LOGINThird's POV
Tahimik ang malaking opisina habang nakatutok ang paningin ni Caleb sa screen ng kanyang laptop. Maraming nakapatong na papeles sa kanyang mesa, at halatang focus ang kanyang mga mata mula sa tuloy-tuloy na pagtatrabaho.
Nabasag ang katahimikan nang maglakad papasok sa office si Lea.
"Hi, babe..." malambing na sabi ni Lea habang dahan-dahang lumalapit sa kanyang mesa.
Bago pa man makapagsalita ang lalaki, hinawakan na ng dalaga ang dulo ng screen ng laptop at bahagyang isinara upang makuha ang buong atensyon nito ni Caleb.
Tumingin si Caleb sa kanya at bahagyang ngumiti.
"What do you want, huh?" mahinang tanong ni Caleb sa malambing na tono.
Bahagyang ngumuso si Lea na tila nagtatampo, bago dahan-dahang umupo at kumandong sa kandungan ni Caleb. Ipinulupot ng dalaga ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki at isinandal ang balikat sa dibdib nito.
"6th monthsary na natin bukas... puro work ka pa rin," pabulong at malambing na reklamo ni Lea, habang ang mga daliri nito ay dahan-dahang naglalaro sa kwelyo ng polo ng kasintahan.
Saglit na natigilan si Caleb.
Sa isang mabilis na segundo, tila may pumasok na alaala o lalim sa kanyang mga mata isang pamilyar na bigat na pilit niyang itinutulak palayo.Pero agad ding napawi iyon. Dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang mga labi habang hinahawakan ng kanyang kamay Ang bewang ni Lea.
"I'm sorry, babe," mahinahong sagot ni Caleb habang itinutuwid ang pagkakaupo upang mas maging komportable ang dalaga sa kanyang kandungan.
"Babawi ako bukas. I'll clear my schedule for you."
"Really, babe?!" masayang reaksyon ni Lea habang nagniningning ang mga mata at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa leeg ng lalaki.
Bahagya lang tumango si Caleb at binigyan siya ng isang tipid ngunit mahinahong ngiti.
Si Lea siya ang babaeng dumating sa mga sandaling gulong-gulo pa rin ang mundo niya. Si Lea ang unti-unting pumawi sa matinding pangungulila niya kay Avianna.
Dalawang taon.
Dalawang mahabang taon na tahimik at patagong hinintay ni Caleb si Avianna na bumalik sa kanya.
Dalawang taon siyang umasa na balang araw, maiisip din ng babae na hindi worth it ang lalaking ipinalit nito sa kanya na marerealize nitong mas matimbang ang pitong taong pinagsamahan nila.
Araw-araw siyang umaasa na tatawag ito, kakatok sa p***o niya, o hihingi ng tawad.
Pero walang Avianna na bumalik.
Kaya noong pumasok si Lea sa buhay niya, pinilit ni Caleb na itulak ang sarili na magpatuloy. Kahit may mga gabi pa ring bumabalik ang sakit, hinayaan niyang turuan siya ni Lea kung paano muling huminga nang wala ang babaeng itinuring niyang buong buhay niya."What do you want, handsome... hmm?" mapang-akit na pabulong na sabi ni Lea habang nakatitig sa mga mata ng kasintahan, may laro at pagnanasa sa kanyang mga ngiti.
Muling ngumiti si Caleb at bahagyang umiling."Later..."
Natawa nang mahina si Lea at bahagyang hinampas ang balikat ng lalaki.
"Silly! About sa coffee 'yon! Gusto mo ba ikuha kita?"
Bahagyang tumango si Caleb at natawa rin sa sarili.
"Ah. Sure, coffee would be great."
Bumaba si Lea mula sa kanyang kandungan, binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi, at masayang lumabas ng opisina para ikuha siya ng maiinom.
Nang masara ang p***o at muling tumahimik ang buong silid, dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Caleb. Huminga siya nang malalim at napatitig sa kalendaryo na nakapatong sa gilid ng kanyang mesa.
September 25.
Ang petsang iyon... ang dating monthsary nila ni Avianna.
Sa isang iglap, tila napawi ang kasalukuyan at muling bumalik sa kanya ang nakaraan mga alaalang pilit niyang ibaon pero laging lumilitaw sa tuwing darating ang araw na ito.
"Kuya Caleb, dapat may number tayo Kasi diba tayo na..." malambing at may pananabik na sabi noon ng batang si Avianna habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya noon at tumingin sa kalendaryong nakapatong sa drawer.
"25. That's our number," aniya sa labing-anim na taong gulang na si Avianna, habang hinahawakan ang kamay nito nang buong pag-iingat.
Patago, oo. Isang relasyong kailangang itago sa mata ng mundo dahil sa kanilang edad at sitwasyon. Pero sa kabila ng pagtatagong iyon, puno ang relasyon nila ng nag-uumapaw na pagmamahalan, malalim na paggalang, at pasensya.
Naghintay siya.
Hinintay niya ang tamang panahon. Hinintay niyang maging sapat ang edad nito. Hinintay niya ang babaeng akala niya ay makakasama niya habambuhay... ang babaeng akala niya ay kailanman ay hindi na aalis sa tabi niya.
Pero di Pala laging Masaya..
Inilaban niya si Avianna.
Diyos nakakaalam kung paano niya ipinaglaban ang babae. Halos mabaliw si Caleb araw-araw matapos ang gabing iyon ng hiwalayan siya ni Avianna.
Walang araw na hindi siya nakainom, gabi-gabing nakalubog sa alak habang umaasang Mamaya babalik si Avianna, kakatok ito sa p***o niya at sasabihing isang masamang panaginip lang ang lahat. Umasang babalik ito sa kanya.
Pero hanggang ngayon, naririnig niya pa rin nang malinaw sa kanyang utak ang bawat salitang binitiwan ni Avianna mga salitang parang paulit-
ulit na sumasaksak sa puso niya."Mag-break na tayo. Hindi na kita gusto, Caleb... Siguro ang bata ko pa 'nun? Akala ko ikaw na talaga. Pero sorry... I fell in love with someone else."
Galit, sakit, at pagtataka ang lumamon sa kanya noon. Halos mabaliw siya sa kagustuhang alamin kung sino ang someone na iyon.
Sino ang lalaking mas hihigit pa sa pitong taong inialay niya?
Sino ang nakakuha sa puso ng babaeng itinuring niyang buong mundo niya?
Naalala niya pa ang gabing nagwala siya sa tapat ng gate nina Avianna. Sisigaw, magmamakaawa, at inaalam kung sinumang lalaking sinasabi nito. Lumabas ang mga tao sa bahay, pero huli na ang lahat.
Wala na roon si Avianna.
Nakaalis na ito patungong ibang bansa kasama ang lalaking ipinagpalit sa kanya.Nabasag ang pag alala sa nakaraan ni Caleb nang dahan-dahang bumukas ang p***o ng kanyang opisina.
Pumasok si Lea, may hawak na isang tasa ng mainit na kape, nakangiti at malambing na nakatingin sa kanya.
Ang liwanag sa kanyang mga mata ay parang tahimik na Paalala kay Caleb na nasa kasalukuyan na siya malayo na sa bangungot ng nakaraan.
Inilapag ni Lea ang isang tasa sa mesa, sa mismong tabi ng kalendaryong nagmamarka ng September 25.
"Here's your coffee, handsome," malambing niyang sabi habang nakatitig nang buong pagsuyo sa mukha ng lalaki. Lumapit siya nang kaunti at ibinaba ang ulo para maglapat ang kanilang mga noo.
"Iniisip mo pa rin ba ang trabaho?"
Huminga nang malalim si Caleb, dahan-dahang inilayo ang tingin sa kalendaryo, at tumingin nang diretso sa mga mata ni Lea.Ito ang babaeng dumating noong mga panahong durog na durog siya. Ang babaeng hindi nagtanong tungkol sa nakaraan, kundi tahimik lang na humawak sa kamay niya hanggang sa matuto siyang muling ngumiti.
Isang mahinahong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Caleb habang inaaabot ang kamay ni Lea.
"No," mahina ngunit siguradong sagot ni Caleb habang hinahawakan ang daliri ng dalaga.
"Iniisip ko lang kung paano kita mapapasaya bukas."
Third's POV Tahimik at nakasandal sa sofa ang mga kalalakihan ng pamilya Severino habang malayang nag-uusap sa malawak na sala ng mansyon."Tsk, lupit din, 'no? Kung ako kay Caleb... at mahal niya pa pala si Avianna, dapat binuntis na niya," komento ni Ariz habang nakasuot pa ng kanyang coat. Dito siya diretso na pumunta nang malaman ang gulong nangyari sa Zenith Lounge kagabi.Matapos kasi nitong manggaling sa resort na pinamamahalaan niya ay agad siyang umuwi rito."Ewan ko ba kay Caleb, tsk, mahina," dagdag naman ni Blaze na nakangisi habang umiinom mula sa kanyang baso."Kung sa akin 'yun... kulong na agad 'yun sa mga bisig ko," natatawang sabi ni Ariz habang patuloy na napapangisi.Saktong pumasok si Avianna sa sala. Bitbit niya ang brown folder na naglalaman ng dokumentong pinarmahan ni Caleb, balak na pumasok sa study room ng kanyang lolo upang iabot ito. Agad na nanahimik sina Ariz at Blaze nang mapansin ang kanyang pagpasok, ngunit hindi nawala ang mga pilyong ngisi sa kani
Avianna's POV Ilang minuto lang matapos tuluyang tumalikod at umalis si Caleb, nagpasya na rin akong umuwi.Hindi na pinansin ang mga may magtanong.Ayokong ipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Ayokong marinig ang kahit anong tanong tungkol sa nangyari.Paglapit ni Ayumi sa akin, agad akong umiwas ng tingin."Not now, Ayumi..."Nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng aking mga luha.Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng Zenith Lounge, hanggang sa marating ko ang kalsada at mabilis na pumara ng dumaang taxi.Pagkasakay na pagkasakay ko, agad kong sinabi ang address sa driver. Nang makarating sa bahay, pumasok ako nang halos patakbo hanggang sa marating ang kwarto ko.Diretso ako sa loob.Pagkasara at pagkalock ko ng pinto, doon na tuluyang bumigay ang lahat.Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga pisngi.Tahimik akong humagulgol.Wala nang kailangang magtanong.
Avianna's POV Napaatras ako dahil sa lakas ng hila ni Caleb sa braso ko, halos mawalan ako ng balanse bago tuluyang naisandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong galit, gulat, at takot habang nakatitig sa duguang labi ni Morris na pilit na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa."Caleb! Nababaliw ka na ba?!" hysterical kong sigaw sabay padyak at pilit na kumawala sa higpit ng hawak niya.Pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa pulso ko, parang bakal na nakakulong sa kamay niya habang nananatiling pader ang tindig at halos dumidilim ang buong aura niya.Nagsimula nang manood Ang ibang taong nasa paligid. Ang mga tao sa VIP area ay napahinto sa pagsasayaw at pag-inom, habang ang mga Severino girls at ang mga Ashwood boys gaya nina Dustin at Liam ay agad na pumagitna upang harangan ang posibleng ganti ni Morris."Bro, kalma!" hawak ni Liam sa balikat ni Caleb, pero halos hindi man lang ito nagalaw sa kinaroroonan niya.Bumangon si
Avianna's POV"This is a public lounge, Caleb," malamig kong sagot habang tuluyan akong lumingon sa kanya. Pilit kong ipinaparamdam na wala siyang karapatang magtanong sa akin."Nandito ako para mag-enjoy kasama ang mga pinsan ko. At wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo."Bahagyang sumandal si Caleb sa upuan. Isang braso niya ang nakapatong sa sandalan ng upuan ko mismo, habang nanatiling malamig ang ekspresyon niya.Saglit na bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling bumalik sa mga mata ko."In this dress? With this crowd?" mababa niyang tanong.May diin ang bawat salita.At kahit maingay ang musika sa paligid, sapat ang lalim ng boses niya para marinig ko iyon nang malinaw.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang malamig din na tingin ni Morris kay Calebkunot-noo siya.Nagtitigan sila ni Caleb."Who's he?" tanong ni Morris, halatang nagtataka pero may yabang.Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Morris."Someone from the past," diretso kong sagot.Saglit akong tumingin ka
Avianna's POV "Girl, mag-night out naman tayo mamaya! Minsan lang naman 'to, 'noh..." masayang panimula ni Zerine habang nakahiga sa couch at nag-uunat."Sa Billionaire's Playground tayo?" tanong naman ni Eula, tila excited na sa plano."Ewww... mahal do'n! One hundred thousand ang entrance! Tapos tambayan pa nila kuya, wala tayong kalayaan girls!!" agad na reklamo ni Zerine, sabay simangot.Inirapan lang siya ni Brittany at hindi na nag-abala pang sumagot. Nakatuon lang ang pansin nito sa sarili niyang mga kuko.Si Ayumi naman, na kanina pa tahimik, ay biglang napangisi habang mabilis na nag-scroll sa cellphone niya.."Look oh," pambubuyo niya sa aming lahat, sabay harap ng screen ng cellphone niya sa gitna ng sala para ipakita ang isang larawang kakapost lang sa social media.Isang litrato iyon mula sa Ashwood mansion mismong ngayong umaga lang kinuha.Pasimple akong sumilip habang nagpapanggap na walang pakialam.Sa larawan, nakaupo si Caleb sa sofa ng kanilang sala. Naka-side pro
Avianna's POVLumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan.Kompleto pa rin kaming lahat na Severino girls dito sa mansyon ni Lolo. Walang gustong umalis agad dahil bihirang-bihira ang mga pagkakataong ganitong kumpleto at nagkakasama-sama kaming lahat sa iisang bubong.Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.Bawat isa ay busy at may kanya-kanyang ginagawa may mga nag-uusap sa living area, may nagkakape sa veranda, at ang iba naman ay nagtatawanan lang. Ngunit sa gitna ng katahimikan ng umaga, halos sabay-sabay na tumunog at nag-vibrate ang mga cellphone naming lahat.Isang Group Chat Announcement ang ipinadala ni Tita Ara sa group.Isang Hiking at Treasure Hunting Event daw ang gaganapin sa itaas ng bundok, at eksklusibo lang ito para sa mga magkakapareha o couples na gustong sumali.Nang buksan ko ang mensahe para tingnan ang opisyal na listahan ng mga kalahok, nanlamig ang mga daliri ko sa huling pangalang nabasa ko:Exodus / BlytheRaze / JamaicaKristine / SinnerAvery / Ma







