Share

CHAPTER 6

"WHERE DO YOU think you're going, huh?" Nakataas na kilay ngunit malamig na tanong sa akin ng taong nagbukas ng pinto. Nakaramdam ako ng takot at hindi nakapagsalita. Bilin niya na hindi ako pwedeng umalis.

"Wow! Twinny, 'yan ba ang sinasabi mo? Ganda ah!" Abot tainga ang ngiti ng kasama niya 'tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa at nag-lip bite.

Manyak! Bagay nga kayo ng kasama mo.

Sarap ipag-untog 'tong dalawa, halata naman na mag-kambal sila. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng kanilang mga buhok. Black yung kay killer, oo killer yung tawag ko sa kanya, tutal bagay naman sa kanya ang bansag na 'yon dahil mamamatay tao siya. Heartless pa.

Tapos 'yung kakambal niya ay brown yung hair may piercing din.

Sa lahat-lahat pa ng tao, bakit 'tong lalaki na 'to ang nagkaroon ng kakambal? Parang nadoble lang 'yung nakakainis niyang pagmumukha. Ang sagwa sa paningin.

"Twin, pinasuot mo pa talaga ang Jersey shorts mo 'no pero nung ako 'yung nanghiram ayaw mo kasi sabi mo bigay 'yan ni Danica," he laughed and he is pointing the jersey. Bumaba naman ang tingin ng lalaking kaharap ko. Kumunot naman ang noo niya at ang sama ng timpla ng tingin niya.

"Sabi mo maghanap ako nang maisusuot, kaya ito yung nahanap ko," paliwanag ko. Pinangungunahan ko lang, alam ko namang magtatanong siya.

Baka kung ano pa sabihin niya, siya rin naman nagsabi na magpalit ako. Susungalngalin ko talaga siya kapag nagalit pa siya dahil lang sa damit.

"It doesn't matter what you want to wear..." Dahan-dahan niya akong nilapitan. Biglang gumalaw ang mga paa ko paatras. "I just want to ask you something. Are you trying to escape, woman?" Malamig niyang tanong.  Amoy na amoy ko ang hininga niya na may halong sigarilyo.

Umiling naman ako. Okay? halata naman na tumatakas ako, kaya nga sinira ko yung kandado, 'di ba? Isip-isip din Mr. Killer.

Sarap niyang pilosopohin, pero alam kong sasakyan niya ako kapag ginawa ko 'yon.

Nagsimula na naman akong kabahan dahil sa tingin na pinupukol niya sa akin. 'Yung tingin niya kanina na para siyang papatay.

Na-realize ko na hindi ko na pala siya dapat sagutin habang nasa kamay niya ako, anytime pwede niya akong patayin.

"H-Hindi po." Iniwas ko ang tingin ko, hindi ko siya kayang sabayan. Masyado akong naapektuhan sa tingin niya.

Sobrang misteryoso niya pang tao, hindi rin binabanggit ang pangalan nya. Kahit ano pang ganda ng pangalan niya, iisa pa rin ang itatawag ko sakanya.

Killer.

"Oh? How did you manage to untie your leash and break the door lock? Don't make me stupid. You're an idiot," sarkastikong sabi niya habang naningkit ang mga mata.

Baka hindi niya alam kung gaano ako nasasaktan sa sinasabi niya?  Kung sa bagay, nakakaya nga niyang manakit physically, sa emotionally pa kaya?

Tsk tsk!

"A-Ah kasi naiihi na ako kanina tapos nakasarado pa 'yung banyo. Balak ko na lang sanang umihi sa labas," pagdadahilan ko. Pinanliitan niya na naman ako ng mata na para bang hindi siya naniniwala sa dahilan ko.

"The comfort room isn't locked. You need to press the door on the side, well, it's like you're entering the passcode," paliwanag niya na ikinagulat ko.

"S-Sorry, hindi ko alam." Baka bago pa lang ako dito 'no? Psh.

"Pinangungunahan na kita. I'll say this again and again. You can't escape on me. If you want to run away, then make sure you hide well..." Malamig niyang pahayag, nagsitayuan ang mga balahibo ko. "Because if you don't, you'll soon be lost in the world," dagdag niya.

Anytime iiyak ako. Walang nagbabanta sa buhay ko, siya lang.

Bigla siyang lumayo sa akin nang may humawak sa kanya.

"Ano ba 'yan, kuya!? Kausapin mo naman siya nang maayos! Natatakot siya sa pangit mong mukha! Tabi nga riyan at ako ang kakausap," sabat nung kakambal niya.

Tanga ba siya? Nilait niya ang kakambal niya ng ganun ganun lang. Baka magkamukha po kayo.

Ngumiti naman siya ng malapad sa akin, nginiwian ko lang siya. Pangit niya ngumiti. Pangit! Pangit! Sarap tanggalan ng labi.

"Hi, miss. Pagpasensyahan mo na 'yong twin ko, ganyan lang 'yan bitter kasi sa ex niya, pinagpalit kasi siya sa malapit," sambit niya at sinakop ng palad niya ang bibig niya dahil humagikgik siya. Gusto ko ring matawa sa sinabi niya pero parang mas nadagdagan yung galit nung isa.

Hindi ba siya natatakot na pwede siyang saktan ng kakambal niya? Naiisip ko tuloy kung alam ba ni brown hair ang pinaggagawa ng demonyo.

"Shut up. Get out!" Madiin niyang pagtataboy sa kanyang kapatid. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtitimpi.

"What? Bakit mo pa ako pinapunta rito kung paalisin mo ako?! Nakadroga ka ba kuya? Hindi mo na ba ako mahal?! Mas mahal mo na ba sina Philip ha?!" Mangiyak-ngiyak na sabi nitong nasa harapan ko habang hawak niya pa ang dibdib niya.

Ang OA naman ng lalaking 'to. Napansin kong ibang-iba sila, 'yung isa mukhang madaldal at happy go lucky. Ang isa naman mukhang pinaglihi sa sama ng loob at napakamisteryoso.

Mukhang mabait 'tong isa, mukha lang naman.

"Just get out of my sight or else I'll cut your tongue," malamig na banta ni killer sa kambal niya. See? kahit kapatid niya sasaktan niya! Heartless jerk.

"Nye nye nye!" pang-aasar nung brown hair.

"Talagang hindi ka makikinig sa akin?!" Kita naman ang panggigigil ni killer at itinaas pa ang kamay para hampasin 'tong kakambal niya.

"Aish! oo na! bwesit!" Humarap siya sa akin, "miss paalala ko lang sa 'yo ah, kapag inaway ka ng kakambal ko suntukin mo, ganito oh wayah! Wayah!" sabi niya at nagposition na parang mangangarate.

Seryoso ba siya? Ito yata yung totoong nakadroga at takas sa mental.

"Isa!" napatigil naman 'yung brown hair sa ginagawa niya at padabog siyang pumunta sa living room, narinig kong nagbukas siya ng TV. Hinarap naman ako ng lalaking Killer.

Napatungo ako, Nahihiya kasi ako. At ayaw ko rin makita ang mukha nya, gusto ko siyang sapakin.

Pero kung may kakambal siya, edi ibig sabihin nito lagi kong makikita ang mukha niya kahit sino pa sa kanila? Ays! Nakakabadtrip naman 'yon.

"Let's go inside, follow me," maotoridad niyang utos.

Nasa loob na po tayo.

Hindi na ako muling nagsalita at sinundan ko na lang siya. Mahirap na baka bigla siyang maglabas ng isang kutsilyo at pugutan ako ng ulo. Nakaramdam ako nang pagtaas ng mga balahibo ko nang maisip ko 'yon.

Kung ano-ano na ang mga negative thoughts ang pumapasok sa akin.

Sa kwartong pinasok namin, sinarado niya ang pinto sabay nilock at tinignan niya ako ng nakangisi.

"Tell me. What are you up to when I'm gone?" He asked with a cold voice. I shook my head. I don't want to admit to him that I want to run away. I don't know what he will do. I also feel that he is narrow-minded, and he can't understand what I am going to say. "Sure? If you are lying, be ready for your punishment," sabi niya kaya umiling ulit ako.

"W-Wala talaga."

Ngumiti siya. Bahagya kong ibinuka ang mga labi ko. Hindi ko mapigilan na puriin siya sa isip ko.

"Simple, just admit what you did when I wasn't there. I will not be angry," sabi niya, pero hindi ako umamin at umiling ulit ako.  Tumango siya habang pinagdidikit ang mga labi at kinuha ang cellphone niya. Napalunok ako. "I'll watch it. My house has a lot of CCTVs" dagdag niya.

CCTV?

Ibinaling ko ang ulo ko para tingnan ang mga CCTV at tama nga, may dalawang CCTV sa magkabilang gilid.

Bakit hindi ko ito napansin? Paano kung malaman niyang gusto kong tumakas? Ano ang gagawin niya sa akin? Sasaktan niya ba ako?

Nanatili lang akong tahimik habang tinitingnan ko siya, pinapanood niya 'yung video. Napapalunok ako dahil narinig ko ang sarili kong boses, yung mga katagang isinigaw ko para sa kanya. Napapikit ako, pinagmumura ko pa naman siya.

Kumunot ang noo niya at bumaling siya sa akin na masama ang tingin. Napakagat labi ako. Ibig bang sabihin ay kinukulong niya ang mga biktima, kaya may CCTV siya, para alam niya kung tatakas sila o hindi?

Lupit naman nito! Nakakaasar siya kung iisipin. Wala lang akong magawa. Kung may cellphone lang ako tumawag na ako ng emergency, o kaya diretso police na nang mapakaladkad na ang demonyong 'to!

"Hmm..." mahinang ungol niya at tumango siya. Tumingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. "Next time, don't lie to me. I will let go of what you did today, and what you have said. One more thing, watch your words especially when you are in front of me." Tumango ako tapos ipinalupot niya ang mga braso niya sa dibdib niya. "Don't even pray that I will die 'cause it will never happen."

Nakita ko siyang pumunta sa closet niya na pumipili ng damit.

"Wait for me here, I'll just take a bath," paalam niya ngunit hindi ko binigyan ng response.

Ano naman po ang pakialam ko kung maliligo ka? Bakit kailangang ipaalam mo pa sa akin? Nanay mo 'ko? Ha?! Kahit malunod kapa!

Nataas ko ang kamay ko na parang susuntukin siya nang makapasok siya sa banyo. Madulas ka sana riyan tapos mauntog ulo mo at 'wag nang magising!

"I can see you!" Dinig kong sigaw niya, napatigil naman ako sa ginagawa ko at umayos ng postura.

Grabe, nasa banyo na nga lang siya nakukuha niya pang makapanood ng kung ano-ano sa cellphone niya. Napairap na lang ako bigla sa kawalan.

"Bwesit."

Naupo lang ako sa gilid habang nakanguso, inilibot ko ang paningin ko. Napansin kong ang daming picture frames sa tabi ng kama. Sa sobrang curious ko ay tiningnan ko ito.

Hinarap ko ang frame "1, 2...9" ang dami nila, 9 silang lahat.

'Yung mukhang may edad na siguro sila ang mga magulang. Nakita ko ang pitong mga mukhang teenagers at mga kiddo na katabi nila. Dalawang tao ang nakaagaw ng atensyon ko sa litrato 'yun ay sina Killer at ang kakambal niyang may sayad.

May dalawang babae, isang nanay at ate at palagay ko 'yung baby na buhat-buhat nila ay nasa dalawang taon pa lang.

Kaparehas ng ibang photo frame, sila-sila lang din ang nandoon. Laki pala ng pamilya ni Killer. Pero nasaan sila? Wala ba sila rito? Hindi ba nila nakikita kung ano ang hitsura ng bahay na 'to at ang ginagawa ng anak nilang demonyo?

'he killed my father'

'he hurt my mom'

'he r*ped my sister'

Bigla namang pumasok sa isip ko 'yung mga pinagsasabi niya kanina habang pinaparusahan niya ang mga babae na anak kuno ng mga taong may utang sa kanya. Seryoso ba siya roon?

Umiling ako at bumaling ulit sa photo frame. Hindi totoo ang mga sinasabi niya at palagay ko gawa-gawa niya lang 'yon para makapahamak ng ibang tao. Mga mamamatay tao, mga sinungaling kaya 'wag na siyang magmamaang-maangan.

Napangiti ako nang mapatingin ako sa baby. Ang cute-cute niya! Para siyang baby version ni Killer. Napansin ko na iisa lang ang kapatid ni killer. Ang ganda niya, hiyang-hiya ako sa mukha ko.

May napansin din akong nag-iisang frame, isang babae at si Killer magkasama. Nakangiti silang pareho, maganda 'yung babae at mukhang mayaman. Sobrang puti niya.

Kung iisipin mong mabait na tao si killer ay kikiligin ka sa kanilang dalawa, ngunit maiisip mo pa lang ang ugali niya ay mas gugustuhin mo na lang kiligin sa mag-asawang aso. Nandidiri ako kung magkakaroon man ng karelasyon si Killer. Kawawa siguro ang babae. Hindi niya ba alam ang pinag-gagagawa ng boyfriend niya? Sana nga iwanan na siya ng girlfriend niya. Tatawa pa ako kapag nangyari 'yon.

Kahit siguro sino walang tatanggap sa kung anong mayroon dito kay Killer, e. Bukod sa mga patalim at baril, wala na siyang iba pa. Utak? Wala siya nun.

Mayroon pang limang frames na maliliit, picture ng isang babaeng maganda. Kamukha siya n'ong katabi ni killer. Mukhang siya rin 'to.

May nakita naman akong nakaipit na isang papel sa isang kabinet. Nacurious ako roon kaya nilapitan ko 'to. Bubuksan ko sana yung kabinet pero nagulat ako nang biglang may nagbukas na pinto galing sa bathroom.

Tapos na ang demonyo. Dapat hindi na siya natapos, eh, nalunod na lang sana siya r'on.

Nakabihis siya ng simple. White T-shirt at sweatshort black ang suot niya. Hindi ko na naman mapigilan na purihin siya. Napaka-guwapo niya at bagay niya ang suot niya, pero ano namang sense ng itsura kung 'yung gawain niya napakadumi? Para sa akin, nakakadiri 'yon. Pinandidirian ko siya.

Nakakunot ang noo niya habang lumalapit sa gawi ko. Bigla niyang hinablot ang kamay ko at mukhang nairita siya sa ginagawa ko.

"Who said you can tamper with my belongings?!" Taas na boses niyang tanong, halatang galit. Halos maiyak ako sa sakit dahil hinawakan niya ako. Kitang kita ko ang pamumula ng pulso ko.

"S-Sorry, nacurios lan-"

"Curious! Curious! Your curiosity will kill you, you know that?!" Hinigpitan niya lalo ang paghawak niya sa akin. Napakagat labi ako dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa akin.

Ilang minuto, binitawan na niya ako.

Halos halikan ko na ang sahig.  Hinarap ko siya ng magkasalubong ang kilay at pinaningkitan ng tingin.

"Nasaktan ako!" Singhal ko at hinaplos ang braso ko.

"It's your fault, that's what you deserve because you are nosy." Napabuntong hininga ako sa inis.

Nakita kong tumingin siya sa mga pictures at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Galit at lungkot.

Lumapit naman siya sa mga 'yon at kinuha ang isang family picture frame. Tumitig lang siya rito.

"They are my family," sabi niya habang hinahawakan ang salamin ng frame.

Gusto ko sana siyang tanungin, pero alam kong magagalit siya. 'Tsaka hindi naman kami close. Galit ako sa kanya, kahit umiyak siya sa harap ko hindi ko siya maawa.

"I-I miss them all. I want to see them, hug them, to feel their love again," Idinagdag niya. Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano, kung titignan mo siya ngayon para siyang malungkot na bata, pero busangot pa rin.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

Pero bakit niya kailangang pumatay? Gusto mo mang maawa sa hitsura niya pero hangga't naiisip ko' yung ginawa niya lalo lang nadadagdagan ang inis ko sa kanya.

Isa siya sa mga cancer sa lipunan, no wonder drug lord siya. Kasi sa tingin mo papatay siya kung nasa tamang pag-iisip siya? Papatay ba siya kung hindi siya adik?

O ginagawa niya lang talaga?

Ibinalik niya ang frame sa mesa at humarap sa akin, nanlamig na naman. "Tara na."  Wala akong nagawa kundi sundan siya. Nasa likod niya lang ako. Saan niya ako dadalhin sa mga sandaling ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status