Chapter 4 - Overdose
Bagamat madilim sa loob ng kuwarto ko, alam kong maya't maya ay sinisilip ako ni Kuya Phillip. Mahal talaga ako ng Kuya Phillip ko.
Dalawang Linggong, araw at gabi na akong hindi lumalabas ng aking kuwarto. Pinapaakyat na lang ni Mama sa katulong ang aking pagkain na hindi ko naman masyadong nagagalaw. Tanging tubig lang ang aking iniinom. Ang mga kaklase ko, mga teammates ko sa basketball, maging si Emma na bestfriend ko ay panay ang tawag at text sa akin. Lahat yun ay di ko sinasagot. Nahihiya ako sa kanila. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila.
Nag-aalala na ang aking Mama kung kaya't kinausap niya ako ng masinsinan. “George, nag-aalala na ako sa iyo! Hindi ka lumalabas ng kuwarto, hindi ka kumakain! Tingnan mo ang mga mata mo, maitim na ang paligid. Ang payat payat mo na! Ano ba ang problema mo? Bakit bigla bigla na lang na naging ganyan ka? Magkakasakit na ako na pag-aalala sa iyo!” maluha-luhang sabi ni Mama habang naka-upo sa gilid ng kama ko. “May problema ka ba sa school? May naka-away ka ba? Sa pag-ibig ba? Ano???”
“Wala po ito, Mama. Sige, bukas lalabas na ako ng kuwarto at kakain para hindi ka na mag-alala pa.” sagot ko. “I love you, Ma!”
Tuluyan kong napahinuhod ang aking ina upang hindi na siya mag-alala at niyakap ko siya ng mahigpit na tila ba gusto kong kumuha ng lakas mula sa kanya.
Hatinggabi ng pumasok sa kuwarto ko si Kuya Phillip. Nagkuwento siya sa akin. Pasikreto pala siyang nag-imbestiga kung sino ang occupant ng room 1103 sa Makati Shangrila at kung pwedeng makita ang CCTV footages sa pasilyo ng kuwarto nung gabing ma-rape ako. Ang sabi niya ayaw magbigay ng impormasyon ang hotel sa kung sino ang occupant ng mga kuwarto dahil sa confidentiality. Pero kung may nangyaring krimen at may court order ay puwede silang mag disclose ng information at CCTV footages.
Subalit, sa pakiusap at pagkukumbinsi ni Kuya Phillip sa lalaking nasa front desk kahit pangalan lang ng ay malaman niya. Pasikreto niyang binigyan ng limang libong piso ang lalaki sa frontdesk ng hotel at hinintay niya ito sa lobby ng hotel para hindi halata.
Isang Paul Valdez ang nagpareserba sa room 1103 noong araw na iyon hanggang kinabukasan ng tanghali ang reservation. “Di ba ang naka-engrave sa gold ballpen na naiwan ay JJ?” tanong ni Kuya Phillip sa sarili. “Baka ang Paul Valdez na yun lang ang nagpareserba at nagbayad, pero ang pumasok sa kuwarto ay si JJ? Isa pa napaka common ang pangalan ng Paul Valdez na yun”
“Hindi ko alam Kuya at ayaw ko nang maalala ang gabing iyon.” umiiyak kong sabi.
“Siyanga pala, nasaan na yung kumot na galing sa hotel. Baka may DNA sample tayong makuha doon. May kakilala akong puwedeng mag test noon. Kaya lang kanino naman natin ikukumpara yun? Hangga't hindi tayo nagsasampa ng reklamo, hindi natin malalaman kung sino ang lalaking nang-rape sa iyo.” paalala ni Kuya.
“Di ba sabi ko sa iyo, ayaw ko!!!! Ayaw koooooo! Makakalkal ang nangyari sa akin!!! Baka ikamatay pa iyon nina Papa at Mama!!! Pati kayo ni Kuya Hunter ay mapapahiya sa lipunan!!” impit kong sabi.
“O siya! Tumahan ka na! Hindi ko na babangitin ulit ito.” pangako ni Kuya Phillip. “May dala nga pala akong Subway sandwich. Paborito mo ito di ba?. Kumain ka kahit kaunti.”
Paglabas ni Kuya Phillip ay napa-isip na naman ako. Sino si Paul Valdez? Napaka-ordinaryo ng kanyang pangalan. Sino naman si JJ na nang rape sa akin? “Arrrghh! Ayoko ng ganito!!!” sabi ko sa sarili habang umiiyak.
Patuloy pa rin ako na pagkulong sa aking kuwarto. Bihirang kumain at puro tubig lang ang aking iniinom. Laging tulala. Pagod na pagod na ang aking katawan at kaisipan.
Kulang tatlong linggo na akong nagkukulong sa kuwarto. Hirap na hirap na ang aking utak sa kaiisip. Konti lang ang tulog, konti rin ang pagkain kaya pati katawan ko ay nanghihina na rin. Alas kuwatro na ng madaling araw, hindi pa rin ako nakakatulog. Para makatulog ako at hindi na mag-isip, uminom ako ng sleeping pills. Dati ay isa lang ang iniinom ko pero paminsan minsan lang. Umiinom lang ako kung kakagaling ko sa paglalaro ng basketball. Hyper pa kasi ang isip ko pag ganun kaya imiinom ako ng isang tableta. Ngunit ngayon, sa kagustuhan kong makalimot kahit pansamantala, ma-relax at makatulog agad, limang sleeping pills ang ininom ko agad.
Alas sais ng umaga ng marinig kong nagkakagulo sa loob ng kuwarto ko.Hindi ko mawawaan ang nagyayari dahil parang lantang gulay ang katawan ko na hindi ko maikilos. Naghihisterya ang Mama ko samantalang dali dali akong binuhat ako ni Kuya Phillip pababa, sinakay sa kotse at dinala sa ospital. Mabuti na lang at malapit lang ang Makati Medical Center sa bahay kaya doon ako sinugod.
Bakit ganun? Naririnig ko ang pinag-uusapan nila pero parang napakalayo nila at bakit parang nakalutang ko sa ere? Patay na ba ako?
“Mama, Papa! Kuya Phillip, Kuya Hunter! Bakit kayo umiiyak???” sigaw ko. “Nandito ako sa tabi ninyo!” Sa aking pagka-usap sa kanila ay nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa kama at pinagkakaguluhan ng mga duktor at nurses. “Hala! Bakit ako nandoon?”
Chapter 5 –I Rose from the Dead.Pilit akong kinakausap ng duktor sa ospital pero hindi ko sila masagot. Para kasing napakalayo nila kaya hindi ko marinig. Mabuti nalang at dala ng Mama ko ang bote ng sleeping pills na ininom ko at ito ang pinakita sa duktor.Sa loob ng emergency room ng ospital naririnig ka na sobrang mababa raw ang blood pressure ko at sobrang bilis daw ng tibok ng puso ko. Naaninag ko ang Papa at Mama ko, maging sina Kuya Phillip at Hunter. Lahat sila umiiyak. Bakit sila umiiyak? Natulog lang naman ako!Kinabitan ako ng dextrose, oxygen sa ilong at heart monitor. At ang huli kong narinig, “May gamot na inilagay kami sa dextrose para intra-venous. Hidi natin siya mapa-inom ng gamot sa kanyang condition na tulog. Kritikal ang susunod na twenty four hours. Kailangang malagpasan niya ito kung hindi, maaari siyang magkaroon ng kumplikasyon tulad ng brain damage dahil nakulangan ng oxygen ang kanyang utak.” sabi ng duktor.“Anak bakit mo nagawang magpakamatay?!?!” pahagu
Chapter 6 – Masamang PanaginipSa wakas, nakauwi na rin ako sa bahay. Isang malaking kabawasan sa aking depression ang pagkakaroon ko ng monthly period. Naibsan ang pangamba kong baka ako mabuntis dahil sa pananamantala sa akin. Yung ang pinakamalaking dahilan kung bakit hindi ako makakain at makatulog. Yung nangyaring rape sa akin, puwede kong itago. Pero kung magkakaanak ako dahil sa rape na iyon, yun ang hindi ko pwedeng itago. Isang napakalaking kahihiyan ang na-rape ako, hindi lang sa akin kung hindi sa mga kapatid at magulang ko, tapos sasamahan pa ng pagkakaroon ng anak? Yan ang hindi ko na kaya!Habang nakahiga sa aking kuwarto, saka ko lang naalalang buksan ang aking cellphone. Naku po! Mahigit 100 na yata ang mga messages ko, sangkatutak na miss calls at texts at lima ang nasa inbox ng email ko. Una kong binuksan ang email ko. Yung isa galing sa Presidente ng De La Salle University para batiin ako bilang highest pointer sa pagkapanalo ng aming team sa basketball. Sumun
Chapter 7 – May Konsiyensya ang Rapist?Sa kabilang banda, kausap ng lalaking nang-rape sa akin ang kanyang kaibigang nagbook ng kuwarto sa hotel na si Paul Ventura sa kanyang opisina. “Paul, ano yung sinasabi mong hindi natuloy ang pagpunta ng babae sa kuwarto ko sa hotel?” sabi ng lalaki. “ E sino yung babaeng pumasok doon?”“Hindi ko alam! Baka …. Hindi ko alam! Tumawag kasi sa akin yung handler ng babae na hindi matutuloy ang appointment niya sa iyo dahil namatay raw ang ama nito!” sabi ni Paul Ventura.“Tang ina!!!! Sino yung babaeng iyon?” sigaw ng lalaki. “Sa ating dalawa lang ito, ha? Pero virgin yung babaeng nakaulayaw ko kagabi! Nagtataka nga ako dahil kung prosti yun, hindi na yun virgin!”“Ano??? Virgin??? Ang suwerte mo JJ! Bihira na ang mga virgin ngayon!” excited na sabi ni Paul Ventura. “Ano ang hitsura ng babae? Baka naman pangit!”“Anong pangit?!? Maganda, matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok! Ang naalala ko may balat siyang kulay pula na kas
Chapter 8 – Ang mga SikretoLimang buwan makalipas ang rape na nangyari sa akin, lumipad ako patungong California upang doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral ng kolehiyo sa UCLA. Pumayag din ang mga magulang ko na doon na ako magtapos sa paghimok na rin ni Kuya Phillip. Titira ako sa nakatatandang kapatid ni Mama na isa ng US citizen sa California na nakapangasawa ng isang amerikano. May tatlong anak sila na halos kasing edad ko rin. Ayaw kasi ni Mama na sa dormitoryo ako tumira. Gusto niya ay may makakasama ako at susubaybay sa akin.Bago ako umalis ng Pilipinas ay nag-usap kami ni Emma na aking bestfriend. Sa isang restaurant sa BGC kami nagkita. Ayaw ko ng makasamuha ang mga tao lalo na ang mga lalaki dahil sa tingin ko ay gagawa ang mga ito ng masama sa akin. Pinapagamit na sa akin ni Kuya Phillip ang isa niyang kotse para maka-iwas ako sa mga tao.Sa loob ng restaurant, masinsinan kaming nag-usap ni Emma. “Bakit naman ora-orada ang pagtransfer mo ng school? Sa States ka pa mag-
Chapter 9 – Isang Espesyal na Regalo“Pare parang natuntun ko na yung babae sa hotel!” sabi ni Paul sa cellphone. “Nasa office ka ba? Pupunta ako diyan!”“Sige. Hihintayin kita. Tamang tama matatapos na ang board meeting ko.” sai ni JJ.Kinahapunan, dumating si Paul sa office ni JJ, Managing Director ng isang Marketing at Advertising firm sa Makati. “O, Paul ano ang balita?” sabi ni JJ.“Alam mo bang aksidenteng nakatabi ko sa restaurant sa BGC yung babae na tinutukoy mo sa Shangrila Hotel? Sa una, hindi ako sure kung siya nga yun. Pero sa kuwentuhan nila ng kanyang kaibigan, parang siya na nga yun. Room 1103 ka naka-checkin di ba? Sa Room 1105 pala siya naka booked. Ang pinaka-importante, ayun pa sa aking narinig ay hindi siya nabuntis. Pero ang nakakalungkot, nag-overdose siya ng sleeping pills at muntik ng mamatay!” pagkukuwento ni Paul. “May mga photos akong nakuha kanina. Isa pa mukhang mayaman ang babae dahil BMW ang kotseng gamit niya!”“Ano??? Nagpakamatay!!! Tingnan nga
Chapter 10 – Miss GrannyTuluyan na akong nag-aral sa States. Dalawang taon pa ang natitira para maka-graduate na ako. Tinanggap ko ang alok ng UCLA o University of California na nsa downtown Los Angeles. Doon ko na tapusin ang kurso ko sa kolehiyo sa Business major in Marketing and Advertising.Tumira ako sa aking tiyahin na kapatid ng aking Mama. Tatlo ang kanyang mga anak pero isa na lang ang nakatira sa kanya at ito ay si Kylie. 22 years old na na isang fashion at commercial model.. Hindi na siya humiwalay sa kanyang mga magulang dahil lagi naman siyang wala sa bahay kung may mga fashion events o commercial shooting siyang ginagawa na kadalasan ay sa ibang bansa pa ginagawa. Sa unibersidad, laging low key lang ako para hindi ako pansinin. Laging sweater na maluwag, hoodie at pantalon ang aking attire o dili kaya ay paldang sobrang haba na teternohan ko ng maluwag na sweater. Nagsuot rin ako ng eyeglasses na malaki kahit wala namang grado ito. Ang mahaba kong buhok ay laging n
Chapter 11 – The Basketball Star!Isang buwan akong sinuyo ng head coach ng UCLA Bruins Women's Basketball team para sumapi sa kanilang team at lumaban sa NCAA Women's Basketball League. Sinadya pa niya ako sa bahay para kumbinsin ako at ang mga Aunt and Uncle ko na maglaro para sa team.Sa una ay talagang ayaw ko dahil baka nakasira ito sa aking pag-aaral. Pero dahil mahal ko talaga ng paglalaro ng basketball ay pumayag na rin ako sa kasungduang hanggang tatlong laro lamang. Isang taon na akong nag-aaral sa UCLA ng maglaro ako ng basketball para sa university. Isang buwang tuwing weekend akong nag-ensayo kasama ang UCLA Bruin women's basketball team. Sabi kasi ng coach ay para makilala ko ang mga kasama kong players at para magamay ko ang style ng mga laro nila. Masaya silang kasama at napaka solid ng pakikisama nila sa isa't isa sa labas o loob ng court. Dito muli ko na namang naramdaman ang pagiging isang competitive na player. Parang nagbabalik na ang tiwala ko sa sarili at kahi
Chapter 12 - Are you afraid of men? Hindi ako nakumbinsi ni coach na maglaro ng full time sa basketball team ng UCLA. Priority ko talaga ang pag-aaral. Pero ang usapan naming tatlong laro lang ay naging lima. Lahat ng limang laban namin sa ibang teams na sinalihan ko ay puro panalo! Enjoy kasi ako sa paglalaro ng basketball. Isa pa lumabas ng pagiging competitive ko kapag nasa court ako.Nalungkot naman ang mga teammates ko sa aking pag-alis. “George, is there anything we can do to stop you from leaving the team?” malungkot na sabi ni Joan na aming center.“I am terribly sorry. I really don't want to join your team in the first place. But Coach Cori said that I should give it a try for three games only which had extended to two more games. Besides I am about to finish my studies this coming summer where I will under go internship. This will need my full attention.”paliwanag ko sa team habang nasa locker room kaming lahat. Niyakap ako ng mg teammates ko at nagwish sila ng good l
Chapter 57 – Takot sa Pakikipagrelasyon!Magaling na ako at nakabalik sa rin sa trabaho. Open secret na ang relationship namin ni James sa opisina. Si James naman lalo siyang naging sweet sa akin. Every Sunday ay sa condo ko na siya nagbababad pagkatapos naming magsimba sa umaga, mamasyal at kumain sa labas.Minsan tinanong ko siya tungkol sa aming relasyon. “James? Saan hahatong itong relasyon natin? Pareho tayong may-asawa! Kung saka-sakaling magkatuluyan tayo, gusto mo bang magka-anak? Ano ang hinahanap mo sa isang babae? Ano ang expectation mo sa magiging asawa mo?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.Nagulat at parang nalito si James sa mga tanong ko. “Bakit parang nalito ka sa mga tanong ko? Wala ka bang balak na magkatuluyan tayo?” malungkot kong tanong.“Hindi naman ako nalito. Nagulat lang ako sa mga tanong mo. Kasi coming from you, para kasing ikaw yung may mga agam-agam sa ating relasyon. Lagi kang umiiwas kapag medyo umiinit na tayo sa romansa. Ikaw itong takot na ipa
Chapter 56- Pantasya ng BayanSinusubuan ako ni James ng pagkain para raw makakain akong mabuti. Patingin-tingin lang naman sa amin si Kuya. Nang matapos akong pakainin ay saka pa lang ito kumain. Maya-maya may kumatok sa pinto, si Kuya Hunter pala.“Sis! Ano ba ang nangyari? Ngayon lang ako nakarating dito kasi ang dami kong inasikaso sa office.” sabi ni Kuya Hunter habang nakatingin kay James. “Kumusta ka na?“Okay lang kuya! Masakit kapag gumagalaw ako.” sagot ko kay Kuya Hunter. “Si James pala, Boss ko. Siya ang CEO ng JV Groupe Advertising.”Nakipagkamay naman si Kuya Hunter kay James.“Boyfriend niya!” pahabol ni Kuya Phillip.“Boyfriend? That's a first!” sabi ni Kuya Hunter. “Gaano na kayo katagal naging magboyfriend?”“Kuya!!!” sawata ko kay Kuya Hunter.“Well, three months na!” sagot ni James.“Three months and we got to know about it now?” galit na sabi ni Kuya Hunter. “You know James, she is our baby sister! That is why, overprotective kami sa kanya ni Kuya Phillip
Chapter 55 - Si Ava ang sumaksak sa akin!Sinugod ako sa Emergency Room ng Makati Medical Center. Si James pala ang nagsugod sa akin doon. Hindi na siya pinapasok sa ER pero kinunan muna siya ng statement sa kung ano ang nangyari sa akin ng mga pulis na naka-assign sa ospital dahil nasaksak nga ako.Nagising ako sa aking hospital bed kinabukasan ng umaga. Si Kuya Phillip ang una kong nakita na natutulog sa may sofa na katabi ng kama ko. “Kuya Phillip?” mahinang tawag ko sa kanya.“George! Kumusta na ang pakiramdam mo! Napasugod ako dito kaninang madaling araw ng tawagan ako ni James sa cellphone ko. Nag-ala tsamba lang siya ng pagtawag sa akin at tinanong kung kapatid daw ba kita dahil ang nakalagay lang sa contact ng cellphone mo ay kuya. Akala ko nga ay prank call.” sabi ni Kuya Phillip. “Pero nung makita kita dito ay natakot ako!”“Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sugat kuya.” mahinang sagot ko. “Nasaan na si James?”“Kakaalis lang niya at babalik daw siya after two hou
Chapter 54 – The Disgruntled Ex!Ahhhh... wala na akong mahihiling pa. Unti-unti ko ng nakakalimutan ang rape na nangyari sa akin almost four years ago. Nawala na rin ang takot ko sa mga lalaki dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa akin ni James. Subalit, may agam-agam pa rin sa aking puso. Matangap kaya ni James ang nangyari sa akin noon? Pabigat pa rin sa aking damdamin ang aking nakaraan kaya naman sukdulan ang galit ko sa taong gumawa nun sa akin.Isang araw ay dumalaw si Ms. Ava sa aming kumpanya upang kunin ang kanyang separation pay. Hindi siya sinesante ni James noon kundi pinag-resign na lamang upang hindi magkaroon ng bahid ang kanyang employment record at upang makakita agad ito ng trabaho. Sa accounting, napag-alaman niya na ako na ang girlfriend ni James. Noon kasi ay ipinagkakalat niyang siya ang girlfriend ni James kaya ilag sa kanya ang mga empleyado ng kumpanya. “Ms. Ava alam mo bang si Ms. Granny na ang girlfriend ni Boss ngayon?” sabi ng taga accounting habang
Chapter 53 – Ginayuma ko si James?Tama nga ang hinala ko. Kumalat na sa buong kumpanya na girlfriend na ako ni James. Noong una ay puro spekulasyon lang dahil sa mga bulaklak at mga regalo na pinapadala niya para sa akin sa aming department. Pero ngayon ay may patunay na at sa bibig mismio ni James nangaling ang kumpirmasyon na ako si Gina na isang Ms. Granny ay girlfriend na niya!Hindi naman ako naapektuhan ng mga ganitong usap-usapan dahil wala naman akong inaagrabiyadong tao. Medyo proud pa nga ako na boyfriend ko ang may-ari ng kumpanya dahil ipinamamalita niya ito sa kabila ng aking ayos. Ang hindi ko lang kinaya ay ang pag-alipusta ng ibang kasamahan ko sa trabaho sa aking pagkatao.Minsan sa canteen habang kumakain kami ni Ana ng tanghalian ay may narinig ako. “Ano kaya ang nakita sa kanya ni Boss? Tingnan mo kung manamit, parang matanda.” sabi ng isang taga accounting. “Talo ko pa nga yang kung pananamit ang pag-uusapan!”“Baka naman ginayuma nyan si Boss kaya nagustuhan
Chapter 52 - Girlfriend na niya Ako!Pumunta kami ni James o Paul sa Alfred Restaurant sa loob ng hotel. Halos magkasingtaas na kami dahil naka stilleto highheel shoes ako. Ang suot ko ay ternong pantsuit na kulay beige, naka make-up, walang eyeglasses at nakalugay ang mahaba kong buhok. Habang kumakain kami ng tanghalian ay tinanong ako ni James, “So, Love, you are a Filipina right?”“Yes, I am! “ sagot ko. “I finished my degree in UCLA. I was discovered by my agent Chrissy while doing my internship program at McCann.”“McCann? As in McCann WorldGroup? The leading advertising company?” gulat an tanong ni James. Same school as my wife, UCLA na biglang naisip ni James.“Yes, McCann!” sagot ko.“In case you decide to retire here in our country, perhaps, I could offer you a job in my company.” alok ni James.“Unggoy na ito! Inaalok pa ako ng trabaho sa kumpanya niya, e nagtatrabaho na nga ako dun!” sabi ko sa sarili. “Mali yata nang mabangit ko na sa UCLA ako nagtapos.”“Are you
Chapter 51 – Asawa ko, boyfriend ko rin!Tama nga ang hinala ko! Si James nga ang inireto sa akin ni Mama sa arranged marriage. Nagtutugma lahat ng mga pangalang binabangit niya at ang sirkumstansiya sa naganap na kasalan. Pero si James clueless pa rin na ako at si George ay iisa. Hahayaan ko siyang ligawan ako at kapag hiniling ko sa kanya na diborsyohin na niya ang kanyang asawa ay magugulat siya.Sa opisina, panay ang padala ni James ng kung anu-ano sa akin. May bulaklak, may chocolates, may stuff toys na pagkalaki-laki at higit sa lahat may mga sweet notes ding kalakip ang mga ito. Tinatawagan din niya ako sa cellphone, umaga pagkagising ko at sa gabi bago ako matulog. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, pati mga tsismis sa opisina. Hay... nakakataba pala ng puso kapag nililigawan ka!Sumapit na ang photo shoot ng Belo project. Para ito sa promotion ng Belo Medical Group para sa kanilang bagong service, ang body contouring. Ginanap ito sa indoor lap pool ng Makati Diamon
Chapter 50 – May Koryente!Habang kumakain ay kung anu-ano ang pinag-uusapan namin ni James. “Manliligaw ka ba talaga sa akin?” usisa ko kay James.“Kung papayag ka, magnobyo na agad tayo para wala ng hassle, magde-date na lang tayo lagi.” sagot ni James.“Ay! Ayoko nun. Hindi ko pa kasi nararanasan ang ligawan kahit na noong high school at college days ko. Pangit kasi ako at tomboy!” pag-amin ko kay James.“Talaga? Hindi mo pa naranasan ang ligawan? Nagka-asawa ka na at lahat? Hindi ka ba niligawan ng asawa mo? Leave it to me! I will make my courtship to you as memorable as ever. Kahit mag-asawa na tayo? Patuloy pa rin kitang liligawan.” sabi ni James habang kumakain.“Hayyyy, James! Bolero ka talaga! Hindi ko tuloy alam kung seryoso ka o nambobola!” biro ko. “Ngayon pa lang parang kinikilig na ako! Speaking of asawa, hindi ako niligawan ng asawa ko!”“Seryoso ako pagdating sa iyo.” sabi ni James nang hawakan niya ang aking mga kamay. Naramdaman ko na naman ang tila nakakaki
Chapter 49 - Ano ka prosti?Nakauwi na rin ako sa aking condo. Si Boss James lahat ang nag-asikaso sa hospital bills ko hanggang sa makauwi ako. “Nakakahiya naman po sa inyo! Hayaan nyo kapag malakas na ako ay irerefund ko lahat ng nagastos ninyo sa ospital.” sabi ko. “Bakit nyo ba ginagawa ito sa akin, Sir?”“Bakit? Mahal kita! Hindi mo pa ba nahahalata? Nagsimula ito noong maglaro tayo ng basketball? ” pahiwatig ni Boss. “Una, naiintriga ako sa iyo dahil napakarami mong contradictions at inconsistencies. Pangalawa, na-attract ako talino mo. Kaya nga madalas kitang paakyatin sa penthouse office ko para lang makita kita kahit wala namang dahilan.. Pasakalye ko lang ang pagpapadala ng mga bulaklak na iyo. Nakakahiya kasing ako ang pupunta sa opisina mo baka pagtsismisan ka ng mga kasamahan mo doon.”“Mahal mo ako? Pero, pareho tayong may-asawa! Hindi puwede!” pagtutol ko.“Mahal mo rin ba ako?” direkta at walang paligoy-ligoy na tanong ni Boss.“May nararamdaman po ako para sa