Share

Chapter 29

"Ate o," sabi ni Zander at iniabot ang isang pares ng t-shirt at shorts kay Ella.

"Ano 'to?" mataray na tanong ni Ella.

Ngumiti si Zander ng nakakaloko. "Damit, wala ka kamong damit na dala hindi ba? Ayan, 'wag kang mag-alala mabango 'yan at bagong laba pa. Para rin mapreskohan ka mamaya sa pagtulog mo," ani ni Zander at pilit na binibigay kay Ella ang bitbit n'yang damit.

"Ayos na ako sa suot ko," pagtanggi ni Ella. "Komportable naman ako rito. 'Wag ka ng mag-abala pa."

Hindi umalis sa kanyang kinatatayuan si Zander, iniaabot pa rin nito ang kanyang damit sa dalaga.

"Zander," inis na sabi ni Ella at nakipagtitigan sa binata.

Napaka kulit naman ni Zander ngayon! Pasalamat ka nandito ako sa bahay n'yo, kung nasa bahay kita, hindi 'yan uubra sa akin. Sa labas ka tutulog.

"Tatanggapin mo 'to o ako mismo ang magpapalit sa'yo ng damit?" pabirong sabi nito sa dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Ella sa kanyang narinig. "Ikaw bata ka!" sambit ni Ella. Hahampasin dapat ni Ella si Zander ng biglan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status