Share

Chapter 1

Penulis: Byonntiful_Mind
last update Tanggal publikasi: 2026-09-21 22:42:30

Ibinuhos ko lahat ng sakit at mga hinanakit ko sa braso ni Fletcher. Niyakap niya ako nang mahigpit, at nakapagtatakang sa mga bisig niya ay nakaramdam ako nang kaginhawaan at kaligtasan. Ang mga luha ko ay nagsipatakan, at naramdaman kong sumikip ang aking dibdib na para bang sinaksak nang ilang beses...

"A--ang sakit sakit... Linoko niya 'ko... Pinagkatiwalaan ko siya. Minah--" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa hikbing kumawala sa bibig ko. Humiwalay sa yakap si Fletcher, ako naman ay natulala.

Binihisan niya ako nang hindi ko namamalayan, pinunasan niya ang luha sa aking mukha. He was patient with me... Marahan niya ako kung hawakan.. Inilagaan niya ako na parang isang babasagin... Dahil sa sakit ay 'di ko namalayang nakatulog pala ako.

Nagising ako sa gray na kwarto na parang walang kabuhay-buhay. Nakahiga ako sa king-sized bed na nasa kulay din ng gray but in lighter shade. Halata sa may-ari na hindi ito mahilig sa ibang kulay kundi gray lang. Nakakapagtaka kung bakit ako nandito.

Hindi ko alam kung kaninong bahay 'to. Ang sakit pa naman ng ulo ko dahil sa maraming alak na nainom. Nang mapagtanto ko ang lahat ay napahilamos ako ng mukha at biglang nahiya. Sumilip ako sa pintuan at bumungad sa akin ang mukha ni Fletcher.

May dala itong umuusok na tasa. Nang nasa tapat na niya ako ay iniabot niya sa 'kin ang kape. Balak ko sanang sabihin na hindi ako umiinom ng coffe nang unahan niya 'ko. "It's a rice coffee. I brew it myself." Tumango ako, ang balak na pagtanggi ay biglang naudlot. Tinanggap ko ito. Inamoy-amoy... Ah, napakabango. Wala talagang makakatalo sa rice coffee. Ayaw ko kasi talaga ng bean coffee, mas gusto ko talaga ang rice coffee. Hinipan hipan ko ito at hinalo-halo gamit ang kutsara. Kinuha niya sa 'kin ang tasa at siya ang nagpalamig.

Nagscoop siya ng isang kutsara at habang nasa kutsara ang kape ay hinipan-hipan niya at itinapat sa labi ko. I felt awkward and ashamed... "I can do it myself," I said as I immediately drank the rice coffee even though it was still hot. Hindi ko napigilan ang sarili kong dumaing at ilabas ang dila dahil sa init. Hinipan niya ang dila ko na para bang maiibsan nito ang init.

Bigla akong nakaramdam ng awkwardness.. Ang weird... Nakakaramdam ako ng kakaiba... O baka madumi lang talaga ang isip ko.

"Are you okay now?" Kuryusong tanong niya sa akin. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung okay pa ba ako sa lagay na 'to. Nararamdaman ko pa rin ngayon ang kirot. Feeling ko trinaydor ako ng mundo at pinaglaruan. Parang 'yung feeling na pinakain ka ng chocolate ng nanay mo dahil papakainin ka niya ng ampalaya. Gano'n ang klase ng sakit.

Hindi ko alam kung paano ko maiiproseso ang nararamdaman ko ngayon. Lumunok muna ako bago tuluyang sumagot. "S-sa totoo lang, hindi... Ramdam ko pa rin ang sakit..." Namasa ang mata ko. Itinuro ko ang puso ko. "A-ang sakit-sakit..." Tumulo ang luha ko. Tuloy-tuloy at hindi tumigil sa pagdaloy. Nahahabag siyang tumingin sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.

Hinaplos-haplos niya ang likod ko na parang batang pinapatahan. Sa mga bisig niya ay nararamdaman ko ang kakaibang seguridad. Nakakatawa lang. Kung paanong sa piling ng kaniyang kakambal ay naramdaman ko ang libo-libong punyal dahil sa panloloko nito sa akin. Samantalang sa bisig ni Fletcher ay nakaramdam ako ng init at kaligtasan.

Nang tubuan ako ng hiya ay unti-unti akong humiwalay sa kaniya. Tumingin ako sa mga mata niya. Ang madidilim niyang mga mata ay may kakaibang kislap at pag-intindi sa aking kalagayan. Sa tingin pa lang niya parang gusto niyang sabihin na nandiyan lang siya.

Ngumiti ako at pinahiran ang aking luha. "S-soryy. Ginawa pa kitang panyo." Peke akong tumawa.

"It's fine." Tipid niyang sinabi. Namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hinintay ko siyang magsalita. Pero dumaan lang ang ilang minuto at hindi siya umusal ng kahit isang salita.

"Umm... S-soryy pala sa kagabi... Sa sobrang heartbroken ko, gusto kong gantihan si Felix gamit ka... Don't worry lalayo ako sa'yo."

Nang makita kong nagsalubong ang kilay niya ay kinabahan ako. Napapikit ako sa hiya. Nakakahiya! Manggagamit ako! "You can use however you want." Sabi niya na siyang nagpatigalgal sa akin.

Wait... Tama ba ang narinig ko? O baka lasing pa ako. "H-ha?" Natatameme kong saad.

"You can use me however you want." Diretso siyang tumitig sa akin at hindi siya kumurap. Natawa ako nang mahina.

"N-nagjojoke ka lang diba? Kasi nakakatawa eh. Ha. Ha. Ha." Malakas akong tumawa nang pilit.

"No." Isang salitang saad niya. Walang explanation. Walang kahit na anong ibang statement to support the fact. "Pwede mo iexplain? Wala akong maintindihan." Aanga-anga kong saad.

Kasi naman, pa'no niya nasabi 'yun? Tumitig siya nang matagal. Ang mga mata niya ay mukhang may gustong sabihin pero hindi ko mapangalanan. Parang magkaiba kami ng lengwahe at hindi iyon matarok ng aking pag-iisip.

"I'm free. You want revenge... And... You're pretty." Sabi niya ng walang anong konstekto. Mas naghang ang isip ko... Ang tumatak lang sa akin ay 'yung sinabi niyang pretty ako. Minsan lang ako sabihan ng ganiyan kaya nagugulat ako kapag may naririnig akong ganiyang compliment. Mahilig rin siguro siya sa nga pretty kaya niya nasabi 'yon. Kasi kung iisipin ko kung ako nasa posisyon niya maiinis ako 'pag ginamit lang ako.

"Hindi ka ba naiinsulto na ginamit lang kita?"

"Why is it insulting?" Inosente niyang tanong na para bang wala siyang ideya na nakakainsulto iyon sa kaniya. Umiling ako. Hindi ako makapaniwala! Totoo ba talaga siya? Parang nakokonsensiya tuloy ako...

"Umm..." Nag-isip ako ng mga salitang maiintindihan niya. "Kasi, ginamit kita as a way of taking a revenge on your twin." Sabi ko, umaasang maintindihan niya.

"So?" Kumurap-kurap ako. "H-hindi makatarungan 'yon."

"As long as it's you, it's totally fine..." Hindi ko narinig ang naunang kataga na sinabi niya dahil napakahina ng boses niya. "Ano 'yon? Hindi ko narinig."

Umiling siya. "I said, it's totally fine... I'm kinda bored anyway." He shrugged.

Wow! Grabe! 'Yung CEO ng LOVELY EL Corp ay bored? Hindi nga ako makapaniwalang nahalikan ko siya, tapos maririnig ko sa labi niya na bored lang siya? Kakaiba rin tumakbo ang isip niya.

Byonntiful_Mind

Maraming salamat sa pagbabasa!

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Ex's Twin   Chapter 73

    Third Person Pov "You should attend my birthday!!!" Pang-eengganyo ni Laura sa apong si Fred. Hawak ni Fred ang Ipad ni Fletcher kung saan makikita roon ang mukha ng kaniyang lola na tuwang-tuwa sa kaniyang apo. Busog na busog sa pakikinig ng kwento ni Fred ay kung pwede lang na makurot ito sa pisngi ay ginawa na niya Matagal nang ipinakilala ni Fletcher ang kaniyang anak na kambal sa inang si Laura. Sa sobrang tuwa nito ay sa araw din na sinabi iyon ni Fletcher ay kaagad nang lumuwas ang kaniyang mga magulang upang bistahin ang mga apo. Ang magkambal naman ay tuwang-tuwa sa pasalubong ng kanilang lolo at lola. Kahit si Flor ay manghang-mangha sa mga kwento ng lola Laura niya at umusbong sa kaniyang puso ang hangarin na makapunta sa Pilipinas. Sa katunayan pa nga ay palihim pa siyang nagpractice magsalita ng tagalog tuwing umaga upang hindi malaman ng kaniyang pamilya, kaya sa talastasan sa lola niya ay mas maayos at hindi siya masiyadong nabubulol. "Mommy, daddy can we go to

  • My Ex's Twin   Chapter 72

    Third Person Pov Ang Tivoli Gardens na matatagpuan sa Copenhagen ay hindi lang isang amusement park, itinuturing din ito bilang national pleasure garden ng Denmark. Ito ay binuksan noong August 15, taong 1843. Ito ang pumapangalawa sa pinakamatandang amusement park sa mundo, sinundan nito ang Dyrehavsbakken na matatagpuan din sa Denmark, at magpahanggang ngayon ay nagooperate pa rin. Ang Tivoli Gardens ay matatagpuan sa pinakaheart of the city, next to Copenhagen Central Station. Sikat din ito dahil sa mga hardin nito. May 15 hardin ang makikita dito, nariyan na ang Japanese Garden, Hanging Gardens, at Parterre garden. Flower beds, old trees, mga magagarang peacocks, at pagkagat ng dilim makikita ang libo-libong colored lamps at mga lantern na kitang-kita ang repleksiyon sa tubig. Tuwang-tuwa ang magkambal sa sumasalubong sa kanilang paningin na kahit ang laging tahimik na si Flor ay nagniningning ang mga mata at hindi maiwasang mapangiti sa tanawin. Kahit sa tuwing kukuhan

  • My Ex's Twin   Chapter 71

    Third Person Pov Sa bawat araw na bumibisita si Fletcher sa kaniyang mag-anak ay halos nagkapalagayan na sila ng loob ng kaniyang mga anak. Hindi nabubuo ang araw ni Fred na hindi niya nakikita ang ama, si Flor naman ay unti-unti nang nasasanay sa presensiya ni Fletcher. Kahit may ilang pagkakataon na medyo mailap siya sa ama ay hindi na njya ito binabara. Kahit si Zara man ay nasanay na kay Fletcher. Ang kaniyang puso ay mukhang bubuksan muli ang sarili nito para makapasok si Fletcher sa buhay nila. Walang mintis ang pagbibigay ni Fletcher ng paboritong bulaklak ni Zara. Ito rin ang nagluluto at gumagawa ng mga gawaing bahay. Para silang mga prinsesa kapag naroroon ito. Hindi naman magawang hindi mag-alala ni Zara sa trabaho ni Fletcher ngunit sinabihan lang siya nitong na 'wag masiyadong mag-alala rito. Ang pagmodel ni Zara sa gagawing advertisement ni Fletcher ay matutuloy rin sa wakas dahil sa pagsang-ayon ni Zara. Kahit si Fred ay sabik na sabik nang makita ang kaniyang

  • My Ex's Twin   Chapter 70

    Zara's Pov Ilang beses na nagyawn si Fred tanda na kailangan na nilang matulog."It's bed time! It's time to sleep." Kaagad naman silang tumayo at pumunta na sa kwarto. "Good night Flor. Good night Fred." Isa-isa kong hinalikan ang ulo nila at kinumutan. "Good night mommy!" Sabay nilang saad."Good night daddy!" Pahabol naman ni Fred. Ngumiti si Fletcher. "Good night Fred and Flor." Nang isara ko ang pinto ay katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Fletcher. Ang malakas na buhos ng ulan ay maririnig sa labas. "Wag ka na munang bumalik sa hotel mo, may extra room pa naman dito." Saad ko dahil nag-aalala rin ako dahil maulan at gabing-gabi na rin at baka madisgrasya pa siya.Naglakad ako papunta sa isa pang room at sumunod naman siya. Hinawakan ko ang doorknob nito at pinihit kaso matigas iyon. Ibig sabihin ay nakalock ito. Tinampal ko ang aking noo. "Ay oo nga pala na kay Lola Iska ang susi. Nakalimutan niyang iwan dito ang susi... Sorry. ""It's fine, I can go back to my h

  • My Ex's Twin   Chapter 69

    Third Person Pov Tinabihan ni Fletcher sina Fred at Flor na ngayon ay nanonood ng TV. Si Zara naman ay nasa banyo at naliligo kaya silang tatlo ang naiwan sa sala. Ang tunog lang ng telebisyon ang siyang naririnig. Tahimik silang nanonood ngunit pareho nilang pinakikiramdaman ang bawat isa... Para kay Fletcher iyon ang pinakatensiyonadong pangyayari sa tanang buhay niya. Kailan man ay hindi siya nakaramdam ng pagkasindak sa kahit sino. Kahit ang mga delikadong tao at mga sindikato. Ngunit ngayon habang pinakikiramdaman niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa ay para siyang napipi dahil sa takot niyang magkamali sa sasabihin... Si Flor naman ay pinapakiramdaman at tahimik na inoobserbahan ang kilos ng kaniyang ama. Hinihintay niyang magkamali ito upang madaling mapatalsik sa buhay nila. Habang si Fred ay bagamat natutuwa sa presensiya ng kaniyang ama, ay napiling manahimik na lang dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang ate kung makikipagbati siya rito. "What i

  • My Ex's Twin   Chapter 68

    Third Person Pov Tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang kumakain ang pamilya nila Zara. Katabi ni Zara si Fred at kaharap naman nila sina Fletcher at Flor. Nakasimangot si Flor habang kumakain. Pinaalalahanan ni Zara ang anak na ayusin niya ang ekspresiyon nito dahil makagaba sa pagkain. Mabuti naman at sumunod si Flor. Kapansin-pansin na iniiba ni Flor ang patatas dahil hindi niya ito gusto, napansin iyon ni Fletcher. "You don't like eating potatoes?" Gusto sanang barahin ni Flor ang daddy niya kaso ayaw niyang magalit ang mommy niya sa kaniya kaya tumango na lang siya. "Wow! Same! I also don't like eating potatoes... Is your favorite food peanut butter, without bread?" Hindi sumagot si Flor kaya si Zara ang sumagot. "Oo, lagi niya ngang pinapapak ang peanut butter. Minsan nagugulat na lang kami na wala nang laman ang jar kasi inunti-unti na pala niya pero 'yung tinapay halos hindi nga nabawasan." "Wow, you're really are my minimie!" Natutuwang saad ni Fletcher. Par

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status