Share

Chapter 19 Just for Love

Alexes POV

Nagising ako na may naaamoy na...

"Uhmm... ang sarap naman nang amoy na 'yan," sambit ko.

Parang may nagluluto sa kitchen dito sa condo unit ko.

Amoy na amoy ko ang bango nang niluluto nito hanggang dito sa loob ng silid ko.

"Pero bakit may nagluluto eh wala naman akong kasama rito sa unit ko?" tanong ko sa sarili.

"Ah! baka si Mommy, pumunta siya rito," sagot ko na rin sa tanong ko.

Nagsuot muna ako ng oversized t-shirt na kulay white. Maninipis lang ito, 'di na ako nagsuot ng short kasi maliligo na rin ako pupuntahan ko lang si Mommy sa kitchen.

Lumabas na ako sa kwarto ko. Sinusuklay suklay ko ng kamay ang aking mahabang buhok habang naglalakad patungong kitchen.

Pagdating ko ng kitchen ay...

"Hmm! Mommy, ang bango naman niyang niluluto mo mukhang masarap ah," sabi ko na hindi tumitingin dito habang kumukuha ng baso at nagsalin ng tubig mula sa water despenser.

Tinungo ko ang lababo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status