Kenny POV
Dahil sa ang dami kong iniisip at pagod sa biyahe ay nakatulog ako.
Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Bumangon ako at pumunta ng kitchen upang maghanap nang pagkain. Nakita ko ang dalawang pack nang noodles.
"Ito na lang ang kakainin ko maganda ito kasi madali lang lutuin," sambit ko.
Pagkaraan nang ilang minuto ay luto na ito at nagsimula na akong kumain.
Matapos kumain ay bumalik na ako sa aking silid tulugan at ngayon ay nakahiga na ako sa aking kama.
Habang nakahiga at gumuguni-guni ay nakatitig ako sa kawalan nang may naisipan akong plano to make my first move for my revenge.
I dialed a number on my cellphone.
"Hello Bro. Kenny, napatawag ka," sagot nang sa kabilang linya.
"Yes , Bro Drieck, kumusta can I asked a favor?" bungad ko nang sagutin niya ang kabilang linya.
"Okay lang naman ako Bro, nakauwi ka na ba nang Pilipinas?" tanong nito.
"Oo Bro," sagot ko naman.
"It's good to hear that Bro, na nakabalik ka na pala. Kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?" tanong ulit nito habang naririnig ko sa background nito ang online games na nilalaro nito.
"Actually kararating ko lang kaninang umaga. May ipapagawa sana ako sa iyo," saad ko.
"Welcome back Bro. Okay, basta ikaw no problem. Ano ba 'yong ipapagawa mo?" tanong nito.
"Meet Alexes Sandria Viera, and pretend as me using the name of Mr. Hurtman," sabi ko at ipinaliwanag ko ang lahat dito.
"Okay pretending as like you, no problem. It's so easy. Haha," sabi nito at tumatawa pa.
"Thank you so much Drieck, isa ka talaga sa mga kaibigan na maaasahan ko," sabi ko.
Alexes POV
Nandito ako ngayon sa lugar kung saan napagkasunduan naming magkita ni Mr. Hurtman.
Isa itong kainan na sikat sa mga iba't-ibang uri nang pagkain at kilala sa kanilang menu dishes na inihaw na manok at unli rice.
Hindi nagtagal ay may pumasok na isang lalaki at lumapit ito sa kinauupuan kong mesa dito sa loob nang sikat na kainan na ito.
I assumed na si Mr. Hurtman ito.
"Hindi naman pala siya kagwapohan pero may hitsura rin naman at professional na professional ang dating at ang postura nito. Halatang mayaman ito sa suot na leather jacket. Okay, cute s'ya pero hindi ko type 'yong mga napagawa n'ya na mga building at kanyang trabaho ang type ko," sambit ko sa sarili.
At hindi ako nagkamali nang magsalita ito at magpakilala.
"Architect Alexes Sandria Viera, I am Mr. Hurtman," pagpapakilala nito at iniabot ang kamay nito sa akin.
Tinanggap ko naman ito.
"Nice meeting you, Mr. Hurtman, maupo ka," sabi ko sabay turo nang isang upuan sa harapan ko sa kabilang gilid nang mesa.
"Me too, Miss Architect Viera, salamat," sabi nito at umupo na rin sa upuan.
"Okay, let's start our deal?" tanong ko.
"Okay, now saan tayo magsisimula?" tanong nito.
"Let's start with a materials na gagamitin. Gusto ko hindi tinitipid ang mga materials. I suggest the best quality materials must be used. Saka ang mga structures dapat malinis ang pagkakagawa. Ayaw ko nang may mga palihis o hindi pantay ang mga sukat. Dapat din na may pag-iingat sa paggawa ng building, ayaw ko na may ma-accident o madisgrasya. Kailangan ang safety nang mga tauhan at syempre ang safety din nang mga materials. At kapag nagsimula na ang paggawa gusto ko tuloy-tuloy pero bigyan n'yo rin sana nang sapat na pahinga sa trabaho ang mga lahat na nagtatrabaho para sa paggawa nang building. Kailangan maganda ang kanilang kalusugan kasi naniniwala ako na, a great works comes from great performances, and a great performances comes from great body and mind," mahabang saad ko.
"Okay, masusunod ho Miss Architect," pagsasang-ayon nito.
Marami pa ang napag-usapan namin ni Mr. Hurtman na halos umabot nang isang oras.
"Thank you Miss Architect Alexes, makakaasa ka na matibay ang pagkakagawa ng building na iyong nais ipagawa," sabi nito.
"Welcome and thank you also. Sana masunod ang lahat na detalye nang bawat sulok at bahagi ng building mula sa maliliit hanggang sa pinakamalaking bahagi nito. Saka nais ko na mapanatili ang kagandahan nang lugar. Napaka-memorable kasi sa may-ari ang lugar na pagpapatayuan ng building. At ayaw ko rin na mawala ang kagandahan nang mga puno at halaman doon. Kung maari ang nasa likuran nang bahagi ng land area ay huwag sirain. Sinugurado ko naman na hindi na aabot pa roon ang mga construction materials kapag na-deliver na ito kahit gaano pa ito karami. Malawak pa ang lugar na pwede ninyong paglagyan nang mga materials huwag lang doon sa parts na iyon. It was a nice place at ayaw ko na masira iyon," sabi ko na may halong lungkot.
"Ang lahat nang iyong gustong mangyari ay masusunod, Miss Alexes," sabi nito.
"By the way, can I asked something," sabi nito.
Tumango-tango ako sinyales na magtanong lang ito.
"Yes, of course. Go a head. What is it?" sabi ko.
"Kanino ho ba ang building na ipapatayo? Kasi kanina pa tayo nag-uusap tungkol sa ipapagawang building pero hindi ko alam kung sino ang may-ari. Base on what I see in your blueprint sobrang ganda. Para ba na sobrang mahal nang may-ari ang lugar," mahabang turan nito.
Ngumiti ako sa kanya at sinabi na, "It's mine. Sa akin ang ipapatayong building. It is my dream house."
"Dream house naming dalawa ni..." at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at ngumiti ako nang mapait.
I smiled it with a bitterness kasi nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan na mga pangarap at napag-usapan namin noon ni Kenny.
Flashback.
"Okay, where here na. P'wede mo nang imulat ang mga mata mo," sabi nito at kinuha ang mga kamay nito na nakatakip kanina sa aking mga mata.
"Surprise!" sabi ni Kenny at inilahad ang dalawang kamay na nakaturo sa malawak na lupain.
"Wow! ang ganda-ganda naman nang lugar na ito, Kenny." Bulalas ko nang makita ang kagandahan nang paligid.
Dinala niya ako rito para mag-celebrate nang first monthsary namin.
Ang napakaganda nang paligid nito at napakalawak nang lupain. Kapag nakatayo ka sa gitna para ba na napapaligiran ka nang mga marami at magagandang puno at halaman. Dagdag pa rito ang mga iba't-ibang uri nang mga ligaw na bulaklak.
Napayakap ako Kay Kenny sa sobrang tuwa.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito na nakangiti sa akin.
"Oo! Kenny, gustong-gusto ko. Thank you. Alam mo talaga kung ano ang mga gusto ko. Napasaya mo ako," sabi ko na nangingiyak sa tuwa.
"Alam mo ba na balak ko itong bilhin. Ang lupaing ito kapag nakapagtrabaho na ako, dahil pangarap kong dito ipapatayo ang dream house nating dalawa," sabi nito.
"Talaga, dito tayo magpapatayo ng dream house natin!" masayang sabi ko.
"Oo naman! Tapos ikaw ang magiging Architect nang ipapatayo nating dream house. Kasi ang galing-galing mong gumawa nang mga plano. Saka the best ka pa sa drawing kaya ikaw ang gagawa ng blue print," sabi nito habang nakayakap ito sa aking likuran at nakapatong ang baba nito sa aking balikat hawak ko naman ang dalawang kamay nito sa harapan ko.
"Tapos ikaw naman ang magiging Engineer. Ikaw ang magpapagawa para masiguro natin na maganda at matibay ang pundasyon nito. Para tumagal ito at nakatayo pa rin nang napakahabang panahon hanggang sa mga anak nang ating mga anak. Siguraduhin nating maging matibay para kahit na ano pa mang mga bagyo at lindol ang dumating ay hindi basta-basta masisira o mawawasak," sabi ko na nakaharap na kay Kenny ngunit magkayakap pa rin.
He smiled on me at pinisil ang aking ilong.
"Ikaw talaga ang bata-bata mo pa pero parang mas matured ka pa sa akin kung mag-isip. Kaya nga mahal na mahal kita eh. Ang swerte ko at naging girlfriend kita. Ang tatalino mo, Baby." He said and kissed me on my forehead.
"I Love you so much, Alexes." His whispered on my ears that gives me a happy feeling that bloom in to my whole body.
"l Love you more, Kenny," sagot ko naman dito.
"Ehem! Miss Alexes," dinig ko na tawag sa aking pangalan.
Nabalik sa realidad ang aking isipan nang may nagsalita sa harapan ko.
"Ha? I'm sorry Mr. Hurtman, hindi kita narinig. Pardon please," sabi ko.
"May problema ho ba Architect, natigilan ka kasi," sabi nito.
I smiled on him, at iniangat ko nang kaunti ang aking dalawang balikat. It is mean na wala pero parang meron.
"Amm, sorry may naalala lang ako," sabi ko.
"It's okay Architect, I understand. It is personal right?" sabi nito at pagbibitin nang tanong nito.
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
"So, paano Mr. Hurtman, mauna na ako may pupuntahan pa ako. I'm sorry at nadala ko pa sa trabaho ang problema ko," sabi ko at paghingi nang paumanhin.
"No problem Miss Architect Viera, natural lang sa buhay ang problema," sabi nito na Napangiti.
"Thank you for understanding, so our deal has closed na," sabi ko.
"Deal," sagot nito.
Sabay na kaming tumayo at nagpaalam na sa isa't-isa pagkatapos naming mag-shakehands.
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.