Partager

Chapter 2

Auteur: C.M. Santos
last update Date de publication: 2026-11-11 21:09:19

The Heiress Returns

“I'm giving you a divorce, Alexander.”

Napatingin si Alexander Montenegro mula sa mga dokumentong binabasa niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang desk bago napailing at natawa.

“What's this now? Another drama?”

Hindi siya natinag. Hawak niya ang isang brown envelope habang diretso ang tingin sa asawa.

“Hindi ito drama, Alexander. Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo.”

Sumandal si Alexander sa kanyang upuan.

“Seriously? Dahil lang kay Chloe? You're acting like a child.”

“Hindi lang dahil kay Chloe. It's because I'm tired of being your wife when you've never treated me as one.”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Alexander. “Watch your words, Isabel.”

“Why? Nasasaktan ka ba sa katotohanan?”

Tumayo ito at inayos ang suot na suit.

“Let's get one thing straight. Alam mo naman kung ano ang pinasok mo noong pinakasalan mo ako. We had an arrangement. Hindi kita pinangakuan ng pagmamahal.”

“Alam ko. At ngayon, tinatapos ko na ang arrangement na iyon.”

Inilapag niya ang envelope sa desk.

“Those are the divorce papers. Pirmahan mo na lang.”

Hindi man lang iyon binuksan ni Alexander.

“You think you can just walk away from me?”

“I'm not asking for your permission.”

Napatawa ito ng mapait.

“Fine. Pero huwag mong kalimutan na kapag umalis ka sa buhay ko, wala ka nang makukuha. The house, the cars, the lifestyle you've enjoyed for three years—lahat ng iyan ay mawawala sa iyo.”

“Keep them.”

Napakunot ang noo nito.

“What?”

“Hindi ko kailangan ang pera mo, Alexander. Hindi ko rin kailangan ang apelyido mo.”

“Then where exactly do you think you're going? Wala ka namang ibang mapupuntahan.”

Bago pa siya makasagot, bumukas ang p***o.

Pumasok si Victoria Montenegro kasama si Marcus.

“Ano itong divorce na narinig ko,” bungad ni Victoria.

“I’m divorcing your son, Mrs. Montenegro,” matapang na sagot ni Isabel.

“Are you out of your mind?”

“Hindi po. I've made up my mind.”

“After everything my son has done for you, ganyan mo siya susuklian?”

Napatingin si Isabel sa mother-in-law na kahit kailan ay hindi siya tanggap.

“Don't be ungrateful! Kung hindi dahil kay Alexander, hindi mo mararanasan ang ganitong buhay,” sabat ni Marcus. “Think carefully. Hindi lahat ng babae nabibigyan ng pagkakataong maging asawa ng isang Montenegro.”

Napangiti ng bahagya si Isabel.

 “Enough of this nonsense,” singit ni Alexander. “I’ll sign the papers if that's what you want. But don't expect me to chase after you.”

“Don't worry. I never expected you to chase after me. After all, you've never chosen me.” Kinuha ni Isabel ang mga dokumento at inilabas ang mga pahinang may pirma niya.

“I'm not asking for your properties, businesses, or money. I won't claim anything from you.”

Napatingin si Alexander sa mga papel. “Are you serious?”

“Completely.”

“Wala kang trabaho na sapat para suportahan ang sarili mo. Paano ka mabubuhay?”

“That's no longer your concern.”

Napailing si Alexander at kinuha ang ballpen.

“Fine. Let's see how long you can survive without me.”

Isa-isang nilagdaan nito ang mga dokumento.

Tahimik lamang na pinanood ni Isabel ang bawat pagpirma. Wala siyang naramdamang saya, pero wala na rin siyang pag-aalinlangan.

“Happy now?” tanong ni Alexander matapos ibalik ang mga papel.

“More than you could ever imagine.”

Isinilid niya ang mga dokumento sa envelope at tumalikod.

“Isabel!” tawag ni Victoria. “Remember, ikaw ang nagdesisyon nito. Don't come crawling back when you have nothing!”

Huminto siya sa may pintuan at bahagyang lumingon.

“Being part of your family already made me feel like I had nothing.”

Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas.

…

Pagdating ni Isabel sa labas ng Montenegro residence, may itim na Mercedes-Maybach na naghihintay malapit sa entrance.

Agad na lumapit ang isang lalaking nasa edad sisenta, nakasuot ng maayos na itim na suit.

“Miss Isabel.”

Natigilan siya. “Manuel?”

Bahagyang yumuko ang lalaki. Namumuo ang luha sa mga mata nito.

“Welcome home, young miss.”

Napayuko si Isabel. Ilang taon na rin mula nang huli niyang makita ang matagal nang personal assistant ng kanyang pamilya.

“Grandfather sent you?”

“Yes, Miss. Matagal na po kayong hinihintay ng inyong grandfather. He's been worried about you.”

“Does he know what happened?”

“Your grandfather knows everything. He also knows about the divorce.”

Napahawak siya sa kanyang bag. “I'm sorry, Manuel. I should have come home sooner.”

“Wala po kayong kailangang hingiin ng tawad. Your family never stopped waiting for you.”

Binuksan nito ang p***o ng sasakyan.

“Come home, Miss Isabel. It's time.”

Bago sumakay, minsan pang nilingon ni Isabel ang malaking mansion ng mga Montenegro.

Wala siyang pinagsisisihan sa pag-alis.

“Let's go home, Manuel.”

“Yes, Miss.”

…

Bumukas ang malalaking gate ng Madrigal estate nang dumating ang convoy.

Hindi napigilan ni Isabel ang mapangiti nang makita ang pamilyar na fountain at malawak na hardin. Maraming alaala ang bumalik sa kanyang isip—ang mga araw na kasama niya ang kanyang mga magulang, ang mga hapong nagbabasa siya sa library, at ang mga gabing hinihintay niya ang kanyang grandfather.

Pagkababa niya sa sasakyan, bumukas agad ang main door.

Nakatayo roon si Don Rafael Madrigal, ang chairman ng Madrigal Global Holdings at isa sa pinakamayayamang negosyante sa bansa.

“Isabel!”

“Lolo!”

Mabilis itong lumapit at niyakap siya.

“My child. You're finally home.”

Hindi na napigilan ni Isabel ang pagluha. Mahigpit siyang yumakap sa kanyang grandfather.

“I'm sorry, Lolo.”

“Don't apologize. Wala kang kailangang ipaliwanag sa akin.”

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.

“Bakit mo hinayaang magdusa ka nang ganoon katagal? Alam mong palagi kang may tahanan dito.”

“I thought I could make my marriage work.”

Bumuntong-hininga ang matanda.

“Love should never require you to lose your dignity.”

Sandaling tumahimik si Isabel.

“Lolo, I want to start again. This time, I want to live for myself and for my baby.”

Ngumiti ang matanda.

“Then it's time for you to take your rightful place and you said, baby?”

“Yes, lolo. Magiging lolo ka uli.”

“That’s a great news for our family. Mayroon ka nang successor.” Sabay abot nito ang isang makapal na folder.

Binuksan iyon ni Isabel. Nandoon ang mga dokumento tungkol sa kanilang family businesses—Madrigal Global Holdings, Madrigal Properties, at Madrigal International Ventures.

Isang business empire na may malalaking investments sa real estate, banking, hospitality, at international trade.

“Your parents' shares have remained untouched,” paliwanag ni Don Rafael. “Your inheritance is secured, and your position as the rightful successor has been preserved.”

Napatingin siya sa huling dokumento. Isang board resolution na naglalaman ng kanyang appointment bilang bagong chairwoman ng Madrigal Global Holdings.

“Lolo, are you sure?”

“Absolutely. Your father wanted you to lead this empire someday. I've waited long enough.”

 “I'm ready, Lolo.”

Ngumiti si Don Rafael.

“Welcome back, my heiress.”

…

Dalawang linggo ang lumipas. Hindi mapakali si Alexander Montenegro.

“Where is Isabel?” Nakatayo ito sa likod ng kanyang desk habang hawak ang cellphone.

“Sir, hindi na po active ang number niya. Wala rin siyang iniwang forwarding address.”

“Have you checked her boarding house?”

“Yes, sir. Pero may ibang nakatira na doon.”

Napakunot ang noo ni Alexander.

Sa una, inakala niyang lilipas din ang nangyari. Sanay siyang makita itong naghihintay sa bahay kahit gaano pa siya kagabi umuwi. Inisip niyang babalik din ito kapag napagtanto nitong wala itong ibang mapupuntahan.

But two weeks had passed. Wala man lang itong tawag o mensahe.

“Find her. I want to know where she went.”

“Yes, sir.”

Hindi maintindihan ni Alexander kung bakit nagsisimula na siyang mainis sa pagkawala ng kanyang asawa. Hindi ba't siya rin naman ang gustong magpakawala rito?

…

Makalipas ang apat na taon, ginanap ang annual Global Business Leadership Summit sa Grand Meridian Hotel.

Dumalo si Alexander kasama si Chloe. Maraming business executives ang naroon, kabilang ang mga kinatawan ng pinakamalalaking conglomerates sa bansa.

“Alexander, have you heard?” tanong ng isa sa kanyang business partners. “The Madrigal Group will introduce its new chairwoman tonight.”

“Madrigal Group?” tanong niya.

“Yes. Their new leadership has been kept private for years. Apparently, the heiress is finally taking over.”

Casually niyang inayos ang kanyang cufflinks.

“Interesting. I'm looking forward to meeting her.”

Maya-maya, unti-unting dumilim ang ballroom. Umakyat sa entablado ang host.

“Ladies and gentlemen, tonight marks a new chapter for one of the most influential business dynasties in the country. Please welcome the heiress and newly appointed chairwoman of Madrigal Global Holdings!”

Nagsimulang magpalakpakan ang mga bisita.

“Miss Isabel Madrigal!”

Napahinto si Alexander.

Dahan-dahang bumukas ang malalaking p***o ng ballroom. Agad na bumagsak ang spotlight sa babaeng nakatayo sa entrada. Nakasuot si Isabel ng isang napakagandang black gown na lalo pang nagpatingkad sa kanyang ganda at karisma. Napahinto ang usapan sa paligid. Lahat ng mata ay napako sa kanya habang elegante siyang naglalakad papasok, tila isang reyna na bagong dumating sa kanyang kaharian.

Nanlaki ang mga mata ni Alexander.

“Isabel?”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 5

    The First MoveTahimik ang buong top floor ng Madrigal Global Tower.Mula sa floor-to-ceiling windows ng kanyang opisina, tanaw ni Isabel Madrigal ang unti-unting paggising ng lungsod. Ang mga sasakyan ay tila maliliit na ilaw na dumadaloy sa mga lansangan habang ang mga gusali ay sinasalubong ang unang sinag ng araw.Apat na taon.Apat na taon mula ng lisanin niya ang Montenegro residence na wasak ang puso at durog na durog ang pagkatao.Apat na taon mula nang piliin niyang ibaon ang pangalang Isabel Montenegro.At ngayon, nakaupo siya sa opisina ng Chairwoman ng Madrigal Global Holdings, isa sa pinakamakapangyarihang conglomerates sa mundo.Ngunit hindi sapat ang kapangyarihan upang burahin ang mga alaala.Minsan pa ring bumabalik sa kanyang isip ang gabing iyon.Ang mga tawanan.Ang mga pangungutya.Ang salitang gold digger.At ang katahimikan ni Alexander.Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto."Come in."Bumukas ang pinto at pumasok si Manuel bitb

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 4

    The Things He Never Missed... Until NowHatinggabi nang makauwi si Alexander Montenegro sa kanyang mansion. Tahimik ang buong bahay. Pagkapasok niya sa malawak na bulwagan ng entrada, awtomatiko siyang napatingin sa malaking hagdanan.Walang tao. Wala namang dapat naroon. Matagal nang wala si Isabel. Apat na taon na.Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila may bahagi ng kanyang isip na naghahanap pa rin ng isang presensyang matagal nang nawala.Agad niyang itinulak ang kaisipang iyon. Pagod lang siya. Mahaba ang naging araw. Masyadong maraming tao. Masyadong maraming usapan tungkol sa negosyo. At higit sa lahat, masyadong maraming tanong na hindi niya masagot kahit sa sarili niya.Diretso siyang nagtungo sa kanyang private office na katabi ng master's bedroom. Ang kwartong minsang pinagsaluhan nila ni Isabel bilang mag-asawa. Ang kwartong ngayon ay matagal nang si Chloe ang nagmamay-ari ng espasyo.Pagpasok niya sa opisina, agad siyang lumapit sa wine cabinet at nagsalin ng

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 3

    The Woman He Lost“Isabel?”Halos hindi makapaniwala si Alexander sa kanyang nakikita. Apat na taon na ang nakalipas mula nang huli niyang makita ang dating asawa, pero walang duda sa kanyang isipan. Si Isabel nga iyon.Ang babaeng minsan niyang itinuring na walang ibang kayang gawin kundi ang maghintay sa kanya ay nakatayo ngayon sa harap ng daan-daang kilalang business leaders bilang tagapagmana ng Madrigal empire.“Alex? What's wrong?” tanong ni Chloe nang mapansin ang pagtitig nito sa babaeng paakyat sa entablado.Hindi ito sumagot.Sinundan ni Chloe ang direksyon ng kanyang tingin. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa ilalim ng spotlight. Napakunot ang noo niya. “Who’s that?”Lalo siyang napatingin sa babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan niya itong makilala.“What the heck? Is that Isabel?” Napatingin siya kay Alexander. “But what is she doing here?”“She's the newly appointed chairwoman of Madrigal Global Holdings,” sagot nito.Biglang napalingo

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 2

    The Heiress Returns“I'm giving you a divorce, Alexander.”Napatingin si Alexander Montenegro mula sa mga dokumentong binabasa niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang desk bago napailing at natawa.“What's this now? Another drama?”Hindi siya natinag. Hawak niya ang isang brown envelope habang diretso ang tingin sa asawa.“Hindi ito drama, Alexander. Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo.”Sumandal si Alexander sa kanyang upuan.“Seriously? Dahil lang kay Chloe? You're acting like a child.”“Hindi lang dahil kay Chloe. It's because I'm tired of being your wife when you've never treated me as one.”Nawala ang ngiti sa mukha ni Alexander. “Watch your words, Isabel.”“Why? Nasasaktan ka ba sa katotohanan?”Tumayo ito at inayos ang suot na suit.“Let's get one thing straight. Alam mo naman kung ano ang pinasok mo noong pinakasalan mo ako. We had an arrangement. Hindi kita pinangakuan ng pagmamahal.”“Alam ko. At ngayon, tinatapos ko na ang arrangement n

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 1

    The Wife He Never Acknowledged “Gaano katagal mo na akong niloloko, Alexander?”Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng marangyang ballroom. Huminto ang tugtog ng orchestra. Natigil ang mga pag-uusap at isa-isang napalingon ang mga bisita sa babaeng nakatayo sa bungad ng bulwagan.Ngunit wala na siyang pakialam sa mga matang nakatitig sa kanya. Sa sandaling iyon, iisa lang ang mahalaga. Si Alexander Montenegro. Ang kanyang asawa at ang babaeng nakahawak sa braso nito. Si Chloe Lopez. Ang babaeng matagal na niyang kinakatakutan na bumalik. Ang first love ni Alexander.“Isabel.” Bahagyang kumunot ang noo ni Alexander nang makita siya.“Not here.”Napatawa siya. Isang masakit at basag na tawa. “Not here?”Humakbang siya palapit. “Then tell me where, Alexander.”Natahimik ang paligid.“Sa bahay?” nanginginig niyang tanong.“Sa bahay na halos hindi mo na inuuwian?”“Lower your voice.”“Why?” Namumula na ang mga mata niya.“Nahihiya ka bang marinig nilang asawa mo ako?”Malamig ang mukh

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status