Share

Chapter 26

"Dito na lang po kuya," wika ni Ella sa taxi driver. "Heto na rin po ang bayad."

"Salamat po ma'am," tugon ng driver. Pagkababa ng dalaga ay umalis na rin kaagad ang driver.

Naiwang mag-isa si Ella, nakatayo sa harapan ng ospital. Hindi nito alam kung bakit s'ya biglang nagpahatid sa ospital. Pumunta na lang muna si Ella sa waiting shed. Naupo ng marahan si Ella sa plant box dahil iniinda pa rin nito ang sakit ng kanyang balakang at pinagmasdan na lang ang mga dumadaang sasakyan sa kanyang harapan.

Masakit na nga ang balakang ko, sumasakit pa 'tong puso ko. Bakit nga ba ako dito pumunta? May papatingnan ba ako? Papatingnan ko ba 'tong balakang ko? O ang puso ko? Hindi ka na nag-isip Ella. Ngayong nandito ka, anong gagawin mo dito? Anong dahilan mo bakit ka pumunta rito?

Napayuko na lang si Ella. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha dahil hindi nito malaman kung anong gusto n'yang gawin sa mga oras na ito. Sa isang iglap, nagunita ni Ella ang nangyari noong nakaraang gabi kasama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status