Home / Romance / My Hot Billionaire Husband / Chapter 25 Ang Selosang Misis

Share

Chapter 25 Ang Selosang Misis

last update Last Updated: 2022-08-22 23:57:47

SA tingin ni Yvette ay balisa si Liam sa kung ano kaya kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig dito. Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng maging mag-asawa sila, ngayon lang niya ito nakitang nawala sa focus.

Gustung-gusto na sana niya itong tanungin kung anong problema pero hindi niya magawa. Nasa Conference room kasi sila at naghihintay sa mga magmi-meeting.

Mayroon na naman kasing tina-target ang asawa niyang kumpanya at gusto nitong mag-franchise at ilagay sa WilMar Mall. Ewan nga lang niya kung iyon ang dahilan kaya hindi ito mapakali.

Gusto sana niyang magtanong kay Liam kahit sa pamamagitan ng tingin kaya lang parang sinasadya nitong iiwas ang tingin sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay mayroon itong kasalanang nagawa sa kanya kaya di siya matingnan ng diretso.

Guilt ba ang ibig sabihin nu'n?

Bumukas ang pintuan. "Magandang Umaga," maarteng bati ng babaeng pumasok.

"Hatchoo!" Hindi niya naiwasan ang mabahing dahil sa tapang ng pabango ng babae. Parang mabibiyak kasi ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
fall na fall na baby ehhehe d na mapigilan............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 50 Ang Bonding Moments nina Liam at Yvette

    Hindi nga nagbibiro si Liam nang sabihin nito sa kanya na marami ngang style na maaaring gawin para masiyahan sila sa kanilang ‘pag iisa’, napagtanto ni Yvette. Marami kasi itong tinuturo sa kanya na talagang nakakapagpamangha sa kanya. Biruin mo ba naman pati aso, baka at dragon ay nadamay sa mga istilong kanilang ginagawa. Ngunit, kahit ganoon ay enjoy na enjoy naman siya. Pakiramdam niya kulang ang araw niya kapag hindi nila gagawin ang bonding na ito. Parte na kasi ito ng pang araw araw nila. “Enjoy?” Tanong sa kanya ni Liam.“Sobra.” Dumukwang pa ito sa kanya para mapagmasdan ang kanyang itsura. Alam niyang nagniningning ang kanyang mga mata ng mga sandaling iyon kaya hindi na rin niya binalak itago kung anong ang kanyang nararamdaman. Basta nagagawa niyang ipakita sa kanyang asawa kung gaano siyang kasaya sa piling nito. “Kaya mo bang manirahan dito nang matagal?” tanong nito sa kanya. “Kahit habambuhay. Basta ikaw ang kasama ko,” walang pag-aalinlangang sabi niya. Talaga na

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 49 Ang Pag iibigan nina Liam at Yvette

    Dahil sa pareho na naman silang nag- I love you ni Liam sa isa’t isa, gustong isipin ni Yvette na the end na ang kanilang love story. Ibig sabihin ay magiging happily ever after na sila tulad ng istorya nina Snow White at Prince Charming, subalit, ang kanilang lovestory ay hindi magiging ganoon kadali lalo na at nasa tunay na buhay sila. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ewan niya kung bakit nakakaramdam na naman siya ng negative vibes. Hindi niya kasi maiwasang isipin na tulad ng mga lovestory, mayroon ding mga kontrabida na nakapaligid sa kanila. Isa na roon si Janiz at kahit na wala silang komunikasyon ni Henry ay nakapagitan pa riin ito sa kanila ni Liam. Chapter 49 Ang Pag iibigan nina Liam at YvetteAng nais niya ay mag-concentrate na lamang kay Liam tutal ito naman ang kanyang asawa kaya natural na dito niya ibigay ang buo niyang tiwala, respeto at pagmamahal. “Liam…?” Mangha niya bulalas nang imulat niya ang kanyang mga mata. Naging pagbigla ang pagdilat niya

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 48 Ang Sorpresa ni Liam kay Yvette 

    "AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 47 Ang Pagpapakasal nina Liam at Yvette

    SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 46 Ang Paghahanda ni Liam

    KUNOT noong napabalikwas nang bangon si Yvette nang hindi na niya mahagilap sa kanyang tabi. Pakiramdam niya ay binalewala lang nito ang mga nangyari sa kanilang pagitan. Kung talaga kasing may kuwenta rito nangyari sa kanila, hindi ba dapat ay mamumulatan niya ito? Ang ibig niya siyempre ay magigising siyang nakaunan sa dibdib ni Liam. Gusto rin niyang maramdaman pa ang init na ibinubuga ng katawan nito pero hindi nangyari iyon kaya napabuntunghininga siya. Sobra siyang nakakaramdam ng inis. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ibig niyang makalimutan nito ang 'trauma' ni Liam sa malaking gagamba kaya ibig niyang ibaling nito ang atensyon sa ibang bagay –sa kanya, to be exact. Sa paliligo nila at sa kanilang sexcapades. Sa bawat halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya ay naramdaman nga niyang sa kanya na ito naka-focus at hindi sa takot nito. Ngunit, ngayon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kaya hindi niya na

  • My Hot Billionaire Husband    Chapter 45 Ang Takot  ni Liam

    SA bawat araw na kasama niya si Liam, pakiramdam ni Yvette ay lagi siyang umaakyat sa langit. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung sa bawat sulok ng Isla na iyon ay ginagalugad talaga nila. Hindi lang dahil sa namamasyal sila kundi dahil sa mga pagtatalik nila. Gusto niyang isipin na mahal na siyang talaga ni Liam kaya inaangkin siya nito na para bang wala ng bukas. Ayaw naman niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Basta ang alam niya, ipinagkakaloob niya ang sarili dito ng paulit-ulit dahil mahal niya ito. "Kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak mo," pansin ni Liam sa kanya. "Paano ka naman nakasiguro?" Tanong niya sa halip na sabihin kay Liam na walang ibang laman ang kanyang isip kundi ito lang. Oh, para tuloy gusto niyang mapangiwi sa mga salitang kanyang naiisip. Kasama na niya si Liam pero sa isip niya, ito pa rin ang laman. "Panay kasi ang ngiti mo riyan. Sino ba ang naiisip mo, ang ex mo?" Sarkastiko n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status