panayam si Dr. Enrico bago niya tinawag ang kanyang team.Pagkatapos, bahagya siyang lumayo sa gitna ng mga tao at ngumiti nang mapansin si Cormac na nakatayo hindi kalayuan.“Tito Miguel,” bati ni Cormac nang magkalapit sila.“Umuwi ka mamayang gabi,” sabi ni Dr. Enrico na may ngiti sa labi. “Sabay tayong maghapunan. Naghihintay na ang Tita mo sa bahay. At si Madison na ilang beses na niya akong tinanong nang malaman niyang darating ka ngayon.”Ang pamilyang Enrico sa Pasig ay kilalang angkan ng mga doktor. Ang ama ni Dr. Enrico ay dating military doctor at matagal nang kaibiga
Chapter 64Hindi kailangang dumalo ni Naomi sa kasal ng pinsan pero dapat pa rin siyang pumunta kahit sandali dahil hiling ng lola.Kaya nang dumating ang weekend, kumuha siya ng day-off sa trabaho. Plano sana niyang isama si Neriah, pero mahigit isang daang kilometro ang biyahe, kaya pinakiusapan na lang niya si Lola Maria na bantayan muna ito.Bumili siya ng ilang vitamins at gatas para kay Lola bago sumakay ng bus. Dalawang oras at kalahati ang biyahe.Pagdating niya sa Laguna tila bumalik siya sa nakaraan. Dito siya lumaki. Dito niya natutunang maglakad, magbasa, at umiwas sa tsismis ng baryo.Ngayon, habang naglalakad siya sa makitid na daan, napansin niyang maraming matatandang nakaupo sa harap ng mga bahay—mga kilalang mukha noong bata pa siya. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakilala siya.Tinitigan lang siya na para bang estranghera.Nagsimula na namang umalingawngaw ang mga bulungan na pilit niyang kinakalumutan pero bumabalik pa rin sa alaala niya.“’Yan ba ang apo ni Lai
Chapter 63Dinala ni Naomi ang anak niya papasok sa elevator.Gaya ng nakagawian, hindi nakalimot si Neri na lumingon at kumaway.“Bye, Doc Pogi! Bye, Yda!” masigla nitong sigaw habang pumipindot sa air, parang totoong nagpa-farewell show.Napangiti si Naomi kahit medyo nangilid ang luha niya. Pero nang magsara ang pinto ng elevator, dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ng anak.“Neri,” mahinahon niyang sabi. “Naalala mo ‘yong sinabi ni Mama dati?”Tumango ang bata, kumunot ang noo. “’Yung huwag ko daw sabihin kay Doc Pogi na kamukha siya ni Daddy?”“Oo, ‘yun nga,” mahinang tawa ni Naomi, pero may halong kaba. “Kasi… baka magalit si Doc Pogi o malito lang siya, okay?”“Pero, Mama,” sabat ni Neri, nakatungo, “bakit po talaga sila magkamukha? Si Doc Pogi at si Daddy?”Sandaling natigilan si Naomi. Nilagay niya ang kamay sa pisngi ng anak at pinilit ngumiti.“Siguro kasi mabait din si Doc Pogi, gaya ng Daddy mo,” sagot niya, pilit na kalmado ang tono. “Pareho silang may mga ngiti na… para
Chapter 62“Ma, nagsisinungaling ka. Walang lamok dito e.” Nanliit ang mata ni Neriah at muling yumakap sa kanya. “Eh bakit meron ka rin sa leeg, Ma?”Natigilan si Naomi. Wala siyang maisagot. Hindi talaga niya kayang ipaliwanag.Sa sandaling iyon, may narinig siyang kaluskos sa labas ng pinto. Tumayo siya at binuksan iyon. Pumasok ang golden retriever, masiglang kumakawag ang buntot.Diretso ito sa kama at tumingin kina Neriah at sa maliit na aso doon.“Hello! Ako si Neriah,” masayang bati ng bata.Mahilig talaga si Neriah sa mga aso. Sa bahay pa lang nila, may dalawa na silang alaga. Marahan niyang hinaplos ang mukha ng golden retriever, at n
Chapter 61Hindi rin niya magawang pumunta sa study o silid-tulugan nito para hanapin ang data cable nang walang pahintulot niya.Tahimik na lumingon si Naomi at marahang naglakad.Gumalaw ang lalaki.Nahulog ang kumot na nakatakip sa kanya sa sahig.Tahimik na lumapit si Naomi, yumuko para pulutin iyon, mahigpit na hinawakan ng kanyang mahahabang daliri, saka muling itinakip sa lalaki.Paalis na sana siya nang biglang may humawak sa kanyang pulso.Pagkatapos, iminulat ni Cormac ang kanyang mga mata.Ang dilim ng gabi at ang mga matang iyon parang nang-aakit.Mabilis na tinangkang hilahin ni Naomi ang kamay niya, ngunit mas mahigpit ang kapit ng lalaki.“D-Dr. Lagdameo.. ehem, malapit nang maubos ang battery ng phone ko. May charger ka ba…”Hindi na niya natapos ang sasabihin.Damang-dama niya kasi na bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa pulso niya ngunit naramdaman niya rin ang magaspang na dulo ng mga daliri nitong dumadampi sa balat niya.May kakaibang panginginig na dumaloy s







