Chapter 140-Anak?Pinirmahan nga ni Michelle ang "Affidavit of Undertaking and Confirmation," isang dokumento na nagsasabing inaamin ni Michelle na hindi si James ang ama ng ipinagbubuntis nito at hindi siya magsasampa ng anu mang kaso laban dito. Panay naman ang kuha ng mga litrato ni Atty. Ramirez sa pagpirma ni Michelle sa mga dokumento para may ebidensya at siya na rin ang magnonotaryo ng dokumento. Nakita ko sa mukha ni Michelle ang katuwaan ng abutin niya ang One Hundred Thousand Pesos na tseke mula sa akin. Kinunan rin ni Atty. Ramirez ito. “Ayaw na naming makita ang pagmumukha mo at higit sa lahat, huwag na huwag mo nang lalapitan pa o tatawagan si James!” mariin kong sabi kay Michelle. “Kapag lumabag ka sa ating kasunduan, ako mismo ang makakalaban mo!”Mula ng pirmahan ni Michelle ang dokumento hanggang sa pagtanggap niya ng tseke ay wala na itong masabi. Parang gusto na niyang umalis agad dala ang tseke. “Hindi ka ba hihingi ng tawad sa mga ginawa mo?” tanong ko k
Chapter 139- Manloloko!Kinabukasan kasama si Atty. Ramirez ay nakipagkita nga si James kay Michelle sa kanyang opisina. Sa may conference room sa tabi ng opisina ni James gagawin ang pag-uusap. Late ako ng ten minutes kaya pagdating ko ay nadoon na si Michelle. Sobrang sexy ng suot ko nung araw na iyo. Pinaghandaan ko talaga. Isang checkered na itim na blazer, white sleeveless blouse at white miniskirt with matching white higheeled shoes at white chanel bag. Modelong modelo ang peg ko ng dumating ako kaya ang mga tao sa lobby ng opisina ni James ay napapalingon. Pagdating ko sa conference room, tumayo si James upang salubungin ako. Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat ni Michelle. “Bakit mo hinalikan si James???” gulat at galit na sabi ni Michelle at bigla itong napatayo.“She's my wife! Georgina Love Vergara!” matapang at may pagmamalaking sabi ni James na tumayo rin. “We have been married for six years!”“Ha???? Diyata't niloko ninyo ako!” galit na sabi ni Michelle na
Chapter 138- 0%Diyos ko! Akala ko mabibisto na ni James ang tinatago kong anak niya! Ang hindi ko alam, nandoon nga si James sa labas ng kalye namin. Nilayo lang niya ang Lexus niya para hindi ko makita.“So ang 'sweetheart' pala ni George ay yung batang tinulungan ko noon na magkaroon ng Daddy sa Father's Day! Mommy ang tawag ni JJ kay George, anak kaya niya ito? Ang picture ni George ang naka-wallpaper sa cellphone ni JJ ang sabi niya ay Mommy niya! Naka-save sa cellphone ni JJ ang pangalan ko na James at cp number ko ang nakarehistro. Ang sabi pa ni JJ ay uuwi na raw ang kanyang Daddy soon pero sobrang tagal na raw! Ang dami naman coincidences! May tinatago palang anak si George. Kung susumahin ang taon na hiwalay kami, malamang nagka-anak nga si George sa ibang lalaki at ito ang tinatago niya sa akin!” galit na sabi ni James sa sarili habang nakatanaw na bahay namin. “Pinagtaksilan niya ako at nagkaanak pa siya sa ibang lalaki!”Kinagabihan, bago ako matulog ay sinisilip ko s
Chapter 137 - Boy Toy!“Protection? Kapag kasama kita, always ready ako! Dinagdagan ko pa nga ang dala ko. Hindi lang isa, lima!” birong sabi ni James. “Huwag na nating ubusin itong breakfast, halika na!”Hindi na nga namin inubos ang aming agahan at agad-agad kaming bumalik sa aming hotel room. Hindi pa nagsasara ang pinto ay binuhat na ako ni James patungo sa kama. Nagmamadali kaming hubarin ang aming mga suot na halos magkatangalan na ang mga butones.Nang kapwa hubad na kami ay pinaulanan ako ni James ng mga halik mula bibig hanggang hita. Panay naman ang ungol ko sa sarap habang ang mga kamay ko ay humahaplos sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan na huminto sa kanyang pagkalalaki. “James..... ready ka na?” bulong ko sa kanya habang ang mga hita ko ay nakapulupot sa kanyang beywang. Umupo ako sa kama habang nakaluhod sa harap ko si James upang maisuot ko sa kanya ang condom.“Bakit kasi kailangan natin ito? Mag-asawa naman tayo!” inis na sabi ni James.“Ayaw mo?” tanong ko
Chapter 136 – Selosong James.“Umaandar lang naman ang pagiging seloso ko pagdating sa iyo! Akin ka lang George!” madiin na sabi ni James. “Akala mo ba hindi ako nagseselos kapag may lumalapit sa iyong mga lalaki para magpa-picture?”“So, ano ang gagawin ko? Magtago uli? Magsuot ng bayong sa ulo para hindi ako makilala? Alangan namang itago ko sa iyo ang pakikipag-usap ko sa ibang lalaki. Ibang usapan na yun! Wala rin akong ginagawang masama behind your back! Ayaw kong masira ang pangalan mo!” paniniguro ko kay James. “Ganyan kita kamahal!”“I am really sorry, George! Sobra kasi kitang mahal kaya ayaw kong i-share ka sa iba!” puno ng pagmamahal na sabi ni James kaya niyakap ko siya.Tamang tama namang dumating na ang aming tanghalian. Italian food ang inorder ni James. Bagama't kagagaling ko lang sa lagnat at magana akong kumain. Pagkakain ay nagpunta kami sa hospital na malapit sa hotel. Sa James Gordon Memorial Hospital kami nagpunta ni James at pinakunsulta ako. Mild flu ra
Chapter 135- I am Married!“Hi!” bati ng lalaki ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Super guwapo, hot and hunk ang lalaki. Aakalain mong isa itong modelo.“Hi!” bati ko rin sa kanya. “I am so sorry! I thought you were my husband!”“You're married??? I don't believe you!” hindi makapaniwalang sabi ng lalaki. “You just want to scare me off! I am Ethan. Ethan Montenegro.”“I am George!” sagot ko sabay abot sa nakalahad niyang kamay. “George? Isn't that a man's name?” tanong ni Ethan.“It's Georgina! George for short.” pagtutuwid ko sa kanya. “And I am not kidding! I am really married!”“I have been watching you swim, you're good! Are you from here?” tanong ulit ni Ethan.“No. I am from Makati. And you?” tanong ko naman sa kanya.“I am also from Makati, SanLo to be exact!” sagot ni Ethan.“ Really??? I'm also from SanLo, Balmori street to be exact!” natatawa kong sabi.“Why, what a coincidence! I happen to live on the street next to yours, in Briones street!” natatawa