Share

Chapter 102: Fear of datkness

Penulis: rainheart
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-05 23:44:47

Pagkatapos ipaliwanag ni Adrian kay Sabrina kung bakit kailangan niyang ilabas ang masamang hangin sa katawan ay pinilit naman ng huli kahit hirap at nahihiya siyang gawin sa mismong harapan ng binata. Halos kulay-kamatis ang kanyang mukha sa pamumula dahil sa mga bagay na hindi naman sana dapat nilang pag-usapan.

“Kailangan mong maglakad para makatulong sa muscles mo at ma-i-push siya palabas,” mungkahi ni Adrian para matulungan ang dalaga.

“Masakit na nga ang operasyon ko na nandito lang ako sa bed tapos paglalakarin mo pa ako?” reklamong muli ni Sabrina.

“Sandali, tutulungan kita. Maghintay ka lang dito,” wika ni Adrian.

Ilang saglit lang ay bumalik si adrian dala ang isang maliit na palanggana na hindi alam ni Sabrina kung saan niya kinuha. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na sidetable at ibinabad doon saglit ang tuwalya hanggang mabasa at pinigaan.

“Para saan ‘yan at saan nanggaling ang mga ‘yan?” usisa ng dalaga na walang ideya sa ginagawa ni Adrian.

“Para mailabas mo ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Romeo Fang Quisora
wala pa bang update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 103: Girlfriend kita, kaya babantayan kita.

    “I’m sorry! Nakalimutan kong takot ka pala sa dilim,” wika ni Adrian. Dahan-dahan niyang ibinalik sa higaan si Sabrina saka tumayo at hinawi ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang silid. Napatakip naman saglit ng mukha si Sabrina dahil sa liwanag na bumaha sa loob ng silid. “Pero bakit ka umalis sa meeting niyo, eh hindi pa pala tapos?”“Wala naman kaming gaanong ginagawa kaya naisip kong tingnan ka dito. Malapit lang naman kaya anytime makakabalik ako kaagad.”Gumuhit ang guilt sa mukha ni Sabrina. “Pasensiya na kung nakaabala ako, Adrian.”“Girlfriend kita kaya sino pa ba ang magbabantay sa ‘yo dito gayong magkasama tayo?” seryosong tugon ni Adrian.Nagulat si Sabrina dahil sa naging tugon ni Adrian. Kailanman ay hindi niya itinuring ang sarili bilang girlfriend ng binata at lalong hindi niya hiniling na ituring siya nitong kasintahan. Nakapagtataka para sa kanya ang harap-harapang pagsabi ng binata na kasintahan siya nito pero wala siyang panahon o sa tamang huwisyo para mag-uu

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 102: Fear of datkness

    Pagkatapos ipaliwanag ni Adrian kay Sabrina kung bakit kailangan niyang ilabas ang masamang hangin sa katawan ay pinilit naman ng huli kahit hirap at nahihiya siyang gawin sa mismong harapan ng binata. Halos kulay-kamatis ang kanyang mukha sa pamumula dahil sa mga bagay na hindi naman sana dapat nilang pag-usapan.“Kailangan mong maglakad para makatulong sa muscles mo at ma-i-push siya palabas,” mungkahi ni Adrian para matulungan ang dalaga.“Masakit na nga ang operasyon ko na nandito lang ako sa bed tapos paglalakarin mo pa ako?” reklamong muli ni Sabrina.“Sandali, tutulungan kita. Maghintay ka lang dito,” wika ni Adrian.Ilang saglit lang ay bumalik si adrian dala ang isang maliit na palanggana na hindi alam ni Sabrina kung saan niya kinuha. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na sidetable at ibinabad doon saglit ang tuwalya hanggang mabasa at pinigaan.“Para saan ‘yan at saan nanggaling ang mga ‘yan?” usisa ng dalaga na walang ideya sa ginagawa ni Adrian.“Para mailabas mo ang

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 101: Scar

    Unti-unting nawala ang galit at sama ng loob ni Sabrina kay Adrian. Hindi na rin namumula ang ilong niya sa kakaiyak dahil palaging nasa tabi niya ang binata para alalayan siya at tinutulungang malibang dahil sa mga kwento nito.“Sumasakit ba?” tanong ni Adrian nang makitang napangiwi ang dalaga. “Konting tiis lang. Nawala na ang bisa ng anesthesia kaya mararamdaman mo na siya ngayon. Mga dalawang araw lang naman at magiging okay na ang sugat mo,” dagdag pa ni Adrian.“Madali lang sa ‘yong sabihin ‘yan kasi hindi naman ikaw ang nakaranas ng ganitong operasyon.”Hindi na pinatulan ni Adrian ang mga sinasabi ni Sabrina dahil ayaw niyang maging dahilan para magkakomplikasyon ang sugat nito na dulot ng operasyon.Hindi naman mapalagay si Sabrina dahil sa biglang pagsulpot ng isang bagay sa kanyang isipan. “Adrian, nakita mo ba ang sugat ko sa operasyon? Malaki ba? Maayos ba ang pagkakatahi? Baka malaki ang maiwan nitong peklat sa tiyan ko,” wika ni Sabrina na napapangiwi sa isiping may pe

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 100: Naked

    Kalagitnaan ng gabi, nagising si Sabrina dahil sa matinding pananakit ng tiyan, sa bandang puson. Sa pag-aakalang dumating ang kanyang buwanang-dalaw, kaya mbilis siyang bumangon at pumasok ng banyo para magpalit ng panloob pero malinis ito nang kanyang hinubad. Napabilang siya ng araw at pitong araw pa bago ito dumating base sa cycle nito. Isa pang pinagdududahan niya ay baka dahil sa pagkain na kinain niya sa hapunan kaya sumakit ang kanyang tiyan. Lalong tumitindi ang sakit kaya muli siyang nahiga at namilipit sa sakit. Tagaktak na rin ang kanyang pawis. Naisip niyang tumawag ng tulong pero nahihiya siyang estorbohin ang iba kaya wala siyang nagawa kungdi tawagan si Adrian.Kaagad na tinanggap ang kanyang tawag pero wala siyang narinig ni isang salita mula sa kabilang linya. Alam niyang andon lang si Adrian, makikinig ng sasabihin niya.“Adrian. . .ugh! Dalhin mo. . .ako sa ospital. . .Mga katagang nasambit ni Sabrina bago panawan ng ulirat dahil hindi na niya kinaya ang tindi n

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 99: Flowers

    Ang totoo hindi naman nagtagal ang usapan nina Adrian at Anne. nakalimutang i-charge ng binata ang mobile phone kaya namatay ito ng kusa habang kausap pa niya ang dalaga. Saka lamang niya na-i-charge ang kanyang phone nang nasa eroplano na siya. Hindi pa rin iyon ang rason para maalala niyang i-inform si Sabrina na nasa airport na siya at iyon ang pagkakamali niya. Pinuntahan niya ito para humingi ng paumanhin pero mukhang nasa tuktok pa ng matinding galit at pagkapahiya ang dalaga kaya hindi niya ito makausap ng maayos.Hindi alam ni Bernard kung ano ang sasabihin. Naiintindihan niya ang sitwasyon at ang galit ni Sabrina dahil kung tutuusin sobrang laki ng dahilan para siya magalit. Hindi niya alam kung paanong pagkasunduin ang dalawa dahil wala sa hulma ng pagkatao ni Adrian ang suyuin si Sabrina. Si Sabrina naman ay nilalamon pa ng matinding galit dahil sa dinanas na pagkapahiya at muntik pang maiwanan ng flight.“Hayaan mo na munang lumamig ang ulo ni Sabrina,” nasabi ni Bernard k

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 98: Ang rason

    Ipinaliwanag ni Bernard na napansin niya kina Adrian at Sabrina na iba ang pakiramdam niya sa kanilang dalawa. Para kasing umiiwas si Sabrina sa binata.“Ano namang ikakagalit niya? Ugali niya lang ‘yan na masyadong papampam,”tugon ni Adrian kay Bernard sa hinuha ng huli na nag-away sila ni Sabrina.“Ang mga babae kailangan ng lambing ‘yan. Hindi mo sila makukuha sa matigasan. Isa pa si Sabrina, hindi siya ang babaeng hindi basta-basta nagagalit ng walang mabigat na dahilan,” sabi pa ni Bernard.Tinitigan ni Adrian si Bernard na may disgusto sa sinabi ng kapwa guro. “Are you interested in her? Ang dami mong alam sa kanya eh.”Hindi tinugon ni Bernard ang tanong ni Adrian, sa halip naglakad siya at kinuha ang remote para patayin ang TV na wala namang nanonood dahil puro promotional video lamang ang palabas doon. Nang dinampot niya ang remote controller, hindi sinasadyang makita niya ang ka-chat ni Adrian at kita rin niya kung kailan ito nagtext.“Are you chatting with Sabrina?Parang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status