Partager

Chapter 5

Auteur: C.M. Santos
last update Date de publication: 2026-11-11 21:24:11

The First Move

Tahimik ang buong top floor ng Madrigal Global Tower.

Mula sa floor-to-ceiling windows ng kanyang opisina, tanaw ni Isabel Madrigal ang unti-unting paggising ng lungsod. Ang mga sasakyan ay tila maliliit na ilaw na dumadaloy sa mga lansangan habang ang mga gusali ay sinasalubong ang unang sinag ng araw.

Apat na taon.

Apat na taon mula ng lisanin niya ang Montenegro residence na wasak ang puso at durog na durog ang pagkatao.

Apat na taon mula nang piliin niyang ibaon ang pangalang Isabel Montenegro.

At ngayon, nakaupo siya sa opisina ng Chairwoman ng Madrigal Global Holdings, isa sa pinakamakapangyarihang conglomerates sa mundo.

Ngunit hindi sapat ang kapangyarihan upang burahin ang mga alaala.

Minsan pa ring bumabalik sa kanyang isip ang gabing iyon.

Ang mga tawanan.

Ang mga pangungutya.

Ang salitang gold digger.

At ang katahimikan ni Alexander.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa p***o.

"Come in."

Bumukas ang p***o at pumasok si Manuel bitbit ang ilang makapal na folder.

"Good morning, Miss."

"Good morning, Manuel."

Lumapit ito sa kanyang mesa at inilapag ang mga dokumento.

Agad napansin ni Isabel ang pangalan sa pinakataas na folder.

Montenegro-Lopez Corporation

Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"May update ka?"

Tumango si Manuel.

"Natapos na ng financial intelligence team ang assessment."

Ipinatong ni Isabel ang ballpen.

"Let's hear it."

Tumayo nang tuwid si Manuel.

"Four years ago, matapos ang divorce ninyo ni Mr. Montenegro, naganap ang strategic merger ng Montenegro Holdings at Lopez Holdings."

Hindi na siya nagulat. Alam niya iyon.

Buong business community ay pinag-usapan ang merger na iyon. Tinawag pa nga iyon noon bilang isa sa pinakamalalaking corporate unions sa bansa.

"At naging matagumpay naman sa simula?" tanong niya.

"Very successful."

Naglabas si Manuel ng financial report.

"Malaki ang itinaas ng market valuation nila sa unang dalawang taon."

Tumango si Isabel. Hindi niya minamaliit ang kakayahan ni Alexander. Kahit noon pa man, alam niyang mahusay itong businessman. Kung pag-uusapan ay pagpapatakbo ng kumpanya, isa ito sa pinakamatalinong taong nakilala niya.

"Then what's the problem?"

Tahimik na binuksan ni Manuel ang isa pang dokumento.

"Lopez Holdings."

Napatingin siya rito.

"Ano'ng tungkol sa kanila?"

"Dumami po ang acquisitions nila bago ang merger."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Acquisitions?"

"Yes, Miss."

Nagbukas ito ng ilang pahina. "Several subsidiaries and international investments."

Tahimik siyang nakinig.

"At sa unang tingin, mukhang profitable ang mga ito."

Unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya.

"But?"

Napahawak si Manuel sa salamin nito. "But most of them were poorly managed."

Tahimik ang buong opisina.

"Some projects never generated profits." Nagpatuloy ito.

"Some partnerships existed only on paper."

Naningkit ang mga mata niya.

"Meaning?"

Mabigat ang naging sagot ni Manuel. "Miss Chloe inherited far more liabilities than assets."

Natahimik si Isabel. Hindi siya nagulat. Ngunit hindi rin niya inaasahang ganoon kalala.

"Did Alexander know?"

"Not initially."

Napataas ang tingin niya. "Explain."

Lumapit si Manuel at itinuro ang financial structure sa report. "Most of the liabilities were buried under multiple subsidiaries."

Inabot nito ang isa pang dokumento. "Layered ownership."

Isa pa. "Complex debt instruments."

Isa pa. "And offshore partnerships."

Tahimik siyang napasandal sa kanyang upuan. Ibig sabihin... Hindi agad iyon makikita sa ordinaryong audit.

Sa madaling salita, nang mangyari ang merger, akala ni Alexander ay nakakakuha siya ng mas malaking business empire. Ngunit sa realidad… Namana rin niya ang mga problemang nakabaon sa loob nito.

"Interesting."

"Very." Tumango si Manuel. "I believe Mr. Montenegro genuinely thought he was expanding the business."

"Pero hindi niya alam na nagsisimula na siyang lumubog."

"Exactly, Miss."

Nagkaroon ng maikling katahimikan.

Napatingin si Isabel sa pangalan ni Chloe sa dokumento. Matagal na niyang kinamuhian ang babaeng iyon. Minsan din siyang pinagselosan at pinagsabihan na gold-digger. Kaya kahit na magkaibigan na sila ni Alexander ay pinili pa rin siya nito.

Ngunit habang tumatanda siya, natutuhan niyang tingnan ang mga bagay nang mas malinaw.

Hindi niya nakikitang halimaw si Chloe. Bagkus, isang babaeng lumaki sa karangyaan ngunit hindi natutong pamahalaan ang responsibilidad na iniwan sa kanya.

At ngayon… Nagbabayad ang lahat para sa mga pagkakamaling iyon.

"How bad is it?"

Tahimik na inilapag ni Manuel ang huling report.

Lumalim ang katahimikan.

Binasa ni Isabel ang mga numero. At kahit bihasa na siya sa malalaking halaga...

Bahagya pa rin siyang natahimik.

Napakalaki ng utang. Napakalaki ng exposure. Napakalaki ng risk.

"Good Lord."

"Iyon din po ang naging reaksyon ng financial team."

Napabuntong-hininga siya.

"How long before it becomes public?"

"Three to six months."

Napatingin siya rito. "Ganoon na kalapit?"

"Yes, Miss."

Naglapat ang kanyang mga daliri. "Can they survive?"

Tumahimik si Manuel at hindi agad ito sumagot. Tila maingat na pinipili ang bawat salita.

"Under normal circumstances, yes."

Napataas ang kilay niya. "Meaning?"

"Kung ibang CEO ang humahawak ng kumpanya, matagal na  silang bumagsak."

Bahagya siyang natawa. Mukhang pareho ang tingin nila kay Alexander. Magaling talaga ito. Marahil ay sobra pa nga.

"Pero kahit si Alexander may limitasyon."

"Yes, Miss."

Tumango si Manuel. "He has already started selling non-core assets."

Natahimik siya. "As expected."

"He also started restructuring several operations."

Tumango siyang muli.

Typical Alexander.

Hindi ito sumusuko nang basta-basta.

Lumalaban hanggang huli.

Ngunit kahit gaano kagaling ang isang tao… May mga laban na hindi kayang panalunan mag-isa.

"At ngayon?"

Mabigat ang sagot ni Manuel.

"Now they're running out of options."

Napatingin siya sa bintana. Tahimik na pinagmamasdan ang lungsod. Sa kabilang bahagi ng siyudad ay naroon si Alexander.

Marahil ay nasa opisina rin ito sa oras na iyon. Marahil ay abalang-abala sa pagliligtas ng kumpanyang pinaghirapan niya.

Hindi nito alam na habang tumatagal… Mas lumiliit ang mga p***o sa paligid niya. Mas kumakaunti ang mga posibleng tagapagligtas. Hanggang sa isa na lamang ang matitira.

"And that option is?"

Ngumiti ng bahagya si Manuel.

"Madrigal Global Holdings."

Tahimik siyang napalingon. Pareho nilang alam ang sagot. Pareho rin nilang alam ang ibig sabihin nito.

Sa buong bansa… Sa buong rehiyon… Iilan lamang ang may kakayahang magsalba ng kumpanyang ganoon kalaki. At isa sila roon.

"Do they know?" tanong niya.

"No." Napangiti si Manuel.

"They're still negotiating with several investors."

"Will it work?"

"No."

Mabilis ang sagot nito.

"Even if they secure additional financing, it will only delay the inevitable."

Natahimik si Isabel. Then it was only a matter of time. Muli siyang tumayo at naglakad patungo sa malaking bintana. Sa ibaba nito ay ang malawak na siyudad.

Minsan, iniwan niya ang lungsod na ito bilang isang babaeng walang naisalbang dignidad. Ngayon, bumalik siya bilang isa sa pinakamakapangyarihang babae sa bansa.

"Has he figured it out yet?"

"No, Miss."

Tumayo si Manuel sa likuran niya.

"Mr. Montenegro still believes he can solve the problem himself."

Napapikit siya sandali. "Then let him try."

Tahimik ang buong opisina.

Ngunit may kung anong malamig na pagbabago sa hangin.

Hindi iyon galit.

Hindi rin paghihiganti.

Kundi ang katahimikang dumarating kapag alam mong nasa iyo na ang lahat ng baraha sa laro.

"When he's finally out of options..."

Mabagal siyang lumingon.

"...he'll come to us."

Tumango si Manuel.

"Yes, Miss."

At sa unang pagkakataon mula nang muli nilang magkita sa summit, naisip ni Isabel na maaaring totoo ngang bilog ang mundo.

Dahil balang araw, ang lalaking minsang nagsabing arrangement lamang ang kanilang kasal...

Ang lalaking minsang piniling huwag siyang ipagtanggol… Ang lalaking minsang naniwalang wala siyang mararating nang wala ito… Ay kusang lalakad papasok sa Madrigal Global Tower.

Hindi bilang asawa. Kundi bilang isang lalaking nangangailangan ng tulong.

At sa araw na iyon, si Isabel Madrigal ang magdedesisyon kung ililigtas niya ang kumpanyang pinaghirapan nitong buuin.

O hahayaan niya itong tuluyang gumuho.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 5

    The First MoveTahimik ang buong top floor ng Madrigal Global Tower.Mula sa floor-to-ceiling windows ng kanyang opisina, tanaw ni Isabel Madrigal ang unti-unting paggising ng lungsod. Ang mga sasakyan ay tila maliliit na ilaw na dumadaloy sa mga lansangan habang ang mga gusali ay sinasalubong ang unang sinag ng araw.Apat na taon.Apat na taon mula ng lisanin niya ang Montenegro residence na wasak ang puso at durog na durog ang pagkatao.Apat na taon mula nang piliin niyang ibaon ang pangalang Isabel Montenegro.At ngayon, nakaupo siya sa opisina ng Chairwoman ng Madrigal Global Holdings, isa sa pinakamakapangyarihang conglomerates sa mundo.Ngunit hindi sapat ang kapangyarihan upang burahin ang mga alaala.Minsan pa ring bumabalik sa kanyang isip ang gabing iyon.Ang mga tawanan.Ang mga pangungutya.Ang salitang gold digger.At ang katahimikan ni Alexander.Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto."Come in."Bumukas ang pinto at pumasok si Manuel bitb

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 4

    The Things He Never Missed... Until NowHatinggabi nang makauwi si Alexander Montenegro sa kanyang mansion. Tahimik ang buong bahay. Pagkapasok niya sa malawak na bulwagan ng entrada, awtomatiko siyang napatingin sa malaking hagdanan.Walang tao. Wala namang dapat naroon. Matagal nang wala si Isabel. Apat na taon na.Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tila may bahagi ng kanyang isip na naghahanap pa rin ng isang presensyang matagal nang nawala.Agad niyang itinulak ang kaisipang iyon. Pagod lang siya. Mahaba ang naging araw. Masyadong maraming tao. Masyadong maraming usapan tungkol sa negosyo. At higit sa lahat, masyadong maraming tanong na hindi niya masagot kahit sa sarili niya.Diretso siyang nagtungo sa kanyang private office na katabi ng master's bedroom. Ang kwartong minsang pinagsaluhan nila ni Isabel bilang mag-asawa. Ang kwartong ngayon ay matagal nang si Chloe ang nagmamay-ari ng espasyo.Pagpasok niya sa opisina, agad siyang lumapit sa wine cabinet at nagsalin ng

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 3

    The Woman He Lost“Isabel?”Halos hindi makapaniwala si Alexander sa kanyang nakikita. Apat na taon na ang nakalipas mula nang huli niyang makita ang dating asawa, pero walang duda sa kanyang isipan. Si Isabel nga iyon.Ang babaeng minsan niyang itinuring na walang ibang kayang gawin kundi ang maghintay sa kanya ay nakatayo ngayon sa harap ng daan-daang kilalang business leaders bilang tagapagmana ng Madrigal empire.“Alex? What's wrong?” tanong ni Chloe nang mapansin ang pagtitig nito sa babaeng paakyat sa entablado.Hindi ito sumagot.Sinundan ni Chloe ang direksyon ng kanyang tingin. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa ilalim ng spotlight. Napakunot ang noo niya. “Who’s that?”Lalo siyang napatingin sa babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyan niya itong makilala.“What the heck? Is that Isabel?” Napatingin siya kay Alexander. “But what is she doing here?”“She's the newly appointed chairwoman of Madrigal Global Holdings,” sagot nito.Biglang napalingo

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 2

    The Heiress Returns“I'm giving you a divorce, Alexander.”Napatingin si Alexander Montenegro mula sa mga dokumentong binabasa niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang babaeng nakatayo sa harap ng kanyang desk bago napailing at natawa.“What's this now? Another drama?”Hindi siya natinag. Hawak niya ang isang brown envelope habang diretso ang tingin sa asawa.“Hindi ito drama, Alexander. Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo.”Sumandal si Alexander sa kanyang upuan.“Seriously? Dahil lang kay Chloe? You're acting like a child.”“Hindi lang dahil kay Chloe. It's because I'm tired of being your wife when you've never treated me as one.”Nawala ang ngiti sa mukha ni Alexander. “Watch your words, Isabel.”“Why? Nasasaktan ka ba sa katotohanan?”Tumayo ito at inayos ang suot na suit.“Let's get one thing straight. Alam mo naman kung ano ang pinasok mo noong pinakasalan mo ako. We had an arrangement. Hindi kita pinangakuan ng pagmamahal.”“Alam ko. At ngayon, tinatapos ko na ang arrangement n

  • My Ex-Wife, My Boss   Chapter 1

    The Wife He Never Acknowledged “Gaano katagal mo na akong niloloko, Alexander?”Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng marangyang ballroom. Huminto ang tugtog ng orchestra. Natigil ang mga pag-uusap at isa-isang napalingon ang mga bisita sa babaeng nakatayo sa bungad ng bulwagan.Ngunit wala na siyang pakialam sa mga matang nakatitig sa kanya. Sa sandaling iyon, iisa lang ang mahalaga. Si Alexander Montenegro. Ang kanyang asawa at ang babaeng nakahawak sa braso nito. Si Chloe Lopez. Ang babaeng matagal na niyang kinakatakutan na bumalik. Ang first love ni Alexander.“Isabel.” Bahagyang kumunot ang noo ni Alexander nang makita siya.“Not here.”Napatawa siya. Isang masakit at basag na tawa. “Not here?”Humakbang siya palapit. “Then tell me where, Alexander.”Natahimik ang paligid.“Sa bahay?” nanginginig niyang tanong.“Sa bahay na halos hindi mo na inuuwian?”“Lower your voice.”“Why?” Namumula na ang mga mata niya.“Nahihiya ka bang marinig nilang asawa mo ako?”Malamig ang mukh

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status