Share

KABANATA 34

Nanghihinang napasandal siya sa pinto pagkapasok sa loob ng banyo. Kumakabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa kaba, kinakabahan siya sa hindi mawaring dahilan.

Tiningnan ni Alessandra ang repleksiyon sa salamin. Hindi malaman ang dahilan kung bakit nagtagal siya kanina sa pag-aayos sa sarili at pagpili ng damit na isusuot.

Maybe because you want to look beautiful in front of Nicholas Villarama? tudyo ng isang bahagi ng kanyang isipan.

No! I just wanted to show him what he lost! And that I am not the old naïve Alessandra, she reasoned out.

Inayos niya ang sarili at lumabas ng banyo kapagkuwan. Gulat ang lumarawan sa mukha ni Alessandra nang makita ang isang pamilyar na bulto na nakasandal sa dingding at tila ba may inaabangan. Bumuntung-hininga siya upang kalmahin ang sarili, hindi niya gustong mapahiya sa harapan ng isang Nicholas Villarama. Hindi na siya kagaya ng dati na gina

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status