NAGMAMADALI na tumatakbo papasok si Olive sa loob ng bahay. Hindi na nito nagawang kausapin pa ang asawa niya simula noong nasa kotse sila pauwi. Ang sama ng loob niya na marinig ang kanyang mga pagkukulang. Doon pa mismo sa unang date nila Nickson makikita ang babae nito.Nag-aalala naman si Nickson. Kaya hinawakan niya sa braso si Olive."Wait, can we talk?" ang pakiusap ni Nickson. Pabalya naman na tinanggal ni Olive ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.Lumamlam ang mga mata ni Nickson habang pinagmamasdan ang asawang galit na galit sa kanya."Nickson, I just realised na tama si Crissa! Nagpapanggap lang tayo. And on my part it was my fault. At natatakot ako. Alam kong dadating ang araw na maghahanap ka ng ibang babae na pupunuan ang mga pagkukulang ko sayo bilang asawa mo. And I hate it! Asawa mo lang ako sa papel!"Sampal sa kanya na mag-asawa lang sila sa papel. Nagpapanggap lang silang sweet sa harapan ng ibang mga tao. Pero ang totoo ay nabuo lamang ang kasal dahil sa ka
ANG kagabi ang pinakamasayang gabi para sa mag-asawang sina Nickson at Olive. Ang aminin sa isa't isa ang nararamdaman. At sabihin kung gaano nila kamahal ang bawat isa.Nakangiting pinagmamasdan ni Nickson ang asawa na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Alas kuwatro na ng madaling araw ay gising na kaagad siya. Masaya siyang katabi na ang asawa sa iisang kama na natutulog. Pero wala pa ring nangyayari sa kanila. Mas gusto ni Nickson na maghintay. Ayaw niyang madaliin ang lahat para sa kanilang dalawa. Ang importante ngayon ay alam na nilang pareho na mahal nila ang isa't isa.Hinahaplos niya ang buhok ng asawa. Habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ni Olive. Nakangiti na humiga siya ay isinandal ang ulo ng asawa niya sa dibdib niya. Saka muling ipinikit ang kanyang mga mata at natulog.Naalimpungatan si Nickson sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kuwarto na tumatama sa kanyang mukha. Pupungas-pungas ng mga mata at naidilat. Nabugaran kaagad niya ang magandang mukha ng as
TINIKMAN ni Olive ang kanyang niluluto. Nalasahan niya na masarap na kaya pinatay na niya ang stove. At pumunta ng lamesa. Inihanda ang dalawang plato, baso, kutsara at tinidor. Tiningnan niya ang relo niya."Seven o'clock na. Tamang-tama pala na natapos ko kaagad ang niluluto ko. Baka dumating na ang aking mahal na asawa," masayang sambit ni Olive.Pumunta siya ng kusina para r'on na lamang hintayin si Nickson. Trenta minutos na siyang nakaupo wala pa din si Nickson. Nang mabagot ay kinuha niya ang remote control ng TV at binuksan. Naghahanap ng magandang palabas. Tutok ang kanyang mga mata sa pinapanood. Pahikab-hikab na rin siya. Kaya muli niyang tiningnan ang kanyang relo sa wrist niya."Ten na ng gabi? Ang bilis naman ng oras. Alas diyes na kaagad. Bakit kaya wala pa si Nickson?" nagtatakang tanong ni Olive sa isipan. Kumakalam na ang sikmura niya sa gutom. Pero ayaw pa niyang kumain kung hindi kasabay ang asawa niya.Nagpasya siyang i-off ang TV at tumaas na sa kuwarto nilang ma
"OLIVE, malapit na ang graduation ng asawa mo. Anong plano mo?" tanong ni Ashley. Nasa canteen sila ng University. Dalawang linggo na ang lumipas, bigla ang pagbabago ni Nickson sa kanya. Palaging gabing-gabi na ito umuuwi. Minsan pa nga ay inuumaga nang umuwi ng bahay. Hindi naman siya nagtatanong dahil natatakot siyang malaman na niloloko na naman siya ng asawa niya."Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nakakausap ang asawa ko tungkol diyan," malungkot na sagot ni Olive."Huh? Akala ko ba nagkaaminan na kayo. Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Yza.Parang kailan lang ay masayang-masaya ang kaibigan niya na nagkukuwento. Ang saya sa labi nito ay halos walang pagsidlan.Nagbabadya ang luha ni Olive sa tinanong ng kaibigan. "Akala ko nga rin magiging okay na ang pagsasama namin ngayon na inamin namin ang nararamdaman. Pero ramdam ko na ngayon ang panlalamig ni Nickson. Hindi ko alam kung bakit," mangiyak-ngiyak na sagot ni Olive.Nasasaktan siya sa mga pinaggagawa ni Nickson sa kanya nga
MATAMLAY na bumangon si Olive at pumunta ng banyo para maligo. Wala siyang ganang pumasok. Masamang-masama ang loob niya dahil sa asawa niya. Kung asawa pa bang matatawag. 'Di na sila nagkikita ni Nickson sa bahay. Maliit lamang ang bahay nila at kakalog-kalog sila sa loob, pero 'di pa rin sila magkita.Nahihirapan man siya sa sotwasyon nilang dalawa at sa pagsasama niya. 'Di siya bibitaw. Hindi siya magagalit, hihintayin niyang magsabi ang asawa niya ng problema nito. Puwede pa naman nilang maayos ang lahat. Magtutulungan silang dalawa, iyon sila bilang mag-asawa. Magkaramay sila sa lahat, sa saya at sa lahat ng hirap. Maging sa pagsubok man.Bumaba na si Olive sa kusina pagkatapos maligo. Halos wala na talaga siyang kasama sa bahay nila. Mag-isa na lamang siya. Umupo siya sa stool, nakapalumbaba."Nakakapagod ng umiyak. Puwede kayang maging masaya na lamang ako palagi?" panay ang tulo ng luha niya. Clueless pa rin siya sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Nickson. Hindi naman nag
ISANG buwan na halos puro si Aleli lang ang kasama ni Olive sa bahay. Si Nickson ay magagawi lamang sa bahay nila paminsan-minsan. Madalas ay nagmamadali rin itong umaalis ng bahay. Ni hindi nagpapaalam sa kanya kung saan pupunta. Minsan tinatanong na lamang niya ang sarili, kung ano pa bang silbi ng pagsasama nila sa isang bahay. Masyado siyang nag-assume na mahal talaga siya ni Nickson. Napipilitan lang siguro ito ang inamin, sa loob-loob nito'y wala naman talagang nararamdaman ang asawa niya sa kanya."Olive, di ba ngayong araw ang graduation ni Sir Nickson?" tanong ni Olive habang nasa garden sila at inaayos ang mga halaman. Napatingin si Olive rito at napahinto sa ginagawa. Napaisip siya. Ano na nga bang petsa na? Biglang nagliwanag ang mukha niya na tama si Aleli. Ngayong araw ang pagtatapos ni Nickson sa kolehiyo. Muntik pa niyang makalimutan. Kung hindi pa ipinaalala ni Aleli ay mawawala na talaga sa kanya ang araw na ito."Magbihis ka at samahan mo ako. Pupunta tayo sa Unive
UMAGA na, nagising si Olive na katabi ang natutulog pang si Nickson. Hindi man lang siya nagising ng dumating ito. Dahil siguro sa kanyang mga pag-iyak at sa pagod dahil sa sama ng loob ay nakatulog siya ng mahimbing.Pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ng asawa. "Bakit mo ako sinasaktan, mahal ko? Mahal naman kita pero sobra na. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Kung magstay pa ba ako sa relasyon nating ito?" umiiyak na naman na sabi ni Olive sa isipan.Napakislot si Nickson. Agad na pinunasan ni Olive ang kanyang mga luha. Saka nagmamadaling tumayo at pumunta ng banyo.Napahagulhol na naman nang iyak si Olive sa loob ng banyo. Hindi na yata niya makakaya ang sakit na nararamdaman. Napakapit siya sa lababo. Para siyang matitimbuwang at nanghihina na siya sa sobrang sakitNarinig niya ang mga katok ni Nickson."Asawa ko, andiyan ka ba sa loob?" marahang mga katok na tanong ni Nickson."O-Oo," utal na sagot ni Olive."Can you just please open this door?""Hindi pa ako tapos. May ka
INAAYOS ni Olive ang mga damit niya. Tinutulungan siya ni Aleli sa pagliligpit ng mga damit at isa-isang inilalagay sa loob ng maleta. Habang isa-isang isinisilid ni Olive ang kanyang mga damit ay panay ang pagtulo ng mga luha niya."Olive, may gusto ka bang sabihin? Makikinig ako. Ituring mo akong parang Ate mo. Masasandalan mo ako kapag pakiramdam mo nag-iisa ka," sabi ni Aleli habang panay rin ang hikbi ni Olive. Sobrang nalulungkot siya sa nangyari sa mag-asawa. Puwede pa naman sigurong ayusin nila ang problema? Hindi palaging sagot ang paghihiwalay sa tuwing mayroong hindi pagkakaunaaan."Pinakawalan ko na 'yong lalaking pinapangarap ko. Ang nag-iisang lalaking minahal ko bukod sa Papa ko. I love him so much. Until now, na nasasaktan ako. At kahit na nasasaktan ako, mahal ko pa rin siya. Kung puwede lamang talaga na turuan ang puso na itigil sa pagtibok, gagawin ko," umiiyak na saad ni Olive. Hinawakan ni Aleli ang isang kamay ni Olive."May rason ang lahat. Kung bakit nangyayari