LOGINThird's POV
Lumalim ang gabi sa Zurich, pero nanatiling nakatitig si Avianna sa tanawin ng mga ilaw ng lungsod mula sa malaking bintana ng kanyang penthouse unit.
May hawak siyang baso ng alak, pero ni hindi niya ito maiangat para inumin.
September 25.
Isang petsang pilit niyang binubura sa kalendaryo taon-taon, pero hinding-hindi mabura-bura sa puso niya.
Naalala niya pa kung paano sila mag-celebrate ni Caleb noon. Walang engrandeng handaan simpleng hapunan lang, usapan tungkol sa hinaharap, at mga pangarap na binuo nila sa loob ng pitong taon.
Ang petsang 25 ang naging simbolo ng lahat ng pangako nila sa isa't isa.
Pero ngayong gabing ito, habang mag-isa siya sa malamig na silid sa Switzerland, alam niyang may iba nang kasama si Caleb sa petsang iyon.
Bahagyang nanginig ang kamay ni Avianna kaya inilapag niya ang baso sa mesa. Inabot niya ang maliit na velvet box na nakatago sa pinakailalim ng kanyang drawer ang tanging bagay na pilit niyang dinala noong gabi na tumakas siya mula sa buhay ni Caleb.
Dahan-dahan niya itong binuksan.
Sa loob niyon ay ang simpleng silver band na isinabit niya sa isang manipis na kwintas ang promise ring na ibinigay sa kanya ni Caleb noong 18th birthday niya.
Ang singsing na naglalaman ng lahat ng pangarap at pangakong binuo nila para sa hinaharap.
Kinuha niya ang kwintas at hinawakan nang mahigpit ang pendant na singsing sa kanyang dibdib. Pilit niyang ipinipikit ang kanyang mga mata habang mabilis na pumapatak ang mga luha sa kanyang pisngi.
"I'm really sorry, Caleb..." ibinulong niya.
"Patawarin mo ako kung kailangan kong maging masama sa paningin mo. Mas gusto ko nang galit ka sa akin habambuhay... kaysa makita kang unti-unting nawawalan ng pag-asa habang kasama mo ako."
Isuot man niya ito o itago, alam niyang ang singsing na iyon ang magpapaalala sa kanya na kahit kailan, hindi na mababago ang katotohanang ibinigay niya ang buo niyang puso sa lalaking iyon.
Pinunasan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa repleksyon niya sa salamin. Bukas, kailangan niyang mag-empake. Kailangan niyang harapin ang pag-uwi sa Pilipinas para sa Birthday ng Lolo niya.
Kailangan niyang maging matatag. Dahil alam niyang sa pagbabalik niya, hindi lang ang mga alaala ng nakaraan ang maaari niyang makasalubongkundi si Caleb mismo, na masaya na sa piling ng iba.
Avianna's POV
Biglang umilaw ang phone ko sa ibabaw ng mesa.
Ang pangalan ni Jinn ang lumabas sa screen ang matalik kong kaibigan dito sa Switzerland. Katulad ko ay Pilipino rin siya na napadpad dito dahil sa trabaho.
Sa nakalipas na tatlong taon, siya ang isa sa mga naging sandigan ko kapag pakiramdam ko ay malulunod na ako sa lungkot at pangungulila.
Pinunasan ko muna ang bakas ng luha sa aking mga pisngi bago ko pinindot ang answer.
"Avianna!" masiglang boses ni Jinn ang bumungad sa akin.
"Still awake? Lumabas ka muna sa penthouse mo. Yayaing kitang mag-coffee o uminom nang kaunti sa baba, pampalipas lang ng lamig."
Pumikit ako nang mariin at marahang umiling kahit hindi niya ako nakikita.
"Jinn... pass muna ako ngayong gabi," mahina at paos kong sagot.
"Medyo pagod lang ako sa trabaho, tsaka marami pa akong kailangang ayusin."
Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya.
"Lagi ka na lang busy. Labas labas din." Bahagya siyang natawa bago nagpatuloy.
"O siya, tumawag lang talaga ako para sabihing mag-e-early flight ako next week. Luluwas ako ng Pinas, Avianna. Ano'ng gusto mong pasalubong kapag bumalik ako rito?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napaupo nang tuwid sa gilid ng kama.
"Luluwas ka ng Pinas?" gulat kong tanong sa kanya..
"Oo, may asikasuhin lang na requirements at bibisita sa pamilya. Bakit parang gulat na gulat ka?"
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kakaibang coincidence.
"Jinn... luluwas din ako ng Pinas next week."
"Are you serious, Avianna? You're actually heading home, too?" gulat na tanong ni Jinn sa kabilang linya.
"Yeah, my dad called earlier," mahina kong tugon habang nakatingin sa nakabukas kong maleta sa gilid ng silid.
"It's Lolo Azrael's birthday. Dad's insisting I come home... and you know I can never say no when it comes to Lolo."
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Jinn sa kabilang linya.
"Well, look at that talk about perfect timing! Let's book the same flight then. Send me your flight details and schedule, and I'll handle the seat reservations so we can sit together."
Ngumiti ako nang tipid. Kahit papaano, nabawasan ang matinding kaba sa dibdib ko sa isiping may kakilala at kaibigan akong kasama sa biyahe pabalik.
"Sige, isesend ko sa 'yo ang details ng flight ko maya-maya," sagot ko.
"Deal. At least hindi ka mag-isang mag-iisip sa buong biyahe. Sige na, mag-impake ka na diyan."
"Salamat, Jinn. Goodnight."
Nang maibaba ko ang telepono, bumalik ang katahimikan sa paligid. Napatingin muli ako sa nakabukas na maleta.
Tatlong taon kong pinilit na bumuo ng pader sa pagitan ko at ng nakaraan ko sa Pilipinas. Pero ngayon, kasama si Jinn sa biyahe, tila unti-unti nang ginigiba ng tadhana ang pader na iyon.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapatatag ang sarili. Uuwi ako para kay Lolo. Iyon lang. Walang ibang dahilan.
Third's POV
Sa loob ng malamlam ang ilaw na suite, nakatayo si Caleb malapit sa malaking glass wall, walang damit paitaas at nakatitig sa mga ilaw ng lungsod...
Mula sa likod, dahan-dahang ipinulupot ni Lea ang kanyang mga braso sa bewang ng lalaki, habang nakasandal ang kanyang pisngi sa mainit at hubad nitong likod. Niyakap niya ito nang mahigpit, ngunit may lihim na kalungkutan sa kanyang mga mata.
Kanina lang, nang iabot sa kanya ni Caleb ang isang box na regalo nito lumundag ang puso niya sa pag-aakalang singsing ang laman niyon. Ngunit nang buksan niya, isang napakagandang diamond necklace ang nagsilbing sorpresa.
Isang napakamahal at napakagandang regalo-pero sa kailaliman ng puso niya, hindi iyon ang totoong hinahangad niya.
Kahit matapos ang init na pinagsamahan nila kanina, may isang hindi nakikitang pader na nananatili sa pagitan nila. Tuwing may mangyayari sa kanila, walang mintis laging gumagamit ng proteksyon si Caleb.
Mahal na mahal ni Lea ang lalaki. Gusto niyang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak kasama ito.
Pero sa tuwing magiging paksa ang tungkol sa pamilya, parang umaatras si Caleb sa isang mundong hindi niya maabot.
Hindi na nakatiis, pabulong siyang nagtanong habang nakasandal pa rin sa likod nito,
"Anong iniisip mo?"
"Nothing," mabilis at mahinahong sagot ni Caleb, habang ang paningin ay nananatiling nakatitig sa tanawin ng lungsod.
Bahagyang kumalas si Lea at humarap sa kanya. Tumingala siya kay Caleb at parang nagtatampo sa pamamagitan ng isang maliit na nguso.
"Ayaw mo pa ba magkababy? Bakit laging may proteksyon... naiisip ko tuloy 'di mo ako love..."
Dahan-dahang ibinaling ni Caleb ang kanyang tingin sa dalaga. Lumambot ang matigas nitong mukha at gumuhit ang isang sanay at mahinahong ngiti sa kanyang mga labi.
"Model ka. Ayoko lang masira ang career mo dahil sa akin," malambing niyang sabi habang hinahawakan ang braso nito.
Ngumiti si Lea at isinandal ang mga kamay sa dibdib ng lalaki.
"Hmmm... okay lang naman kung ikaw ang sisira."
Ngumiti lang si Caleb nang tipid, ngunit hindi na sumagot. Inakbayan niya lang si Lea at inilapit sa kanya, habang ang kanyang mga mata ay muling lumipad papunta sa malayo at madilim na kalawakan.
Sa kailaliman ng gabi, ang katahimikan ni Caleb ang mismong nagsalita. Hindi ang career ni Lea ang pinoprotektahan niya kundi ang sarili niyang pusong durog pa rin, na habambuhay nang nakatali sa alaala ng babaeng minsan nang nangakong bibigyan siya ng pamilya, bago siya iniwang walang-wala..
Third's POV Tahimik at nakasandal sa sofa ang mga kalalakihan ng pamilya Severino habang malayang nag-uusap sa malawak na sala ng mansyon."Tsk, lupit din, 'no? Kung ako kay Caleb... at mahal niya pa pala si Avianna, dapat binuntis na niya," komento ni Ariz habang nakasuot pa ng kanyang coat. Dito siya diretso na pumunta nang malaman ang gulong nangyari sa Zenith Lounge kagabi.Matapos kasi nitong manggaling sa resort na pinamamahalaan niya ay agad siyang umuwi rito."Ewan ko ba kay Caleb, tsk, mahina," dagdag naman ni Blaze na nakangisi habang umiinom mula sa kanyang baso."Kung sa akin 'yun... kulong na agad 'yun sa mga bisig ko," natatawang sabi ni Ariz habang patuloy na napapangisi.Saktong pumasok si Avianna sa sala. Bitbit niya ang brown folder na naglalaman ng dokumentong pinarmahan ni Caleb, balak na pumasok sa study room ng kanyang lolo upang iabot ito. Agad na nanahimik sina Ariz at Blaze nang mapansin ang kanyang pagpasok, ngunit hindi nawala ang mga pilyong ngisi sa kani
Avianna's POV Ilang minuto lang matapos tuluyang tumalikod at umalis si Caleb, nagpasya na rin akong umuwi.Hindi na pinansin ang mga may magtanong.Ayokong ipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Ayokong marinig ang kahit anong tanong tungkol sa nangyari.Paglapit ni Ayumi sa akin, agad akong umiwas ng tingin."Not now, Ayumi..."Nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng aking mga luha.Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng Zenith Lounge, hanggang sa marating ko ang kalsada at mabilis na pumara ng dumaang taxi.Pagkasakay na pagkasakay ko, agad kong sinabi ang address sa driver. Nang makarating sa bahay, pumasok ako nang halos patakbo hanggang sa marating ang kwarto ko.Diretso ako sa loob.Pagkasara at pagkalock ko ng pinto, doon na tuluyang bumigay ang lahat.Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga pisngi.Tahimik akong humagulgol.Wala nang kailangang magtanong.
Avianna's POV Napaatras ako dahil sa lakas ng hila ni Caleb sa braso ko, halos mawalan ako ng balanse bago tuluyang naisandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong galit, gulat, at takot habang nakatitig sa duguang labi ni Morris na pilit na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa."Caleb! Nababaliw ka na ba?!" hysterical kong sigaw sabay padyak at pilit na kumawala sa higpit ng hawak niya.Pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa pulso ko, parang bakal na nakakulong sa kamay niya habang nananatiling pader ang tindig at halos dumidilim ang buong aura niya.Nagsimula nang manood Ang ibang taong nasa paligid. Ang mga tao sa VIP area ay napahinto sa pagsasayaw at pag-inom, habang ang mga Severino girls at ang mga Ashwood boys gaya nina Dustin at Liam ay agad na pumagitna upang harangan ang posibleng ganti ni Morris."Bro, kalma!" hawak ni Liam sa balikat ni Caleb, pero halos hindi man lang ito nagalaw sa kinaroroonan niya.Bumangon si
Avianna's POV"This is a public lounge, Caleb," malamig kong sagot habang tuluyan akong lumingon sa kanya. Pilit kong ipinaparamdam na wala siyang karapatang magtanong sa akin."Nandito ako para mag-enjoy kasama ang mga pinsan ko. At wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo."Bahagyang sumandal si Caleb sa upuan. Isang braso niya ang nakapatong sa sandalan ng upuan ko mismo, habang nanatiling malamig ang ekspresyon niya.Saglit na bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling bumalik sa mga mata ko."In this dress? With this crowd?" mababa niyang tanong.May diin ang bawat salita.At kahit maingay ang musika sa paligid, sapat ang lalim ng boses niya para marinig ko iyon nang malinaw.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang malamig din na tingin ni Morris kay Calebkunot-noo siya.Nagtitigan sila ni Caleb."Who's he?" tanong ni Morris, halatang nagtataka pero may yabang.Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Morris."Someone from the past," diretso kong sagot.Saglit akong tumingin ka
Avianna's POV "Girl, mag-night out naman tayo mamaya! Minsan lang naman 'to, 'noh..." masayang panimula ni Zerine habang nakahiga sa couch at nag-uunat."Sa Billionaire's Playground tayo?" tanong naman ni Eula, tila excited na sa plano."Ewww... mahal do'n! One hundred thousand ang entrance! Tapos tambayan pa nila kuya, wala tayong kalayaan girls!!" agad na reklamo ni Zerine, sabay simangot.Inirapan lang siya ni Brittany at hindi na nag-abala pang sumagot. Nakatuon lang ang pansin nito sa sarili niyang mga kuko.Si Ayumi naman, na kanina pa tahimik, ay biglang napangisi habang mabilis na nag-scroll sa cellphone niya.."Look oh," pambubuyo niya sa aming lahat, sabay harap ng screen ng cellphone niya sa gitna ng sala para ipakita ang isang larawang kakapost lang sa social media.Isang litrato iyon mula sa Ashwood mansion mismong ngayong umaga lang kinuha.Pasimple akong sumilip habang nagpapanggap na walang pakialam.Sa larawan, nakaupo si Caleb sa sofa ng kanilang sala. Naka-side pro
Avianna's POVLumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan.Kompleto pa rin kaming lahat na Severino girls dito sa mansyon ni Lolo. Walang gustong umalis agad dahil bihirang-bihira ang mga pagkakataong ganitong kumpleto at nagkakasama-sama kaming lahat sa iisang bubong.Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.Bawat isa ay busy at may kanya-kanyang ginagawa may mga nag-uusap sa living area, may nagkakape sa veranda, at ang iba naman ay nagtatawanan lang. Ngunit sa gitna ng katahimikan ng umaga, halos sabay-sabay na tumunog at nag-vibrate ang mga cellphone naming lahat.Isang Group Chat Announcement ang ipinadala ni Tita Ara sa group.Isang Hiking at Treasure Hunting Event daw ang gaganapin sa itaas ng bundok, at eksklusibo lang ito para sa mga magkakapareha o couples na gustong sumali.Nang buksan ko ang mensahe para tingnan ang opisyal na listahan ng mga kalahok, nanlamig ang mga daliri ko sa huling pangalang nabasa ko:Exodus / BlytheRaze / JamaicaKristine / SinnerAvery / Ma







