Rhian Monleon's Points of View
Malamig na hangin ang dumadampi sa aking manipis at makinis na balat sa mga oras na ito. Nililipad ng hangin ang malambot at mahahaba kong buhok, damang dama ko din ang bawat hampas ng hangin sa aking katawan dahil manipis ang suot kong mini-dressNandito nga pala ako sa Villa Rocca. Ang pinaka sikat na beach resort sa buong isla ng Marinduque. Balita ko ay mayamang binata ang nakabili ng resort na ito.Limang taon na akong hindi nakauwi ng Pilipinas lalo na dito sa probinsya dahil masyado akong busy sa trabaho sa Spain. Tinutulungan ko ang aking nobyo upang makabawi ang kumpanya nito mula sa pagkakalugi. Wala na rin naman akong pamilya dito maliban kila Aling Mila at Mang Abi.Maagang nawala ang aking mga magulang dahil naaksidente ang sinasakyan nito. Tanging naiwan na lang ng mga ito sa akin ay isang malawak na lupain at ang mansyon.Napatingin ako sa hawak kong baso na may laman pang alak. Marami-rami na din ang akong nainom mula pa kanina.Tila isang kuryenteng dumaloy sa aking lalamunan ang alak na ininom ko. Nawala ang lamig na aking nararamdaman at napalitan iyon ng kakaibang init na pakiramdam.'Hmmmm.. sana palaging ganito kapayapa ang paligid' sa isip isip ko.Muli akong bumalik sa lugar na ito dahil hindi ko matanggihan ang matalik kong kaibigan na si Alisha. Kasal ng kaibigan ko ngayon, at kung hindi pa ako uuwi ay siguradong magtatampo na talaga ito sa akin.Mabuti na lang at pinayagan ako ng aking nobyo na si Blake. Hindi ito nakasama pauwi ng Pilipinas dahil busy ito sa kanyang kumpanya.Marami ng nagbago sa isla na ito. May mga matataas na building na dati ay mga puno lang ang makikita. May malalaking private resort na din na dati ay libre lang nakakalangoy at pasyal ang mga taga-roon.Lumingon ako kung nasaan ang iba pang mga bisita ng kaibigan ko. Kahit umalis na ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon ay may iilan pa rin mga bisitang naroroon na masayang nag-iinoman at nagkukwentuhan. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang kabuoan ng resort. Hindi makakailang pinag-isipan mabuti ang disensyo nito dahil talagang maganda ang pagkakagawa nito.Nakakarelax sa lugar na iyon dahil bukod sa mga magandang tanawin dito ay sariwa pa ang hanging na malalanghap mo.Malalim na ang gabi at madilim sa may gawi ko dahil natatabunan ng mga puno ang liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan.'Safe naman siguro dito' sa isip-isip ko at muli kong ininom ang natitirang alak sa basong hawak ko."Hhmmmmmmm!" pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Namiss ko ang ganitong pakiramdam. Malayo sa aking trabaho na puro problema na lang."Miss, hindi mo ba alam na delikado na mag-isa dito." Isang malamig na boses ang bigla kong narinig mula sa aking likuran.Hindi ko minlang napansin na may nakalapit na pala sa akin. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang basong hawak-hawak ko kanina."Sino ka ba at bigla bigla ka na lang su-" naputol ang sasabihin ko nang humarap ako dito.Tumambad sa aking harapan ang isang lalaking may matitipunong pangangatawan. Nakasuot lang ito ng sando at pants kaya naman bakat na bakat ang mga naglalakihang abs nito. Napatitig ako sa mukha ng lalaki. Hindi makakailang gwapo ito. Makapal ang mga kilay nito. Kulay asul ang mga mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi.Ngayon ko lang ito nakita dahil wala naman ito kanina sa reception."Logan Montereal!" Nakangiting pagpapakilala nito sa akin at pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kamay. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin na lalong nagpagwapo sa lalaki.Tiningnan ko lang ang kamay nitong nakalahad. Hindi pamilyar sa akin ang lalaking ito. Taga-rito ba siya? O baka naman isa lang ito sa mga bisita ng ikinasal."Ehemm! Pwede bang malaman ang pangalan mo, magandang binibini." usal nito nang mapansin nakatitig lamang ako sa kamay niya. Mabilis ko namang inabot ang kamay nito."Rhian!" tipid kong usal dito."Mukhang bago ka lang dito, miss! Hindi mo ba alam na delikado na dito sa ganitong oras?""Taga-rito ako, diyan sa kabilang lupain at sa pagkakaalam ko safe naman ang lugar na ito!" Usal ko dito kahit hindi ako siguradong safe pa nga ba sa lugar na ito. Medyo malayo na rin kase ito sa mismong resort.Maliit lang ang isla ngunit sa kabila ng resort ay marami ng mga kabayahan."Sa Mansyon ng mga Monleon?" Kunot noong tanong nito sa akin."Yap!" maikli kong tugon dito dahil wala akong balak na palakihin pa ang aming usapan."Ah! Ikaw pala ang may ari ng mansyon na iyon na sinasabi ni Mang Abi!" Tanong nito na parang hindi makapaniwala."Yep! Sila Mang Abi at Aling Mila ang nangangalaga doon!" Saad ko."Tama nga ang sinabi ni Mang Abi na napakaganda at ang sexy mo!" Nakangiting tugon nito sa akin.Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang dalawa kong pisngi sa sinabi ng lalaki.Teka! Bakit kilala nito si Mang Abi. At ano naman kaya ang ikinuwento ni Mang Abi dito tungkol sa akin? 'Kay Mang Abi na lang siguro ako magtatanong bukas.'"Pwede bang umalis kana, gusto kong mapag-isa!" pagsusungit ko dito. Mukhang mahangin ang isang 'to."Hindi ka dapat nag-iisa rito dahil marami ng lasing sa paligid!" may diin ang pagkakasabi nito.Galit ba ito?"Don't worry, kaya ko sarili ko. Gusto ko lang magpahangin saglit." tugon ko dito at nginitian ko ito."Samahan na kita. Hindi safe ang lugar para sa mga babaeng katulad mo!" maawtoridad na usal nito."Hmmm.. Ikaw ang bahala. Hindi ba magagalit ang girlfriend mo?" Gwapo ito kaya impossibleng wala itong babae."Wala akong girlfriend." Sagot naman ng binata at isang makahulugang ngiti at tingin ang ibinigay nito sa akin."Tsss... May mali ba sa tanong ko?" Inis na inirapan ko ito. Lalaki nga naman. Basta ibang babae kaharap nagiging single kahit taken na naman."Wala naman! Pero gusto ko lang malaman mo wala akong girlfriend! Free na free ako." Nakangising saad ulit nito.Biglang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa dahil hindi na ulit ako nagtanong pa. Tanging mga hampas ng alon lang ang aming naririnig."Hindi ka ba nilalamig?" kunot noong tanong niya sa akin. Gwapo na sana kaso laging naka kunot ang noo. Parang pinaglihi sa sama ng loob. tsss.."A-ahmm, hindi naman masyado!" sagot ko dito.Unti-unting lumapit ito sa akin hanggang sa makaramdam ako na tila isang bolhtaheng kuryente nang magdikit na ang aming katawan.Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko
Rhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba
Third Person's Point of ViewPagkadating pa lamang ni Logan ng Spain ay agad siyang bumyahe pabalik ng Pilipinas. Masama ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari.Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagdududa nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Rhian. Tinawagan niya ito ngunit hindi na niya makontak."Sir, nawawala po ang iyong mag-ina." Ani Brooks nang sagutin nito ang tawag ni Logan.Napamura naman si Logan. Hindi siya mapakali habang nasa byahe. Tiningnan niya ang lokasyon kung nasaan si Zane. Marahil ay magkasama ang kanyang mag-ina.Agad naman niyang nakita kung nasaan ang kanyang mag-ina. Tinawagan niya sina Drew at Elijah. Ngunit bago pa man niya sabihin dito ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mag-ina ay alam na pala ng mga ito dahil nag-text na sa kanila si Rhian.Hindi niya maiwasan magtampo kay Rhian dahil tila may tiwala pa ang babae sa kanyang mga pinsan kaysa sa kanya. Hindi rin agad makakarating ang kanyang mga pinsan dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ha
Rhian's Point of ViewPagkatapos kong makausap si Logan ay mabilis na inagaw sa akin ni Vera ang telepono."Kung gusto mo pang makita ang mag-ina mo, gagawin mo ang gusto ko." Nakangising usal ni Vera."Hindi mo na ako kailangan pang pilitin, Vera. Pakakasalan kita at ibibigay ko sa'yo lahat ng mga ari-arian ko. Pakawalan mo lamang ang mag-ina ko. Ako ang may kasalanan sa iyo, Vera." Paos na usal ni Logan sa kabilang linya.Parang dinudurog naman ang aking puso sa sinabing iyon ni Logan. Gusto kong tumutol sa pagpapakasal nito kay Vera ngunit wala akong magagawa dahil bihag ako ng babae."So, kailan mo ako pakakasalan, Logan? Baka mainip ako at pasabugin ko na lamang itong mag-ina mo." Naiinip na tanong ni Vera. Hindi na siya makapagpahintay na pakasalan siya ng lalaki."Bukas na bukas rin ay pakakasalan kita, Vera. Ngunit kailangan ko munang makasiguradong nasa maayos na kalagayan ang aking mag-ina." Ani Logan."Huwag kang mag-alala, babe. Magpapadala ako ng kanilang larawan. At paka
Rhian's Point of ViewIlang oras na kaming naghihintay ni Rose ngunit hindi pa rin dumarating si Zane. Hindi ko na maiwasan mag-alala para sa aking anak.Nagdadalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba iyon kay Logan ngunit ayaw kong mag-alala pa ito habang nasa byahe."Huwag kang mag-alala, ate. Hinahanap na ng matauhan ni sir, si Zane." Pagpapakalma naman ni Rose.Pilit ko naman pinakalma ang aking sarili habang naghihintay sa update nila Brooks. Ilang saglit pa ang dumaan nang may natanggap akong mensahe sa hindi ko kilalang numero.Nanginginig kong binasa iyon, pagkatapos ay namumutla kong nabitawan ang aking cellphone. Muntik na rin akong matumba, mabuti na lamang at nasalo agad ako ni Rose."Anong nangyari sa iyo, ate? Bakit namumutla ho kayo?" Nag-aalalang tanong ni Rose.Marahan niya akong inalalayan na maka-upo. "Si Zane. May dumukot sa kanya, Rose." Nanginginig na saad ko habang nakatitig sa kawalan."Susmaryosep! S-sino naman ang dudukot sa kanya at anong dahilan niya?"
Third Person's Point of View"Whaat? Si Logan ang bagong may-ari ng ating mansyon?" Gulat na tanong ni Vera sa kanyang ina. "Paano nangyari iyon? Akala ko ba sa pinagkaka-utangan ni daddy mapupunta iyon?""Kay Logan Montereal may malaking pagkaka-utang ang daddy mo, Vera. Inamin sa akin ni Alberto. Kaya nga nagawang pagtangkaan ng daddy mo ang buhay ni Logan dahil wala na siyang pambayad dito." Nanlulumong saad ni Divina. Maging ang kanilang kompanya ay pagmamay-ari na rin ng lalaki."Kailangan natin gumawa ng paraan para mabawi natin ang mansyon at kompanya kay Logan, anak. Hindi ko kayang maghirap tayo." Umiiyak na usal ni Divina. Nawala na ang lahat sa kanila."Ngunit paano, mommy? Ginawa ko nang lahat para bumalik sa akin si Logan ngunit hindi nagtagumpay. Iniiwasan na din niya ako. Isang paraan na lamang ang naiisip ko."Nag-aalala naman na tumingin si Divina sa kanyang anak. Tila may hindi magandang tumakbo sa utak nito. Pero kung ano man ang plano nito ay kailangan niya itong s