Home / Romance / My Deepest, Darkest Secret! / Chapter 122 - Wasted

Share

Chapter 122 - Wasted

Author: Megan Lee
last update Last Updated: 2025-07-05 10:25:11

Chapter 122 – Wasted!

Nagising na lang ako kinabukasan na masakit ang ulo ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Madilim sa kuwarto. May nakadagan na braso sa aking beywang at wala akong saplot! “God! Ano na naman ang kinasangkutan ko? Wala akong maalala?” sabi ko sa sarili.

Tinangka kong bumangon kaya nagising ang katabi ko. “George? Are you okay?” tinig ng lalaki na parang malayo sa aking pandinig.

“James???” sabi ko. Yun lang at nahilo na naman ako.

Pagmulat ko ng aking mga mata at nakatanghod sa akin si James. “James? Nasaan ako?” tanong ko sa kanya. “Masakit ang ulo ko!”

“Nandito ka sa condo ko. Tinawagan ako ni Ana kagabi dahil lasing na lasing ka. Hindi niya alam kung saan ka nakatira kaya hindi ka niya maihatid. Ako ang naisip niyang tawagan. Bakit ka ba naglasing?” sagot ni James. “Apparently, hindi ka kumain ng lunch, tapos uminom ka pa ng beer, kaya mabilis kang nalasing. Inumin mo ito para mawala yang hangover at sakit ng ulo mo.”

“Bakit nakahubad ako?” nagtataka kong tanong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 141-Imaginary Friend.

    Chapter 141-Imaginary friend.Gabi, habang kumakain kami ng hapunan ay lumapit si yaya na may bitbit na regalo. Naka-gift wrapped pa ito.“Ano yan, yaya?” tanong ni Kuya Hunter.“May nagpadala po ng regalo para kay JJ.” sagot ni yaya.“Regalo? That's weird! Hindi naman birthday ni JJ!” sabi ni Kuya Phillip.Inabot ni yaya ang regalo kay JJ. Binasa ni JJ ang nakasulat sa gift card. “JJ, So proud of you!”walang nakasulat kung kanino galing ang regalo. Agad namang binuksan ni JJ ang kahon at bigla itong sumigaw ng malakas sa tuwa ng makita ang nakasulat sa kahon. Isa itong 13-inch iPad Pro M4 Wi-Fi + cellular 2TB na may kasama pang Apple Pencil Pro. Top of the line at latest model ng iPad ito!Nagulat kaming lahat sa regalong natanggap ni JJ. “Kuya, sino sa inyo ang nagpadala ng iPad kay JJ?” tanong ko kina Kuya Phillip at Hunter.“Naku, hindi kami! Ni hindi nga namin alam kung anong okasyon kung bakit siya binigyan ng regalo!” sabay na sagot nina Kuya Phillip at Hunter.Hindi

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 140-Anak?

    Chapter 140-Anak?Pinirmahan nga ni Michelle ang "Affidavit of Undertaking and Confirmation," isang dokumento na nagsasabing inaamin ni Michelle na hindi si James ang ama ng ipinagbubuntis nito at hindi siya magsasampa ng anu mang kaso laban dito. Panay naman ang kuha ng mga litrato ni Atty. Ramirez sa pagpirma ni Michelle sa mga dokumento para may ebidensya at siya na rin ang magnonotaryo ng dokumento. Nakita ko sa mukha ni Michelle ang katuwaan ng abutin niya ang One Hundred Thousand Pesos na tseke mula sa akin. Kinunan rin ni Atty. Ramirez ito. “Ayaw na naming makita ang pagmumukha mo at higit sa lahat, huwag na huwag mo nang lalapitan pa o tatawagan si James!” mariin kong sabi kay Michelle. “Kapag lumabag ka sa ating kasunduan, ako mismo ang makakalaban mo!”Mula ng pirmahan ni Michelle ang dokumento hanggang sa pagtanggap niya ng tseke ay wala na itong masabi. Parang gusto na niyang umalis agad dala ang tseke. “Hindi ka ba hihingi ng tawad sa mga ginawa mo?” tanong ko k

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 139-Manloloko!

    Chapter 139- Manloloko!Kinabukasan kasama si Atty. Ramirez ay nakipagkita nga si James kay Michelle sa kanyang opisina. Sa may conference room sa tabi ng opisina ni James gagawin ang pag-uusap. Late ako ng ten minutes kaya pagdating ko ay nadoon na si Michelle. Sobrang sexy ng suot ko nung araw na iyo. Pinaghandaan ko talaga. Isang checkered na itim na blazer, white sleeveless blouse at white miniskirt with matching white higheeled shoes at white chanel bag. Modelong modelo ang peg ko ng dumating ako kaya ang mga tao sa lobby ng opisina ni James ay napapalingon. Pagdating ko sa conference room, tumayo si James upang salubungin ako. Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat ni Michelle. “Bakit mo hinalikan si James???” gulat at galit na sabi ni Michelle at bigla itong napatayo.“She's my wife! Georgina Love Vergara!” matapang at may pagmamalaking sabi ni James na tumayo rin. “We have been married for six years!”“Ha???? Diyata't niloko ninyo ako!” galit na sabi ni Michelle na

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chaoter 138- 0%

    Chapter 138- 0%Diyos ko! Akala ko mabibisto na ni James ang tinatago kong anak niya! Ang hindi ko alam, nandoon nga si James sa labas ng kalye namin. Nilayo lang niya ang Lexus niya para hindi ko makita.“So ang 'sweetheart' pala ni George ay yung batang tinulungan ko noon na magkaroon ng Daddy sa Father's Day! Mommy ang tawag ni JJ kay George, anak kaya niya ito? Ang picture ni George ang naka-wallpaper sa cellphone ni JJ ang sabi niya ay Mommy niya! Naka-save sa cellphone ni JJ ang pangalan ko na James at cp number ko ang nakarehistro. Ang sabi pa ni JJ ay uuwi na raw ang kanyang Daddy soon pero sobrang tagal na raw! Ang dami naman coincidences! May tinatago palang anak si George. Kung susumahin ang taon na hiwalay kami, malamang nagka-anak nga si George sa ibang lalaki at ito ang tinatago niya sa akin!” galit na sabi ni James sa sarili habang nakatanaw na bahay namin. “Pinagtaksilan niya ako at nagkaanak pa siya sa ibang lalaki!”Kinagabihan, bago ako matulog ay sinisilip ko s

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 137 - Boy Toy!

    Chapter 137 - Boy Toy!“Protection? Kapag kasama kita, always ready ako! Dinagdagan ko pa nga ang dala ko. Hindi lang isa, lima!” birong sabi ni James. “Huwag na nating ubusin itong breakfast, halika na!”Hindi na nga namin inubos ang aming agahan at agad-agad kaming bumalik sa aming hotel room. Hindi pa nagsasara ang pinto ay binuhat na ako ni James patungo sa kama. Nagmamadali kaming hubarin ang aming mga suot na halos magkatangalan na ang mga butones.Nang kapwa hubad na kami ay pinaulanan ako ni James ng mga halik mula bibig hanggang hita. Panay naman ang ungol ko sa sarap habang ang mga kamay ko ay humahaplos sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan na huminto sa kanyang pagkalalaki. “James..... ready ka na?” bulong ko sa kanya habang ang mga hita ko ay nakapulupot sa kanyang beywang. Umupo ako sa kama habang nakaluhod sa harap ko si James upang maisuot ko sa kanya ang condom.“Bakit kasi kailangan natin ito? Mag-asawa naman tayo!” inis na sabi ni James.“Ayaw mo?” tanong ko

  • My Deepest, Darkest Secret!   Chapter 136- Selosong James

    Chapter 136 – Selosong James.“Umaandar lang naman ang pagiging seloso ko pagdating sa iyo! Akin ka lang George!” madiin na sabi ni James. “Akala mo ba hindi ako nagseselos kapag may lumalapit sa iyong mga lalaki para magpa-picture?”“So, ano ang gagawin ko? Magtago uli? Magsuot ng bayong sa ulo para hindi ako makilala? Alangan namang itago ko sa iyo ang pakikipag-usap ko sa ibang lalaki. Ibang usapan na yun! Wala rin akong ginagawang masama behind your back! Ayaw kong masira ang pangalan mo!” paniniguro ko kay James. “Ganyan kita kamahal!”“I am really sorry, George! Sobra kasi kitang mahal kaya ayaw kong i-share ka sa iba!” puno ng pagmamahal na sabi ni James kaya niyakap ko siya.Tamang tama namang dumating na ang aming tanghalian. Italian food ang inorder ni James. Bagama't kagagaling ko lang sa lagnat at magana akong kumain. Pagkakain ay nagpunta kami sa hospital na malapit sa hotel. Sa James Gordon Memorial Hospital kami nagpunta ni James at pinakunsulta ako. Mild flu ra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status