My Hot Billionaire's Husband

My Hot Billionaire's Husband

last updateHuling Na-update : 2022-11-18
By:  Blue_WaveOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
212views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Primo Del Cuesta- nag iisang anak at tagapag mana ng mga Del Cuesta na natali sa isang arranged marriage nang business partner ng kaniyang mga magulang. At dahil kilala ang kanilang pamilya sa buong mundo at ayaw na ayaw nito nang kahihiyan kaya napilitan siyang pakasalan ang anak ng mga Murphy. Siya si Sandra, maganda at may kaaakit akit na alindog ngunit hindi pa rin ito sapat para mapa ibig niya ako, sapagkat alam ko naman na plinano nila 'to ng mga magulang niya. Alam kong palubog na ang kumpanya nila kaya ginawa nila ang kahangalan na ito. Akala nila magiging buhay prinsesa ang anak nila sa kamay ko, pwese hindi mangyayari 'yon. Sisiguraduhin ko na bawat araw na magkasama kami sa iisang bubong gagawin kung miserable ang buhay niya. Ngunit paano kung dumating ang araw na masumpungan mo na lang ang sarili ko na umi-ibig na sa dalaga. Paano mo sisikilin ang sariling damdamin kung ang isini-sigaw nang puso mo ay ang dalaga At paano kung huli na pala ang lahat kung ang dalaga ay naka tali na ang puso sa iba, ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig...

view more

Kabanata 1

Chapter 1- Sandra's Parent's trapped

"W-what the hell, Sandra, wake up! wake up!” galit na boses ng mommy nito ang nag pagising sa diwa ni Sandra. At sa lakas ng boses nito hindi ma-a-aring marinig ng mga tao ang sigaw nito. Kaya naman biglang nagdatingan ang Daddy niya at ang magulang ni Primo. Na hindi makapaniwala sa nakikita.

Habang si Primo naman ay nahihimbing na natutulog at walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Nagising na lang siya bigla ng hinihila na ng kaniyang ama ang kamay niya. At ang mas nakakagimbal pa roon katabi niya sa isang kama ang anak ng business partner nito.

"Get dress both of you, and we will talk later!" madiing sambit ng daddy nito at tumalikod na.

Naiwan ang dalawa at nagtataka sa mga nangyari. Pilit man nilang alalahanin pero parehong blangko ang isipan nila wala silang nagawa at mabilisan nagbihis at bumaba dahil ayaw naman ni Primo na lalong madagdagan ang galit ng kaniyang daddy.

Sa living area ng pamilya Del Cuesta, nakaupo sa mahabang sofa ang mga magulang nila. Mukhang mahaba-haba na ng ang naging usapan ng mga ito.

"Sandra, hija. What happened?" wika ng ama nito na nagtatanong.

"I don't know dad, I didn't remember anything. I'm sorry for disappointing you." Umiiyak na sambit nito.

Lumapit naman kay Sandra ang mommy ni Primo at inalo-alo ito kasabay ng paghagod nito sa likod niya.

"And you Primo, whether you like it or not. You marry her and that is an order,” madiing wika ng daddy nito.

At ni isa sa kanila ang wala man lang nagsasalita, even his mom na sa babae pa ata kumakampi.

"No, I can't marry." Sabay pang sabi ng dalawa. Sinamaan naman ni Primo ng tingin ang babae at nakita niyang yumuko ito at biglang nagsalita.

"W-wala naman pong nangyari,” nauutal niyang sambit.

"How can you explain what we saw a while ago hija? Don't worry he'll pay for the damaged has been done,” wika ng ama ni Primo na ang talim ng tingin sa anak.

"But dad, I didn't remember anything. I don't know happened for the whole night. I'm drunk,” pagpapaliwanag na sambit nito. But he knows his dad, kung anong sinabi nito ayon ang masusunod. Kahit ang mommy niya ay sunod-sunuran lang sa daddy niya.

"I want you to marry her a soon as possible. We plan for your engagement party next week. This meeting is adjourned,” mariing wika ng daddy nito at wala na siyang nagawa at manahimik na lamang.

Masama ang pinukol na tingin ni Primo sa babaeng kayakap ng kaniyang mommy. Siya ang anak pero feeling niya hindi, kung aluin nila ang babae ganoon-ganoon na lang. Siya na anak, siya pa ang nasisi sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

KINAGABIHAN

Nagkita ang magkasintahang Sandra at Dustin. Nakita niyang mugtong-mugto ang mata ng kaniyang girlfriend.

"Mahal, what happened? May sakit ka ba?" tanong nito sabay salat ng noo nito kung may lagnat ba.

"I'm ok. W-wala akong sakit, mahal,” pagsisinungaling nito.

"Mahal, gusto ko kapag kinasal tayo ganito, ganiyan ang set up. Excited na akong umuuwi sa isang bahay from our company tapos nag-aantay kayo ng mga anak ko sa bahay,” mahabang litanya nito.

Ngunit tahimik pa rin si Sandra at malalim ang iniisip. Hindi niya masabi sa boyfriend niya ang kagagahang nagawa niya.

“Bakit ba kasi nakipag-inuman pa ako roon?!” Paninisi niya sa kaniyang sarili.

"Mahal, I have to go baka mapagalitan ako at hinahanap na rin talaga ako nila Daddy,” pagpapaalam nito sabay dampi ng halik sa labi nito.

"Ayan ka na naman, gabi na nga lang ang puwedeng makasama kita nagmamadali ka pa. Kailan mo ba ako pakikilala sa mga magulang mo, Sandra? Limang taon na tayong magkarelasyon pero ni anino ng magulang mo hindi ko man lang nasilayan. Kinakahiya mo ba ako?" wika nito na galit na galit at sunod-sunod ang tanong.

"Hindi kita kinakahiya, mahal ko. Gusto ko lang maging handa na ang lahat bago kita ipakilala sa kanila,” pagsisinungaling muli nito sabay yakap sa kasintahan.

"Siguraduhin mo lang, Sandra, na totoo ang mga sinasabi mo. Dahil oras na niloloko mo lang ako. I will kill him,” galit na pagbabanta nito.

Mas lalong natakot at nawalan ng lakas ng loob magsabi ang dalaga. Dahil baka totohanin nga nito na patayin si Primo. Hindi siya concern sa binata mas concern siya sa mangyayaring buhay ng ex-boyfriend niya kapag napatay nito ang anak ng pinakamayaman na tao sa bansa. Siguradong hindi lang siya makukulong at kamatayan ang magiging hatol.

Pumayag na rin ito na umuwi na siya, sumakay siya agad sa Maruti Suzuki Celerio. 5.15 - 6.94 na sasakyan niya at pinasibad ito kaagad, tinodo niya hanggang sa high speed level dahil balak niya na lang magpabangga at mamatay para hindi siya maikasal sa taong 'yon. Sobrang bilis ang pagmamaneho niya nang biglang may sumunod sa kaniya na mga mobile kaya dinahan-dahan niya na lang ito. Umiyak siya nang umiyak hanggang mapagod siya at tanggapin na lang ang magiging kapalaran niya.

“I'm sorry, mahal. I'm sorry, mahal.” Mga sambit niya na paulit ulit.

Nakarating siya ng mansyon agad naman siyang sinalubong ng guard nila. Kumaway lang siya dito at diredirestong pumasok sa bakuran nila hanggang makarating siya sa loob. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at dirediretsong pumasok sa loob ng mansyon at 'di gumawa man lang ng kahit anong ingay.

Naulinagan niyang nag-uusap ang mga magulang n’ya sa guestroom. May bisita kaya sila? Hindi naman siya tsismosa kaya naglakad muli siya hanggang sa marinig niya ang pangalan niya.

"Hon, are you sure of that. Parang binenta mo na ang panganay natin niyan!” galit na sigaw ng mommy nito.

"Hon, this is the chance. Kapag kinasal sila mas lalawak ang properties natin. Sure ball na hindi na tayo kailanman maghihirap pa,” mahabang lintanya ng daddy nito.

Patuloy lang siya sa pakikinig hanggang sa...

"P-pero mayaman naman na tayo, hon, hindi na natin kailangan ang maging mayaman pa. Kung ang kapalit ay ang panganay nating anak. Wala siyang kamalay-malay sa patibong na ginawa mo. Ano na lang ang sasabihin niya na ang daddy niya mismo ang may pakana ng lahat. Na ikaw ang nagset-up sa kanila para makita silang magkasama. Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo, Hidalgo?" mahabang lintanya ng mommy nito na galit na galit sa asawa dahil nalaman nito na pakana ang lahat.

Natahimik sila nang nakarinig ng pagbagsak ng isang bagay. Nakita nila si Sandra na lumuluha.

"A-anak,” sabay na sabi ng mga magulang niya.

"Don't call me by that, dad, wala akong ama na ganid sa kayaman. How could you do this to me? Sarili kong kalayaan para sa wala mong kuwentang ambisyon?” wika nito.

Sasampalin na sana siya ng ama niya nang bigla niya itong tinalikuran. Naglakad papanhik sa taas ng kuwarto niya at humiga sa kama at doon binuhos ang galit at sama ng loob sa mga magulang.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status