Emily's POV
Hinintay ko muna na lumabas si Arvin sa sasakyan niya.Nilingon ko muna si Mr.Castillo.Kung saan siya naglakad papalayo.
" Hi,babe... who's that guy with you earlier?" agad na tanong ni Arvin sa akin.Hinalíkan niya muna ako.
" Ahm, dumaan lang may tinanong lang siya sa akin." Pagkaila ko.
" Okay, let's go.I have something surprise for you,babe." Masayang wika ni Arvin.Makikita mo sa kanya ang kasabikan.
Inaalalayan na niya ako papasok sa loob ng kanyang sasakyan.
"You're beautiful that dress,babe.It's fits you well." Wika pa niya.
"Thank you,babe.I love you..." nakangiti ko na sabi.Ngumiti siya sa akin na ubod ng tamis.
Dinala niya ang kamay ko sa kanyang labi at hinalíkan.Bago niya pinaandar ang manibela.
Nakahawak ang isa niyang kamay sa akin.Habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Bigla akong napapikit nang biglang sumagi sa isip ko si Mr.Castillo.
I'm with my beloved boyfriend.Pero bakita naisingit parin si Mr.Castillo sa isipan ko.Hanggang ngayon ramdam ko parin ang mainit niyang balat na nakadampi sa balat ko.
Akala ko ay hahàlikan na niya ako.Kakahiya ka Emily! Kastigo ko sa sarili.
"Are you okay,babe?" biglang pisil ni Arvin sa kamay ko.
" Ahm, yeah...i'm okay."
Masaya na kaming nagkwe-kwentuhan sa biyahe.Ang sarap sa mata iyong mga kahoy na nadaanan namin.Papunta kaming Top isa sa sikat na pupuntahan ng mga namamasyal sa gabi.Lalo na sa mga magkasintahan.
Nag-request ako kay Arvin na kung p'wede buksan niya ang bintana banda sa gawi ko.Gusto ko na malanghap ng fresh air. Para mabawasan man lang ang hinanakit at stress ko sa mga magulang ko.Ang buong akala ng mga iyon.Nakaduty ako sa bar.Pero heto ako ngayon kasama ang mayaman kong boyfriend.
Excited na ako sa surprise ni Arvin sa akin. Tanaw na namin ang Top. Madami na din mga tao na nagsidatingan sa nasabing lugar.
"Here we are,babe.Just wait for me."
Tumango lang ako..Hinintay ko muna siyang lumabas.Umikot na siya sa harapan ng sasakyan at papunta na sa gawi ko.
" Thank you,babe..." masayang wika ko.Mabilis na niyang hinawakan ang aking kamay.
Dinala niya ako sa vip na lugar. Tanaw na namin ang siyudad.Ang gandang pagmasdan ang mga nagtataasang mga gusali.Mga city lights na iba't ibang kulay.
" Salamat sa pagdala mo sa akin dito ulit,babe." Masayang wika ko kay Arvin na yumakap pa sa kanya.
"Of course,babe. I spoiled you, remember? Ikaw lang naman ang ayaw,eh." May halong pagtatampo na ang boses niya.
Gusto niya kasi na huminto na ako sa pagtratrabaho sa bar. Bibigyan nalang daw niya ako ng allowance. Gusto pa niya na itira niya ako sa kanyang condo. Mga bagay na mahigpit ko nang tinanggihan. Ayaw ko na abusuhin ang kabaitan niya sa akin.Besides, hindi pa kami mag-asawa.Para gawin niya sa akin ang mga bagay na iyan.
" Just close your eyes,babe." Wika niya.
" Hey, anong meron? " natatawa ko nang tanong.Kinabahan kasi ako sa isipin na hindi ko makayanan ang surprise niya sa akin.
" Just close your eyes first.And you will see."
" Okay...." masayang sambit ko.Pinikit ko na ang dalawang mata ko.
"And then, open your eyes,babe."
Humigit muna ako ng buntong-hininga.Dahan-dahan ko nang binuksan ang dalawang mga mata ko.
"Oh! Thank you, babe.You made my day." Wika ko sa kanya sabay yakap.Niyakap niya ulit ako ng mahigpit.
May mga nirentahan lang naman siyang mga tauhan siguro ito sa pasyalan na ito.May dala silang banner na umiilaw pa. Nakasulat doon ang katagang Happy First Anniversary, Emily de Leon...
Talagang buong pangalan ko pa ang nakasulat sa banner.
Matapos ang surprise niya.Binigyan din niya ako ng bracelet.Na may pendant na dalawang letra E and A. Ibig sabihin nito simulang letra ng pangalan namin. Couple bracelet kumbaga.
" Thank you,babe. I'm so happy for having you in my life. You save me my life too." Maluluha ko din sambit sa kanya.
Si Arvin lang naman ang nagligtas sa akin nang minsan nabangga ako ng sasakyan. Hindi ko na alam ang buong pangyayari nagising nalang ako sa hospital na nasa tabi ko na si Arvin.
Loyal customer siya sa bar kung saan ako nagpart time sa gabi. Masugid siyang manliligaw sa akin at hindi lang iyon. He saved my life too.
Kaya hindi ko na siya pinahirapan pa. Agad ko na siyang sinagot. Mahal ko din naman siya.The feelings are mutual.Hanggang sa umabot kami ng isang taon ngayon.
" Ang dami mo ng naibigay sa akin,Arvin. Anong gusto mong gift galing sa akin? Sorry, kinuha kasi ni mama ang pera ko.Kaya hindi ko naisip na bilhan pa kita ng regalo,babe..." Mahabang wika ko.Ngumiti lang siya sa akin.
Agad naman niya akong siniil ng maalab na halík. Sinuklian ko din ito ng kasing-init na halik.Pero bigla akong natigilan nang si Mr.Castillo ang nakikita ko sa gwapong mukha ni Arvin.
Napakunot-noo naman agad siya," What's wrong?" Nagtataka niyang tanong kung bakit ako huminto sa halíkan namin.
" I'm sorry,babe. Punta lang muna ako sa restroom." Paalam ko.
" Okay..." malambing man ang boses ni Arvin.Pero naramdaman ko ang pagkadismaya niya sa akin.
Mabilis ko nang tinungo ang cr. Napasandal agad ako sa likod ng pintuan.Grabe iyong kaba ko. Akala ko mabanggit ko na ang pangalan ni Mr.Castillo kanina.Habang naghahalíkan kami ni Arvin.
Shit! Emily you're crazy! You loved Arvin so much.He saved you from nearest death. Pagalit ko sa sarili ko.
Ano ba ang ginawa sa akin ng lalaking iyon.Bakit ganoon nalang niya sinakop ang buong sistema ko.Kailangan hindi na magkatagpo ang landas namin ulit ni Mr.Castillo.
Ayaw kong magkasala kay Arvin.. Mahal ako ng boyfriend ko.Kaya niyang ibigay lahat ganyan niya ako kamahal.At isa pa tanggap ni Arvin ang buong pagkatao ko.Kung anong pamilya meron ako.
"Babe! Are you in there? Bakit ang tagal mo?" Sunod-sunod na tanong ni Arvin sa labas ng pintuan.
Nag-alala marahil ito dahil natagalan ako sa banyo.Humigit muna ako ng buntong-hininga.Bago ako sumagot sa kanya.