Share

Chapter 34

Matapos ang araw na 'yon, bumalik na ang pakikitungo ni Junel kay Ella. Namalagi na rin si Junel sa tahanan ni Ella at hindi na nila napag-usapan ang mga nanagyari. Wala rin kasing balita si Ella sa kanyang ina kung kaylan ito babalik kaya mas tumagal ang pananatili ni Junel sa kanyang bahay. Binalewala na lang ni Ella ang mga nangyari at naging masaya na lang sa muling pagbabalik ng kaibigan. Mas doble ang pag-aalaga ni Junel sa kanya, wala man itong sinasabi kung para saan ang lahat ng kanyang ginagawa ay masaya si Ella sa daloy ng kanilang relasyon. Kahit walang label ang lahat at baka mauwi sa malabong usapan hindi sa malinaw na ugnayan.

Samantalang si Zander ay nilalamon pa rin ng hiya. Ang dating masigla at makulit na binata ay naging tahimik at palaging wala sa sarili. Apektado na rin ang pagtatrabaho nito, napapansin na rin ito Ella na s'yang kinababahala ng dalaga. Bukod sa nagawa nitong kasalanan kay Ella, sumabay pa ang tuluyang panglalamig ni Dennise sa kanilang relasyon.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status