LOGINMikhaela's Point of View
Nakakatampo siya.Ilang sandali akong tahimik habang naglalakad kami ni Dad sa hallway papunta sa living room.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.Italy.Nasa Italy si Leo.At ang mas nakakainis sa lahat ay hindi niya man lang sinabi sa akin.Hindi ko alam kung kailan siya umalis.Hindi ko alam kung gaano siya katagal doon.Hindi ko rin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.Mikhaela's Point of ViewTinaasan lang niya ako ng tingin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Mula sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, halatang iniisip niyang nagbibiro lamang ako o kaya naman ay isa akong babaeng basta na lang nagsasalita nang walang sapat na kaalaman sa sarili kong sinasabi.Bahagya siyang napangisi bago niya ako tingnan mula ulo hanggang paa."You? Nananaginip ka ba ng gising? Oh wait?"Napakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. May kakaibang pagdududa sa mga mata niya, ngunit mas nangingibabaw doon ang kayabangan.Hindi ko siya sinagot agad.Hinayaan ko lamang siyang magsalita."Parang nakita na kita noon pa man."Sandali siyang natigilan habang tila pilit na inaalala kung saan niya ako nakita."Don't tell me ikaw ang asawa ni Mr. Ian Moretti?"Bahagya akong napabuntong hininga.Hindi pa ba niya narinig ang balita?Halos buong pal
Mikhaela's Point of ViewTatlong buwan na ang nagdaan simula nang mangyari ang engagement namin ni Leo.Tatlong buwan na rin mula nang sabihin niyang magiging asawa niya ako.Ngunit sa loob ng tatlong buwang iyon, ni anino ni Leo ay hindi ko nakita.Hindi pa rin siya umuuwi.Sa bawat araw na lumilipas, umaasa akong maririnig ko ang tunog ng sasakyan niya sa labas ng mansion. Umaasa akong sa bawat pagbukas ng malaking pintuan ay siya ang makikita kong papasok, dala ang malamig at seryosong ekspresyon na palagi niyang ipinapakita.Pero palagi akong nabibigo.Kapag tinatanong ko ang dad niya kung kailan siya uuwi, palagi itong may ibinibigay na dahilan."May inaasikaso pa si Leo.""May importanteng business meeting siya.""May kailangan siyang tapusin bago siya makauwi."Paulit ulit na lamang ang mga dahilan.At habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na baka sadyang ayaw ni
Mikhaela's Point of ViewNakakatampo siya.Ilang sandali akong tahimik habang naglalakad kami ni Dad sa hallway papunta sa living room.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.Italy.Nasa Italy si Leo.At ang mas nakakainis sa lahat ay hindi niya man lang sinabi sa akin.Hindi ko alam kung kailan siya umalis.Hindi ko alam kung gaano siya katagal doon.Hindi ko rin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.Ang alam ko lamang ay nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag isa.At ngayon, nalaman kong wala pala siya sa mansion.Napabuntong hininga ako."Mika?"Napatingin ako kay Dad."Okay ka lang?"Tumango ako."Okay lang po."Ngunit kahit sabihin kong okay lang ako, alam kong halatang hindi.Hindi ko naman kayang itago ang tampo ko.Lalo na kay Leo.Simula nang maging bahagi ako ng buhay niya,
Mikhaela's Point of ViewNatatakot pa rin ang tingin nila sa akin.Kanina lamang ay halos hindi nila ako matingnan nang diretso, ngunit ngayon ay tila ba bigla silang nawalan ng hiya at lakas ng loob na tumakbo patungo sa dad ni Leo.Isa isa silang lumuhod sa harapan nito.Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang tatlong taong kanina lamang ay nanginginig sa takot sa harapan ko. Ngayon, para bang nakahanap sila ng taong inaakala nilang magiging kakampi nila.I could not help but stare at them.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.Ang bilis nilang magbago ng ugali."Mr. Moretti, tulungan niyo po kami," nanginginig na sambit ng isa sa kanila habang nakayuko. "Bigla bigla na lang po kaming pinapagalitan ni Miss Campbell."Agad namang sumunod ang isa."Oo nga po. Sinampal po niya ng dalawang beses ang pisngi ng head maid. Hindi po namin alam kung ano ang dahilan kung bakit."
Mikhaela's Point of ViewMatapos ang proposal ni Leo ay hindi ko na siya nakita matapos noon.Nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag-isa. Tahimik ang buong paligid, at walang kahit anong bakas na umuwi siya o dumaan man lamang dito pagkatapos ng nangyari kagabi.Saglit akong nanatili sa kama habang nakatitig sa kisame.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko.Masaya ba ako?Kinakabahan?O sadyang hindi ko pa kayang tanggapin na sa loob lamang ng maikling panahon ay nagbago na ang katayuan ko sa pamilya Moretti?Kahapon ay isa lamang akong babaeng tinitingnan ng karamihan bilang asawa ni Ian.Ngayon, isa na akong babaeng may hawak na singsing sa daliri at tinatawag na fiancee ni Leo Moretti.At higit sa lahat, nakatira na ako sa mismong mansion ng mga Moretti.Dinala na rin dito ang mga gamit ko dahil malinaw na ang desisyon ni Leo.Dito na ako titira.
Mikhaela's Point of View"Don't tell me na plinanuhan mo ang lahat ng ito?"Natigilan ako sa sinabi ni Ian. Napatingin ako sa kanya nang diretso habang unti unting kumukunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganoong konklusyon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya, para bang ako ang may pakana sa lahat ng nangyari ngayong gabi.Sa gitna ng napakaraming matang nakatingin sa amin, ramdam ko ang bigat ng bawat bulong at paghuhusga. Ang mga ilaw na kanina ay nagbibigay ng masayang ningning sa birthday party ay tila biglang naging malamig sa aking paningin."Pinagsasabi mo?""You use my uncle!"Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa naririnig ko. Parang kung anu anong kuwento na lamang ang binubuo ni Ian dahil hindi niya matanggap ang nangyayari sa harapan niya.Nasisiraan na yata siya ng ulo."Ian."Iyon lamang ang sinabi ko, ngunit tila sapat na i







