Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2024-06-04 10:20:33

“What?! Roscoe is in your hospital?!” 

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Eli nang sumigaw siya matapos ko ikwento sa kaniya ang nangyari kahapon sa Hospital. Alas sais na ng umaga at oo, inabot na kami ng umaga kakainom at ka-kausap tungkol sa lalaki. 

Kakauwi niya lang kasi kaninang alas tres ng umaga galing Laguna at imbis na magpahinga ay nag-aya pang mag-inom ang gaga. Dahil hindi rin naman ako papasok sa Hospital ngayong araw ay pumayag na lang din ako. 

“Huwag kang maingay at baka magising si Anya!” suway ko sa kaniya. 

“Oh, shit. S-Sorry!” pasigaw niyang bulong. 

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakasandal sa sofa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa’kin ang mga nangyari kahapon. Kung tutuusin ay parang napakabilis ng mga pangyayari... 

Pero limang taon na ang lumipas simula ng huli ko siyang nakita. Mabilis pa rin ba iyon? Eh, sa limang taon na lumipas napakarami nang nagbago, lalo na sa pisikal niya! He’s was just 25 and I was 22 when we first met in the bar and became fubu. Noon pa man ay agaw-pansin na ang kagandahang lalaki niya.

Magandang mukha na kahit sino sa daan ay pipiliing lingunin siya sa oras na makita siya. Maganda rin ang pangangatawan na kahit nasa malayo palang siya ay maglalaway na ang mga mata, mapa-babae man, bata o matanda, o kahit mga balikong lalaki. Maganda rin ang family history niya dahil galing siya sa mga kilalang doctor. Mayaman at may makamandag na tindig na pagnanasaan ng kahit sino sa kama.

Mabilis kong nilagok ang beer habang inaalala ang itsura niya kahapon.

“So... How was it? Now that you saw Roscoe again, ano na itsura niya? Mas naging yummy ba?” nakangising tanong ni Eli.

“Oo...” wala sa sarili kong sagot na ikinatili niya.

“Na-record ko! Aaahh! Yummy pala, ha! Aaahh!” tili ni Eli habang winawagayway ang cellphone niya at tumakbo palayo sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang i-play niya ang pagsang-ayon ko sa kaniya.

“Eli! Isa! Burahin mo ‘yan!” Kaagad akong tumayo at hinabol siya ngunit ang gaga ay tumakbo rin palayo at pumasok pa sa kuwarto ni Anya!

“Yummy, yummy, yummy!” pang-aasar pa sa’kin ni Eli na ngayon ay nakatayo na sa kama kung nasaan nakahiga rin si Anya!

“Eli! Isa! Magigising mo si Anya!” pabulong kong sigaw at hindi nga ako nagkamali nang namulat ang mata ni Anya at inaantok na kinusot ang mata niya.

“Ops, the princess is awake...” nakangising ani Eli habang nakatkip sa kaniyang bibig.

I rolled my eyes at her. “Ginising mo kamo,” inis kong sambit at nilapitan na ang anak bago pa ito umiyak dahil may topak pa ‘to pag bagong gising.

“Good morning, baby ni mommy...” I softly greeted her. Umupo ako sa kama at kaagad naman siyang umupo sa lap ko at niyakap ako ng nakapikit.

I smiled.

Sa loob ng limang taon ay ito na ang naging araw-araw kong umaga. Malayo sa mga umaga ko noon na isang text lamang galing sa isang lalaki ay mag-aayos na ako at magmamadaling pumunta ng hotel. Noon, iyon ang nagpapasigla ng umaga ko. 

Ngunit ngayon, si Anya na... ang maganda kong anak. Ang yakap niya ang nagpapasigla ng bawat umaga at araw ko. Ang dating batang inakala kong kamumuhian ko ang naging rason pa upang mas makaramdam ako ng kakaiba at nag-uumapaw na pagmamahal.

“Good morning, mommy... Aywabyu...” inaantok pang ani nito.

Lalo lamang ako napangiti. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang matambok na pisnge nito.

“I love you, anak. Breakfast na ikaw?”

Tumango siya kaya naman kinarga ko na siya palabas ng kuwarto.

“Hay naku, kailan kaya ako magkakaanak? Gusto ko na rin ng good morning and I love you from a cute princess every morning!” pagpaparinig ni Eli na nakasunod sa likod namin.

I chuckled. “Huwag mo nga ako lokohin. Takot ka ngang mabuntis, eh.”

Nilapag ko si Anya sa sofa niyang cartoon at dumiretso na sa ref para tingnan kung ano pwedeng iluto para sa breakfast niya.

“Eh, kung kinaya mo naman magbuntis edi ibig sabihin kakayanin ko rin!” pagde-defend pa niya kahit na alam ko namang hindi siya seryoso.

“Sige, sabi mo eh.” Kibit-balikat ko na ikinanguso niya.

“Epal talaga mommy mo, Anya. Hug nga kay tita-ninang!” baling niya sa anak ko.

“Ayaw. Amoy-alak tita-ninang...” 

“Amoy alak din naman si Mommy pero ni-hug mo, ah?!”

“Love ko si Mommy, e.” 

“So, hindi mo love si tita-ninang?” tanong ni Eli. Nagkunwari pa siyang naiiyak.

Napailing na lamang ako habang nagsisimula nang lutuin ang pancakes ni Anya. Habang hinihintay maluto ay nag toothbrush muna ako dahil ayokong lalong mag-amoy alak ang bunganga ko sa anak ko.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos ko na ang pagluluto sa breakfast ni Anya. Inihanda ko na ito sa plato niya ngunit natigilan nang makitang ubos na ang chocolate syrup na siyang paborito niya sa pancakes.

“Eli, bababa muna ako sa grocery. Ubos na chocolate syrup ni Anya,” ani ko nang lapitan ko sila na ngayon ay abala na sa pagkukulitan sa sofa.

“Okay!” sabay nilang sagot bago bumalik sa pagkikiliti sa isa’t-isa.

Napangiti na lamang ako bago kinuha ang jacket ko at lumabas. Habang pababa sa hagdan ay nag vibrate ang cellpone ko.

From: Manny

Ayos lang, ano ka ba! Ang mahalaga gumaling ka. Ako na muna ang bahala sa duty mo today basta may utang ka sa’kin ha!

Nakaramdam naman ako ng guilty nang mabasa ang reply ni Manny sa text ko. Nagsinungaling kasi ako na ina-acid na naman ako kaya naman nawala kami bigla ni Anya kahapon sa Hospital at hindi ako makakapasok ngayong araw. Mabuti na lamang ay mabait at maaasahan si Manny. Babawi nalang talaga ako sa kaniya sa susunod!

Kaagad din naman akong nakarating sa ground floor. Malapit lang naman ang grocery dito sa amin kaya nilakad ko nalang. Malamig pa ang simoy ng hangin at hindi pa tirik ang araw kaya ang sarap pa maglakad-lakad.

Pagkapasok sa grocery ay dumeretso na ako sa section ng mga syrup. Kinuha ko na agad ang chocolate syrup at dumeretso sa counter.

“105 pesos, ma’am,” ani ng babae.

Kinuha ko naman ang wallet sa bulsa ngunit gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang walang makapa roon!

Shit! Nakalimutan kong dalhin yung wallet ko!

“Uh... Miss, balikan ko nalang. Naiwan ko kasi wallet ko,” nahihiya kong ani.

Napangiwi ang babae ngunit tumango rin siya.

“Sige po,” sagot niya bago inilagay ang syrup sa gilid. Aalis na sana ako ngunit isang lalaki ang humarang sa harap ko at ibinalik ang syrup sa counter kasama ang mga bibilhin niya.

“I’ll pay. Pakisama nalang sa groceries ko,” sambit ng lalaki.

Napasinghap ako ng marinig ang boses nito at gano’n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang sa pag-angat ko ng tingin ay si Roscoe ang nakita ko!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nagomi Oikawa
Si ex fubu na naman ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 23

    Roscoe De Zarijas P.O.V."Bro, coffee..." Rallian offered, handing me the cup.I took it without a word, eyes still locked on the charts in front of me. But who was I kidding? I couldn’t focus. My gaze drifted again to the large glass window of the ER Nurses’ station. Mula rito ay tanaw ko ang bakanteng mesa ni Aya.It was already past noon, and she still hadn’t shown up. Did she take the day off? Did something happen to her?…Or was she avoiding me again?Why?"Nag half day daw. Papasok na rin 'yon."I frowned and looked up at Rallian, who now had a smug little grin on his face as he sipped his coffee."How did you know?" Damn him. Kinakausap ba niya si Aya? Kinakausap ba siya ni Aya?!Bakit ako, hindi?!Natawa siya nang makita ang dilim ng paningin ko sa kaniya."Relax, man! Nalaman ko sa kaibigan niya. Si Nurse Ria," natatawang sagot niya sabay tingin sa likuran ko at kumindat. I turned around and, of course, it was her—Nurse Ria, ang madalas din kasama ni Aya. I let out a deep si

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 22

    Roscoe De Zarijas P.O.V."Sir Roscoe, kailangan niyo na pong bumalik sa Maynila."I quietly sipped my wine while leaning on the balcony, gazing below. I waited, hoping that Aya might come out again in the middle of the night to buy something from the convenience store."Sir Roscoe," muling tawag sa akin ni Ramon, ang matagal ng tauhan ni Papa.Walang interes ko itong nilingon. Nakatayo siya ngayon 'di kalayuan sa akin, nakasuot ng unipormeng itim habang wala ring emosyong nakatingin sa akin. He had come here several times to pester me about returning to Manila, but my answer had always been the same."I won't," I said firmly before looking back down. "I'm not done with my business here yet."Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga."Kailan ba matatapos ang business mong 'yan sa mag-ina?"My eyebrows quickly furrowed at what I heard from the old man. He met me with a cold stare.How did he find out about Aya?"Sa pabalik-balik ko rito ay natanto ko na kung bakit ka nananat

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 21

    "Aya! Magugulat ka sa nalaman ko sa Maynila! Alam mo na bang—"Pagod kong nilingon si Eli. Abala ako sa pagpupunas ng lababo nang bigla siyang pumasok, dala-dala ang kaniyang mga bagahe, parang bagyong sumugod sa katahimikan ng bahay. Ngayon nga pala ang balik niya galing Maynila."Bumagyo ba rito nang hindi ko alam?" tanong niya habang sinusubukang hindi matapakan ang mga gamit na nagkalat sa sala."Mage-general cleaning ako. Iibahin ko ayos ng bahay," walang gana kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpupunas."Ah, buti naman naisipan mo..." ani Eli, may halong sarkasmo sa tono. "Eh, ang sarili mo? Kailan mo ige-general cleaning, aber?" pasaring pa nito.Hindi ko siya sinagot. Pinili kong ibaling muli ang atensyon sa lababo. Sa paulit-ulit kong pagpupunas, unti-unting lumitaw ang repleksyon ko sa malamig na tiles—magulong buhok, lumalalim na eyebags, at mata na parang ilang gabi nang hindi nakakatulog.Parang ako na rin ang bahay—magulo, kalat-kalat, at nangangailangang ayusin.

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 20

    "Breakfast." Gulat akong nag-angat ng tingin kay Roscoe nang ilapag ang isang lunchbox sa desk ko. Kumpleto na ang staff sa ward, at ilang minuto na lang ay sisimulan na namin ang mga morning rounds kaya naman pati sila ay napatingin kay Roscoe. "Ano 'to?" pabulong kong tanong. Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang siya at itinaas ang isang malaking paper bag sa kabilang kamay. "Breakfast for everyone," nakangiting ani niya. "Wow!" kaagad na bulas ni Manny. Mabilis silang nagsilapitan para kuhanin ang paper bag mula kay Roscoe. Lahat naman ng 'yon ay kahalintulad ng nasa lunchbox ko. Habang ang lahat ay abala pag pyestahan ang pagkaing dala ni Roscoe ay tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki.Anong pakulo 'to, Roscoe? Eto ba yung naiwan mo kanina? Hindi ko alam kung nabasa niya ang tingin ko, pero laking gulat ko nang ngumiti siya sabay kindat! Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at lumabas ng ward. "Ang sarap naman nito!" "Parang hanggang lunch ko na 'to, ah!

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 19

    "Good morning!" masayang bati ko kay Eli pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya. Parang tulalang tinitigan ako—gulo pa ang buhok, nakakamot sa balakang, at nakanganga habang nagtataka. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya, hindi sanay sa pagbati ko. Natawa na lamang ako at inabala ang breakfast namin. Anong magagawa ko, eh sobrang ganda lang talaga ng gising ko ngayon? Dahan-dahan siyang naupo sa harap ko, hindi pa rin ako inaalis sa titig. Hindi ko man lang namalayan na nagh-humming na ako at pakembot-kembot habang sinasangag ang kanin namin. "Nadiligan ka ba kagabi ng hindi ko alam?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Eli at mabilis na binato sa direksyon niya ang pamunas ng sink na kaagad naman niyang nasalo. "The heck, Eli?!" singhal ko sa kaniya. "Eh, ano?! Last time na ganiyan ka eh nung mga med student pa tayo. Sa tuwing galing kang five start hotel kasama si Roscoe!" litanya pa niya. "Hindi!" sagot ko at inirapan nalang siya. "Hind

  • My Fubu is the Father of My Child   Kabanata 18

    Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin. Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon..."Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time." Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina."Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya. I si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status