Share

Chapter 5

Natulog akong heartbroken dahil sa sinabi ni Marc.

Alam ko naman na wala akong karapatang makaramdam ng galit o kahit tampo man lang kasi best friend lang ako. Pero hindi ko mapigilan kasi tao lang naman ako na may feelings at hindi lang basta feelings yun dahil in love ako sa kanya.

Kung bakit kasi kailangan pa talaga niyang sabihin sakin yon? Na ipapakilala niya sakin yung babae once matagpuan niya?

Did he just lowkey told me na hindi ako yung since he haven't found the right girl yet? Kasi imposibleng hindi niya pa natatagpuan kung ako yung nakikita niyang potential girlfriend, dahil palagi kaming magkasama.

Hindi ko mapigilang mapaiyak ulit. Kasi ang sakit lang.

Bakit kasi ganito? Bakit kasi ako pa yung na-inlove sa kanya kung pwede naman siya muna tapos saka na ako mapo-fall kapag niligawan na niya ko.

Nailing ako.

Ganito pala kasakit mareject ng taong mahal mo. Yung tipong gusto mo na lang biglang malimutan yung feelings mo sa kanya.

I don't like the idea, kasi best friend ko siya pero hindi naman siguro healthy saki kung itutuloy ko pa tong unrequited love.

I buried my face in my pillow and groaned.

Wala akong ganang lumabas ng kwarto pero dahil kinatok ako ni Mommy, wala akong nagawa kung hindi tumayo at lumabas para mag-almusal.

"Good morning, baby," bati ni Dad.

I smiled at him para hindi niya mahalatang may problema ako. Ayoko silang pag-alalahanin at lalong ayoko na malaman nilang in love ako sa best friend ko, dahil knowing my parents, alam kong gagawa sila ng paraan para lang masunod yung gusto ko.

And I don't like that. I would never force him to love me.

"Umiyak ka ba?" Tanong ni Mommy habang tinititigan akong mabuti.

Yumuko ako para hindi niya masyadong mapansin na namumugto yung mga mata ko.

"Hindi po. Napuyat lang," pagsisinungaling ko.

I sighed.

Ang dami ko ng kasalanan! Sana wag na lang magtanong pa sila Mommy para hindi na madagdagan pa ang mga kasingungalingan ko!

Thankfully, she believed my lies and just nodded. Hindi na siya nagtanong pa ulit kaya tahimik akong nakakain.

However, Mommy stopped me from leaving after I'm done eating kaya akala ko gigisahin niya ako tungkol sa pag-iyak ko.

"Stay here, anak. We have a very important thing to tell you.." sabi niya.

Though, I'm grateful na hindi yun for sure tungkol sa mugto kong mata, sobrang seryoso naman ng itsura nila ni Dad kaya medyo kinabahan na rin ako.

"Ano po yun, Mommy?"

Hinintay muna ni Mommy na makatapos magligpit ng pinagkainan namin yung maids kaya lalo akong kinabahan.

"You're Lolo is coming home.." sabi niya.

Nawala bigla yung kaba ko at napalitan ng excitement. "Talaga po? Kailan?!" Tanong ko.

"Sa isang araw, anak" nakangiting sago ni Mommy.

I smiled too, pati si Dad. They looked pleased that I'm excited for my Lolo to come home. Like, duh! Sino bang hindi maeexcite na makita yung lolo nila?

And tagal na kaya niyang hindi nagbabakasyon dito sa Pinas! It's been years since he stepped his feet here. Tapos once a year lang kami makabisita sa kanya sa U.S since may pasok ako and may business na inaasikaso sila Dad.

"Buti naman po naisipan na umuwi ni Lolo! Excited na ko sana maraming uwing hand cream!"

"Don't worry sasabihin ko, ano pang gusto mo para mapasabay ko na sa personal assistant ni Papa," si Mommy.

Umiling ako, "Wala na po. Nabili nyo na po kaya lahat," I chuckled.

"Are you sure?" Si Dad naman.

Tumango ako habang nakangiti.

Ang swerte ko talaga sa parents ko, bukod sa mabait, palagi pang binibigay lahat ng gusto ko, minsan sobra-sobra pa. Sayang, wala akong girl best friend, edi sana may maseshare-an ako ng mga gamit na sobrang nabili ni Mommy. Tss.

Kung bakit kasi medyo pihikan ako sa babae. Most of them kasi, lumulutang kapag nilagay sa tubig! Mga plastik. Tsk!

"By the way, that's not the important thing we want to tell you.."

Minsan talaga, kapag masaya tayo laging may kapalit. Gaya nito, sobrang excited ako sa pagdating ni Lolo tapos burst bubble naman si Mommy dahil binalik yung kaba ko kanina.

I sighed.

"Ano po yun?" Kabadong tanong ko.

Tumingin muna si Mommy kay Dad na parang nanghihingi ng permiso kaya lalong kumabog yung dibdib ko.

Bakit may pagganon pa? At saka bakit sobrang seryoso? Wag nilang sabihin na nabankrupt na yung negosyo namin at kaya uuwi si Lolo dahil mahirap na kami?!

Paano na ako makakabayad ng tuition fee niyan?!

"Mommy.." naiiyak ko sabi.

Wala akong problema kung maghirap kami, ang inaalala ko lang kasi, isang taon na lang gagraduate na ko tapos baka mapahinto pa dahil hindi na nila afford.

"Anak, sana maintindihan mo na para sayo to" simula ni Mommy.

"Mommy naman! Pwede po bang straight to the point na? Kinakabahan ako sayo e! Bankrupt na po ba tayo?" Diretsong tanong ko.

Biglang tumawa si Mommy pati na rin si Dad. I Don't know what's funny kaya hindi ako nakitawa.

"Of course not! We are nowhere near going to be bankrupt, Honey" natatawang sabi ni Mommy. "Kahit malugi ang business natin, kayang-kaya ng Dad mo magstart ng panibago. We have no problem with money, anak"

"E, bakit po seryoso kayo masyado?" Kunot-noong tanong ko.

Tapos bigla akong napasinghap sa panibagong rason na naisip. Nanlaki yung mga mata ko habang nakatingin kina Mommy.

"May sakit si Lolo?!"

"What? You're Lolo is very healthy" si Mommy.

"Stell, sabihin mo na kasi sa anak natin, kung anu-ano nang naiisip. Baka mamaya maisip niyang may cancer ako," tatawa-tawang sinabi ni Dad.

Bad joke. Hindi kami natawa ni Mommy. Instead, pinagalitan siya ni Mommy dahil hindi magandang biro yung sinabi niya.

Mommy sighed bago seryoso na ulit na tumingin sakin. "Anak.." simula niya.

Mukha siyang nahihirapan kaya naman hinawakan ni Dad yung kamay niya.

"We think you're in the right age para magpakasal.."

Feeling ko nagpasabog sila ng bomba sa harapan ko at wala akong nagawa kundi mabato sa kinauupuan ko at tumunganga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status