MasukThird Person Point of View
Kakaibang pagkasabik ang nararamdaman ni Fletcher dahil sa wakas nakakausap na niya si Zara. Dumagdag pa na nahalikan niya ito sa labi at muntikan pang may mangyari sa kanilang dalawa. Gusto niyang magmakaawa kay Zara na siya na lang ang lingapin nito at hindi na ang kambal niyang si Felix. Kanina lang ay gusto na niyang umamin kay Zara ng kaniyang totoong nararamdaman pero naisip niyang hindi pa ito ang tamang oras para roon. Kaya wala sa konstektong sinabi niyang dahil maganda ito na totoo naman. Napakaganda ni Zara. Ang buhok nitong kulay abo na kung nasisikatan ng araw ay kumikintab dahil sa malusog nitong buhok. Mahaba ito at maalon, sumasayaw at tumatalon ito sa bawat paghakbang ni Zara. Ang mapupula nitong labi na hugis puso, at kung ngumingiti siya ay may sumisilip na magkakambal na maliliit na biloy sa pisngi. Ang mga mata nitong nangungusap at kumikislap kapag tumatawa. Ang maganda nitong katawan na parang isang modelo, at ang maputi nitong balat na parang may sarili itong ring light. Kung tutuusin, lahat ng parte ni Zara pati ang kaluluwa nito ay gustong-gusto ni Fletcher. Halos kay Zara na lang umiikot ang mundo niya. Kung hindi lang ito nobya ng kaniyang kambal ay kaagad na sigurong inalok ng kasal ni Fletcher si Zara nang makita niya ito sa family dinner nang ipinakilala ni Felix si Zara sa kanila. Ngayon na nakakausap na niya ito at nakakasama, hindi siya papayag na dumausdos ito sa hawak niya. Gagawin niya ang lahat para mahulog sa kaniya si Zara. Handa siyang maghintay lingapin lang nito ang pagsinta niya. Ibibigay niya ang lahat kay Zara. Hihigitan niya pa ang ibinigay ng kaniyang kakambal. Iaalay niya lahat ng mayro'n siya para lamang makasama ang babae. Kahit na gustong kumawala ng kaniyang puso sa kaniyang dibdib ay umakto siyang hindi siya naapektuhan sa presensiya ni Zara. Tahimik siyang inobserbahan ito, at tipid siyang sumagot sa mga tanong nito kahit na gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya at hagkan ng kaniyang mga labi. Sa tuwing tumatama ang natural na amoy nito sa kaniyang ilong ay napapakuyom ang kaniyang mga kamay dahil sa pagpipigil na ibaon ang kaniyang mukha sa leeg nito at amuyin. Halos mabaliw na siya sa pagpigil ng kaniyang sarili na tuluyang talunin si Zara. "Bored?" Hindi makapaniwalang saad ni Zara sa naging sagot ni Fletcher. Tumitig si Fletcher sa mukha ni Zara na manghang nakatingin sa kaniya. Halos hindi na maintindihan ni Fletcher ang lumalabas na salita sa bibig ni Zara dahil nakapokus siya sa nakakaaliw na ekspresiyon nito. "Pa'nong bored? Kulang pa ba trabaho mo?" Parang slowmo kung gumalaw si Zara sa paningin ni Fletcher. Ang mga buhok nito ay magiliw na sumayaw sa bawat paggalaw, ang mga labi nito ay ngumiwi, at ang mga mata nito ay nakakatawang nandilat, pero sa paningin ni Fletcher ay napakaganda pa rin ni Zara. Napansin ni Zara na parang hindi gumagalaw si Fletcher. Ginalaw-galaw niya ang kaniyang kamay sa harapan ni Fletcher. Mga ilang minuto bago kumurap si Fletcher. "Sorry... Can you repeat what you just said?" Kahit na gustong-gusto ni Fletcher na ipokus ang kaniyang atensiyon sa lahat ng sinasabi ni Zara, hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na lumipad ang kaniyang isip dahil sa kakaibang ganda ni Zara. "Sabi ko, kulang pa ba ang trabaho mo bilang CEO?" Ulit ni Zara sa tanong niya. Kumawala ang maliit na ngiti sa labi ni Fletcher. "The working life is hectic but..." You're my priority. Gusto sanang sabihin ni Fletcher pero buti na lang ay napigilan niya ang kaniyang sarili. "My personal life is boring. I want to see my twin regretting his choice... So... Pwede mo akong gamitin laban sa kaniya... You can get your revenge and I can be entertained... Win-win, right?" Ngumisi siya. Swabeng-swabe niya iyong sinabi na parang 'di big deal ang lahat ng ito para sa kaniya. Pero ang totoo ay halos nagmamakaawa ang boses sa loob niya na sana mag-agree na si Zara. Please, agree. Please, agree. Please, agree. Tumingin si Zara sa taas at umaktong nag-iisip. Kahit nagtataka pa rin ito sa inaakto ni Fletcher ay kinokonsidera rin niya ang offer nito. Dahil kung tutuusin ay may punto rin si Fletcher. Kung gusto niyang maiparamdam ang sakit sa kakambal nitong si Felix mas mainam na si Fletcher ang gamitin niya. Pero... Walang sinuman ang dapat na ginagamit lang... Kakayanin ba ng kaniyang konsensiya na gamitin si Fletcher? Kahit pa sinabi nitong willing ito, pero ang katotohanang gagamit siya ng ibang tao para saktan ang isa parang sobra naman yata... Nakikita ni Fletcher ang pag-aalinlangan ni Zara. Alam niyang nagdadalwang-isip ito lalo na at hindi nito ugali ang gamitin ang ibang tao. Lumapit si Fletcher kay Zara. Hinawakan niya ang kamay nito. "Hey, you can just forget what I said. It's always your decision... We can part here, it's fine.." Ngumiti si Fletcher. Kahit niya sinabi ang mga katagang iyon kay Zara hindi pa rin siya susuko. Gagawin pa rin niya ang lahat ng paraan para mahulog sa kaniya si Zara. "Umm... Pag-isipan ko muna... Pag nagdesisyon na 'ko sasabihin ko sa 'yo." Sabi ni Zara na siyang ikinatango naman ni Fletcher. "Okay. It's your decision, afterall." Tipid na saad ni Fletcher. Inihatid ni Fletcher si Zara sa bahay nito. Nang tuluyang tumigil ang kotse ay bumaba si Fletcher at umikot para pagbuksan si Zara. Nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi si Zara. Sa loob ni Fletcher ay nasiyahan ang kaniyang puso sa naging reaksiyon ni Zara. 'If you'll give me a chance I will show you every sweet gestures that this world will offer.' Isip ni Fletcher. Kumaway si Zara na siyang ikinangiti ni Fletcher. Hinintay niyang makapasok si Zara sa bahay nito bago imaneho ang kotse palayo. Hindi pa ito ang huling beses na magkikita sila. Sisiguraduhin iyon ni Fletcher. Isisksik niya ang kaniyang sarili sa buhay ni Zara. Siya mismo ang gagawa ng paraan upang magtagpo ang kanilang landas. Hindi siya aasa sa tadhana. Kung sa iilan ang pagkaway ang simbolo ng pamamaalam, para kay Fletcher ito ay simbolo ng kinabukasan niya kasama si Zara. Ngumisi si Fletcher. "You will fall for me, Zara."SANA ALL MAY FLETCHER!! ANO REAKSIYON NIYO?
Third Person Pov "You should attend my birthday!!!" Pang-eengganyo ni Laura sa apong si Fred. Hawak ni Fred ang Ipad ni Fletcher kung saan makikita roon ang mukha ng kaniyang lola na tuwang-tuwa sa kaniyang apo. Busog na busog sa pakikinig ng kwento ni Fred ay kung pwede lang na makurot ito sa pisngi ay ginawa na niya Matagal nang ipinakilala ni Fletcher ang kaniyang anak na kambal sa inang si Laura. Sa sobrang tuwa nito ay sa araw din na sinabi iyon ni Fletcher ay kaagad nang lumuwas ang kaniyang mga magulang upang bistahin ang mga apo. Ang magkambal naman ay tuwang-tuwa sa pasalubong ng kanilang lolo at lola. Kahit si Flor ay manghang-mangha sa mga kwento ng lola Laura niya at umusbong sa kaniyang puso ang hangarin na makapunta sa Pilipinas. Sa katunayan pa nga ay palihim pa siyang nagpractice magsalita ng tagalog tuwing umaga upang hindi malaman ng kaniyang pamilya, kaya sa talastasan sa lola niya ay mas maayos at hindi siya masiyadong nabubulol. "Mommy, daddy can we go to
Third Person Pov Ang Tivoli Gardens na matatagpuan sa Copenhagen ay hindi lang isang amusement park, itinuturing din ito bilang national pleasure garden ng Denmark. Ito ay binuksan noong August 15, taong 1843. Ito ang pumapangalawa sa pinakamatandang amusement park sa mundo, sinundan nito ang Dyrehavsbakken na matatagpuan din sa Denmark, at magpahanggang ngayon ay nagooperate pa rin. Ang Tivoli Gardens ay matatagpuan sa pinakaheart of the city, next to Copenhagen Central Station. Sikat din ito dahil sa mga hardin nito. May 15 hardin ang makikita dito, nariyan na ang Japanese Garden, Hanging Gardens, at Parterre garden. Flower beds, old trees, mga magagarang peacocks, at pagkagat ng dilim makikita ang libo-libong colored lamps at mga lantern na kitang-kita ang repleksiyon sa tubig. Tuwang-tuwa ang magkambal sa sumasalubong sa kanilang paningin na kahit ang laging tahimik na si Flor ay nagniningning ang mga mata at hindi maiwasang mapangiti sa tanawin. Kahit sa tuwing kukuhan
Third Person Pov Sa bawat araw na bumibisita si Fletcher sa kaniyang mag-anak ay halos nagkapalagayan na sila ng loob ng kaniyang mga anak. Hindi nabubuo ang araw ni Fred na hindi niya nakikita ang ama, si Flor naman ay unti-unti nang nasasanay sa presensiya ni Fletcher. Kahit may ilang pagkakataon na medyo mailap siya sa ama ay hindi na njya ito binabara. Kahit si Zara man ay nasanay na kay Fletcher. Ang kaniyang puso ay mukhang bubuksan muli ang sarili nito para makapasok si Fletcher sa buhay nila. Walang mintis ang pagbibigay ni Fletcher ng paboritong bulaklak ni Zara. Ito rin ang nagluluto at gumagawa ng mga gawaing bahay. Para silang mga prinsesa kapag naroroon ito. Hindi naman magawang hindi mag-alala ni Zara sa trabaho ni Fletcher ngunit sinabihan lang siya nitong na 'wag masiyadong mag-alala rito. Ang pagmodel ni Zara sa gagawing advertisement ni Fletcher ay matutuloy rin sa wakas dahil sa pagsang-ayon ni Zara. Kahit si Fred ay sabik na sabik nang makita ang kaniyang
Zara's Pov Ilang beses na nagyawn si Fred tanda na kailangan na nilang matulog."It's bed time! It's time to sleep." Kaagad naman silang tumayo at pumunta na sa kwarto. "Good night Flor. Good night Fred." Isa-isa kong hinalikan ang ulo nila at kinumutan. "Good night mommy!" Sabay nilang saad."Good night daddy!" Pahabol naman ni Fred. Ngumiti si Fletcher. "Good night Fred and Flor." Nang isara ko ang pinto ay katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Fletcher. Ang malakas na buhos ng ulan ay maririnig sa labas. "Wag ka na munang bumalik sa hotel mo, may extra room pa naman dito." Saad ko dahil nag-aalala rin ako dahil maulan at gabing-gabi na rin at baka madisgrasya pa siya.Naglakad ako papunta sa isa pang room at sumunod naman siya. Hinawakan ko ang doorknob nito at pinihit kaso matigas iyon. Ibig sabihin ay nakalock ito. Tinampal ko ang aking noo. "Ay oo nga pala na kay Lola Iska ang susi. Nakalimutan niyang iwan dito ang susi... Sorry. ""It's fine, I can go back to my h
Third Person Pov Tinabihan ni Fletcher sina Fred at Flor na ngayon ay nanonood ng TV. Si Zara naman ay nasa banyo at naliligo kaya silang tatlo ang naiwan sa sala. Ang tunog lang ng telebisyon ang siyang naririnig. Tahimik silang nanonood ngunit pareho nilang pinakikiramdaman ang bawat isa... Para kay Fletcher iyon ang pinakatensiyonadong pangyayari sa tanang buhay niya. Kailan man ay hindi siya nakaramdam ng pagkasindak sa kahit sino. Kahit ang mga delikadong tao at mga sindikato. Ngunit ngayon habang pinakikiramdaman niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa ay para siyang napipi dahil sa takot niyang magkamali sa sasabihin... Si Flor naman ay pinapakiramdaman at tahimik na inoobserbahan ang kilos ng kaniyang ama. Hinihintay niyang magkamali ito upang madaling mapatalsik sa buhay nila. Habang si Fred ay bagamat natutuwa sa presensiya ng kaniyang ama, ay napiling manahimik na lang dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang ate kung makikipagbati siya rito. "What i
Third Person Pov Tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang kumakain ang pamilya nila Zara. Katabi ni Zara si Fred at kaharap naman nila sina Fletcher at Flor. Nakasimangot si Flor habang kumakain. Pinaalalahanan ni Zara ang anak na ayusin niya ang ekspresiyon nito dahil makagaba sa pagkain. Mabuti naman at sumunod si Flor. Kapansin-pansin na iniiba ni Flor ang patatas dahil hindi niya ito gusto, napansin iyon ni Fletcher. "You don't like eating potatoes?" Gusto sanang barahin ni Flor ang daddy niya kaso ayaw niyang magalit ang mommy niya sa kaniya kaya tumango na lang siya. "Wow! Same! I also don't like eating potatoes... Is your favorite food peanut butter, without bread?" Hindi sumagot si Flor kaya si Zara ang sumagot. "Oo, lagi niya ngang pinapapak ang peanut butter. Minsan nagugulat na lang kami na wala nang laman ang jar kasi inunti-unti na pala niya pero 'yung tinapay halos hindi nga nabawasan." "Wow, you're really are my minimie!" Natutuwang saad ni Fletcher. Par







