INICIAR SESIÓNThird's POV Tahimik at nakasandal sa sofa ang mga kalalakihan ng pamilya Severino habang malayang nag-uusap sa malawak na sala ng mansyon."Tsk, lupit din, 'no? Kung ako kay Caleb... at mahal niya pa pala si Avianna, dapat binuntis na niya," komento ni Ariz habang nakasuot pa ng kanyang coat. Dito siya diretso na pumunta nang malaman ang gulong nangyari sa Zenith Lounge kagabi.Matapos kasi nitong manggaling sa resort na pinamamahalaan niya ay agad siyang umuwi rito."Ewan ko ba kay Caleb, tsk, mahina," dagdag naman ni Blaze na nakangisi habang umiinom mula sa kanyang baso."Kung sa akin 'yun... kulong na agad 'yun sa mga bisig ko," natatawang sabi ni Ariz habang patuloy na napapangisi.Saktong pumasok si Avianna sa sala. Bitbit niya ang brown folder na naglalaman ng dokumentong pinarmahan ni Caleb, balak na pumasok sa study room ng kanyang lolo upang iabot ito. Agad na nanahimik sina Ariz at Blaze nang mapansin ang kanyang pagpasok, ngunit hindi nawala ang mga pilyong ngisi sa kani
Avianna's POV Ilang minuto lang matapos tuluyang tumalikod at umalis si Caleb, nagpasya na rin akong umuwi.Hindi na pinansin ang mga may magtanong.Ayokong ipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Ayokong marinig ang kahit anong tanong tungkol sa nangyari.Paglapit ni Ayumi sa akin, agad akong umiwas ng tingin."Not now, Ayumi..."Nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng aking mga luha.Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng Zenith Lounge, hanggang sa marating ko ang kalsada at mabilis na pumara ng dumaang taxi.Pagkasakay na pagkasakay ko, agad kong sinabi ang address sa driver. Nang makarating sa bahay, pumasok ako nang halos patakbo hanggang sa marating ang kwarto ko.Diretso ako sa loob.Pagkasara at pagkalock ko ng pinto, doon na tuluyang bumigay ang lahat.Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga pisngi.Tahimik akong humagulgol.Wala nang kailangang magtanong.
Avianna's POV Napaatras ako dahil sa lakas ng hila ni Caleb sa braso ko, halos mawalan ako ng balanse bago tuluyang naisandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong galit, gulat, at takot habang nakatitig sa duguang labi ni Morris na pilit na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa."Caleb! Nababaliw ka na ba?!" hysterical kong sigaw sabay padyak at pilit na kumawala sa higpit ng hawak niya.Pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa pulso ko, parang bakal na nakakulong sa kamay niya habang nananatiling pader ang tindig at halos dumidilim ang buong aura niya.Nagsimula nang manood Ang ibang taong nasa paligid. Ang mga tao sa VIP area ay napahinto sa pagsasayaw at pag-inom, habang ang mga Severino girls at ang mga Ashwood boys gaya nina Dustin at Liam ay agad na pumagitna upang harangan ang posibleng ganti ni Morris."Bro, kalma!" hawak ni Liam sa balikat ni Caleb, pero halos hindi man lang ito nagalaw sa kinaroroonan niya.Bumangon si
Avianna's POV"This is a public lounge, Caleb," malamig kong sagot habang tuluyan akong lumingon sa kanya. Pilit kong ipinaparamdam na wala siyang karapatang magtanong sa akin."Nandito ako para mag-enjoy kasama ang mga pinsan ko. At wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo."Bahagyang sumandal si Caleb sa upuan. Isang braso niya ang nakapatong sa sandalan ng upuan ko mismo, habang nanatiling malamig ang ekspresyon niya.Saglit na bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling bumalik sa mga mata ko."In this dress? With this crowd?" mababa niyang tanong.May diin ang bawat salita.At kahit maingay ang musika sa paligid, sapat ang lalim ng boses niya para marinig ko iyon nang malinaw.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang malamig din na tingin ni Morris kay Calebkunot-noo siya.Nagtitigan sila ni Caleb."Who's he?" tanong ni Morris, halatang nagtataka pero may yabang.Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Morris."Someone from the past," diretso kong sagot.Saglit akong tumingin ka
Avianna's POV "Girl, mag-night out naman tayo mamaya! Minsan lang naman 'to, 'noh..." masayang panimula ni Zerine habang nakahiga sa couch at nag-uunat."Sa Billionaire's Playground tayo?" tanong naman ni Eula, tila excited na sa plano."Ewww... mahal do'n! One hundred thousand ang entrance! Tapos tambayan pa nila kuya, wala tayong kalayaan girls!!" agad na reklamo ni Zerine, sabay simangot.Inirapan lang siya ni Brittany at hindi na nag-abala pang sumagot. Nakatuon lang ang pansin nito sa sarili niyang mga kuko.Si Ayumi naman, na kanina pa tahimik, ay biglang napangisi habang mabilis na nag-scroll sa cellphone niya.."Look oh," pambubuyo niya sa aming lahat, sabay harap ng screen ng cellphone niya sa gitna ng sala para ipakita ang isang larawang kakapost lang sa social media.Isang litrato iyon mula sa Ashwood mansion mismong ngayong umaga lang kinuha.Pasimple akong sumilip habang nagpapanggap na walang pakialam.Sa larawan, nakaupo si Caleb sa sofa ng kanilang sala. Naka-side pro
Avianna's POVLumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan.Kompleto pa rin kaming lahat na Severino girls dito sa mansyon ni Lolo. Walang gustong umalis agad dahil bihirang-bihira ang mga pagkakataong ganitong kumpleto at nagkakasama-sama kaming lahat sa iisang bubong.Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.Bawat isa ay busy at may kanya-kanyang ginagawa may mga nag-uusap sa living area, may nagkakape sa veranda, at ang iba naman ay nagtatawanan lang. Ngunit sa gitna ng katahimikan ng umaga, halos sabay-sabay na tumunog at nag-vibrate ang mga cellphone naming lahat.Isang Group Chat Announcement ang ipinadala ni Tita Ara sa group.Isang Hiking at Treasure Hunting Event daw ang gaganapin sa itaas ng bundok, at eksklusibo lang ito para sa mga magkakapareha o couples na gustong sumali.Nang buksan ko ang mensahe para tingnan ang opisyal na listahan ng mga kalahok, nanlamig ang mga daliri ko sa huling pangalang nabasa ko:Exodus / BlytheRaze / JamaicaKristine / SinnerAvery / Ma







