Chapter 7
Dinala niya ang anak palayo.
Hindi nakalimot si Neri na lingunin at kumaway kay Cormac.
Lumapit ang isang babaeng katabi ni Cormac at nakangiting nagbiro, “Kamag-anak mo? Kamukha mo kasi ‘yung bata. Ang gaganda ng lahi n’yo ha.”
“Magkakahawig ba kami?” bahagyang tinaas ni Cormac ang kilay.
Pag-angat niya ng tingin ay nakalayo na si Naomi at ang bata.
Kung totoo ngang may ganito na siyang kalaking anak, siguradong tuwang-tuwa ang kaniyang ina. Pero imposibleng managyari iyon.
Gayunpaman, cute talaga ang batang iyon.
At sa pag-alala niya kay Lydia ay may kung anong kakaibang kirot na dumaloy sa dibdib ni Cormac.
SA DAAN pauwi.
“Ma, naiwan ko ‘yung Potato sa sasakyan ni Doc Pogi”
“Potato?” saka lang napagtanto ni Naomi na tinutukoy ng anak ang maliit nitong puppy na iniligtas niya sa kalsada.
Naisip niya ang halos aksidenteng nangyari at bigla siyang naging seryoso. “Neri, huwag ka nang gagawa ng ganoong kapanganib ulit.”
“Alam ko naman po iyon, Mommy. Pero mabagal naman ‘yung pagmamaneho ni Doc Pogi. Hindi naman niya ako nabangga, natakot lang ako kaya nadapa.”
“Hindi pa rin tama ‘yon,” hinaplos ni Naomi ang buhok ng anak.
“Pero Mommy, nasa kotse pa rin si Potato—‘yung si Doc pogi na kamukha ni Daddy.”
“Neri, hindi puwedeng sabihin sa iba na kamukha ni Daddy mo si Dr. Lagdameo. Baka m-magalit siya. Respeto ang kailangan natin ibigay sa kaniya, okay.” Medyo nagkakanda-utal na si Naomi sa pag-aalala at hindi na maipaliwanag nang maayos.
Tumango na lang ang bata nang masunurin. Niyakap ni Naomi ang anak nang mahigpit.
Ang pagsisinungaling ay parang buhol sa puso kapag lalo mong hinila, lalo lang humihigpit at kumakapit.
Hindi niya kayang hingin ulit kay Cormac ang aso. Bukod pa roon, nakikitira lang sila sa lumang bahay ni Lola Maria; kapag may aso, siguradong maiistorbo ang mga kapitbahay.
Alam niyang hindi naman talaga galit si Cormac sa aso, pero alam din niyang hindi ito taong madaling maantig.
Noon, minsan din niyang binuhat ang isang kaawa-awang asong gala at umaasang papayag itong kupkupin muna habang taglamig. Tinanggihan siya nito.
Si Cormac, iba ang asal sa kama, pero kapag sa totoong buhay ay malayo ang loob at medyo matalim magsalita.
“Neri, kapag magaling ka na pagkatapos ng operasyon at nakabili na tayo ng sariling bahay, puwede na tayong mag-alaga ng aso.”
“Pero hindi na ‘yun si Potato…” Mahina ang tinig ng anak, pero tumama iyon sa puso ni Naomi.
Alas-nuwebe ng gabi.
Kasama ni Naomi ang anak sa pagguhit ng hand-painted poster. Gumuhit ang bata ng isang magandang maliit na aso sa papel as in sobrang cute.
Hindi napigilan ni Naomi ang sarili, kinuha ang business card at dinial ang numero ni Cormac.
Gusto niyang hingin si Potato.
Siguro work number naman iyon aniya habang nakapako ang mata sa business card ng lalaki.
Pangalawang beses pa lang niya itong tatawagan sa loob ng pitong taon.
Ang una ay anim na taon na ang nakararaan, nakahiga siya sa ospital, mahina matapos ang matinding pagdurugo.
Tinawagan niya ito sa kalagitnaan ng gabi at narinig ang malalim nitong boses.
“Hello, sino ‘to?”
Pagkarinig pa lang ng tinig, ibinaba na niya agad ang tawag.
Ngayon, nakatayo siya sa balkonahe, tanaw ang anak na anim na taong gulang na nanonood ng TV sa sala. Sinara niya ang pinto at isinandal ang likod doon.
Tinitigan niya ang numero sa screen nang matagal, nag-alinlangan, saka muling tinawagan.
Tumunog ang cellphone ng tatlong beses bago sagutin.
Boses ng isang babae ang narinig niya.
“Hello, hinahanap mo ba si Cormac?” Maganda ang tinig nito.
Parang nanlamig ang dugo ni Naomi. Hawak ang cellphone, nanigas ang lalamunan niya at walang lumabas na salita.
Ilang beses pang nagsalita ang babae sa kabilang linya.
“Hello?”
Nabawi ni Naomi ang tinig niya.
“Pasensya na, maling number yata ang na-dial ko.”
“Maybe not. Are you his patient? If you’re looking for Cormac. Naliligo siya ngayon. Sabihin ko na lang na tawagan ka mamaya.”
“S-sige…” aniya at pinatay ang tawag.
Nakasandal pa rin ang likod sa pinto; dahan-dahan siyang dumulas pababa hanggang sa mapaupo sa sahig. Alas-nueve na ng gabi.
Sino kaya ang babaeng kausap niya sa cellphone? Girlfriend niya ba iyon? Sa gwapo ng mukha at tayog ng pamilya ni Cormac, hinding-hindi ito mauubusan ng babae.
Huminga nang malalim si Naomi; sa maputlang mukha niya, may bakas ng matinding pagod. Nakaupo siya roon sa may pinto, nakatingala sa madilim at malamlam na sinag ng buwan sa labas ng bintana.
Alam niyang wala siyang karapatang masyadong makialam sa mundo ni Cormac. Pitong taon na ang lumipas. Magkaibang-magkaiba na ang mga mundo nila.
Marahil nakalimutan na rin nito ang tawag sa kaniya… Baby Lydia. O marahil, para sa isang lalaking kasing-antas niya, ang pakikipag-ugnayan sa isang dating mataba ay isang dungis sa pangalan ni Cormac Lagdameo, isang kahihiyan.
Kung hindi siya nagpapansin noon, kailan ba siya mamahalin ng lalaki?
May banayad na hypoglycemia si Naomi. Nang bumangon siya, mahigpit na kumapit ang mga daliri niya sa seradura ng pinto. Pumikit siya at inagapan ang paghinga. Umiikot ang paligid, nanghihina ang mga tuhod.
Pagkapanganak niya, bigla siyang pumayat at kasabay ng pagpayat, sumulpot ang hypoglycemia. Lumalala ito kapag sobra ang pagod, kapag kinakahan o nag-aalala ng sobra.
Biglang nag-vibrate ang cellphone sa kanyang palad na parang sasabog. Tiningnan niya ito—ang numero ng lalaki ay muling kumikislap sa screen. Tumatawag pabalik si Cormac.
Nag-ring ang cellphone niya at sa bawat pag-vibrate nito, parang namanhid ang kanyang mga daliri. Tumitig siya sa numerong nagbabalik-balik sa screen. Huminga nang malalim at sinagot ito.
KAKATAPOS lang maligo ng ni Cormac. Nakasuot siya ng itim na pajama, basa pa ang maiikling buhok, matalim ang mga mata. Saglit siyang tumingin sa munting aso sa sahig, umuungol habang dumedede ng gatas. Habang hawak ang cellphone, nilapitan niya ito at nang makitang mahihiga na sa palanggana ay agad niya itong binuhat.
“Hello, sino ’to? Ano’ng kailangan mo?” malamig na tanong ni Cormac anng sagutin ang kaniyang tawag.
“Dahan-dahan ka nga,” sabat ni Georgia, sabay agaw sa aso at inilagay ito sa sariling mga bisig.
Sa kabilang linya, napahinto si Naomi; naipit sa lalamunan ang mga salitang sasabihin niya. Ang nasa isip niya’y nilalaro nito ang babae, nasa piling ng kasintahan habang nakikipag-usap sa kanya. Naghalo ang dugo’t lamig sa kanyang mukha, nanigas ang labi at kagat ito nang mariin.
“Hello, kung may sasabihin ka, sabihin mo na,” banayad ngunit walang emosyon ang tono ni Cormac.
Akala niya pasyente lang ang tumatawag; 24 oras bukas ang numerong iyon para sa mga emergency.
“Mendoza po. ’Yong aso ng anak ko… nasa kotse niyo pa ba?”
Natahimik saglit si Cormac. Hindi niya alam kung dala ba ito ng madalas niyang pag-iisip kay Lydia nitong mga nakaraang araw, pero parang pamilyar ang tinig ng babae.
“Ah, nasa akin.”
“Pwede po ba ngayong araw na maibalik? Mahal na mahal po ng anak ko ang asong iyon…”
“Sa susunod na linggo na. Bukas aalis ako, tatawagan kita kapag nakabalik na akong Manila.”
“Sige, Doc. Pasensya na sa abala.” Pinagdikit ni Naomi ang kanyang mga labi.
Bago niya maibaba ang cellphone, sumingit ang mababang tinig ni Cormac, “Anong pangalan mo? Itatala ko.”
“Naomi, Doc. Naomi Mendoza.”
“Nomi?” Kunot-noong ulit ni Cormac. “Anong klaseng pangalan iyon?”
Napairap si Georgia. “Naomi raw as N-A-O-M-I ’yun ang pangalan, bingi ka ba?”
Narinig ni Naomi ang malambing at bahagyang pabalang na tinig ng babae sa kabilang linya. Sa isip niya, isa iyong anak ng mayamang pamilya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras—ibinaba niya ang tawag.
Kumuyom ang kamao niya at napahawak sa dibdib.
Chapter 13Hindi rin nakatulog si Cormac. Mayroon pa siyang aasikasuhing operasyon kinaumagahan, kaya dapat ay maaga siyang makapagpahinga. Subalit paikot-ikot siya sa higaan, binabaha ng paulit-ulit na alaala ang kanyang utak. Ilang beses siyang pumikit, pilit na tinataboy ang iniisip, pero bawat sulyap niya sa kisame ay parang imahe ni Lydia ang nakaukit doon.Sa huli, napilitan siyang uminom ng sleeping pill. Ngunit maya-maya lang ay muling lumitaw ang mukha ni Lydia sa kanyang isip.Umuulan noon at halos wala nang tao sa parking lot ng campus nang makita ni Cormac si Lydia na pawisan at may dalang maliit na karton. “Lydia, ano ’yang dala mo?” tanong ni Cormac, nakataas ang isang kilay.Lumapit ang babae, at nang idikit sa kanya ang karton, sumilip ang isang gusgusing tuta na payat, nanginginig, at may sugat sa tenga.“Napulot ko lang sa labas. Walang pumapansin, kawawa naman. Cormac… pwede bang ikaw muna ang mag-alaga?” Nagmamakaawa ang mata ni Lydia.Napasinghal si Cormac. “Ako?
Chapter 12Malinaw na hindi naniwala si Cormac. Dumulas ang kanyang mga mata sa mukha ng babae, parang gustong basahin ang nakatagong lihim.Uminit ang hininga ni Naomi. Mahigpit niyang kinuyom ang tuta sa kanyang mga bisig at kusang umatras ng dalawang hakbang, hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa malamig na pader ng elevator.“Tanong lang naman, Miss Mendoza. Bakit ka ba parang kabado?” malamig at mabagal ang tinig ng lalaki.Pinilit ni Naomi na huwag ipakitang nanginginig ang boses niya. “Dr. Lagdameo,” matigas ang tinig niya, “hindi ba sa tingin mo masyado nang bastos ang ginagawa mo?”“Nakatayo lang ako sa labas ng elevator, dalawang metro ang layo sa iyo, tatawagin mo akong bastos?” Pagkasabi noon, tumigil siya sandali, saka dahan-dahang ngumisi. “O baka naman… may tinatago ka?”Nanlamig ang batok ni Naomi. “Kung mayroon man akong tinatago,” mabilis ang sagot niya, “ikaw ang huling taong dapat makialam.”Bahagya pang lumapit si Cormac, hindi para pumasok kundi para lalo siy
Chapter 11Biglang gusto ni Naomi na tumakbo paalis. Ngunit may bahagyang tinig sa loob niya na ayaw pang bumitaw.Mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang baywang ni Cormac.Pinilit ni Naomi ang sarili na amgsalita“Dr. Lagdameo," mariing bigkas niya.Saka lamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Mabilis siyang tumayo, humakbang papalayo sa lalaki, saka huminga nang malalim.“Dr. Lagdameo,” wika niya. “Kung ayaw mong igalang sarili mo, pwes igalang mo ako.”Pagkasabi nito, bigla siyang tumalikod at lumabas.“Paggalang sa sarili…” marahang ngumiti si Cormac. Sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Naomi.Ang mahabang palda blue nito ay lumilikha ng banayad na alon habang ito'y naglalakad, at may manipis na halimuyak na sumasabay sa hangin. Napakagat labi siya habang nakatitig sa manipis na bewang ng babae. Hindi niya napigilan ang sariling ilagay ang daliri sa sariling labi at ngumiti.Makalipas ang ilang minuto, palabas na rin si Cormac mula ospital at sa di-kalayuan ay na
Chapter 10Naaalala ni Naomi na isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Cormac na abala siya at sa susunod na linggo na lamang niya kunin ang aso.Ilang araw pa lang ang nakaraan nang kausapin niya si Lola Maria tungkol sa pag-aalaga ng aso. Agad pumayag ang matanda; may maliit na terasa kasi sa labas ng kanilang silid sa attic kaya may malaya itong gagalawan. Nang magpasiya si Naomi na alagaan ang aso, pinangako niya sa sariling pag-aaralan niyang mabuti ang pagpapalaki rito. Basta’t hindi gaanong maingay at di istorbo sa kapitbahay, makakasama pa ito ni Neri kapag siya’y abala.Maraming puamsok sa isipan niya nitong isang linggo. At isa roon kahit wala mang kasintahan si Cormac, imposibleng sila pa rin ang magkatuluyan.Mula ngayon, iiwasan na niya ang numero ni Cormac kapag may follow-up checkup sa ospital. Malaki ang Manila kaya maliit ang posibilidad na lagi silang magkita.Napansin ni Hannah ang kunot sa noo ni Naomi. “Ano’ng problema? May nangyari ba?”“Wala naman.” Um
Chapter 9Napailing na lamang ang ginang. “Inaasar mo nanaman ata ang kapatid mo.”Pumasok ang inang si Olivia. Agad nitong dinakma ang kamay ni Cormac at nag-usisa. “Anak, naghahanap ka ba ng kasintahan o ng modelong pang-rampa? Ang mga pamantayan mo, puro numero at sukat. Hindi ka naman engineer…” “Ma, I’m busy. Please iwan niyo muna ako,” agap ng anak.“Oh, okay.” +Mabilis na isinara ang pinto ni Mrs. Olivia.Bumuntong-hinga ito pagkalabas at naroon pa rin si Georgia na natatawa dahil hindi manlang tumagal ng dalawang minuto e lumabas na rin.“Huwag mo munang ipapaalam sa ama mo ang type na babae ng kapatid mo. Baka sabihing kabastusan at kababawan lang alam,” sermon dito.“Ma…” maingat ang boses ni Georgia, “naaalala mo ba… noong nasa college si Cormac? May girlfriend siya…”“Naaalala ko. Dahil sa babaeng ’yon kaya pinaalis si Ace Mirando papuntang abroad…” Malinaw sa isip ni Mrs. Olivia ang nangyari noon. Siya mismo ang nakakita ng gulo.Halos nakalimutan na ni Mrs. Olivia ang
Chapter 8Pagkapasok ni Naomi sa sala, halos pumikit na sa antok si Neri. Binuhat niya ang bata papasok sa kuwarto, marahang hinaplos ang likod, saka isiniksik sa mga braso nito ang pink na rabbit na laruan.Inayos niya ang gamit ng anak para sa eskuwela, saka napatingin sa munting asong kulay krema na nakahiga sa lumang diyaryong ginuhitan ng kamay.Napabuntong-hinga si Naomi. Nagpasya siyang dumaan bukas sa pet shop para tumingin ang mga aso.Ibinagsak naman ni Cormac ang cellphone sa mesa sa tabi ng kama. Nakapulupot sa leeg niya ang gray na tuwalya, pinupunasan ang basa niyang buhok.Nakatayo malapit si Georgia, sunod-sunod ang tanong.“Babaeng pasyente ba ’yon? Bata at maganda ang boses ha. Single ba? Pabebe ka magsalita ha. Siya ba may-ari nitong aso?”“Ate Georgia, kailan ka naging tsismosa?” Mababa ang tinig ni Cormac, nakapikit ang talukap habang binabanggit ang pangalan nito.“Aba, nag-aalala lang ako sa ’yo ‘no. Wala ka bang balak mag-asawa?”Bahagyang kumurba ang kanyang l