Share

2

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-09-27 01:37:28

Flashback

Maliwanag ang buong Ashwood Mansion noong gabing iyon.

Puno ng malalakas na tawanan, tunog ng mga basong nag-uumpugan, at tugtog na sumasabay sa mga engrandeng ilaw sa paligid.

Doon ko siya unang nakita.

Nakatayo siya sa hindi kalayuan, may hawak na inumin habang kaswal na nakikipag-usap sa mga bisita. May angking tindig at karespe-respetong dating na agad humila sa paningin ko.

Doon pa lang, maaga nang tumibok ang puso ko para sa kanya.

Si Caleb.

Halos siyam na taon ang tanda niya sa akin.

I was 13 and he was 22 back then.

Pero hindi lang pala ako ang nagnanakaw ng tingin. Habang abala ako sa pagtago ng aking nararamdaman, madalas ko ring mahuli ang mga pasulyap-sulyap niya sa akin. 

Isang simpleng sulyap sa gitna ng maraming tao, isang mapang-unawang ngiti kapag nagkakasalubong ang aming mga mata.

Akala ko noon, nacucutan lang siya sa akin bilang isang nakababatang anak ng isa sa mga Kaibigan ng daddy niya, o isang musmos na nagpapapansin. Pero may kakaiba sa mga sulyap na iyon. 

May lalim at tindi na hindi ko pa maipaliwanag noon. May hint ng paghanga at marahil... pag-ibig.

Habang lumilipas ang mga taon, ang mga sulyap na iyon ay naging mas madalas at mas halata. 

Naging mas mahaba ang mga pag-uusap, mas malalim ang mga koneksyon. At kahit hindi pa kami, alam ko na may espesyal na namamagitan sa amin.

Labing-anim na taong gulang ako noong lihim na naging kami.

Isang rebolusyon ang relasyon namin sa gitna ng pagtatago at pag-iingat, dahil alam naming hindi pa tamang panahon. 

Pilit naming iningatan ang isa't isa mula sa husga ng ibang tao.

At noong nag-labing-walo ako, sa mismong gabi ng debut ko, sa wakas ay naging opisyal ang lahat.

Ipinakilala niya ako sa mundo nang buong pagmamalaki.

Mula noong 16 ako hanggang sa maging 23 years old, pitong taon naming binuo ang buhay at mga pangarap nang magkasama.

Noong 23 ako, 32 na siya, inalok niya ako ng kasal..kaso tumanggi Ako, sinabi kong Saka na, pilit na ngiti kunwari may gusto pa akong gawin pero hindi niya alam ang sikreto ko, kung ano Ang tumatakbo sa isip ko Nung Araw na yun..

Si Caleb, nasa tamang edad na siya para magtatag ng sariling pamilya. Kaya hindi nakakapagtatakang gusto na talaga niyang magpakasal at magkaroon ng anak.

Paulit-ulit niyang ibinubulong sa akin ang pangarap niyang iyon mga pangarap na buong puso ko ring gustong ibigay sa kanya.

Pero hindi iyon nangyari.

At ngayon... 26 na ako.

35 na siya.

Isang lalaking nasa tamang edad na para sa huling yugto ng kanyang pangarap.

Isinandal ko ang ulo ko sa malamig na salamin ng bintana habang nakatingin sa malayo.

Siguro tama lang.

Siguro hindi na ako dapat magulat kung balang araw, mababalitaan ko na lang na magkakaanak o ikakasal na sila ng bago niyang girlfriend. Ang pangarap na limang taon kong sinubukang ibigay sa kanya pero nabigo ako... sa wakas, maibibigay na ng ibang babae.

Lahat sinubukan ko.

Kahit ang mga bagay na delikado, hindi ko na inisip. Sa sobrang desperada kong magkaroon kami ng anak, kinapitan ko ang lahat.

Naalala ko pa noong bumili ako ng maliit na tableta kay Brittany isang kilalang kakilala na nagmamalaking may dalang pampaswerte daw na nakakabuntis. 

Pero ang totoo, ang tabletang iyon ay parang isang uri ng droga. Ilang minuto lang matapos kong inumin, naramdaman ko agad ang biglang pag-init ng buo kong katawan. Isang matinding init na tumakbo sa bawat ugat ko at nagpaatras sa anumang natitirang wisyo sa utak ko.

Nasa study room noon si Caleb, nakatitig sa screen ng laptop at busy sa mga papeles para sa kumpanya.

Hindi na ako nag-atubili. Sa gitna ng matinding init na nararamdaman ko, lumapit ako sa kanya at mabilis na umibabaw sa hita niya, pilit na inilalayo ang atensyon niya mula sa mga ginagawa niya.

Gulat na napatingin sa akin si Caleb, pero bago pa siya makapagtanong, isinuko ko na ang sarili ko sa gabi. Nagtalik kami nang magdamag.

Matapos ang gabi na iyon, nakahiga ako sa tabi niya habang pilit kong hinahabol ang paghinga ko. Nakatitig ako sa kisame, nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking tiyan habang si Caleb ay tulog na sa tabi ko at nakayakap sa bewang ko.

I was praying desperately in my head. Sana ito na. Sana gumana.

Pero lumipas ang ilang linggo. Dumating ang regla ko. Walang nangyari.

Wala pa ring baby.

Bawat patak ng dugo noong buwan na iyon ay parang malakas na sampal sa mukha ko, na ipinapaalala sa akin kung gaano ako kabigo.

KASALUKUYAN...

Nabasag ang katahimikan ng silid nang muling tumunog ang telepono ko. Sa pagkakataong ito, pangalan na ni Daddy ang lumabas sa screen.

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luhang natitira sa aking pisngi bago ito sinagot.

"Dad?"

"Avianna," bungad ng mabigat at seryosong boses ni Daddy mula sa kabilang linya. 

"Kailangan mong umuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo."

Kumunot ang noo ko at agad na nakaramdam ng kaba. 

"Dad, alam mo namang busy ako rito sa Switzerland. Hawak ko ang operations ng resort expansion natin-"

"Hindi pwedeng hindi ka uuwi," mabilis at walang alinlangan niyang putol sa akin. 

"Nalalapit na ang kaarawan ng Lolo Azrael mo. At alam mong gusto ka niyang makita."

Natigilan ako.

Si Lolo Azrael.

Sa lahat ng apo, alam kong ako at si Ayumi talaga ang paborito niya. Palagi niyang ibinubulong sa amin noon kapag binibisita namin siya na kami ang pinaka-espesyal sa kanya, pero palagi rin niyang idinidagdag na, "Atin-atin lang 'to, ha? Huwag mong sasabihin sa Tita Ara mo at magagalit na naman 'yon."

Dahil sa alaala noon, bahagyang lumabas ang ngiti sa labi ko, pero mabilis ding napalitan ng matinding takot. 

Ang pag-uwi sa Pilipinas ay nangangahulugang pagharap sa mundong pilit kong tinatakasan sa loob ng tatlong taon..

"Dad... hindi ba pwedeng magpadala na lang ako ng regalo o mag-video call kay Lolo?" pilit kong pakiusap, humihina ang boses. 

"Hindi ko talaga kayang iwan ang trabaho rito ngayon."

"Avianna, nakikiusap ang lolo mo," mas naging mahinahon pero matigas pa rin ang boses ni Daddy.

"Tumatanda na si Lolo Azrael. Ayaw niyang mag-celebrate nang wala ka. Hindi ito pwedeng tanggihan, anak. Umuwi ka."

Napapikit ako nang mariin. Ang pag-uwi ay ibig sabihin lang ng isang bagay: ang mataas na tsansa na magkalapit o magkasalubong muli ang landas namin ni Caleb at ng bago niyang girlfriend.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
umuwi ka hahaha excited na ako magkita kayo ni caleb
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Favorite Bad Decision    19

    Third's POV Tahimik at nakasandal sa sofa ang mga kalalakihan ng pamilya Severino habang malayang nag-uusap sa malawak na sala ng mansyon."Tsk, lupit din, 'no? Kung ako kay Caleb... at mahal niya pa pala si Avianna, dapat binuntis na niya," komento ni Ariz habang nakasuot pa ng kanyang coat. Dito siya diretso na pumunta nang malaman ang gulong nangyari sa Zenith Lounge kagabi.Matapos kasi nitong manggaling sa resort na pinamamahalaan niya ay agad siyang umuwi rito."Ewan ko ba kay Caleb, tsk, mahina," dagdag naman ni Blaze na nakangisi habang umiinom mula sa kanyang baso."Kung sa akin 'yun... kulong na agad 'yun sa mga bisig ko," natatawang sabi ni Ariz habang patuloy na napapangisi.Saktong pumasok si Avianna sa sala. Bitbit niya ang brown folder na naglalaman ng dokumentong pinarmahan ni Caleb, balak na pumasok sa study room ng kanyang lolo upang iabot ito. Agad na nanahimik sina Ariz at Blaze nang mapansin ang kanyang pagpasok, ngunit hindi nawala ang mga pilyong ngisi sa kani

  • My Favorite Bad Decision    18

    Avianna's POV Ilang minuto lang matapos tuluyang tumalikod at umalis si Caleb, nagpasya na rin akong umuwi.Hindi na pinansin ang mga may magtanong.Ayokong ipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Ayokong marinig ang kahit anong tanong tungkol sa nangyari.Paglapit ni Ayumi sa akin, agad akong umiwas ng tingin."Not now, Ayumi..."Nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng aking mga luha.Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng Zenith Lounge, hanggang sa marating ko ang kalsada at mabilis na pumara ng dumaang taxi.Pagkasakay na pagkasakay ko, agad kong sinabi ang address sa driver. Nang makarating sa bahay, pumasok ako nang halos patakbo hanggang sa marating ang kwarto ko.Diretso ako sa loob.Pagkasara at pagkalock ko ng pinto, doon na tuluyang bumigay ang lahat.Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga pisngi.Tahimik akong humagulgol.Wala nang kailangang magtanong.

  • My Favorite Bad Decision    17

    Avianna's POV Napaatras ako dahil sa lakas ng hila ni Caleb sa braso ko, halos mawalan ako ng balanse bago tuluyang naisandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong galit, gulat, at takot habang nakatitig sa duguang labi ni Morris na pilit na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa."Caleb! Nababaliw ka na ba?!" hysterical kong sigaw sabay padyak at pilit na kumawala sa higpit ng hawak niya.Pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa pulso ko, parang bakal na nakakulong sa kamay niya habang nananatiling pader ang tindig at halos dumidilim ang buong aura niya.Nagsimula nang manood Ang ibang taong nasa paligid. Ang mga tao sa VIP area ay napahinto sa pagsasayaw at pag-inom, habang ang mga Severino girls at ang mga Ashwood boys gaya nina Dustin at Liam ay agad na pumagitna upang harangan ang posibleng ganti ni Morris."Bro, kalma!" hawak ni Liam sa balikat ni Caleb, pero halos hindi man lang ito nagalaw sa kinaroroonan niya.Bumangon si

  • My Favorite Bad Decision    16

    Avianna's POV"This is a public lounge, Caleb," malamig kong sagot habang tuluyan akong lumingon sa kanya. Pilit kong ipinaparamdam na wala siyang karapatang magtanong sa akin."Nandito ako para mag-enjoy kasama ang mga pinsan ko. At wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo."Bahagyang sumandal si Caleb sa upuan. Isang braso niya ang nakapatong sa sandalan ng upuan ko mismo, habang nanatiling malamig ang ekspresyon niya.Saglit na bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling bumalik sa mga mata ko."In this dress? With this crowd?" mababa niyang tanong.May diin ang bawat salita.At kahit maingay ang musika sa paligid, sapat ang lalim ng boses niya para marinig ko iyon nang malinaw.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang malamig din na tingin ni Morris kay Calebkunot-noo siya.Nagtitigan sila ni Caleb."Who's he?" tanong ni Morris, halatang nagtataka pero may yabang.Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Morris."Someone from the past," diretso kong sagot.Saglit akong tumingin ka

  • My Favorite Bad Decision    15

    Avianna's POV "Girl, mag-night out naman tayo mamaya! Minsan lang naman 'to, 'noh..." masayang panimula ni Zerine habang nakahiga sa couch at nag-uunat."Sa Billionaire's Playground tayo?" tanong naman ni Eula, tila excited na sa plano."Ewww... mahal do'n! One hundred thousand ang entrance! Tapos tambayan pa nila kuya, wala tayong kalayaan girls!!" agad na reklamo ni Zerine, sabay simangot.Inirapan lang siya ni Brittany at hindi na nag-abala pang sumagot. Nakatuon lang ang pansin nito sa sarili niyang mga kuko.Si Ayumi naman, na kanina pa tahimik, ay biglang napangisi habang mabilis na nag-scroll sa cellphone niya.."Look oh," pambubuyo niya sa aming lahat, sabay harap ng screen ng cellphone niya sa gitna ng sala para ipakita ang isang larawang kakapost lang sa social media.Isang litrato iyon mula sa Ashwood mansion mismong ngayong umaga lang kinuha.Pasimple akong sumilip habang nagpapanggap na walang pakialam.Sa larawan, nakaupo si Caleb sa sofa ng kanilang sala. Naka-side pro

  • My Favorite Bad Decision    14

    Avianna's POVLumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan.Kompleto pa rin kaming lahat na Severino girls dito sa mansyon ni Lolo. Walang gustong umalis agad dahil bihirang-bihira ang mga pagkakataong ganitong kumpleto at nagkakasama-sama kaming lahat sa iisang bubong.Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.Bawat isa ay busy at may kanya-kanyang ginagawa may mga nag-uusap sa living area, may nagkakape sa veranda, at ang iba naman ay nagtatawanan lang. Ngunit sa gitna ng katahimikan ng umaga, halos sabay-sabay na tumunog at nag-vibrate ang mga cellphone naming lahat.Isang Group Chat Announcement ang ipinadala ni Tita Ara sa group.Isang Hiking at Treasure Hunting Event daw ang gaganapin sa itaas ng bundok, at eksklusibo lang ito para sa mga magkakapareha o couples na gustong sumali.Nang buksan ko ang mensahe para tingnan ang opisyal na listahan ng mga kalahok, nanlamig ang mga daliri ko sa huling pangalang nabasa ko:Exodus / BlytheRaze / JamaicaKristine / SinnerAvery / Ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status