LOGINLiza's POV
Ngayon ang wedding anniversary namin ni Nick. Matagal ko itong pinaghandaan. Nag-book pa ako ng tatlong araw na bakasyon sa Madrid—ang lugar kung saan namin unang ipinangako sa isa't isa na habang-buhay kaming magmamahalan. "Honey, naayos ko na ang mga gamit mo," malambing kong sabi habang inaabot ang maleta niya. Tahimik lang siyang nagbibihis. Lumapit ako sa kanya at inayos ang butones ng polo niya. Pagkatapos ay marahan ko siyang hinalikan. Laking gulat ko nang tugunin niya iyon. Unti-unting lumalim ang aming halikan. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay bumalik ang dating Nick—ang lalaking minahal ko. Pagkahiwalay namin, napangiti ako. "Dalawa lang tayo sa Madrid, Hon. Ipinapangako ko... sa loob ng tatlong araw, sa'yo lang iikot ang atensyon ko." Napatingin siya sa akin. "Promise?" Ngumiti ako at niyakap siya. "Promise." --- Pagdating namin sa airport, magkahawak pa rin kami ng kamay. Ramdam kong unti-unti nang bumabalik ang pag-asa ko. Biglang tumunog ang cellphone niya. "Hello, Lorena..." Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Please... unawain mo naman. Dalawang araw lang kaming magkasama ni Liza." Napakunot-noo ako. Tahimik ko siyang tinanong gamit ang tingin ko kung ano ang problema. Ngunit wala siyang isinagot. Sa halip, bigla niyang kinuha ang maleta niya at nagmamadaling tumalikod. "Hon, saan ka pupunta?" Hindi siya lumingon. "Kailangan kong umuwi. Kapag hindi ako nakabalik, aalis si Lorena at isasama niya si Lorenzo." Parang tumigil ang mundo ko. Humarap siya sa akin at niyakap ako. "Pasensya ka na, Liza. Alam mo namang sila na ang buhay ko ngayon." Parang unti-unting nadurog ang puso ko. "Mag-isa ka na lang bumiyahe. Gamitin mo na lang ang card ko." Iniabot niya sa akin ang credit card niya bago muling tumalikod. Hindi ko siya pinigilan. Sa halip, ako na ang nagmaneho pauwi. Kilala ko si Nick. Kapag natataranta siya, namamanhid ang katawan niya. Ayokong may mangyari sa kanya. --- Pagdating namin sa bahay, nadatnan naming palabas sina Lorena at Lorenzo. Halos tumalon si Nick palabas ng sasakyan. Agad niyang kinuha si Lorenzo at nagmakaawa kay Lorena. Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng kotse. Masakit. Napakasakit. Nakikita kong handa siyang lumuhod para huwag siyang iwan ni Lorena. Samantalang ako... Kahit lumuhod pa yata ako sa harapan niya... Hindi na niya ako kayang tingnan. Ilang minuto ang lumipas bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Tahimik akong umakyat sa aking silid. Hindi ko pa man naisasara ang p***o, narinig ko na ang kanilang masasayang tawanan. Sinundan iyon ng mga halakhakan. At maya-maya... Mga halik. Hanggang sa narinig kong pumasok sila sa kabilang silid. Napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung paano pa ako humihinga. --- Makalipas ang ilang oras, may kumatok sa pintuan. Si Nick. "Babayaran ko na lang ang lahat ng nagastos mo." Napatingin ako sa kanya. "Pero ang hotel na ni-book mo sa Madrid... kami na lang ni Lorena ang gagamit." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. "Nick..." Hindi ako makapaniwala. "Alam mo kung gaano kahalaga sa atin ang Madrid. Doon tayo unang nangarap. Doon mo sinabi na habambuhay mo akong mamahalin." "Wala na 'yon." Diretso siyang tumingin sa akin. "Wala na akong pagmamahal sa'yo, Liza. Nasasaktan na lang tayo sa isa't isa." Napailing ako habang pinipigilan ang pagluha. "Kahit saan mo siya dalhin... huwag lang sa Madrid. Nakikiusap ako." "Sayo ba ang bansang 'yon?" Malamig siyang tumawa. "Ang damot mo." "Ako ang madamot?" Napatawa ako sa sobrang sakit. "Ako pa? Halos ibinigay na nga kita sa babaeng 'yan!" "Ikaw ang may gusto ng lahat ng ito." Mariin ang bawat salitang binitiwan niya. "Kaya umalis ka na lang sa buhay ko." Tinalikuran niya ako. Agad ko siyang niyakap mula sa likuran. "Please, Nick..." Humahagulgol na ako. "Huwag mo akong paalisin. Kaya kong tiisin ang lahat... huwag ka lang mawala sa akin." Marahas niyang inalis ang mga kamay ko sa baywang niya. At walang lingon-likod na umalis. --- Ilang araw nang wala sina Nick, Lorena, at Lorenzo. Nagbakasyon sila. Hindi ko alam kung saang lugar. Pero halos araw-araw ay nagpapadala sa akin si Lorena ng mga litrato nila. Mga larawan ng kanilang mga ngiti. Mga yakap. Mga halik. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Dahil alam kong kapag sinaktan ko si Lorena... Ako ang kamumuhian ni Nick. Kaya pinipili ko na lang na huwag buksan ang mga ipinapadala niya. --- "Liza!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Maganda siya at pamilyar ang mukha. "Hello po." Nginitian ko siya. "Hi." Lumapit siya sa akin. "Thank you po pala. Ang bait talaga ng asawa ninyo. Ang laki ng binili niyang diamond jewelry para sa inyo." Napakunot-noo ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. "Nagustuhan n'yo po ba?" Pinilit kong ngumiti. "Oo... salamat." Hindi na ako nagtanong pa. Tahimik akong naglakad palayo. Huminga ako nang malalim. Kaya kong bumili ng kahit ilang mamahaling alahas. Pero iba pa rin ang pakiramdam kapag ang taong mahal mo ang kusang nagbibigay nito. Ang hindi ko alam... Hindi pala ako ang babaeng pinaglaanan ng mga alahas na iyon.Third POVMagsisimula muli si Liza sa sarili niyang pamumuhay.Hiniling niya kay Kalix na pagkatapos ng lahat ng ito ay maaari niyang makasama at makuha ang kanilang mga anak.Mabilis naman itong pumayag.At siyempre, hindi na naman nito pinalampas ang pagkakataong mang-asar.“Pwede naman tayong maging co-parents with benefits.”Napailing na lamang si Liza.“Kalix!”Tawa nang tawa ito habang siya naman ay abala sa paghahanda para sa panibagong yugto ng kaniyang buhay.Magsisimula na siyang tutukan ang sariling kumpanya.Actually, pareho silang may-ari ni Kalix, pero dahil abala ito sa mga ospital na pagmamay-ari nito, siya na ang nagprisintang humawak at mamahala sa kumpanya.Sa wakas, gusto niyang magkaroon ng buhay na hindi umiikot sa isang lalaki.Isang buhay na siya mismo ang magdidikta.Paglabas niya ng bahay, bigla siyang natigil.Nawala ang magandang mood niya nang makita ang lalaking hindi na niya dapat makita.“Good morning, Liza.”Umirap lamang siya at hindi pinansin si Nick
Third POVSinadya ni Nick na puntahan ang kaibigan niyang si Kalix para malinawan sa lahat ng nangyayari kay Liza. Mula pa noong isang araw ay litong-lito na siya at hindi niya alam kung paano haharapin ang lahat ng katotohanang unti-unting lumalabas.Dumating na si Kalix sa kaniyang clinic at inaasahan na niyang darating ang lalaki.Tinapik ni Kalix ang balikat ng kaibigan saka pinaupo sa couch.“Gusto kong malaman… at hindi ko maintindihan ang sinabi mo kahapon. Nadisgrasya ba si Liza? Kaya parang nagka-amnesia siya?”Inilapag ni Kalix ang isang tasang kape na dinala ng assistant nito, ngunit sa halip na siya ang uminom ay iniabot niya iyon kay Nick.Mula pa noon, wala talagang laban si Nick kay Kalix pagdating sa ugali nitong sobrang bait. Alam niyang mahal nito si Liza noon pa man, ngunit nagparaya ito para sila ang maging mag-asawa.“Hindi siya nagka-amnesia dahil sa aksidente, Nick. At hindi rin dahil may tumama sa ulo niya.”Natahimik si Kalix bago nagpatuloy.“Trauma-induced d
Third POVNakaupo sila sa sofa sa bahay nila ni Kalix.Hindi pa rin iyon naibebenta.Hindi pa kayang bitawan ni Liza ang bahay na minsang naging tahanan ng kanilang mga pangarap, mga tawanan, mga luha, at mga alaala na pilit niyang pinilit kalimutan.Tahimik siyang nakatingin sa paligid.Bawat sulok ay may kuwento.At sa unang pagkakataon, hindi na niya gustong tumakbo mula sa mga iyon."Pasensya ka na, Kalix..."Napatigil siya."P-pero..."Lumapit sa kaniya si Kalix na may dalang planggana ng tubig at pamunas. Umupo ito sa tabi niya at marahang pinunasan ang kaniyang mga kamay."Pero ano?"Tumingin ito sa kaniya at ngumiti."Na naguguluhan ka pa rin kung sino sa aming dalawa ang pipiliin mo?"Napangiti siya nang bahagya."Ang ganda mo naman para problemahin pa 'yan."Napatawa si Liza kahit may luha pa rin sa kaniyang mga mata.Mahina niya itong hinampas sa balikat."Ang kulit mo talaga.""Of course."Tumawa si Kalix."Hangga't naguguluhan ka, hindi ako magpipilit sa'yo."Napatingin s
Third POV “Wag mo naman akong iwan, Honey!” Biglang muling lumuhod si Nick sa harapan niya at niyakap ang mga tuhod ni Liza. Gusto niyang sipain ang ginagawa nitong katangahan! “Honey, please… wag ganito! Hindi ko kakayanin!” Nanginginig ang boses nito habang pilit siyang pinipigilan na umalis. " Kakayanin mo Nick! Tigilan mo ko sa kasinungalingan at ka hipokrito mong ugali!" “Mahal na mahal natin ang isa't isa. Naramdaman ko iyon. Pinaramdam mo ulit sa akin na ako lang ang lalaking nakikita mo, ang lalaking gusto mong makasama mo. Ramdam na ramdam ko yon sa bawat halik at yakap mo pa din sakin!” Pagpupumilit ni Nick sa kaniya pero para kay Liza ang lahat ng iyon ay di totoo. Napapikit si Liza. Mahal. Pagmamahal. Mga salitang minsan niyang ipinagdasal na marinig mula sa lalaking ito. Ngunit ngayon, bawat isa ay parang kutsilyong muling humihiwa sa mga sugat na akala niya ay natuyo na. “Mahal natin ang isa't isa?” Dahan-dahan siyang yumuko at tinitigan si Nick. “Talaga
Kinabukasan.Unti-unting nagising si Nick dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha.Bahagyang nanlalabo pa ang kaniyang paningin ngunit unti-unti rin itong luminaw at nakikita niya na muli ang paligid na walang sagabal.Napangiti siya nang maramdaman ang babaeng gumalaw na nakasandal sa kaniyang dibdib.Hinaplos niya ang buhok nito saka hinalikan at inamoy.Sobrang pamilyar ng amoy talaga sa kaniya nito.Pamilyar ang init ng mga yakap at mga halik nito kagabi. Kagaya ng mga una pang pangyayari sa kanila ng babaeng mahal niya.Pamilyar ang pakiramdam ng bawat pagmalas nito ng init sa kaniya.“Liza… Honey gising ka na.”Ngunit bago pa niya maalis ang pagkakadagan ng babae sa kaniyang dibdib, may napansin siya sa harap ng vanity mirror.Isang babae ang nakaupo roon.Nakatingin sa kaniya ito ng malamig.Ngumisi ito ng makita niya.“Surprise, Honey ko.” Sabi ni Liza sa kaniya na naka upo lang ng magaan ang awra.Nanigas si Nick at tila naguguluhan kung bakit ang babaeng kaniig
Third POV Nasa kanilang kwarto sina Liza at Nick, magkatabi at magkayakap. Ilang araw na ring ipinaparamdam ni Nick sa kaniya ang pagmamahal na dati nitong ibinibigay noong buo pa ang kanilang pagsasama. Ganitong-ganito si Nick. Kagaya ng lalaking minahal niya noon. Kagaya ng lalaking minsan niyang ipinaglaban. Ngunit habang nakasandal siya sa dibdib nito, tahimik na nagmamasid si Liza. May isang bagay siyang gustong malaman. “Nick,” mahinang tawag niya. “Hm?” “Gaano mo ako kamahal?” Napangiti si Nick at hinalikan siya sa noo. “Tinatanong pa ba ’yan? Sobrang mahal na mahal kita, Honey.” Sandaling natahimik si Liza. “Wala ka bang tinatago sa akin?” Tumingin siya sa mga mata nito. Kagaya ng dati, wala siyang nakitang takot. “Wala.” “Wala ka bang dapat hingian ng tawad sa akin?” Bahagyang natawa si Nick, wari’y inakala nitong biro lamang iyon. “Siguro ang kasalanan ko sa’yo ay sobrang minahal kita.” Ngumiti ito. “Mahal na mahal kita, Honey.” Napangiti rin si Liza, ng

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





