Se connecterThe Things He Never Missed... Until Now
Hatinggabi nang makauwi si Alexander Montenegro sa kanyang mansion. Tahimik ang buong bahay. Pagkapasok niya sa malawak na bulwagan ng entrada, awtomatiko siyang napatingin sa malaking hagdanan.
Walang tao. Wala namang dapat naroon. Matagal nang wala si Isabel. Apat na taon na.
Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila may bahagi ng kanyang isip na naghahanap pa rin ng isang presensyang matagal nang nawala.
Agad niyang itinulak ang kaisipang iyon. Pagod lang siya. Mahaba ang naging araw. Masyadong maraming tao. Masyadong maraming usapan tungkol sa negosyo. At higit sa lahat, masyadong maraming tanong na hindi niya masagot kahit sa sarili niya.
Diretso siyang nagtungo sa kanyang private office na katabi ng master's bedroom. Ang kwartong minsang pinagsaluhan nila ni Isabel bilang mag-asawa. Ang kwartong ngayon ay matagal nang si Chloe ang nagmamay-ari ng espasyo.
Pagpasok niya sa opisina, agad siyang lumapit sa wine cabinet at nagsalin ng red wine sa kristal na baso. Dahan-dahan niya iyong iniikot habang nakatanaw sa mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana.
Ngunit gaano man niya piliting ibaling ang isip sa negosyo, sa summit, o sa mga problemang naghihintay sa opisina kinabukasan, iisa lamang ang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan.
Si Isabel.
Hindi ang Isabel na nakilala niya apat na taon ang nakalipas. Hindi ang babaeng tahimik na naghihintay sa kanyang makauwi. Hindi ang babaeng laging maingat magsalita upang hindi siya maistorbo. Hindi ang babaeng kontento nang makita siya kahit sandali lamang. Kundi ang babaeng nakita niya ngayong gabi.
Ang Isabel Madrigal. Ang tagapagmana ng Madrigal empire. Matikas ang tindig. Ethereal ang ganda. Puno ng kumpiyansa. At higit sa lahat... Wala nang pakialam sa kanya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
"Good evening, Mr. Montenegro."
Muling umalingawngaw sa kanyang isip ang malamig at pormal nitong boses. Parang estranghero. Parang wala silang naging nakaraan. Parang hindi sila minsang nagsama sa iisang bubong sa loob ng tatlong taon.
At sa hindi niya maintindihang dahilan, may kung anong mabigat na bumara sa kanyang dibdib. Dapat wala siyang pakialam. Siya rin naman ang unang nagsabi na arrangement lamang ang kasal nila. Siya rin naman ang pumayag sa diborsyo. Siya rin naman ang hindi humabol.
Ngunit bakit pakiramdam niya ay siya ngayon ang naiwan?
Napahigpit ang hawak niya sa baso. Natatawa sa sarili. Sa loob ng apat na taon, wala siyang narinig na kahit anong balita tungkol kay Isabel.
Parang naglaho ito sa mundo. At higit pang nakakatawa... Hindi siya tumigil sa palihim na pagpapahanap sa kanya ng kanyang private investigator.
Noong una, kumbinsido siya sa sarili niyang dahilan. Concern lang iyon, wala nang iba. Wala nang mga magulang si Isabel at ang lolo nito ang nagpalaki rito. Alam niyang iyon lamang ang natitirang pamilya ng babae. At isa pa hindi naman siya ganoon kalupit para bale-walain ang dating asawa na naging mabuti sa kanya. Kahit paano ay responsibilidad pa rin niyang alamin na nasa mabuti itong kalagayan.
Ngunit habang tumatagal at patuloy siyang humihingi ng balita tungkol dito, may bahagi ng isip niyang nagsimulang magtanong. Kung simpleng pag-aalala lamang iyon, bakit hindi niya magawang tumigil? At kung wala talagang halaga si Isabel sa kanya, bakit parang may kung anong mali sa tuwing sinasabihan siya na hindi pa rin ito natatagpuan?Kung simpleng concern lamang iyon, bakit buwan-buwan niyang hinihingi ang report?
Kung responsibilidad lang iyon, bakit siya naiinis sa tuwing walang nakukuhang impormasyon ang investigator?
At kung wala talaga itong halaga sa kanya... Bakit hindi niya tuluyang itinigil ang paghahanap?
Muli siyang uminom ng alak. Mas pumait ang lasa. Kasabay noon ay ang mga alaalang matagal na niyang ikinulong sa likod ng kanyang isip.
Naalala niya ang isang gabi. Alas dos na ng madaling-araw siyang nakauwi. Pagod. Mainit ang ulo. Pagbukas niya ng p***o, nadatnan niyang tulog si Isabel sa sofa. May librong nakabukas sa kandungan nito at may mga pagkain sa mesa na malamig na.
Noon ay hindi niya iyon binigyan ng kahulugan. Ngayon lamang niya naisip na marahil dalawang oras... tatlong oras... o baka higit pa siyang hinintay ni Isabel bago ito tuluyang nakatulog.
Naalala rin niya ang panahong nagkaroon siya ng matinding lagnat. Tatlong araw siyang halos walang malay. Ngunit sa tuwing namumulat siya... Nandoon si Isabel.
Palaging nandyan. Tahimik na nagpapalit ng bimpo. Tahimik na nag-aalaga. Tahimik na nagpupuyat. At ni minsan ay hindi nagreklamo.
Noon, parang normal lamang iyon. Parang obligasyon. Parang parte lamang ng papel nito bilang asawa. Ngunit ngayong wala na siya... Ngayon lang niya napagtanto na wala nang gumawa muli ng mga bagay na iyon para sa kanya.
Maging si Chloe ay hindi niya naranasan ang ganung klaseng pag-aasikaso.
Napabuntong-hininga siya. Ayaw niya ang direksyon ng kanyang iniisip. Dahil sa unang pagkakataon, may tanong na sumulpot sa kanyang isip.
Masaya kaya si Isabel ngayong wala na siya?
May lalaki na kaya itong kasama ngayon?
May sarili na kaya itong pamilya?
Bigla niyang inilapag ang wine glass. Ayaw niya sa pakiramdam na iyon. Hindi iyon selos. At kung selos man, wala siyang karapatan. At higit sa lahat... pinili niya si Chloe hindi siya.
Naputol ang kanyang pag-iisip ng bumukas ang p***o.
Napalingon siya.
At nakita si Chloe.
Nakasuot ito ng cream-colored silk dress na mahigpit na yumayakap sa pigura nito. Wala pa ring kupas ang ganda. Pero hindi niya ito pinansin.
Dati, sapat na ang isang tingin dito upang makuha ang kanyang buong atensyon. Ngunit ngayong gabi...Wala siyang naramdaman.
“You're still awake.” Malambing ang boses nito habang papalapit.
Hindi siya sumagot.
Nagtatakang pinagmasdan siya ng babae.
“You've been quiet since we left the summit.”
Tahimik pa rin siya.
Kinuha ni Chloe ang wine glass mula sa kanyang kamay at uminom.
Pagkatapos ay inilapag iyon sa mesa.
“You okay?”
“I'm fine.” Mabilis niyang tugon.
At alam nilang pareho na kasinungalingan iyon. Napakagat sa labi si Chloe. Dahan-dahan itong lumapit. Inilagay ang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Marahang hinaplos ang kanyang leeg.
At isinara ang pagitan nilang dalawa. “Alex…”
Kasunod noon ay isang halik. Isang halik na dati ay palagi niyang tinutugunan.
Ngunit ngayong gabi... Hindi siya gumalaw. Hindi siya tumugon. Parang may pader na biglang sumulpot sa pagitan nila.
Dahan-dahang umurong si Chloe. Nanlaki ang mga mata nito.
“Alex?”
Napabuntong-hininga siya. “Not tonight.”
Mabigat ang katahimikan.
“I’m tired.”
Napatawa si Chloe. Hindi iyon masayang tawa. Kundi tawang puno ng sakit.
“Tired?” Napailing ito. “Really?”
Hindi siya sumagot. Mas tumalim ang tingin nito. “Dahil ba kay Isabel?”
Napakunot ang noo niya.
“What?” … “Dahil ba sa kanya?”
“Stop it, Chloe.”
“No.”
Lalong lumamig ang boses nito.
“Ayaw kong magpanggap na wala akong nakita.”
Humakbang ito palapit. “Tell me I'm wrong.”
Tahimik.
“Tell me hindi mo siya hinanap gamit ang mga mata habang nasa summit tayo.”
Tahimik.
“Tell me hindi ka naapektuhan ng hindi ka man lang niya tingnan.”
Naramdaman ni Alexander ang pag-igting ng kanyang panga.
“Enough.”
Ngunit hindi umatras si Chloe. Sa halip ay mas lumapit pa ito.
“Apat na taon, Alex.” Namumuo na ang luha sa mga mata nito.
“Apat na taon akong nanatili.”
Tahimik lamang siya.
“At isang gabi lang.” Mabigat ang bawat salita.
Tumawa ito ng mapait.
“Isang gabi lang na bumalik si Isabel at parang hindi na kita kilala.”
Unti-unting bumaba ang kulay sa mukha ni Chloe. Dahil kahit siya ay nakikita ang pagbabago.
“Say something.”
Wala siyang maisagot.
Dahil kahit siya ay hindi maintindihan ang sarili.
“Look at me.”
Tahimik.
“Alex.”
Pinigilan nito ang nanginginig na boses. “Don't tell me you've fallen in love with her.”
Parang tumigil ang oras.
Love? Nanigas si Alexander. Love nga ba ang kanyang nararamdaman kay Isabel?
The First MoveTahimik ang buong top floor ng Madrigal Global Tower.Mula sa floor-to-ceiling windows ng kanyang opisina, tanaw ni Isabel Madrigal ang unti-unting paggising ng lungsod. Ang mga sasakyan ay tila maliliit na ilaw na dumadaloy sa mga lansangan habang ang mga gusali ay sinasalubong ang unang sinag ng araw.Apat na taon.Apat na taon mula ng lisanin niya ang Montenegro residence na wasak ang puso at durog na durog ang pagkatao.Apat na taon mula nang piliin niyang ibaon ang pangalang Isabel Montenegro.At ngayon, nakaupo siya sa opisina ng Chairwoman ng Madrigal Global Holdings, isa sa pinakamakapangyarihang conglomerates sa mundo.Ngunit hindi sapat ang kapangyarihan upang burahin ang mga alaala.Minsan pa ring bumabalik sa kanyang isip ang gabing iyon.Ang mga tawanan.Ang mga pangungutya.Ang salitang gold digger.At ang katahimikan ni Alexander.Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto."Come in."Bumukas ang pinto at pumasok si Manuel bitb
The Things He Never Missed... Until NowHatinggabi nang makauwi si Alexander Montenegro sa kanyang mansion. Tahimik ang buong bahay. Pagkapasok niya sa malawak na bulwagan ng entrada, awtomatiko siyang napatingin sa malaking hagdanan.Walang tao. Wala namang dapat naroon. Matagal nang wala si Isabel. Apat na taon na.Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila may bahagi ng kanyang isip na naghahanap pa rin ng isang presensyang matagal nang nawala.Agad niyang itinulak ang kaisipang iyon. Pagod lang siya. Mahaba ang naging araw. Masyadong maraming tao. Masyadong maraming usapan tungkol sa negosyo. At higit sa lahat, masyadong maraming tanong na hindi niya masagot kahit sa sarili niya.Diretso siyang nagtungo sa kanyang private office na katabi ng master's bedroom. Ang kwartong minsang pinagsaluhan nila ni Isabel bilang mag-asawa. Ang kwartong ngayon ay matagal nang si Chloe ang nagmamay-ari ng espasyo.Pagpasok niya sa opisina, agad siyang lumapit sa wine cabinet at nagsalin ng
The Woman He Lost“Isabel?”Halos hindi makapaniwala si Alexander sa kanyang nakikita. Apat na taon na ang nakalipas mula nang huli niyang makita ang dating asawa, pero walang duda sa kanyang isipan. Si Isabel nga iyon.Ang babaeng minsan niyang itinuring na walang ibang kayang gawin kundi ang maghintay sa kanya ay nakatayo ngayon sa harap ng daan-daang kilalang business leaders bilang tagapagmana ng Madrigal empire.“Alex? What's wrong?” tanong ni Chloe nang mapansin ang pagtitig nito sa babaeng paakyat sa entablado.Hindi ito sumagot.Sinundan ni Chloe ang direksyon ng kanyang tingin. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa ilalim ng spotlight. Napakunot ang noo niya. “Who’s that?”Lalo siyang napatingin sa babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan niya itong makilala.“What the heck? Is that Isabel?” Napatingin siya kay Alexander. “But what is she doing here?”“She's the newly appointed chairwoman of Madrigal Global Holdings,” sagot nito.Biglang napalingo
The Heiress Returns“I'm giving you a divorce, Alexander.”Napatingin si Alexander Montenegro mula sa mga dokumentong binabasa niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang desk bago napailing at natawa.“What's this now? Another drama?”Hindi siya natinag. Hawak niya ang isang brown envelope habang diretso ang tingin sa asawa.“Hindi ito drama, Alexander. Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo.”Sumandal si Alexander sa kanyang upuan.“Seriously? Dahil lang kay Chloe? You're acting like a child.”“Hindi lang dahil kay Chloe. It's because I'm tired of being your wife when you've never treated me as one.”Nawala ang ngiti sa mukha ni Alexander. “Watch your words, Isabel.”“Why? Nasasaktan ka ba sa katotohanan?”Tumayo ito at inayos ang suot na suit.“Let's get one thing straight. Alam mo naman kung ano ang pinasok mo noong pinakasalan mo ako. We had an arrangement. Hindi kita pinangakuan ng pagmamahal.”“Alam ko. At ngayon, tinatapos ko na ang arrangement n
The Wife He Never Acknowledged “Gaano katagal mo na akong niloloko, Alexander?”Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng marangyang ballroom. Huminto ang tugtog ng orchestra. Natigil ang mga pag-uusap at isa-isang napalingon ang mga bisita sa babaeng nakatayo sa bungad ng bulwagan.Ngunit wala na siyang pakialam sa mga matang nakatitig sa kanya. Sa sandaling iyon, iisa lang ang mahalaga. Si Alexander Montenegro. Ang kanyang asawa at ang babaeng nakahawak sa braso nito. Si Chloe Lopez. Ang babaeng matagal na niyang kinakatakutan na bumalik. Ang first love ni Alexander.“Isabel.” Bahagyang kumunot ang noo ni Alexander nang makita siya.“Not here.”Napatawa siya. Isang masakit at basag na tawa. “Not here?”Humakbang siya palapit. “Then tell me where, Alexander.”Natahimik ang paligid.“Sa bahay?” nanginginig niyang tanong.“Sa bahay na halos hindi mo na inuuwian?”“Lower your voice.”“Why?” Namumula na ang mga mata niya.“Nahihiya ka bang marinig nilang asawa mo ako?”Malamig ang mukh







