Share

Chapter 107: Snatched

Author: rainheart
last update Last Updated: 2025-07-04 23:48:02

Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya.

Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.

“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari.

Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Venus Lofranco
author update po
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
Sana po mka update kna author ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 108: Maimpluwensiyang pamilya

    “Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibi

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 107: Snatched

    Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya. Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari. Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 106: Attractive

    Nahihiya man pero hinayaan ni Sabrina na ipagpatuloy ni Adrian ang pagpupunas sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa dahil presko pa ang sugat gawa ng kanyang operasyon baka kung ipagpilitan niyang siya ang magpupunas sa sarili ay mahihirapan siya. Hindi maaring mabasa ang kanyang sugat para mailayo sa impeksyon. “Ano ba Adrian?” angil ni Sabrina nang itinaas ng binata ang nakatakip na kumot sa pang-ibaba ng kanyang katawan. Napakunot-noo naman ang binata na nag-angat ng paningin at tumingin sa kanya na puno ng pagtataka. Ang kamay nitong may hawak na bimpo ang naitukod nito sa pagitan ng mga hita ni Sabrina.“Pinupunasan ka. Bakit?” “Huwag mo akong punasan diyan, ako na ang gagawa.” namumula ang mukha ng dalaga na hindi makatingin ng diretso kay Adrian habang nagsasalita.“Bakit nahihiya ka pa ba na punasan ko ang maselang parte ng iyong katawan? Nakita ko na ito ng ilang beses, Sabrina.” napapangiting tugon ni Adrian habang inilalapit ang mukha sa mukha ng dalaga. “Get well so

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 105: Mga bulaklak

    Na-sorpresa si Sabrina sa pagdating ni Bernard pero taliwas ang ekspresyong pinakita ni Adrian. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagdating ni Bernard.“Nalaman kasi ni Alex na nasa ospital si Sabrina kaya napag-utusan akong ihatid itong pinabibigay niyang mga prutas at bumili rin ako ng bulaklak,” paliwanag ni Bernard bilang tugon sa tanong ni Adrian kung bakit siya napadalaw.“Maraming salamat sa paghatid,” wika naman ni Sabrina.“Kung malapit nga lang daw sana ay siya mismo ang dadalaw sa ‘yo kaya nakiusap na lang siya sa ‘kin,” muling wika ni Bernard. Napatingin ito kay Adrian kaya alam niya na sa uri ng tingin nito sa kanya ay hindi nito nagustuhan ang kanyang pagdalaw.“Ah, Sabrina aalis din pala ako agad kasi may gagawin pa ako sa meeting,” sabi ni Bernard para hindi na siya pilitin ni Sabrina na manatili sa ospital. “She needs to recover kaya hindi siya pwedeng mapagod. Kailangan magpahinga muna,” wika ni Adrian. Kinuha rin niya sa mga kamay ni Bernard ang mga bulaklak at isa

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 104: Surprise

    Habang nasa ospital si Sabrina, hindi nawawala sa tabi niya si Adrian. Pinanindigan nito ang sinabing kasintahan niya ang dalaga kaya dapat lang na andon siya para bantayan ito. Inaalalayan niya ang dalaga sa pagpunta sa palikuran o kahit sa paglinis ng katawan hanggang sa pagbihis. Nahihiya man si Sabrina pero wala siyang magawa dahil hindi siya maaring magkikilos kahit sa pag-upo dahil baka bumukas ang tahi ng kanyang operasyon.Hapon nang mapasilip sa bintana ng kanyang silid si Sabrina. Kitang-kita mula roon ang hilera ng mga stalls ng nagbebenta ng mga pagkain sa bakuran ng ospital. Napalunok siya nang maamoy ang mga nilulutong pagkain. Nakaramdam siya ng gutom dahil mula paglabas niya ng operating room ay hindi pa siya nakakain. “Hayaan mo, kapag naghilom na ang sugat mo, ililibre kita ng marami at masasarap na pagkain,” wika ni Adrian na ikinalingon ni Sabrina sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ang binata habang nakataas ang isang kilay na parang nagpapahiwatig na kita at ramd

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 103: Girlfriend kita, kaya babantayan kita.

    “I’m sorry! Nakalimutan kong takot ka pala sa dilim,” wika ni Adrian. Dahan-dahan niyang ibinalik sa higaan si Sabrina saka tumayo at hinawi ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang silid. Napatakip naman saglit ng mukha si Sabrina dahil sa liwanag na bumaha sa loob ng silid. “Pero bakit ka umalis sa meeting niyo, eh hindi pa pala tapos?”“Wala naman kaming gaanong ginagawa kaya naisip kong tingnan ka dito. Malapit lang naman kaya anytime makakabalik ako kaagad.”Gumuhit ang guilt sa mukha ni Sabrina. “Pasensiya na kung nakaabala ako, Adrian.”“Girlfriend kita kaya sino pa ba ang magbabantay sa ‘yo dito gayong magkasama tayo?” seryosong tugon ni Adrian.Nagulat si Sabrina dahil sa naging tugon ni Adrian. Kailanman ay hindi niya itinuring ang sarili bilang girlfriend ng binata at lalong hindi niya hiniling na ituring siya nitong kasintahan. Nakapagtataka para sa kanya ang harap-harapang pagsabi ng binata na kasintahan siya nito pero wala siyang panahon o sa tamang huwisyo para mag-uu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status