เข้าสู่ระบบMikhaela's Point of View
Tatlong buwan na ang nagdaan simula nang mangyari ang engagement namin ni Leo.Tatlong buwan na rin mula nang sabihin niyang magiging asawa niya ako.Ngunit sa loob ng tatlong buwang iyon, ni anino ni Leo ay hindi ko nakita.Hindi pa rin siya umuuwi.Sa bawat araw na lumilipas, umaasa akong maririnig ko ang tunog ng sasakyan niya sa labas ng mansion. Umaasa akong sa bawat pagbukas ng malaking pintuan ay siya ang makikita koThird Person's Point of ViewItaly...Tahimik at malamig ang paligid ng malawak na conference room sa isang pribadong mansion na pagmamay-ari ng Moretti family. Sa labas ng malalaking salaming bintana ay makikita ang madilim na kalangitan ng Italy, habang ang malamig na hangin ay marahang humahampas sa mga puno sa paligid ng property.Sa loob naman ng silid ay halos hindi marinig ang kahit anong ingay.Tanging mahinang pag-click ng isang pen at kaluskos ng mga papel ang namayani sa buong lugar.Sa gitna ng mahabang mesa ay nakaupo si Leo Moretti, walang emosyon ang mukha habang nakatitig sa mga board na nasa harapan nila.Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang dahilan kung bakit kailangan niyang magmadaling pumunta sa Italy.May panibagong problema na naman silang kailangang harapin.At sa pagkakataong ito, hindi simpleng problema ang kinakaharap nila.Isa itong bagay na maaaring makaapekto hindi lam
Mikhaela's Point of ViewHindi ko agad nasagot ang tawag.Nakatitig lamang ako sa screen habang patuloy na tumutunog ang cellphone sa aking kamay.Leo Moretti.Ang pangalan na ilang minuto ko lamang tinitingnan kanina ay ngayon mismo ang tumatawag sa akin.Para bang biglang nawala ang lahat ng lakas ng loob ko.Bakit naman ngayon?Hindi ba puwedeng bukas na lang?O kahit makalipas ng ilang oras?Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko.Ilang segundo pa ang lumipas bago ko tuluyang sinagot ang tawag."Hello?"Mahina ang boses ko.Halos hindi ko nga marinig ang sarili ko.Sa kabilang linya ay ilang segundo ring walang nagsalita.Tanging mahinang paghinga ang naririnig ko."Is that you, Mikhaela?"Napakagat ako sa labi.
Mikhaela's Point of ViewTinaasan lang niya ako ng tingin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Mula sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, halatang iniisip niyang nagbibiro lamang ako o kaya naman ay isa akong babaeng basta na lang nagsasalita nang walang sapat na kaalaman sa sarili kong sinasabi.Bahagya siyang napangisi bago niya ako tingnan mula ulo hanggang paa."You? Nananaginip ka ba ng gising? Oh wait?"Napakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. May kakaibang pagdududa sa mga mata niya, ngunit mas nangingibabaw doon ang kayabangan.Hindi ko siya sinagot agad.Hinayaan ko lamang siyang magsalita."Parang nakita na kita noon pa man."Sandali siyang natigilan habang tila pilit na inaalala kung saan niya ako nakita."Don't tell me ikaw ang asawa ni Mr. Ian Moretti?"Bahagya akong napabuntong hininga.Hindi pa ba niya narinig ang balita?Halos buong pal
Mikhaela's Point of ViewTatlong buwan na ang nagdaan simula nang mangyari ang engagement namin ni Leo.Tatlong buwan na rin mula nang sabihin niyang magiging asawa niya ako.Ngunit sa loob ng tatlong buwang iyon, ni anino ni Leo ay hindi ko nakita.Hindi pa rin siya umuuwi.Sa bawat araw na lumilipas, umaasa akong maririnig ko ang tunog ng sasakyan niya sa labas ng mansion. Umaasa akong sa bawat pagbukas ng malaking pintuan ay siya ang makikita kong papasok, dala ang malamig at seryosong ekspresyon na palagi niyang ipinapakita.Pero palagi akong nabibigo.Kapag tinatanong ko ang dad niya kung kailan siya uuwi, palagi itong may ibinibigay na dahilan."May inaasikaso pa si Leo.""May importanteng business meeting siya.""May kailangan siyang tapusin bago siya makauwi."Paulit ulit na lamang ang mga dahilan.At habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na baka sadyang ayaw ni
Mikhaela's Point of ViewNakakatampo siya.Ilang sandali akong tahimik habang naglalakad kami ni Dad sa hallway papunta sa living room.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.Italy.Nasa Italy si Leo.At ang mas nakakainis sa lahat ay hindi niya man lang sinabi sa akin.Hindi ko alam kung kailan siya umalis.Hindi ko alam kung gaano siya katagal doon.Hindi ko rin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.Ang alam ko lamang ay nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag isa.At ngayon, nalaman kong wala pala siya sa mansion.Napabuntong hininga ako."Mika?"Napatingin ako kay Dad."Okay ka lang?"Tumango ako."Okay lang po."Ngunit kahit sabihin kong okay lang ako, alam kong halatang hindi.Hindi ko naman kayang itago ang tampo ko.Lalo na kay Leo.Simula nang maging bahagi ako ng buhay niya,
Mikhaela's Point of ViewNatatakot pa rin ang tingin nila sa akin.Kanina lamang ay halos hindi nila ako matingnan nang diretso, ngunit ngayon ay tila ba bigla silang nawalan ng hiya at lakas ng loob na tumakbo patungo sa dad ni Leo.Isa isa silang lumuhod sa harapan nito.Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang tatlong taong kanina lamang ay nanginginig sa takot sa harapan ko. Ngayon, para bang nakahanap sila ng taong inaakala nilang magiging kakampi nila.I could not help but stare at them.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.Ang bilis nilang magbago ng ugali."Mr. Moretti, tulungan niyo po kami," nanginginig na sambit ng isa sa kanila habang nakayuko. "Bigla bigla na lang po kaming pinapagalitan ni Miss Campbell."Agad namang sumunod ang isa."Oo nga po. Sinampal po niya ng dalawang beses ang pisngi ng head maid. Hindi po namin alam kung ano ang dahilan kung bakit."







