Chapter 6
Itinaas niya ang paa at naapakan ang isang red na rabbit stuffed toy, mapusyaw ang kulay at may dalawang mahabang tainga. Sa likod nito, may buntot at pakpak na parang sa bubuyog.
Naalala ni Cormac na paboritong-paborito iyon ni Lydia noon. Tinawag pa nga niya itong “mutant rabbit,” na hindi mawari kung kuneho ba o kung ano. Pangit iyon apra sa kaniya dahil may pakpak pa sa likod.
Tahimik lang si Lydia noon, tinititigan siya. Gustong-gusto niya ang laruan, kaya’t sinabihan niya itong pangit para lang asarin. Napanalunan niya ito sa claw machine sa sinehan. Gustong-gusto ni Lydia ang laruan kaya’t kumapit pa ito sa braso niya at nagpa-cute para makuha iyon.
Maging itong pangit na laruan, ibinalik rin sa kanya.
Noonng gabing iyon, galit na galit na tinawagan ni Cormac ang numero ni Lydia pero hindi na niya ma-contact. Walang kahit anong hinihingi ang babae at tinapos nito lahat nang malinis, at naglaho na parang bula.
Pitong araw na ang lumipas at ni anino ni Lydia ay wala na siyang balita. Ang alam lang ni Cormac, bigla itong nag-drop out sa school at naglaho na.
Abala siya sa pag-aaral noon, at ang medisina ay hindi madaling aralin. Kinuha na rin ng kuya niya ang pamumuno sa Lagdameo Company, kaya kusa na siyang umurong sa usapin ng mana. Ayaw niyang masira ang relasyon nilang magkapatid, at wala rin siyang balak umuwi agad sa Pilipinas.
Isang tinik si Lydia sa puso niya. Hindi niya alam kung kailan o paano naibaon ang tinik na iyon ng hindi niya namamalayan. Kinasusuklaman niya ang nangyari sa relasyon nilang dalawa, pero hinahanap din ang presensya ng babae. Hindi niya akalain na masasaktan niya ng dahil sa babae.
Hapon iyon at nagmamaneho si Cormac papunta sa trabaho. Biglang may tumawid sa harap ng sasakyan at mabilis niyang inapakan ang preno.
Kaagad siyang bumaba at sinilip ang nangyari. Isang batang babae ang nakaupo sa lupa, at nanginginig pa ang katawan habang yakap ang isang maliit na aso.
“Damn! Are you okay? May masakit ba?” Yumuko siya, inalalayan ang bata at mabilis na sinuri. Wala namang malalalim na sugat, gasgas lang sa mga palad na dumapo sa semento.
Mukhang takot na takot ang bata. Namumula ang mga mata.
“A-ayos lang po ako. Pakitingnan na lang po si puppy, muntik na pong masagasaan ng kotse n’yo,” mahina nitong sabi
Isang bilugan at matabang tuta, mga dalawang buwan pa lang, ang yakap ng bata. Napakunot ang noo ni Cormac. Parang pamilyar ang batang nasa harap niya. Maputi ang balat, itim at maningning ang mga mata. Nakakagulat na natatandaan niya ang pasyente kahit minsan lang niya ito nakita. Araw-araw napakarami niyang pasyente, pero kilala niya ang batang ito.
Siya ‘yung dati nang nagparehistro sa kanya… ah her surname is Mendoza.
“Alam mo bang sobrang delikado ‘yung ginawa mo? Kung hindi ako agad nakapreno, baka napahamak ka,” pagalit niya sa bata sa mahinahong tono.
Lumingon siya sa paligid at walang ibang tao maliban sa bata.
“Nasaan ang mga magulang mo?”
Para lang mailigtas ang isang maliit na aso, tumawid ito.
Kagat ang labi ng bata bago bumuka ang bibig. “And–”
“Neri!” tawag ng isang babae.
Kasabay ng mga yabag ng pagtakbo, sumulpot ang isang pamilyar na bango sa mainit at alinsangang hapon.
Mabilis na lumapit si Naomi at niyakap ang balikat ng anak. “Neri, ayos ka lang ba?”
“Mommy, wala akong sugat, pati ‘yung puppy, ligtas din po.” Ipinakita ng bata ang maliit na gasgas sa palad. Yumakap ito sa leeg ni Naomi. “Mommy, hindi naman po masakit.”
Habol-hininga si Naomi. Linggo noon at nagpunta silang mag-ina sa KFC. Pagkaharap niya para kunin ang order, wala na ang anak niya paglingon niya. Narinig niya ang malakas na preno at halos tumigil ang tibok ng puso niya. Buti na lang at ligtas ang anak niya.
Pag-angat ng tingin, nakita niya si Cormac. Kinagat niya ang labi at bahagyang nanlaki ang mga mata. Naka-sportswear na kulay gray si Cormac, matangkad at mahaba ang mga binti, ang isang kamay ay nasa bulsa, malamig ang titig. Mga dalawang metro ang pagitan nila.
Nagkatitigan sila. Tumayo si Naomi at pumuwesto sa harap ni Neri. Parang bumibilis ang tibok ng puso niya.
Bumuka ang labi niya, halos pabulong, “Ah… ikaw…”
Hindi naka-mask si Naomi noon, malinaw ang kanyang mukha, may bahid ng pagka-intelektuwal ang aura. Humahaplos ang mainit na hangin ng tag-init sa laylayan ng kanyang light blue na palda, habang nag-aalab ang araw sa tuktok nila.
Kahit dalawang metro lang ang layo nilang dalawa, parang lumabo ang paningin ni Naomi at umikot ang mundo. May umuugong sa tainga niya.
“Sumakay na kayo sa kotse ko at dalhin ko kayo sa ospital para ma-check ang anak mo.” Tiningnan siya ni Cormac habang nakaharang siya sa harap ng bata, parang inahin na pinoprotektahan ang sisiw.
“H-hindi na… hindi na kailangan… kaya ko nang dalhin ang anak ko sa ospital,” mahinang sabi ni Naomi, pilit kumakalma.
Napabuntong-hininga siya sa ginhawa. Ang ibig sabihin ng mga salita ni Cormac ay hindi siya nito nakilala.
Pumasok na si Cormac sa kotse, nagbusina, at tumingin sa kanila mula sa bintana.
“Surgeon ako. Maraming aksidente sa kalsada na walang sugat sa labas pero grabe sa loob. Kung may mangyari man, ako ang mananagot.” Gusto sana niyang sabihin na nakapagpa-appointment ka sa akin dati.
Pero sa sandaling iyon, hindi niya naiwasang tumingin ulit sa babae sa labas. Maputi itong parang porselana pero namumula sa ilalim ng araw.
Ang kulay-asul na palda ang lalong nagpalutang sa sexy at mahinhin niyang pangangatawan.
Hindi niya alam kung dahil ba sa asul kaya lalo pang luminaw at kumislap ang kaputian nito, pero bahagyang napatitig si Cormac at pakiramdam niya’y nakakasilaw ang buhok ng babae sa liwanag.Bata pa ang hitsura niya, at kung pagmamasdan, hindi mo iisiping may anak siyang anim o pitong taong gulang. Pakiramdam ni Cormac, pamilyar ang babae. Pero kung tatanungin niya, parang pick-up line lang. At kakaiba ang babaeng ito.
Kung ibang magulang pa iyon, sa oras na makita ang anak na muntik nang masagasaan, tiyak na hindi mapakali at ipapa-hospital agad ang bata, hihingi ng bayad-danyos, sisiguruhing kumpleto ang tests. Pero ibang-iba siya.
Sumakay si Naomi kasama ang anak sa kotse. Umupo sila sa likod. Diretso sila sa ospital at pina-test ang bata. Nanatili si Cormac sa tabi nila. Kinailangan ng chest at abdominal CT scan, at dapat may magulang na kasama sa bata.
Buhat ni Cormac si Neri nang pumasok sila sa hall.
“Dr. Lagdameo, kamukhang-kamukha n’yo pala ang anak n’yo,” biro ng isang doktor.
Mariing kinagat ni Naomi ang labi. Halata ba? Shit!
Bigla niyang naramdaman ang ilang pares ng matang nakatitig sa kanya. Pinisil niya ang palad at ibinaba ang tingin. Hindi niya sinulyapan ang ekspresyon ni Cormac.
Ngumiti lang nang bahagya si Cormac at humarap sa kaniya, “Lumabas ka muna. May radiation dito.”
Sa ospital, kilalang-kilala si Dr. Lagdameo. Saan man siya pumunta, napapatingin ang lahat. Sumusunod si Naomi sa likuran niya, nakayuko, pero ramdam niyang sa kanya nakatuon ang tingin ng mga tao.
Naririnig pa sa paligid ang mga bulong.
“Sino ‘yung batang buhat ni Dr. Lagdameo?”
“‘Yung babaeng kasama niya, girlfriend kaya niya?”
“Ganito ba ang type niya?”
“Pero nong ni-reject niya si Amery dati, sabi niya gusto niya ‘yung malaki ang dibdib, maputi at mahaba ang legs.”
“Grabe ka naman, mukha naman siyang matinong tao. ‘Di ba anak ni Dr. Ty si Amery? Pinilit pa niyang malipat sa Department of Cardiac Surgery para lang mapalapit kay Dr. Lagdameo, tapos ni-reject pa rin siya.”
“O, tama na nga kayo sa hula. Baka kamag-anak lang ‘yan ni Dr. Lagdameo. Ang bata parang anim na taon na. Wala pa ngang trenta si Dr. Lagdameo.”
“Pero ang ganda naman ng babae, ang elegante at ang disente tingnan.”
Maghapon nilang in-examine si Neri at lumabas na mga mild soft tissue contusions lang sa tuhod at pulso ang meron.
Huminga nang maluwag si Naomi.
“Pasensya na po sa abala,” sabi niya kay Cormac.
“Ito ang contact details ko. Kapag may nangyari sa anak mo, tawagan mo ako,” sagot ni Cormac.
Ibinaba ni Naomi ang tingin sa business card, dumulas ang mga mata niya sa mahahaba at malilinis na daliri ng lalaki.
“Sige, Doc.” Tinanggap iyon ni Naomi.
Hinawakan ni Cormac ang kamay ni Neri. “Mag-iinag ka sa susunod, okay?”
“Yes po, Doctor Pogi.” Nakangiting sambit ng bata.
Tumalikod na si Naomi hawaka ng kamay ng anak.
Ilang hakbang pa lang ay may narinig siyang boses mula sa likuran.
“Hindi pa ba tayo nagkikita?” medyo paos na tanong ni Cormac.
Natigilan si Naomi. “Ah, Dr. Lagdameo, siguro po nakalimutan n’yo. May sakit po sa puso ang anak ko. Kayo po iyong Doctor niya noong wala si Dr. Bautista.”
Bahagyang kumunot ang noo si Cormac pagkatapos ay ngumiti at nanliit ang mga mata.
Nagbuntong-hininga si Cormac. “Hindi naman gano’n kabilis mawala ang memorya ko, Misis Mendoza.”
Pagkarinig ng pangalan na iyon, napatingala si Naomi. Nakaharap sa kanya ang lalaking may seryosong mukha at malalalim na matang itim at biglang kumalabog ang puso niya.
Chapter 13Hindi rin nakatulog si Cormac. Mayroon pa siyang aasikasuhing operasyon kinaumagahan, kaya dapat ay maaga siyang makapagpahinga. Subalit paikot-ikot siya sa higaan, binabaha ng paulit-ulit na alaala ang kanyang utak. Ilang beses siyang pumikit, pilit na tinataboy ang iniisip, pero bawat sulyap niya sa kisame ay parang imahe ni Lydia ang nakaukit doon.Sa huli, napilitan siyang uminom ng sleeping pill. Ngunit maya-maya lang ay muling lumitaw ang mukha ni Lydia sa kanyang isip.Umuulan noon at halos wala nang tao sa parking lot ng campus nang makita ni Cormac si Lydia na pawisan at may dalang maliit na karton. “Lydia, ano ’yang dala mo?” tanong ni Cormac, nakataas ang isang kilay.Lumapit ang babae, at nang idikit sa kanya ang karton, sumilip ang isang gusgusing tuta na payat, nanginginig, at may sugat sa tenga.“Napulot ko lang sa labas. Walang pumapansin, kawawa naman. Cormac… pwede bang ikaw muna ang mag-alaga?” Nagmamakaawa ang mata ni Lydia.Napasinghal si Cormac. “Ako?
Chapter 12Malinaw na hindi naniwala si Cormac. Dumulas ang kanyang mga mata sa mukha ng babae, parang gustong basahin ang nakatagong lihim.Uminit ang hininga ni Naomi. Mahigpit niyang kinuyom ang tuta sa kanyang mga bisig at kusang umatras ng dalawang hakbang, hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa malamig na pader ng elevator.“Tanong lang naman, Miss Mendoza. Bakit ka ba parang kabado?” malamig at mabagal ang tinig ng lalaki.Pinilit ni Naomi na huwag ipakitang nanginginig ang boses niya. “Dr. Lagdameo,” matigas ang tinig niya, “hindi ba sa tingin mo masyado nang bastos ang ginagawa mo?”“Nakatayo lang ako sa labas ng elevator, dalawang metro ang layo sa iyo, tatawagin mo akong bastos?” Pagkasabi noon, tumigil siya sandali, saka dahan-dahang ngumisi. “O baka naman… may tinatago ka?”Nanlamig ang batok ni Naomi. “Kung mayroon man akong tinatago,” mabilis ang sagot niya, “ikaw ang huling taong dapat makialam.”Bahagya pang lumapit si Cormac, hindi para pumasok kundi para lalo siy
Chapter 11Biglang gusto ni Naomi na tumakbo paalis. Ngunit may bahagyang tinig sa loob niya na ayaw pang bumitaw.Mahigpit ang pagkakayakap sa kanyang baywang ni Cormac.Pinilit ni Naomi ang sarili na amgsalita“Dr. Lagdameo," mariing bigkas niya.Saka lamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Mabilis siyang tumayo, humakbang papalayo sa lalaki, saka huminga nang malalim.“Dr. Lagdameo,” wika niya. “Kung ayaw mong igalang sarili mo, pwes igalang mo ako.”Pagkasabi nito, bigla siyang tumalikod at lumabas.“Paggalang sa sarili…” marahang ngumiti si Cormac. Sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Naomi.Ang mahabang palda blue nito ay lumilikha ng banayad na alon habang ito'y naglalakad, at may manipis na halimuyak na sumasabay sa hangin. Napakagat labi siya habang nakatitig sa manipis na bewang ng babae. Hindi niya napigilan ang sariling ilagay ang daliri sa sariling labi at ngumiti.Makalipas ang ilang minuto, palabas na rin si Cormac mula ospital at sa di-kalayuan ay na
Chapter 10Naaalala ni Naomi na isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Cormac na abala siya at sa susunod na linggo na lamang niya kunin ang aso.Ilang araw pa lang ang nakaraan nang kausapin niya si Lola Maria tungkol sa pag-aalaga ng aso. Agad pumayag ang matanda; may maliit na terasa kasi sa labas ng kanilang silid sa attic kaya may malaya itong gagalawan. Nang magpasiya si Naomi na alagaan ang aso, pinangako niya sa sariling pag-aaralan niyang mabuti ang pagpapalaki rito. Basta’t hindi gaanong maingay at di istorbo sa kapitbahay, makakasama pa ito ni Neri kapag siya’y abala.Maraming puamsok sa isipan niya nitong isang linggo. At isa roon kahit wala mang kasintahan si Cormac, imposibleng sila pa rin ang magkatuluyan.Mula ngayon, iiwasan na niya ang numero ni Cormac kapag may follow-up checkup sa ospital. Malaki ang Manila kaya maliit ang posibilidad na lagi silang magkita.Napansin ni Hannah ang kunot sa noo ni Naomi. “Ano’ng problema? May nangyari ba?”“Wala naman.” Um
Chapter 9Napailing na lamang ang ginang. “Inaasar mo nanaman ata ang kapatid mo.”Pumasok ang inang si Olivia. Agad nitong dinakma ang kamay ni Cormac at nag-usisa. “Anak, naghahanap ka ba ng kasintahan o ng modelong pang-rampa? Ang mga pamantayan mo, puro numero at sukat. Hindi ka naman engineer…” “Ma, I’m busy. Please iwan niyo muna ako,” agap ng anak.“Oh, okay.” +Mabilis na isinara ang pinto ni Mrs. Olivia.Bumuntong-hinga ito pagkalabas at naroon pa rin si Georgia na natatawa dahil hindi manlang tumagal ng dalawang minuto e lumabas na rin.“Huwag mo munang ipapaalam sa ama mo ang type na babae ng kapatid mo. Baka sabihing kabastusan at kababawan lang alam,” sermon dito.“Ma…” maingat ang boses ni Georgia, “naaalala mo ba… noong nasa college si Cormac? May girlfriend siya…”“Naaalala ko. Dahil sa babaeng ’yon kaya pinaalis si Ace Mirando papuntang abroad…” Malinaw sa isip ni Mrs. Olivia ang nangyari noon. Siya mismo ang nakakita ng gulo.Halos nakalimutan na ni Mrs. Olivia ang
Chapter 8Pagkapasok ni Naomi sa sala, halos pumikit na sa antok si Neri. Binuhat niya ang bata papasok sa kuwarto, marahang hinaplos ang likod, saka isiniksik sa mga braso nito ang pink na rabbit na laruan.Inayos niya ang gamit ng anak para sa eskuwela, saka napatingin sa munting asong kulay krema na nakahiga sa lumang diyaryong ginuhitan ng kamay.Napabuntong-hinga si Naomi. Nagpasya siyang dumaan bukas sa pet shop para tumingin ang mga aso.Ibinagsak naman ni Cormac ang cellphone sa mesa sa tabi ng kama. Nakapulupot sa leeg niya ang gray na tuwalya, pinupunasan ang basa niyang buhok.Nakatayo malapit si Georgia, sunod-sunod ang tanong.“Babaeng pasyente ba ’yon? Bata at maganda ang boses ha. Single ba? Pabebe ka magsalita ha. Siya ba may-ari nitong aso?”“Ate Georgia, kailan ka naging tsismosa?” Mababa ang tinig ni Cormac, nakapikit ang talukap habang binabanggit ang pangalan nito.“Aba, nag-aalala lang ako sa ’yo ‘no. Wala ka bang balak mag-asawa?”Bahagyang kumurba ang kanyang l