Olivia De Castro Hanz, college student. Simple, maganda at independent. Sa murang edad na disi otso ay namumuhay na mag isa at may part time job bilang pagsuporta sa sarili. Paano kung iarrange marriage ka sa taong nakikita mo lamang sa University? Kaya mo bang tumutol sa kagustuhan ng mga magulang mo?
Lihat lebih banyakNASA University si Olive ng tawagan siya ng Mama niya kanina. Pinapauwi siya sa bahay nila dahil may bisita daw silang dadating at importante na andoon siya sa bahay. Nagtataka man ay hindi siya puwede na tumanggi.
Simula kasi ng tumuntong ng disi otso si Olive ay namumuhay siya bilang isang independent woman. Hindi siya nakatira sa bahay ng parents niya. Pero minsan umuuwi siya kapag ipinapatawag siya para mabisita ang mga magulang at ang mga kapatid.She lived alone in her condo na siya mismo ang bumili. Masinop si Olive sa pera. Kaya napag ipunan niya ang pera na pambili ng mamahalin niyang condo. Noong una ay ayaw ng Mama niya na gusto niya na manirahan mag isa at mamuhay na mag isa. Pero dahil desidido siya ay pumayag na rin ito.She's working a part time job sa kompanya ng Papa niya. Simpleng empleyado lang siya doon. Dahil ayaw niya ng VIP kahit pa ang pamilya nila ang nagmamay ari ng kompanya. At kahit na binibigyan siya ng allowance monthly ng Mama niya ay hindi niya iyon tinatanggap. Katwiran niya ay may trabaho naman siya. At kaya niyang tustusan ang sariling pangangailangan.Pauwi na siya ngayon. Simpleng white dress lang ang suot niya. Hindi niya alam kung sino ang dadating at kung bakit kailangan pa siya sa dinner meeting na iyon."Ate!" malakas na sigaw ni Nia sa kanya. Tumatakbo itong lumalapit sa kanya. At niyakap siya."I missed you, Ate Via," sabi ni Nia sa nakakatandang kapatid."I miss you too, Vinia," sagot ni Olive sa kapatid. Her friends call her Olive but her family calls her Via.Humarap siya sa kapatid at pinantayan ito. Vinia is only ten years old."Sina Mama?" tanong niya sa kapatid."Nasa dining na, Ate. Kanina ka pa nga po nila hinihintay. At andoon na din po ang mga bisita nina Mama at Papa," sagot ni Nia."Okay. Punta na ako doon. Si Veina?" hanap nito sa kakambal ng kapatid. Vinia at Venia are twins."Nasa playground po. Naglalaro kami with our new playmate," magiliw na sagot ni Nia sa kapatid."Okay," at tumayo na si Via saka hinawakan niya sa buhok ang kapatid at ginulo iyon."Ouch! My hair Ate! " angal ni Nia. Napangiti naman si Via sa reaksiyon ng kapatid."I'm sorry, Baby. Punta na ako sa dining. At baka umuusok na ang ilong ni Papa dahil late na ako."Napangiti si Nia dahil sa sinabi ng kapatid. Late na kasi si Via ng halos trenta minuto. At kanina pa tawag ng tawag ang Mama niya sa kanya.Iniwan na ni Via ang kapatid at pumunta na sa dining area. Malayo pa siya ay naririnig na niya ang mga tawanan doon. At nakita niya ang Mama at Papa niya na masayang nakikipagkuwentuhan sa kanilang mga bisita. Napahinto sila lahat nang makita na papalapit siya sa kanila.Nilapitan ni Via ang Mama niya at humalik ito sa pisngi. Saka pumunta sa Papa niya at humalik din dito."Papa, sorry po late ako," hingi ng paumanhin ni Via. Nakikita na niya ang matalim na tingin ng Papa niya sa kanya."Kumain kana ba? Umupo ka na," utos nito sa kanya. Alam niya na pinipigilan ng Papa niya ang magalit dahil may bisita sila ngayon.Sumunod si Via sa utos ng Papa niya at naupo sa tabi ng Mama niya."Bakit ngayon ka lang kanina pa nagagalit ang Papa mo?" bulong na tanong ni Vhing sa anak. At nilagyan ng pagkain ang plato nito."Sorry Mama. May tinatapos pa po kasi kami sa University," paliwanag nia Via in a apologetic face."Okay, pero next time please pick up your phone para alam namin ang dahilan mo," sabi ni Vhing. Tumango ng ulo si Via."Olivia, this is Erickson Balderama and his wife Nieves Balderama. Mr. Balderama is one of our investor. And he own twenty percent share in our company," pakilala ng Papa niya sa mga bisita nila. Ngayon pa lamang niya nakita ang mukha ng mga bisita na sinasabi ng Papa niya."And beside Mrs. Balderama is their son Nickson Balderama," pakilala din sa anak ng mag asawang Balderama. Nagulat si Via. Anak pala si Nickson ng isa sa shareholder ng kompanya nila."This is my eldest daughter Olivia De Castro Hanz," pakilala din ng Papa niya sa kanya. Tumango ng ulo si Via at ngumiti ang mag asawa sa kanya. Saka bumaling ng tingin kay Nickson. Napansin iyon ng Papa niya."Do you know him, Via?" tanong ng Papa niya, dahil pagkagulat sa mukha niya."Actually yes, Papa. Nickson and I are colleagues but not friends," Pag amin ni Via."That's great, atleast hindi na kami mahihirapan na ipakilala kayo sa isat isa," anang Papa niya."As I was saying we should decide now, Kumpadre about their wedding," baling na wika ng Papa niya kay Mr. Balderama."Huh? Anong wedding?" tanong ni Via sa sarili."Via, Nickson and you are going to get married. At plano naming gawin iyon after three months," inporma ng Papa niya. May pinalidad sa boses nito."Pa, kaya ba niyo ako pinapunta dito? I didnt know that you planned about my future. Ni hindi niyo ako tinanong kung gusto ko ba," tangging sabat ni Via."Via, igalang mo ang Papa mo," may diing utos nga Mama niya."Pero Mama, gusto niya akong ipakasal sa lalaking hindi ko gusto. At lal9ng hindi ko pa po boyfriend," rason ni Via at tumayo na ito para umalis. Batid niyang halos nawala ang paggalang niya sa Papa niya at sa mga bisita nila. Pero hindi naman siya papayag ng ganun na lamang. Ipakasal siya sa hindi niya kilala ng lubos. Tumatakbo na papalayo si Via sa dining area."Please, exuse me Sir, Ma'am. Susundan ko lang po si Olivia," paalam ni Nickson sa mga magulang ni Olivia. At tumayo. Tumango naman ito ng ulo ang parents ni Olivia bilang sagot sa kanya.Pupuntahan niya si Olivia. Even he doesn't like the idea that they are getting married. Isa pa, he has a girlfriend and it's Denise.Nickson's POV MASAYA akong pinagmamasdan ang aking mag ina. Habang tuwang tuwa na nakapalibot sa kanila ang aming mga magulang. Abot abot ang tahip ng dibdib ko noong nasa loob ng delivery room ang asawa ko. 'Di ako pinayagan ng mga doktor na pumasok sa loob ng delivery room. Kaya nagkasya na lamang ako sa sobrang pagdadasal para sa kaligtasan ng aking mag ina. Nakahinga ako ng maluwag. Nang ligtas na nakaraos ang aking asawa at ito nga ay mayroon na kaming anak. Sobra ang kaligayahan ko ngayon. Halos lumagpas na sa langit ang aking ngiti. Sa wakas kompleto na ang pamilya ko. Ligtas na sila sa kamay ni Crissa at hindi na kailanman mangugulo sa amin. Panay ang dasal ko habang nasa loob ng delivery room si Olive. Parang hindi ko na makakaya kung mawawala pa sila sa akin. Sila ang buhay ko, ang mag ina ko ang bumubuhay sa akin. Mamatay ako kung malalayo sila at hindi ko sila makikita pa. Napaluha ako na nakikita ko silang sobrang galak ang mga puso sa pagdating ng aming unang sup
IT'S a big day for Nickson and Olive. The day that they are waiting for. As the music starts "Bigay ng Maykapal" by Dj Bombom. Ito ang napili nilang kanta para sa araw na pinaka-espesyal sa kanilang buhay— ang kanilang kasal. Mas memorable ngayon dahil puro ang gusto nila ang nasunod.Ito ang pinagarap niyang kasal para kay Olive. She deserved what she has now for loving them unconditionally. Ang mga sakripisyo niya para sa kanilang lahat. Kahit pa ang kalimutan ang sarili niyang kaligayahan.Habang nakatingin sa malayo si Nickson at hinihintay na dumating ang kanyang pinakamagandang bride. Ang babaeng ibinigay sa kanya ng Maykapal.Sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sila pa rin ni Olive ang magkakatuluyan. Ang dami nilang pinagdaanan na dal'wa. Dalawang beses pa silang nagkalayo. Naisakrispisyo ni Olive ang sarili para lamang mailigtas ang kanyang pamilya sa masamang kamay ni Crissa. Natutuwa siya na hinarap iyon ng asawa niya na mag isa. Kahanga hanga ang ganoong klaseng babae.So
ARAW ng kasal nina Crissa at Nickson. Kompleto ang pamilya nina Nickson. Ang Daddy niya ay tutol sa kasal nila. Pero walang nagawa nang si Nickson na ang may gusto na maikasal kay Crissa. Wala naman silang kaalam alam sa lahat. Tanging siya lamang ang nagpasimuno ng kasal nila ni Crissa.Pinagbigyan na niya ito na makasal silang dalawa para matigil na ang babae ng kahahabol sa kanya. At matahimik na ang kanyang buhay.Huwag lang sanang mabulilyaso ang kanyang plano. Dahil buhay ng pinaka-importanteng tao ang malalagay sa alangin. Hindi niya makakayanan na may mangyari na mas grabe pa noon. Itataya na niya ang buhay niya kung magkagayon."Nickson, hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Hindi mo na ba mahal si Olive? Mas gusto ko pa rin si Olive para sayo," sabi ni Ericson sa anak. Mas hamak na mabait at napaka-natural ng ugali ni Olive. 'Di kagaya ni Crissa na parang plastic kung humarap sa kanila. Palibhasa ay ang anak lamang nila ang gusto nito. Nagkamali siya noong kinausap niya it
MABILIS na tumulin ang mga araw. Malapit ng manganak si Via. Kompleto na ang mga gagamitin ng anak niya. Nagpapasalamat siya kay Quinay na hindi ito umalis sa kanyang tabi. Palagi itong nakaalalay sa kanya."Ate, may check up ka pala. Sasamahan kita," paalala ni Quinay kay Via."Oo. Salamat sa pagpapaalala. Nahihirapan na nga akong lumakad.""Kaya nga ako andito, Ate Olive. Para alalayan ka sa lahat ng oras."Napangiti si Olive. Naglakad siya palapit sa dalaga. "Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Paano na lang ako kung wala ka sa tabi ko? Siguro baka hirap na hirap ako at palagi na lang mag isa.""Hindi mangyayari na mag iisa ka. Para na kitang kapatid, habang andito ka sa lugar namin. Andito lang ako palagi sa tabi mo, ate.""ARE you sure you want to marry Nickson, Crissa? Ako'y nagpapaalala lang sayo. Hindi tama ang ginawa mo sa kanila. Paano kung mahuli ka ni Nickson? E, 'di ikaw lang ang mapapasama," giit ni Mayor Cris.Masyado nang nagiging abusado ang anak. Self-centered a
"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa.Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive.Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa mga plano niya. Ang hindi niya alam lalo lamang siyang nababaon sa kasalanang ginawa niya sa kanilang mag asawa.Napapangisi siya habang ini-imagine ang araw na poposasan si Crissa. Hindi na ng
LUMIPAS ang limang buwan ay mag-isang namumuhay si Olive sa isang malayong probinsiya. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. Nagpapasalamat siya dahil sa may naiwan naman sa kanya na alala ni Nickson. Ito ay ang anak nilang dalawa. Habang himas ang tiyan ay napaiyak si Olive. Miss na niya si Nickson. Sumuko siya para sa kaligtasan ng lahat. Importante na mabuhay silang lahat kahit pa masaktan siya."Anak, patawarin mo si Mommy kung hindi ko pinaglaban ang Daddy mo. Masaya ako kung magiging masaya ang Daddy mo sa piling ni Crissa. Hayaan mo andito pa naman si Mommy. Hinding-hindi kita iiwan," usal ni Olive habang hawak ang may kalakihan na din na tiyan."ATE, pupunta lang po ako sa kabilang bayan. Ipamimili kita ng mga prutas tsaka mga gamit ni baby," paalam ni Quinay kay Olive. Si Quinay ang dalagita na kasama niya sa bahay simula noong lumipat siya sa maliit na bayan ng Santa Barbara.Nakilala niya ito noong naghanap siya ng babaeng makakasama. Maigi na lamang ay nadala niya ang ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen