Share

Kabanata 2: Memories

Nagmamadali ko na kinuha ang aking mga gamit at saka ako sumunod kay Lucas sakto na kakapasok lang sa kaniyang sasakyan.

"Honey, sandali!" Habol ko ang aking hininga ng huminto ako. Magsasalita pa lamang sana ako muli ng maunahan niya na ako.

"Dianna, siya nga pala..."

"Hindi kita maihahatid ngayon dahil may importante pa ako na kailangan puntahan."

"H-Ha? Pwede mo naman ako idaan katulad ng ginagawa mo dati o kahit unahin mo na iyan, tutal ay hindi naman ako nagmamadali." Hinilot niya ang kaniyang sintido at sandali niyang inalis ang kaniyang mga braso na nakapatong na sa manebela ng kotse.

"Dianna, you have your own car. You're just putting me into hassle. It's not bad to drive yourself sometimes," he said when he opened her mouth as if to protest again.

Bumagsak ang aking tingin, napa-atras ang aking mga paa mula sa kaniyang kotse. Umasta ako na tila hindi nasaktan.

"Ah, you're right! That's actually a good idea. Matagal na nga rin pala simula noong sa iyo ako sumasabay dahil mas gusto mo na hinahatid sundo mo ako."

"Sige, magi-ingat ka. Chat me later when you arrive at your work." Ngumiti ako sa kaniya, akma na ihahakbang ko pa ang aking mga paa para sana dampian muna siya ng halik, ngunit isinara niya na ang bintana ng kaniyang kotse at pinaandar niya na iyon ng wala man lang kahit anong huling paalam sa akin.

Malalim ang aking ini-isip nang salubungin ako ni Chelsea, kaibigan at ka-trabaho.

"Oh, hindi ka na naman hinatid ng asawa mo?" Tumango ako sa kaniya.

"May kailangan pa kasi siya daanan, siguro isa sa mga client niya." Naglakad kami patungo sa office ko.

"Nako, Dianna! Napapadalas iyang ganiyan na excuses ng asawa mo ah! Baka naman hindi kliyente 'yan." Ibinaba ko ang aking bag sa table at pagkatapos ay sandali na pinasadahan ang aking mukha sa harap ng salamin at saka ko muling tinapunan ng tingin si Chelsea.

"What do you mean, Chelsea?" Umupo siya sa isa sa mga sofa rito.

"Huwag nga ako! Wala ka ba na aamoy na kakaiba? I mean, babae tayo, Dianna. Ikaw na rin ang nag-kwento sa akin na nitong mga nakararaan na linggo ay nagiging malamig ang pakikitungo sa iyo ni Lucas."

"Paano kung—" I cut her off, I don't want to think that my husband having an affair. Pilit ko itong inaalis sa aking isipan, dahil bilang asawa ay responsibilad ko na unawain siya.

Though its been weeks since he turned to be so distant with me. I am aware about what kind of work he has. He's the CEO of an influential company , so it makes sense for him to be in charge to many works and research projects. His work is important enough. I can't imagine a woman being involved with him.

"I don't want to overthink, Chelsea. May trabaho rin ako, kaya naiintindihan ko si Lucas. Busy lang talaga siya."

"Kung mahal mo talaga ang isang tao Dianna ay hahanap ka ng oras para sa kaniya." Napatitig ako sa salamin na nasa aking gilid.

"By the way, may ilan na dokumento ka pala na kailangan pirmahan, iiwan ko na muna dito ay may kailangan pa rin ako tapusin." Tumango ako sa kaniya at saka umupo na ako. Bago naman siya tuluyang lumabas sa aking opisina ay muli niya akong nilongon.

"Dianna, huwag ka masiyadong magtitiwala. Hindi ngunit pinakasalan ka ng lalaki ay magkakaroon ka na ng assurance na ikaw lang hanggang huli." Sandali akong napaisip, ngunit sa dulo ay inikot ko na ang ang swivel chair.

"Time is running, Chelsea. Start doing your work," saad ko at doon ko pa lang narinig ang pagsarado ng pintuan. Naging malalim ang aking pagbuntong hininga.

I started at the view through the window, a panorama of buildings and trees, the sky above blue like a canvas of paint. Using my right hand I grabbed a bottle of water from the coffee table next to me. I took a small sip, then set the cap back onto the bottle with force.

Pumikit ako at inalala ang mga nakaraan, noong mga panahon na highschool pa lamang kami, ganoon din sa kung paano nagtagpo ang aming landas at kalaunan ay nahulog ang damdamin namin sa isa't-isa.

I was an ambitious sophomore student that time, I have a big dreams and a lot of determination to succeed. Bumilis ang tibok ng aking puso ng dumaan na sa aking isipan kung paano kami unang nagtagpo ng ni Lucas.

It's actually funny to think, how it turned like to be a fairytale beginning. I was just rushing through my class that time with so many paperworks on my hands, until I saw him sitting on the bleachers with his best friend Anton, he laughed, and my world suddenly stopped, I mean literally, because I got stocked on how cute the guy he is, especially when our eyes met and he smiled at me, causing me to forget how late I am on my first class.

Hanggang sa naglapit pa ang aming mundo ng sa sumunod na taon ko sa highschool ay naging magka-klase kami, umamin siya sa akin at nag-umpisa siyang ligawan ako.

I could say that our courtship days was one of the most unforgettable moment in my life. Sa tingin ko ay ako na nga ang pinaka-maswerte na babae sa buong mundo tuwing naaalala ko, kung paano niya ako alagaan at mahalin.

Sa aking panibago na pagbuntong hininga ay iminulat ko ang aking mga mata at matinding lungkot ang pumakat sa aking dibdib.

I'm longing for what we used to be as a couple, maybe because I really feel how other things between us is starting to change. I missed our late-night talks, the way he give me his sweet kisses. Ang sarap lang sa pakiramdam na magbalik tanaw sa mga panahon kung saan sabay kaming nangangarap para sa future namin.

Sa tingin ko ay hindi ako magsasawa na ulit-ulitin sa aking isipan lahat ng pangako namin sa isa't-isa, na walang kahit sino man ang makakahadlang sa aming pagmamahalan, na hindi masisira ang pagsasamahan namin ng kahit anong klaseng problema na aming pagdaraanan.

Ganoon pa man, sa kabila ng saya ay mayroon din akong hindi maikukubli na takot sa aking damdamin. Takot na hindi ko matukoy kung tama nga ba na maramdaman ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joshua Estrada
grabi naman halos karamihan english
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status