Share

Chapter 35

"Miss Tan saan tayo pupunta?" tanong ni Zander ng makarating silang dalawa sa parking lot ng kanilang opisina.

Abalang pinapainit ni Ella ang makina ng kanyang motor. Hindi lang nito pinansin si Zander at nakatuon lang sa kanyang magarang motor.

Natahimik na lang si Zander at tinignan na lang ang dalaga sa kanyang ginagawa.

Saan naman kaya kami pupunta na Miss Tan, mukhang wrong move ako sa pagsasabi kanina. Ano ba kasing naisipan mo't sinabi mo 'yon kay Miss Tan. Lalo mong pinalala ang sitwasyon. Hay nako Zander hindi ka talaga nag-iisip! Baka mamaya dadalhin n'ya ako sa prisinto, ni-record n'ya pala 'yung mga sinabi ko kanina! Wala na tapos ka na Zander, your dead!

"Sumakay ka na," ani ni Ella na nakasakay na sa kanyang motor.

"Pero, Miss Tan," nangingiming sabi ni Zander.

"Ella," pagputol ni Ella sa sinasabi ni Zander.

Napatikhim si Zander bago muling magsalita, "Ate Ella, ipapapulis mo ba ako?" tanong nito.

Nagulat si Ella sa tanong ni Zander, hindi nito inasahan ang sinambit ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status