“Oh my gosh! Our baby princess is here!”
Natutuwa ko namang pinanood na tumakbo palapit si Anya sa mga kapwa ko nurse at iilang mga doctor na naroon sa aming area. Walang pasok ngayon si Anya at saktong nasa vacation ang kaniyang tita-ninang, si Eli, kaya naman sinama ko na lang muna siya sa Hospital.
“Hello po, nurses and doctors!” tuwang-tuwa namang bati ni Anya. Tumatalon-talon pa ito habang pinalilibutan siya ng mga kaibigan ko.
“Sinama ko muna rito at walang magbabantay sa kaniya sa bahay,” ani ko habang nilalapag ang gamit ko at baon na gamit ni Anya sa aking table.
“Naku, mabuti naman! At stress na stress na kami dito sa ward! Now that Anya is here, may magbibigay aliw na naman sa atin!” ani Manny, one of the nurses. Busy na siya ngayon sa pagkurot sa malobong pisnge ng aking anak.
Natatawa naman akong napailing. “Paglalaruan niyo na naman ang anak ko,” ani ko habang nakaupo na at pinapanood sila.
“Do you want lollipop, Anya?” tanong naman ni Doc Russell, isang pediatrician kaya naman laging may baong lollipop.
Nakapagtataka nga na narito na naman siya sa aming ward imbes na nasa Pedia ward lamang siya nakikita. Sabagay, ay close naman niya ang lahat ng staff sa Hospital na ito kaya naman hindi na rin nakakagulat kung napapadpad siya sa kahit saang ward. Malapit din sa akin si Doc Russel, gano'n din kay Anya kaya naman panatag ang loob ko na walang lason ang ibibigay niyang lollipop sa anak ko.
Nangingiti ko naman silang pinanood dahil sa nakakatawang iniisip tungkol sa kaibigang Doctor.
“Yes! I want wolipop!” bibong sagot ni Anya.
“Then your wolipop is here! Eng...” Nilipad-lipad pa niya ang lollipop sa hangin bago ibinigay kay Anya. Napailing na lamang ako at hinayaan na sila laruin ang bata.
Kinuha ko ang chart ko at sinimulang nang tingnan ang mga names ng patients na dapat kong i-check ang condition. Habang abala ay napansin ko ang paglapit ni Rue sa aking tabi.
“Ang laki na ni Anya, ah...” panimula niya.
I sighed. Hindi na bago sa mga pasimpleng pasaring niya tuwing naisasama ko ang anak ko rito.
“Ano na naman, Rue?” tanong ko, nasa chart pa rin ang tingin.
“Wala lang. Ang laki na ni Anya, “ kibit-balikat niya. “It’s been 5 years, ‘no? Balita ko ex mo bumalik na ng bansa–“
At ayan na nga.
Sinara ko ang chart at walang emosyon siyang nilingon na ikina-tigil niya.
“He’s not my ex. And please, Rue... Wala akong pakialam sa kaniya kaya huwag na huwag mo na ako babalitaan sa kaniya dahil–“
“But he’s also a Doctor and he’s the father of your child. Now that he’s back in our country what if–“
“What if ano? What if mag cross ang path namin at dito siya magtrabaho sa hospital natin? Tapos magkikita sila ni Anya? Gano’n ba?” putol ko na naman sa kaniya.
“Yes!” puno ng sigla ang boses niya. Hindi rin nakatakas ang pagkinang ng kaniyang mga mata na tila ba nae-excite siya sa mga sinabi ko.
Malalim akong bumuntong-hininga at napailing na lamang. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano ko nagagawang maging mabait pa rin sa taong 'to na wala namang ginawa kun'di pag-interesan ang buhay ko na tila ba isa itong telenovela para sa kaniya.
“Kakapanood mo ‘yan ng mga telenovela sa tv,” ani ko at tumayo na.
“Doc Russell, iwan ko na po muna si Anya dito, ha? Mag-iikot na po ako ng mga patients,” ani ko pagkalapit sa kanila. Patuloy pa rin sila sa pakikipaglaro kay Anya.
“Sige, Nurse Aya. Isasama ko na lang sa office ko si Anya kapag natigil na ang mga asungot na ‘to sa pakikipaglaro sa anak mo,” sagot niya na ikinatawa ko.
“Grabe ka, Doc! Mas busy ka pa nga sa’min kaya bakit mo ilalayo si Anya sa amin?!” ma-dramang sambit ni Manny.
“At isa pa, Doc. Hindi ka naman taga rito. Ward ‘to ng mga ER Nurse, nasa kabilang kanto pa ng hospital ang Pediatrics ward kaya ikaw chupe dito!” gatong naman ni Ria, isa pang nurse.
“Aba’t–“ akmang sasagot pa si Doc nang matigil silang lahat nang magsimulang humikbi si Anya.
I pouted as I watch my daughter’s eyes became teary.
“Don’t fight po... Iiyak Anya...” she said softly na ikinahabag ng mga kasama namin.
I chuckled and kissed her head.
“Thank you po, Doc and Nurses,” nakangiting ani ko bago iniwan na sila roon na sinusuyo ang anak ko.
Habang tinatahak ang kahabaan ng hallway ng Hospital ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga sinabi ni Rue. Si Rue, naging kaklase ko siya sa Maynila noong nag-aaral pa lamang ako ng Nursing. Hindi ko naman siya gano’n ka-close ngunit tila lahat ng tungkol sa'akin ay alam niya. Kahit na ang naging relasyon ko sa pinakakilalang Doctor sa buong Asya... si Roscoe.
“Balita ko ex mo bumalik na ng bansa...”
Napakapit ako ng mahigpit sa chart nang marinig ang boses ni Rue sa aking utak. I started biting my lips. The thought of Roscoe coming back to the country scare me the most. I know that's impossible, pero paano nga kung magkatotoo ang mga sinabi ni Rue kanina?
Pareho kaming nasa field ng medicine. Hindi imposible na mag krus ang landas namin. Pero! Pero maliit lang ang hospital namin at nasa province pa naka-destino. Imposible na ang bigating Doctor na kagaya niya ay made-destino sa Hospital namin. Tama! Isa pa, may sarili silang Hospital. Galing siya sa pamilya ng mga Doctor kaya imposible rin na magkrus ang landas namin dito!
I did my breathing exercise nang maramdaman ang pagpa-panic sa sistema ko.
Calm down, Aya. That won't happen.
Nang kumalma ay lumiko na ako sa kabilang hallway at pinasok ang room two.
“Good morning, Nurse Aya!” bati sa’kin ni Nurse Precy. Nasa loob na siya, busy checking the vitals of a patient.
“Good morning, Nurse Precy,” bati ko pabalik at dumeretso sa unang pasyente.
“Good morning, nay! Kumusta ang pakiramdam?” nakangiting tanong ko sa matanda.
Ganiyan nga, Aya. Forget Rue's words and just focus to your work. I nodded to myself.
“Aba’y ayos lang, neng. Medyo naaray pa rin dito pero ayos lang!” nakangiting sagot nito kahit na medyo namumutla pa rin habang nakahawak sa kaniyang dibdib.
“Pwede niyo po bang i-rate in a scale of 1-10 kung gaano pa rin po sumasakit ang dibdib niyo?”
“8...” sagot niya.
“Hmm...” I sighed and record it. “Eh, ang paghinga niyo po? Nahihirapan pa rin po ba?”
“Hindi naman na gaano, neng...”
I downward smile. “Weh? Hindi nga po, nay? Oo o hindi lang po,” ani ko.
She chuckled. “Oo... pero hindi naman na kasinglala ng dati, neng.”
I doubt. Ni-rate niya ang pagkirot ng eight kaya siguradong hirap pa rin talaga ito sa paghinga, ngunit nakangiting tumango na lamang ako.
“Mabuti naman po. Lagi niyo pong iinumin ang gamot na ibibigay sa inyo ni Nurse Precy, ha? At oo nga pala–“ Kaagad akong tumunghay kay Nurse Precy na mabilis naman akong nilingon. “Napainom mo na ba siya ng morning meds niya?” tanong ko.
“Ah, opo pero hindi po ako ang nagpainom,” sagot niya.
Nangunot ang noo ko.
Kung hindi siya, sino?
“Huh? Sino naman–“ Hindi ko pa man naitutuloy ay dalawang pares na ng sapatos ang namayani sa loob ng silid. Lahat kami ay napalingon sa bagong dating at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung sino ito.
“Good morning, Dr. De Zarijas!” bati ni Nurse Precy sa lalaking bagong dating.
Hindi siya pinansin ng lalaki at nagtuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Halos tawagin ko ang lahat ng Santo nang makitang papalapit ito sa direksyon ko!
And with last two steps, he stopped in front of me, standing rugged elegance... just like five years ago.
“Ako ang nagpainom,Nurse Aya,” he said coldly, his mature and deeper voice sending chills down my spine.
No... This can’t be... Hindi pwede ‘to! Bakit siya nandito?! Anong ginagawa rito ni Roscoe?!
Roscoe De Zarijas P.O.V."Bro, coffee..." Rallian offered, handing me the cup.I took it without a word, eyes still locked on the charts in front of me. But who was I kidding? I couldn’t focus. My gaze drifted again to the large glass window of the ER Nurses’ station. Mula rito ay tanaw ko ang bakanteng mesa ni Aya.It was already past noon, and she still hadn’t shown up. Did she take the day off? Did something happen to her?…Or was she avoiding me again?Why?"Nag half day daw. Papasok na rin 'yon."I frowned and looked up at Rallian, who now had a smug little grin on his face as he sipped his coffee."How did you know?" Damn him. Kinakausap ba niya si Aya? Kinakausap ba siya ni Aya?!Bakit ako, hindi?!Natawa siya nang makita ang dilim ng paningin ko sa kaniya."Relax, man! Nalaman ko sa kaibigan niya. Si Nurse Ria," natatawang sagot niya sabay tingin sa likuran ko at kumindat. I turned around and, of course, it was her—Nurse Ria, ang madalas din kasama ni Aya. I let out a deep si
Roscoe De Zarijas P.O.V."Sir Roscoe, kailangan niyo na pong bumalik sa Maynila."I quietly sipped my wine while leaning on the balcony, gazing below. I waited, hoping that Aya might come out again in the middle of the night to buy something from the convenience store."Sir Roscoe," muling tawag sa akin ni Ramon, ang matagal ng tauhan ni Papa.Walang interes ko itong nilingon. Nakatayo siya ngayon 'di kalayuan sa akin, nakasuot ng unipormeng itim habang wala ring emosyong nakatingin sa akin. He had come here several times to pester me about returning to Manila, but my answer had always been the same."I won't," I said firmly before looking back down. "I'm not done with my business here yet."Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga."Kailan ba matatapos ang business mong 'yan sa mag-ina?"My eyebrows quickly furrowed at what I heard from the old man. He met me with a cold stare.How did he find out about Aya?"Sa pabalik-balik ko rito ay natanto ko na kung bakit ka nananat
"Aya! Magugulat ka sa nalaman ko sa Maynila! Alam mo na bang—"Pagod kong nilingon si Eli. Abala ako sa pagpupunas ng lababo nang bigla siyang pumasok, dala-dala ang kaniyang mga bagahe, parang bagyong sumugod sa katahimikan ng bahay. Ngayon nga pala ang balik niya galing Maynila."Bumagyo ba rito nang hindi ko alam?" tanong niya habang sinusubukang hindi matapakan ang mga gamit na nagkalat sa sala."Mage-general cleaning ako. Iibahin ko ayos ng bahay," walang gana kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpupunas."Ah, buti naman naisipan mo..." ani Eli, may halong sarkasmo sa tono. "Eh, ang sarili mo? Kailan mo ige-general cleaning, aber?" pasaring pa nito.Hindi ko siya sinagot. Pinili kong ibaling muli ang atensyon sa lababo. Sa paulit-ulit kong pagpupunas, unti-unting lumitaw ang repleksyon ko sa malamig na tiles—magulong buhok, lumalalim na eyebags, at mata na parang ilang gabi nang hindi nakakatulog.Parang ako na rin ang bahay—magulo, kalat-kalat, at nangangailangang ayusin.
"Breakfast." Gulat akong nag-angat ng tingin kay Roscoe nang ilapag ang isang lunchbox sa desk ko. Kumpleto na ang staff sa ward, at ilang minuto na lang ay sisimulan na namin ang mga morning rounds kaya naman pati sila ay napatingin kay Roscoe. "Ano 'to?" pabulong kong tanong. Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang siya at itinaas ang isang malaking paper bag sa kabilang kamay. "Breakfast for everyone," nakangiting ani niya. "Wow!" kaagad na bulas ni Manny. Mabilis silang nagsilapitan para kuhanin ang paper bag mula kay Roscoe. Lahat naman ng 'yon ay kahalintulad ng nasa lunchbox ko. Habang ang lahat ay abala pag pyestahan ang pagkaing dala ni Roscoe ay tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki.Anong pakulo 'to, Roscoe? Eto ba yung naiwan mo kanina? Hindi ko alam kung nabasa niya ang tingin ko, pero laking gulat ko nang ngumiti siya sabay kindat! Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at lumabas ng ward. "Ang sarap naman nito!" "Parang hanggang lunch ko na 'to, ah!
"Good morning!" masayang bati ko kay Eli pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya. Parang tulalang tinitigan ako—gulo pa ang buhok, nakakamot sa balakang, at nakanganga habang nagtataka. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya, hindi sanay sa pagbati ko. Natawa na lamang ako at inabala ang breakfast namin. Anong magagawa ko, eh sobrang ganda lang talaga ng gising ko ngayon? Dahan-dahan siyang naupo sa harap ko, hindi pa rin ako inaalis sa titig. Hindi ko man lang namalayan na nagh-humming na ako at pakembot-kembot habang sinasangag ang kanin namin. "Nadiligan ka ba kagabi ng hindi ko alam?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Eli at mabilis na binato sa direksyon niya ang pamunas ng sink na kaagad naman niyang nasalo. "The heck, Eli?!" singhal ko sa kaniya. "Eh, ano?! Last time na ganiyan ka eh nung mga med student pa tayo. Sa tuwing galing kang five start hotel kasama si Roscoe!" litanya pa niya. "Hindi!" sagot ko at inirapan nalang siya. "Hind
Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin. Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon..."Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time." Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina."Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya. I si