Kung paano ako nakarating ng banyo ay hindi ko alam. Mabilis kong binuksan ang gripo at kaagad na naghilamos ng mukha. Paulit-ulit ko itong binasa habang nanlalamig ang buong katawan ko.
Sigurado akong hindi ako namamalikmata kanina. Kahit na limang taon na ang nakalipas ay hindi ako pwedeng magkamali! That’s him! That’s Roscoe De Zarijas! My fuck buddy five years ago and the father of Anya!
“Nurse Aya? Ayos ka lang po ba?”
Natigil ako sa paghihilamos nang marinig ang boses ni Nurse Precy. Sinundan niya pala ako rito pagkatapos ko tumakbo palabas ng silid na iyon.
Sinara ko ang gripo at buntong-hiningang kumapit sa sink. Nang buksan ang mata ay tumambad sa akin ang namumutla kong mukha maging ang labi kong nagdudugo na dahil sa pagkagat.
“I-I’m okay, Nurse Precy...” sagot ko habang hinahabol pa rin ang paghinga.
“I told you. He’s back.”
Hindi pa man nakaka-recover ay nanlilisik kong tiningnan sa salamin si Rue na nasa pintuan ng banyo. Bagong dating lang ngunit nasisiguro kong kanina pa talaga siya nariyan at nasaksihan niya ang nangyari kanina.
“But you never told me that he.is.here.” sambit ko, may diin sa mga huling salita.
Nagkibit balikat siya. “Mag what if palang kasi ako to give you foreshadowing pero inunahan mo na ako, eh?” sagot niya na tila ba isang laro para sa kaniya ang mga nangyayari sa akin ngayon!
Napapikit ako sa galit.
“Sino po ba ang sinasabi niyo? Si Dr. De Zarijas po ba?” inosenteng tanong ni Nurse Precy sa amin. We both look at her.
“Ah, oo, Precy. Lingid kasi sa kaalaman mo itong si Nurse Aya ay dating kafu–“
“Rue!” sigaw ko na ikina-tigil nilang dalawa.
Hinaglit ko ang tissue sa gilid at pinunasan ang mukha ko. Nagtitiim bagang ay hinarap ko si Rue na ngayon ay tila natahi ang bibig habang pilit tinatapangan ang sarili na nakatitig sa akin.
“Tabi. Kung ayaw mong kaladkarin kita paalis sa paningin ko,” kalmado ngunit may bahid ng panggigigil at galit na ani ko.
Kaagad naman siyang tumabi. Umirap ako at nilagpasan na siya ngunit muli rin akong huminto at nilingon siya na ngayon ay pinapaypayan na ang sarili niya habang nakangisi sa inis.
“And one more thing, Rue,” ani ko na ikinalingon niya sa akin. “Alam kong tsismosa ka na talaga noon pa but I was kinda thankful dahil kahit papaano ay hindi ka matalak sa mga nalalaman mo. Pero sa oras na ibuka mo ‘yang bibig mo at banggain mo’ko at ang anak ko... magtago ka na.”
She gasped. At wala akong pakialam kung inaakala niyang tine-threatened ko siya dahil totoo naman. Kahit i-demanda pa niya ako, ayos lang! Magdemandahan kami kung gano’n!
Huwag lamang siyang magkakamali sa mga salitang bibitawan niya dahil talagang tatapyasin ko ang dila niya sa oras na makarating sa anak ko ang mga salita niya!
And speaking of Anya... Fuck!
Kaagad akong tumakbo pabalik ng ward nang maalalang iniwan ko lamang doon ang anak ko. Kakakita ko pa lamang sa ama niya at ang katotohanang nasa iisang lugar kaming tatlo ay ikamamatay ko sa oras na magkita silang dalawa!
“I’m sorry!” hingi ko agad ng paumanhin sa mga nabangga ko sa pagmamadali.
Pagkarating sa ward ay kaagad kong hinanap si Anya ngunit mga nakaupo na sa kanilang table ang mga kasamahan ko.
“Si Anya ba? Nandoon! Kinuha ni Doc Russell! Letche, nilalaro pa namin yung bata, eh!” Nakabusangot na sabi ni Manny nang madatnan ako.
Hindi na ako sumagot at tinakbo na ang daan patungo sa Pedia ward. Nadaanan ko ang room two at lalo kong binilisan ang paglagpas doon sa takot na baka makita ko na naman ang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit siya narito at mukhang wala akong oras para alamin iyon ngayon.
Kailangan kong mailayo rito si Anya!
Hinahabol ang hininga ay narating ko ang pintuan ng office ni Doc Russel. Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma muna ang sarili. Nang humupa na ang dibdib ko ay binuksan ko na ang pintuan.
“Doc Russell, kukunin ko na po si Anya–“
Pagkabukas ng pintuan ay imbes na si Doc Russell ay likod ng isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa akin. He’s squatting, smiling while letting my daughter putting cute clips on his hair.
Oh, God... No... Why are you doing this to me?
“Anya,” malamig kong tawag sa aking anak.
Mabilis na lumingon sa akin ang anak ko.
“Mommy!”
Halos mapapikit ako nang isigaw niya iyon. Sa pagkakataong ito, ang tanging iniisip ko lang ay kung ano na ang tumatakbo sa isip ng lalaking nasa harapan niya nang marinig niya ang itinawag sa akin ng bata.
“Look! New fwend doctor! He’s pwaying with Anya!” tuwang-tuwa sambit sa akin ni Anya habang nakangiti sa lalaking nasa harapan niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib habang nakikita kung paano niya ngitian ang lalaking nasa harapan niya.
Anya... That’s your father, anak... At hindi mo dapat siya nginingitian dahil wala siyang karapatan makita kahit ang anino mo dahil wala siyang kwentang ama.
“Anya, let’s go na. We’re going home.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at kinarga ko na siya.
“But Mommy, karating palang ah? And I’m pwaying pa with Doctor...” nakangusong ani Anya.
Kahit na madaling makaramdam ng awa sa anak ay kinuha ko ang bag niya na nasa table ni Doc Russell at tinalikuran na ang lalaki roon na nanonood lang sa aming dalawa. Ang katahimikan niya ang lalong nagdadala sa akin ng takot sa mga tumatakbo sa isip niya ngayon!
“We will play sa house, okay? Don’t cry, baby...” tahan ko sa anak ko. Pagkahawak sa door knob ay akmang aalis na nang isang kamay ang humawak din doon at pinigilan ang pagbukas ko ng pinto.
“Aya.”
I heard his voice behind me! He’s behind me and my daughter!
Nilingon siya ng anak niya ngunit hindi ko siya nilingon. Pinilit kong buksan ang pintuan ngunit mas humigpit ang kamay niya sa kamay ko at ayaw talaga kami palabasin!
Fuck, Roscoe! You left five years ago! Bakit ka pa bumalik?!
“Who’s that kid? Is she your daughter?” tanong pa niya.
Mas lalo lamang kumabog ang dibdib ko. Maging ang tuhod ko ay nagsimulang manginig sa takot at pakiramdam ko sa oras na magtagal pa kami rito ay matutumba ako.
Is she my daughter? Yes... She is OUR daughter, Roscoe!
“Mommy?” Maya-maya’y sinilip ni Anya ang mukha ko.
Hinawakan niya ang labi ko na ngayon ay kagat-kagat ko. Ramdam na ramdam ko ang matinding takot ngunit nang makita ko ang anak ko ay tila may kung ano sa akin na nagbigay ng tapang at rason kung bakit hindi dapat ako matakot sa lalaking ito.
Because after all he’s not the father of my child. And he will never be. Sa loob ng limang taon ako lamang ang tumayong magulang ni Anya. And I’m her only mother... and her father!
Huminga ako ng malalim at hinarap si Roscoe. Nabitawan niya rin ang door knob, and he’s now looking at me... wearily. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Anya at sa bawat paglipat niya ay unti-unting umaawang ang labi niya.
Tila ba kahit hindi ko na sagutin ang tanong niya ay alam niya na ang sagot.
“Oo, she’s my daughter. At wala kang pakialam,” matigas kong sagot at bago pa niya kami mapigilan ay mabilis akong lumabas doon.
Tinakbo ko na ang palabas ng hospital sa takot na baka sundan niya kami. Kaagad akong pumara ng taxi at mahigpit na niyakap si Anya nang makaupo at makaalis na roon. Nilingon ko pa ang Hospital at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang lumabas si Roscoe at mukhang hinabol niya nga kami!
Roscoe, limang taon ka nang walang pakialam sa amin ng anak mo kahit nung araw na bigla na lamang ako nawala sa buhay mo. Hinanap mo ba ako? Hindi. Dahil para sa’yo ay simpleng ka-fuck buddy mo lamang ako na binabayaran.
Kaya please... ipagpatuloy mo na lamang ang pagkawalan mo ng pakialam dahil hinding-hindi kita hahayaang lumapit sa anak ko.
Roscoe De Zarijas P.O.V."Bro, coffee..." Rallian offered, handing me the cup.I took it without a word, eyes still locked on the charts in front of me. But who was I kidding? I couldn’t focus. My gaze drifted again to the large glass window of the ER Nurses’ station. Mula rito ay tanaw ko ang bakanteng mesa ni Aya.It was already past noon, and she still hadn’t shown up. Did she take the day off? Did something happen to her?…Or was she avoiding me again?Why?"Nag half day daw. Papasok na rin 'yon."I frowned and looked up at Rallian, who now had a smug little grin on his face as he sipped his coffee."How did you know?" Damn him. Kinakausap ba niya si Aya? Kinakausap ba siya ni Aya?!Bakit ako, hindi?!Natawa siya nang makita ang dilim ng paningin ko sa kaniya."Relax, man! Nalaman ko sa kaibigan niya. Si Nurse Ria," natatawang sagot niya sabay tingin sa likuran ko at kumindat. I turned around and, of course, it was her—Nurse Ria, ang madalas din kasama ni Aya. I let out a deep si
Roscoe De Zarijas P.O.V."Sir Roscoe, kailangan niyo na pong bumalik sa Maynila."I quietly sipped my wine while leaning on the balcony, gazing below. I waited, hoping that Aya might come out again in the middle of the night to buy something from the convenience store."Sir Roscoe," muling tawag sa akin ni Ramon, ang matagal ng tauhan ni Papa.Walang interes ko itong nilingon. Nakatayo siya ngayon 'di kalayuan sa akin, nakasuot ng unipormeng itim habang wala ring emosyong nakatingin sa akin. He had come here several times to pester me about returning to Manila, but my answer had always been the same."I won't," I said firmly before looking back down. "I'm not done with my business here yet."Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga."Kailan ba matatapos ang business mong 'yan sa mag-ina?"My eyebrows quickly furrowed at what I heard from the old man. He met me with a cold stare.How did he find out about Aya?"Sa pabalik-balik ko rito ay natanto ko na kung bakit ka nananat
"Aya! Magugulat ka sa nalaman ko sa Maynila! Alam mo na bang—"Pagod kong nilingon si Eli. Abala ako sa pagpupunas ng lababo nang bigla siyang pumasok, dala-dala ang kaniyang mga bagahe, parang bagyong sumugod sa katahimikan ng bahay. Ngayon nga pala ang balik niya galing Maynila."Bumagyo ba rito nang hindi ko alam?" tanong niya habang sinusubukang hindi matapakan ang mga gamit na nagkalat sa sala."Mage-general cleaning ako. Iibahin ko ayos ng bahay," walang gana kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpupunas."Ah, buti naman naisipan mo..." ani Eli, may halong sarkasmo sa tono. "Eh, ang sarili mo? Kailan mo ige-general cleaning, aber?" pasaring pa nito.Hindi ko siya sinagot. Pinili kong ibaling muli ang atensyon sa lababo. Sa paulit-ulit kong pagpupunas, unti-unting lumitaw ang repleksyon ko sa malamig na tiles—magulong buhok, lumalalim na eyebags, at mata na parang ilang gabi nang hindi nakakatulog.Parang ako na rin ang bahay—magulo, kalat-kalat, at nangangailangang ayusin.
"Breakfast." Gulat akong nag-angat ng tingin kay Roscoe nang ilapag ang isang lunchbox sa desk ko. Kumpleto na ang staff sa ward, at ilang minuto na lang ay sisimulan na namin ang mga morning rounds kaya naman pati sila ay napatingin kay Roscoe. "Ano 'to?" pabulong kong tanong. Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang siya at itinaas ang isang malaking paper bag sa kabilang kamay. "Breakfast for everyone," nakangiting ani niya. "Wow!" kaagad na bulas ni Manny. Mabilis silang nagsilapitan para kuhanin ang paper bag mula kay Roscoe. Lahat naman ng 'yon ay kahalintulad ng nasa lunchbox ko. Habang ang lahat ay abala pag pyestahan ang pagkaing dala ni Roscoe ay tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki.Anong pakulo 'to, Roscoe? Eto ba yung naiwan mo kanina? Hindi ko alam kung nabasa niya ang tingin ko, pero laking gulat ko nang ngumiti siya sabay kindat! Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at lumabas ng ward. "Ang sarap naman nito!" "Parang hanggang lunch ko na 'to, ah!
"Good morning!" masayang bati ko kay Eli pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya. Parang tulalang tinitigan ako—gulo pa ang buhok, nakakamot sa balakang, at nakanganga habang nagtataka. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya, hindi sanay sa pagbati ko. Natawa na lamang ako at inabala ang breakfast namin. Anong magagawa ko, eh sobrang ganda lang talaga ng gising ko ngayon? Dahan-dahan siyang naupo sa harap ko, hindi pa rin ako inaalis sa titig. Hindi ko man lang namalayan na nagh-humming na ako at pakembot-kembot habang sinasangag ang kanin namin. "Nadiligan ka ba kagabi ng hindi ko alam?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Eli at mabilis na binato sa direksyon niya ang pamunas ng sink na kaagad naman niyang nasalo. "The heck, Eli?!" singhal ko sa kaniya. "Eh, ano?! Last time na ganiyan ka eh nung mga med student pa tayo. Sa tuwing galing kang five start hotel kasama si Roscoe!" litanya pa niya. "Hindi!" sagot ko at inirapan nalang siya. "Hind
Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin. Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon..."Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time." Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina."Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya. I si