Share

Chapter 4

SAGA

IIKA-IKA akong naglakad sa loob ng kitchen habang hinahanda ang agahan ni Marlon. Sa kabila ng ginawa niya sa akin kagabi at sa masasakit na salitang sinabi niya, heto't para akong tanga na pinag-iigi pa lalo ang pagluluto ng almusal niya.

Pagkatapos maghanda, bumalik ako sa kuwarto namin at maingat na binuksan ang pinto. Sumilip ako sa loob para makita kung gising na siya.

"Marlon, handa na ang agahan."

Pumasok ako nang makita siyang kagigising lang. Kinuha ko ang mabalahibo niyang slippers saka ito nilagay sa tabi ng kama.

Nauna akong bumaba. Nang sumunod siya ay pupungas-pungas siyang naupo sa harap ng mesa.

"Here's your coffee. Ako mismo ang nag-brew niyan."

Natuon ang matatalim niyang mga mata sa akin. Agad akong nagbaba ng mukha. Kesyo galit o hindi, matalim na talaga kung tumitig ang mga mata niya. 

"O baka gusto mo ng alak? I can get you a glass of wine or whiskey if you want." Banayad akong ngumiti. Iniiwasan ko nang painitin ang ulo niya. Masyado pang maaga para doon.

Kung ayaw niya sa akin at talagang hindi niya ako kayang mahalin, fine. Pero sana maiwasan man lang namin ang pag-aaway nang madalas. Ayokong lagi siyang galit sa akin.

"What's the occasion?" napatingin ulit ako sa kaniya dahil sa tanong niyang iyon.

Napansin niya siguro ang maraming pagkain na nakahain sa mesa. Nahiya akong sabihin kung anong mayroon ngayon kaya umiling na lang ako.

"Gusto lang kitang ipagluto."

Pinasadahan ko ng tingin ang hapag. May avocado toast, scrambled eggs, egg muffins, at dalawang klase ng pancakes. Ang orange pancakes with orange syrup, saka pancakes with coconut syrup and raspberries.

Mahilig si Marlon sa mga American style na breakfast, iyong puro pancakes and fruits kaya pinag-aralan kong gumawa nito noong ikasal kami.

"Tikman mo ito." Ako na mismo ang naglagay sa plato niya ng pancakes with coconut syrup at scrambled eggs.

Nakangiti ko siyang pinagsilbihan sa kabila ng pananakit ng binti at ibang parte ng katawan ko dahil sa ginawa niya sa akin kagabi. Matatawag akong tanga o martyr, pero mahal ko lang talaga si Marlon. Hindi ako titigil sa pagmamahal sa kaniya hanggang sa ilayo nila ang puso ko sa akin.

Nang magsimula na siyang kumain, sandali akong pumunta sa kitchen para kunin ang niluto kong fried rice, longganisa at kamatis.

Noong dalaga pa ako, madalas akong maiwan mag-isa sa bahay tuwing umaga. Parehong busy sa trabaho sina Mommy at Daddy, kaya ang lagi kong kasamang kumain, sina Yaya Melda at iba pang katulong namin. Sa madaling salita, nasanay ako sa pagkain ng heavy breakfast tuwing umaga.

Habang nag-aalmusal kami, panay sulyap sa akin si Marlon, pati sa mga kinakain ko. Paminsan ay nagsasalubong pa ang mga kilay niya.

"Mahal, gusto mo bang subukan itong fried rice with longganisa? Masarap ito."

Napansin kong umasim agad ang mukha niya. "Don't call me that."

"Bakit naman?"

Tinaliman niya ako ng mga mata kaya mabilis akong nagbaba ng mukha. Pagkatapos mag-agahan ay bumalik din siya agad sa kuwarto.

"Walang nangyari, ma'am?" Lumapit sa akin si Sita.

Malungkot akong umiling. "At least, he finished his breakfast."

Nagbuga ako ng hangin at pinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit. Kahit papaano, masaya na rin ako dahil inubos ni Marlon ang hinanda ko. Hindi lang iyong nilagay ko sa plato niya kundi lahat.

"Saga! Get over here!" napasinghap ako nang marinig siyang sumigaw mula sa itaas.

"Sita, ikaw na muna ang bahala rito!"

"O, sige, ma'am! Umakyat na po kayo! Mukhang mainit na naman ang ulo ng dragon!"

Muntik akong matawa sa sinabi niyang iyon. Dragon ang bansag niya kay Marlon dahil para daw itong nagbubuga ng apoy kapag nagagalit. Dali-dali naman akong pumanhik sa itaas at pumasok sa silid namin. Agad siyang hinanap ng mga mata ko sa buong paligid pero wala siya.

"Marlon, nasaan ka?"

"In here! Ano ba!"

Pumasok ako sa banyo nang marinig na galing doon ang boses niya, natataranta pa ako dahil sa tono ng pananalita niya. "M-may kailangan ka ba?"

"Where's the goddamn soap!"

"Nako, nakalimutan kong ilagay!" Lumabas ako ulit at kinuha ang sabon na gamit ni Marlon. "S-sorry! Um-order pa kasi ako dahil naubos na—"

Natigilan ako bigla nang sa pagpasok ko, bumungad sa akin ang hubo't hubad na si Marlon. Nakatalikod siya mula sa akin at naliligo sa loob ng shower kaya kitang-kita ko ang matatambok na pisngi ng kaniyang puwet.

Nilingon niya ako. Nang makitang nakatulala lang ako at nakatitig sa kaniya, tuluyan siyang humarap sa akin. Gusto kong batukan ang sarili ko nang dumiretso doon sa dragon na nakatayo ang mga mata ko.

"H-heto na ang dragon mo este ang s-sabon mo... " Nilahad ko ang kamay kong may hawak ng sabon niya.

Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pabigla akong hinila. Nawalan ako ng balanse kaya sumubsob ako sa matitigas niyang dibdib.

"Marlon... "

Kahit basang-basa na siya ng tubig, amoy na amoy ko pa rin ang matapang niyang pabango. Humahalo iyon sa natural male scent niya na nagpa-sexy lalo sa dating niya. Nagbigay dulot iyon para mag-init ang katawan ko.

"Sabunin mo ako."

Tumalikod siya mula sa akin. Napatitig ako sa likod niyang maskuladong-maskulado. My hands started to get shaky while holding the soap.

Muli siyang tumapat sa tubig at inumpisahan ko naman ang pagsasabon sa kaniyang likod. Lalong nanginig ang kamay ko.

Napapitlag pa ako nang marahan siyang humarap makalipas ang ilang sandali. Umawang ang bibig ko habang nakatingin sa mabato-mabato niyang harapan.

Lumakas ang pagnginig ng kamay ko. Inumpisahan kong sabunin ang mga abs niya habang panay lunok ng laway. Basang-basa na rin ako ng tubig pero nanunuyo ang lalamunan ko sa pagkauhaw.

"Bakit ka tumigil?"

Umangat ang paningin ko sa mukha niya. Matamang nakatitig sa akin ang dalawang pares ng kulay brown niyang mga mata.

"M-Marlon, k-kasi... "

Umangat ang kamay niya at marahang hinaplos ang pisngi ko. Wala sa sariling napapikit ako. Dinama ko ang init ng palad niya sa ilalim ng malamig na daloy ng tubig.

Kinabig niya ako sa baywang. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa matigas at mainit niyang dibdib habang magkalapat ang mga katawan namin.

"Saga."

Nakagat ko ang labi ko nang banggitin niya ang pangalan ko gamit ang baritono niyang boses.

Ang sexy!

Hinawakan niya ang baba ko at marahang itinaas ang mukha ko. Nang magmulat ako ng mga mata, nakatingin na siya sa akin. Ibang-iba ang tingin niya ngayon. Malayo sa malamig at laging galit na titig na ibinibigay niya sa akin araw-araw.

Unti-unting bumaba ang mukha niya, hanggang sa muli kong ipikit ang mga mata ko nang maglapat ang mga labi namin.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Adora miano
ganyan Ang tunay na magmahal ,sana matutunan din sya mahalin
goodnovel comment avatar
Juvilyn Pascua Abril
maganda sana kung palaban ang bbae kaso mahina en nakakadismaya...exit na ko sayang time sa iba na lang ayaw ko sa babaing martyr...sori otor sa susunod try mong babaing palaban...
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
Haynku saga bliw yn slmat otor
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status