Mag-log inLiza's POV
"Hay... sa wakas, nagkita-kita rin tayong lahat!" masayang sabi ni Winona. Hindi ko napigilang mapangiti. "Sobrang busy na kasi nating lahat simula nang magkaroon tayo ng kanya-kanyang pamilya." "Kayo lang ang may pamilya," singit ni Sarah habang umiinom ng kape. "Ako, single forever." Sabay-sabay kaming nagtaas ng aming mga tasa. "Cheers!" Pagkatapos naming uminom, sabay-sabay kaming napaiyak. Wala kaming pakialam kung gaano kami kaingay dahil pagmamay-ari naman nina Winona at Zandro ang coffee shop. "Hoy! Mga babae! Anong nangyayari sa inyo?" Napalingon kami nang marinig ang aligagang boses ni Zandro. Agad itong lumapit kay Winona. "Hon, bakit umiiyak ka? Bawal 'yan kay baby." Nag-aalala niyang hinaplos ang pisngi ng asawa at hinalikan ito. "Lumayas ka rito, Zandro!" sabay naming sigaw ni Sarah. "Aba, teka! Asawa ko 'yan. Bakit n'yo ako pinapalayas?" Nagkatinginan kaming tatlo bago sabay-sabay na natawa. Napailing na lang si Zandro. "Sige na nga. Para kayong mga ewan. O, ano na? Magkuwentuhan na kayo." Umupo siya sa tabi ni Winona at niyakap ito sa balikat. "Hays... ako, saka na lang ako magkukuwento. Kapag sigurado na akong mahal na niya ako." Napatingin kaming lahat kay Sarah. "Ha? Ikaw?" gulat na tanong ni Winona. Ngumiti lang si Sarah, pero halata ang lungkot sa mga mata niya. "Ikaw naman, Liza?" tanong ni Zandro. Mapait akong napangiti. "Ano pa nga ba? Ako ang legal na asawa... pero parang kabit." Tahimik akong humigop ng kape. "Bakit hindi mo na lang palayasin ang kasambahay n'yo?" seryosong sabi ni Zandro. "Aaminin ko, maganda siya... pero hindi ka niya kayang higitan." "Sang-ayon ako," sabi ni Winona. "Same here," dagdag ni Sarah. Napailing ako. "Magagalit si Nick kapag ginawa ko 'yon. At ayokong magalit siya sa akin." "E lagi namang galit sa'yo ang asawa mo," diretsahang sabi ni Winona. Hinawakan agad ni Zandro ang kamay ng asawa niya na parang pinapakalma ito. "Okay lang," mahina kong sabi. "Totoo naman." Napabuntong-hininga ako. "Ang kinatatakutan ko... baka isang araw paggising ko, siya na talaga ang mahal ni Nick." Biglang natahimik ang mesa. "Liza..." mahina nilang tawag. Sa huli, si Sarah ang nagsalita. "Friend... sa totoo lang, may nakita ako kagabi." Napatingin kaming lahat sa kanya. "Nakita ko si Nick sa mall. Bumibili siya ng diamond earrings." Parang may kumuyom sa puso ko. "Baka naman para kay Liza 'yon," agad na sabi ni Zandro. "Hindi ba anniversary n'yo sa Friday?" Napatingin ako sa kanilang tatlo. "Aasa pa ba ako?" Nagkatinginan sila. Pagkaraan ng ilang segundo, sabay-sabay silang nagkibit-balikat. Hindi nila masagot ang tanong ko. "Basta ang ipinagdarasal namin," malambing na sabi ni Winona habang hinahawakan ang kamay ko, "mapagod ka na." "Sis," dagdag ni Sarah, "napakaraming lalaking magkakandarapa sa'yo. Ayokong makita kang ganyan... na ikaw pa ang naghahabol sa lalaking hindi marunong pahalagahan ang pagmamahal mo." Napatingin si Sarah kay Winona bago siya muling nagsalita. "At kaya mo lang naman ginawa ang desisyong 'yon... dahil ang iniisip mo ay ang ikabubuti ni Nick." Hindi na siya nagpatuloy. Walang alam si Winona sa totoong dahilan ng lahat. Hindi ko kailanman sinabi sa kanya ang sakit na dinadala ko, lalo na noong maselan ang pagbubuntis niya. Napatingin sa akin si Winona. Wala siyang sinabi. Mahigpit niya lang hinawakan ang kamay ko, sapat na para maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Pagkauwi ko ng bahay, dumaan muna ako sa ospital upang silipin si Lorenzo. Nandoon pa rin siya at mahimbing na natutulog. Wala si Lorena, kaya naisip kong bumalik na lang mamaya para ako naman ang magbantay sa bata. Uuwi lang muna ako upang kumuha ng ilang damit at mga gamit ko para bukas ay diretso na ako sa opisina. Pagpasok ko sa loob ng bahay, agad akong sinalubong ng malamig na boses. "Oh? Nakauwi na pala ang babaeng walang silbing maging asawa." Napatingin ako. Naroon ang mommy ni Nick. Magalang akong yumuko bilang pagbati, ngunit iniiwas lang niya ang kanyang mukha. "Bakit ka pa bumalik dito? Masaya na ang anak ko sa bago niyang pamilya." Huminga ako nang malalim upang pigilan ang sakit na unti-unting sumisikip sa dibdib ko. "Mommy," mahinahon kong tugon, "sa mata ng Diyos at sa mata ng batas, ako pa rin po ang legal na asawa ng anak ninyo." Sandali akong tumigil bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "At kung hindi ninyo po kayang igalang ang katayuan ko bilang asawa ni Nick at may-ari rin ng bahay na ito, maayos ko po kayong hinihiling na umuwi na lamang. Mawalang-galang na po." Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya. Tahimik akong dumiretso sa aming silid. Binuksan ko ang aparador at nagsimulang mag-impake ng ilang damit. Ngunit maya-maya, may narinig akong mga pamilyar na tinig mula sa banyo. Boses ni Nick... At ni Lorena. Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napalapit sa pintuan. Dahan-dahan ko iyong itinulak. At doon... Parang gumuho ang buong mundo ko. Nakita ko ang asawa kong masayang kasama ang ibang babae. Hindi na ito ang unang beses. Pangalawa na. At mas masakit ngayon dahil kitang-kita kong masaya siya. Habang ako... Unti-unti nang nawawalan ng lugar sa puso niya. Dahil sa panginginig ng mga kamay ko, aksidente kong natabig ang isang paso sa gilid ng pintuan. Napalingon si Nick. Sa isang iglap, nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Ngunit mabilis din iyong napalitan ng malamig at walang pakialam na ekspresyon. "Kung ayaw mong masaktan, huwag kang sumisilip." Mariin niyang isinara ang p***o sa harap ko. "Iniistorbo mo kami." Kasunod noon ay muli kong narinig ang kanilang mga tawanan at masasayang tinig mula sa loob. Nanatili akong nakatayo sa harap ng nakasarang p***o. Hindi ako umiyak. Hindi ako nagsalita. Parang manhid na lamang akong nakatitig sa pintong ilang segundo lang ang nakalipas ay isinara sa mismong harapan ko. Akala ko... Masasanay na ako. Akala ko, sa paglipas ng panahon, hindi na sasakit. Pero mali pala ako. Sa bawat pagkakataong nakikita kong masaya si Nick sa piling ni Lorena... Pakiramdam ko, unti-unting namamatay ang puso ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ako ang pumili kay Lorena. Ako ang nagmakaawang bigyan ng anak ang asawa ko. At ngayon... Ako rin ang unang nawalan ng lugar sa puso ng lalaking minsang nangakong ako lang ang mamahalin habang buhay. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng matinding kirot. Hindi ko alam kung sakit lang ba ito ng puso... O paalala na unti-unti nang inuubos ng sakit ang buhay ko. Napangiti ako nang mapait. Hindi pa puwedeng malaman ni Nick. Hindi pa ngayon. Kahit kamuhian niya ako... Kahit dumating ang araw na tuluyan niya akong ipagpalit... Tatanggapin ko. Dahil mas gugustuhin kong makita siyang masaya sa piling ng anak niya... Kaysa makita niya akong unti-unting mawala sa mundong ito. At iyon... Ang magiging pinakamalaki kong sakripisyo.Author’s POV“My Cheesecake, bakit mo raw gustong ipahukay ang bangkay ni Kalix?”Napalingon si Liza kay Emilio na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng ilang kumpol ng ubas sa kanilang taniman. Kanina pa ito nagtatanong tungkol sa desisyon niyang ipahukay ang bangkay ng kaniyang yumaong asawa, ngunit ngayon lamang siya nakahanap ng pagkakataong sagutin ito.Sandali siyang natahimik bago muling ibinaling ang tingin sa mga halamang nakapaligid sa kanila.“Gusto kong malaman kung totoong wala na talaga siya,” sagot niya habang malalim ang iniisip.Napahinto si Emilio sa ginagawa. Kumunot ang noo nito at tuluyang humarap sa kaibigan.“Ha? Bakit naman? Nakita ng dalawang mata natin ang katawan niya, di ba? Nandoon tayo noong inilabas nila iyon sa morgue. Tayo mismo ang nag-asikaso sa burol at libing niya.”Napailing si Liza.“Katawan?” ulit niya, bahagyang tumataas ang boses. “Emilio, katawan nga, pero hindi naman natin nakita ang mukha niya! Wasak na wasak ang mukha dahil sa pagsabog na sin
THIRD POV Maagang nagising si Liza upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Balak sana niyang bumangon nang hindi gumagawa ng ingay, ngunit nagulat siya nang mapansing wala na ang lalaking katabi niya kagabi sa kama. Napatingin siya sa kabilang bahagi ng higaan. Maayos na ang unan at nakatiklop na ang kumot na ginamit ni Kaidex. Napabuntong-hininga siya. Mukhang mas maaga pa itong nagising kaysa sa kaniya. Agad siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng silid. Pagdating niya sa dining area, bumungad sa kaniya ang nakahandang almusal sa mesa. May pritong itlog, sinangag, at ilang hiwa ng prutas. Sa kusina naman ay nakita niya si Kaidex na abalang nagtitimpla ng kape. Para siyang nakakita ng isang pamilyar na eksena. Ganoon din kasi ang ginagawa ni Kalix noon kapag may pasok siya. Madalas ay nauuna itong gumising upang maghanda ng kanilang almusal, lalo na kapag alam nitong magiging abala ang araw niya. Napailing si Liza. Hindi na naman. Bakit ba palagi niyang naiuugnay kay Kalix
THIRD POVHindi makatulog si Liza kahit ilang beses na siyang nagpalit ng posisyon sa kaniyang kama.Pumikit siya at pilit na inalis sa isip ang mukha ni Kalix, ngunit lalo lamang iyong luminaw sa kaniyang alaala. Naalala niya ang mga ngiti nito, ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya, at ang bawat pagkakataong ipinadama ng lalaki kung gaano siya kamahal.Maging ang simpleng paghawak nito sa kaniyang kamay ay sariwa pa rin sa kaniyang alaala.Napahawak siya sa kaniyang dibdib.Bakit ba ganoon? Kahit wala na ang kaniyang asawa, tila naroon pa rin ito sa bawat sulok ng kanilang silid. Sa kanilang kama, sa kabinet na magkatabi nilang pinili, at maging sa unan na palagi nitong ginagamit.Napapikit siya nang maramdaman ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi."Kalix..."Mahina niyang sambit sa pangalan ng asawa.Miss na miss na niya ito.Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, marami siyang gustong itama. Gusto niyang iparamdam dito ang pagmamahal na matagal niyang ipinagkait. Gusto niyan
THIRD POVHindi muna natuloy ang balak ni Liza na sumakay sa cruise.Sa halip na magliwaliw at magpahinga, napilitan siyang manatili sa kompanya nila ni Kalix matapos niyang malaman na nagkakaroon ito ng problema kapag walang maayos na namamahala.Noong una, naisip niyang ipagpaliban na lamang ang lahat.Tutal, gusto rin naman niyang makalayo kahit sandali. Gusto niyang huminga, kalimutan muna ang lahat ng sakit at pagsisising ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip.Pero habang tinitingnan niya ang mga dokumento sa kaniyang mesa, unti-unti niyang napagtanto na baka ito na rin ang tamang pagkakataon para ayusin ang lahat.Para sa kanilang mga anak.At higit sa lahat…Para kahit papaano ay makabawi siya kay Kalix.Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang opisina nang biglang bumukas ang pinto.Agad siyang napatingin nang makita si Emilio.“Akala ko ba aalis ka na muna at magliliwaliw?” tanong nito habang papalapit sa kaniya.“Kailangan ko pa palang manatili muna rito,” sagot ni Liza.Kumuh
THIRD POV“Paano, magpapaalam na ako sa inyo.”Pagpapaalam ni Liza kina Nick at Lorena.“Saan ka naman pupunta?” tanong ni Nick.Napangiti si Liza bago sumagot.“Doon ko na balak tumira sa mga magulang ni Kalix kasama ang mga anak namin. May edad na rin kasi sila, at nag-iisang anak lang si Kalix. Gusto kong makasama nila ang mga apo nila.”Sandaling natahimik ang lahat.Alam nilang hindi magiging madali para kay Liza ang desisyong iyon.Ang bahay ng mga magulang ni Kalix ay puno ng alaala.Doon siya minsang naging asawa.Doon niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya.At ngayon, babalik siya roon nang wala na si Kalix.Ngunit hindi para manatili sa nakaraan.Kundi para alagaan ang mga taong naiwan nito.“Sigurado ka?” tanong ni Nick.Tumango si Liza.“Oo.”Bahagya siyang ngumiti.“Matagal ko nang naisip. Hindi ko kayang hayaang tumanda silang wala ang mga apo nila sa tabi nila.”“Isa pa…”Napatingin siya sa mga anak niyang masayang naglalaro sa di-kalayuan.“May mga anak kami ni
THIRD POVNawala ang pagod nina Liza at Nick nang tuluyan nilang marating ang kanilang pupuntahan.Mula sa kinatatayuan nila ay agad nilang nakita si Lorena na abala sa pagwawalis ng bakuran.Simple lamang ang suot nito. Nakalugay ang buhok at walang anumang magarbong ayos sa mukha. Ngunit para kay Nick, tila mas lalo itong gumanda kumpara sa huli niyang pagkikita rito.O baka ngayon lamang niya ito tinitingnan nang walang takot at pag-aalinlangan.Napalingon si Liza kay Nick.Natigilan ang lalaki.Hindi nito maalis ang tingin kay Lorena.Kanina, habang naglalakad sila papunta roon, napakarami nitong sinasabing gusto nitong sabihin.Ngayon, parang biglang nabura ang lahat sa isip nito.Napangiti si Liza.“Lapitan mo na. Dali!”“Ha?”“Nick!”“Okay, okay.”Huminga nang malalim si Nick bago naglakad papunta kay Lorena.Ngunit bago pa man niya ito matawag, biglang bumukas ang pinto ng bahay.Isang batang lalaki ang lumabas.Pagkakita kay Nick ay agad itong napahinto.“Daddy.”Natigilan si







