LOGINSinagot ni Celine ang tawag. Agad niyang narinig ang nag-aalalang boses ni Grace.“Ngayon ko lang nakita ang balita online. Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako Grace. Na-heatstroke lang ako dahil sa sobrang init ng panahon, at may ilang gasgas lang sa katawan. Nagamot na rin naman ang mga iyon.”“Bakit parang ang hina ng boses mo?”“Hindi ka pa kasi nakakabawi, hindi ka pa maayos mula nung nanganak ka. Magpahinga at magpalakas ka. Sigurado akong mas magiging maayos na ang pakiramdam mo bukas.”“Talagang nag-aalala ako sa iyo. Gusto ko sanang pumunta dyan para personal kang makita. Nagsimula na rin ang renovation sa orphanage, kaya hindi ako basta-basta makaalis.”“Salamat Grace, ayos na ako kaya ko na to. Marami ka nang inaasikaso—may trabaho ka pa at ako na nga nahihiya sayo kasi tinutulungan mo pa ako sa mga bagay-bagay na ibinilin ko sayo. Alam ko napapagod ka na rin. Kapag natapos na ang mga ginagawa ko rito, babalik ako dyan pupuntahan kita.”Medyo matagal pa silang n
“Ano’ng nangyari kay Ate Celine? Bakit siya naospital?” nag-aalalang tanong ng dalaga.“Nasugatan siya habang nagliligtas ng isang tao. Gusto mo ba siyang dalawin?”“Oo! Oo naman! Nasa Pacific Meridian ba siya? Anong ward?”“Susunduin kita.”“Ha?” Halatang hindi inaasahan ng kausap niya ang alok na iyon.“Maghintay ka sa back gate ng school. Makakarating ako roon sa loob ng dalawampung minuto.”Sandaling nag-isip si Jethro bago muling nagsalita.“Maaari mo ring makita sa internet ang balita tungkol sa ginawa niya.”Pagkasabi niyon, ibinaba na niya ang tawag.Sakto namang bumukas ang elevator, kaya pumasok si JethroSumunod si Clark at tumayo sa likuran niya. Hinahangaan niya ang matangkad at tuwid na tindig ng kanyang amo.Akala ko ba palihim lang na mag-aalala ang boss? Hindi pala. May naiisip na agad siyang paraan!Dahil wala siyang karapatang manatili sa tabi ni Celine tinawagan niya si Martha para guluhin si Trevor.Sa sandaling may isa pang taong magiging sagabal sa loob ng ward,
“Kakabalik ko lang sa Palawan nang malaman kong nawalan ka ng malay matapos mong iligtas ang isang tao. Kaya agad akong nagmadaling pumunta rito.”Nagtakang nagtanong si Celine, “Paano mo nalaman?”“Kumalat na sa internet ang balita tungkol sa ginawa mong pagliligtas.”Kaya pala. Gayunpaman, ayaw na niyang magkaroon pa ng anumang koneksyon kay Trevor.“Okay lang ako. Mga minor injuries lang naman ito. Maaari ka nang bumalik.”Matamang tinitigan ni Trevor si Celine“Nagdidiborsyo lang tayo. Hindi ibig sabihin niyon ay tuluyan na nating puputulin ang lahat ng ugnayan natin. Kailangang alagaan ni Aling Mila si Angela, at hindi ka rin maaaring mag-isa habang nasa ospital ka. Paano kung isang araw ay may mangyari sa akin? Pababayaan mo na lang ba ako?”Napaisip si Celine na kung may mangyari man kay Trevor, may mga tao namang nakapaligid dito —naroon sina Leonor, Grandpa, Bianca, at Ysabelle. Bilang dati niyang asawa, wala na siyang karapatang makialam sa buhay nito.Pero nagbiyahe pa ito
Walang-angat-angat ng tingin si Jethro habang pumipirma sa dokumentong nasa harapan niya.“Ano iyon?”“May nangyari po kay Maam Celine.”Biglang natigil ang pagpirma ni Jethro.Agad siyang nag-angat ng tingin. Mababa ang boses niya, ngunit hindi maitago ang pagkabahala.“Ano ang nangyari?”Mabilis na ipinakita ni Clark sa kanya ang balita tungkol kay Celine sa cellphone nito.Nang mabasa ni Jethro ang malaki at makapal na headline na nakasulat doon—“Magpapakamatay na babae, Nailigtas ng doctor.”—biglang sumilay ang pagkataranta sa malalim niyang mga mata.Agad siyang tumayo mula sa upuan at mabilis na naglakad patungo sa pintuan.Mabilis ding sumunod si Clark at pinaalalahanan siya.“Sir, malaki ang magiging epekto ng insidenteng ito. Siguradong maraming media ang maghihintay sa ospital para makakuha ng balita. Baka hindi magandang ideya kung pupunta ka doon ngayon.”Biglang huminto si Jethro.Pinigilan niya ang matinding pagkabahala sa kanyang mga mata at pilit na pinakalma ang sar
Namumutla sa takot si Celine. Agad siyang sumigaw kay Dra. Lovely.“Huwag kang lalapit!”Mabilis ding lumapit si Alexa at hinarangan si Lovely. Halos nagngangalit ang mga ngipin niya sa galit habang sinasabi, “Ano ba ang isinisigaw mo? Muntik nang bumaba si Lenny kasama si Dra. Celine kanina!”Hindi nagustuhan ni Lovely ang pakikialam nito. Paano nagkaroon ng lakas ng loob ang isang junior licensed physician na sigawan siya, gayong isa siyang mid-level attending physician?“Dra. Alexa, wala ka namang kinalaman dito, hindi ba? Bakit ka nakikisawsaw sa gulong ito?”Saglit na natigilan si Alexa. Pagkatapos ay binitiwan na lamang niya si Lovely at sinakyan ang sinabi nito.“Tama ka. Wala talaga akong kinalaman dito. Ikaw naman ang matagal nang namamahala sa kasong ito, kaya bilisan mo na at asikasuhin mo!”Bagama't natakot din si Lovely sa nangyari kanina, ngayong nakabawi na siya sa pagkabigla, hindi na siya magtatangkang lumapit kay Lenny. Hindi naman siya tanga para isugal ang sarili n
“Alam ng lahat sa departament ang tungkol dito. Maging ang hospital director ay alam din,” sabi ni Alexa. Pagkatapos, bahagya siyang lumapit kay Celine at hinaan ang boses. “Ang dahilan kung bakit na-transfer ang doktor na dating tumitingin sa pasyenteng ito ay dahil hindi na niya kinaya ang babaeng iyan.”Para mas maging epektibo ang paggamot sa isang pasyente, kailangang masusing unawain muna ang kondisyon nito.Gayunpaman, dahil alam naman ng lahat sa departament ang tungkol dito at hindi ito isang lihim na kailangang itago, agad na tumango si Alexa“Sige.”Maingat na sinuri muna ni Celine ang medical record ng pasyenteng si Lenny AquinoDalawampu't limang taong gulang ito. Noong manganak siya, wala sa tabi niya ang kanyang asawa. Dahil dito, nagkaroon siya ng postpartum depression. Kalaunan, dahil sa matitinding side effect ng mga gamot na iniinom niya, labis siyang tumaba at lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.Ilang beses na rin niyang sinubukang magpakamatay at hanggang ngay







