Share

Chapter 6

Author: Veyra Voss
last update publish date: 2026-10-24 13:56:35

Hindi nakatulog nang maayos si Ylaine nang gabing iyon, hindi maalis sa kanyang isip ang lahat ng mga nangyari. Gusto lang naman niya magkaroon ng anak, pero bakit ganito ang sinapit niya. Ganun ba talaga kalupit ang tadhana?

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang galit na mukha ni Mike at ang mga salitang binitawan nito bago umakyat sa kanilang silid. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang isang bagay na siya mismo ay hindi maintindihan.

Wala siyang ginawang masama. Hindi niya alam na may problema sa laboratoryo, at hindi naman niya ginusto ang nangyari. Ang tanging ginawa niya ay sumubok na tuparin ang pangarap niyang magkaroon ng anak.

Pero bakit pakiramdam niya, siya pa ang kailangan humingi ng tawad?

Napalingon siya sa p***o nang marinig ang pagbukas nito. Pumasok si Mike, nakasuot na ng malinis na polo at pantalon. Hawak nito ang susi ng kotse habang abala sa pagtingin sa cellphone.

Agad na umupo si Ylaine sa kama.

"Mike, can we talk?"

Hindi ito tumingin sa kanya. "I'm already late."

"Please. Kahit ilang minuto lang, gusto lang sana kita makausap."

Napabuntong-hininga ang lalaki bago ibulsa ang cellphone.

"What is it now? Susubukan mo na naman bang magpaliwanag."

Napahigpit ang hawak ni Ylaine sa kumot, isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

"Tungkol sa nangyari kahapon, alam kong galit ka. Hindi ko naman ini-invalidate ang nararamdaman mo. Pero sana naman maintindihan mo na wala akong kinalaman sa pagkakamali nila. Tingin mo ba, sasadyain kong magkaroon ng anak sa iba? Aabot ba ko sa pang ilang try ng insemination kung hindi ko gusto magka-anak sayo?”

"And how am I supposed to believe that? Tingin mo bakit ako maniniwala sayo? Anong proof ang mayroon ka para mapatunayan mong hindi mo sinasadya na ibang sample ang mailagay sayo?”

Napatingin siya rito.

"Because I'm telling you the truth."

"That's not enough, Ylaine. Your words are not enough, What I need is a solid proof."

Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya.

Tatlong taon silang mag-asawa, pero hanggang ngayon, kailangan pa rin niyang patunayan ang sarili sa lalaking iyon.

"Kung gusto mo, sasamahan kita sa clinic. Pwede nating kausapin si Scarlett at ang administration para malaman natin ang buong katotohanan."

"I don't have time for this. Tingin mo maniniwala ako sa inyo? Kaibigan mo si Scarlett baka nakakalimutan mo, for all I know baka nga mag kasabwat kayo."

"Mike, buhay natin ang pinag-uusapan dito."

"Our life?" Mapait itong natawa. "You keep talking as if we have the kind of marriage other people have."

Natahimik si Ylaine.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya ang bagay na araw-araw naman niyang nararamdaman.

"I know you never wanted this marriage," mahina niyang sabi. "Pero hindi ko rin naman pinili na mapunta tayo sa ganitong sitwasyon."

"Then you should have thought about that before pushing for another procedure."

Napailing siya.

"I only wanted a child with you."

"And look where that got us."

Pagkasabi niyon, tumalikod si Mike at tuluyang lumabas ng silid.

Naiwan si Ylaine na nakatitig sa pintuan, sa pagkakataong iyon hindi na niya napigilan ang luhang nagbabadya sa kanyang mga mata. Hindi  niya hinihinging mahalin siya ng asawa niya agad-agad, pero hindi rin naman niya inaasahang magbabago ang lahat sa isang iglap. 

Ang gusto lang naman niya ay maramdaman na hindi niya kailangan harapin ang lahat ng mag-isa. 

Ngunit kahit sa pinakamahirap ng pagkakataon ng buhay niya, wala pa rin ang asawa niya sa tabi niya. Pagsapit ng umaga, nagpasya ang babae na bumalik sa clinic ng kanyang kaibigan. 

Hindi niya kayang manatili sa bahay habang napakaraming tanong sa utak niya na hindi niya alam kung ano ang sagot. Kailangan niyang malaman kung ano talaga ang nangyari at kung ano ang susunod niyang dapat gawin. 

Pagdating niya, agad siyang dinala ng kaibigan sa consultation room.

"How are you holding up?" tanong ng kaibigan.

Ngumiti si Ylaine, pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"I'm fine."

"Ylaine, kilala kita."

Napabuntong-hininga siya.

"No, I'm not fine. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Natatakot ako, Scarlett. Paano kung mabuntis ako? Paano kung hindi talaga kay Mike ang sample? Paano ko haharapin ang lahat ng iyon?"

Lumapit si Scarlett at hinawakan ang kanyang kamay.

"One thing at a time. Hindi pa natin alam kung matagumpay ang procedure, at hindi pa kumpleto ang imbestigasyon. Ayokong dagdagan ang takot mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot na hindi pa tayo sigurado."

"Pero may nalaman na ba kayo tungkol sa lalaking may-ari ng sample?"

Saglit na natahimik si Scarlett.

"May confirmation na ang clinic na may isa pang pasyenteng naapektuhan ng posibleng specimen mix-up. Pero kailangan pa nilang ayusin ang mga dokumento at sundin ang tamang proseso bago ibahagi ang anumang personal na impormasyon."

Napayuko si Ylaine.

Ibig sabihin, totoong may ibang lalaking posibleng nadamay sa nangyari.

"Does he know?"

"Yes, the clinic has informed him that there's an ongoing investigation."

Napahawak siya sa noo.

Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang nararamdaman ng lalaking iyon. Kung natatakot din ba siya sa mga sa maaaring mangyari, paano pa kaya ang isang taong hindi naman niya kilala?

"Scarlett, what if he blames me? Paano kung magalit din siya sa akin?"

"Hindi mo kasalanan ang pagkakamali ng clinic, Ylaine. At hindi rin natin dapat sisihin ang ibang pasyente nang wala pang buong impormasyon."

Tumango siya, kahit hindi pa rin mapalagay.

"Can I ask you something?"

"Of course."

"Kung sakaling mabuntis ako, ano ang mangyayari sa amin?"

Hindi agad nakasagot si Scarlett.

"Depende iyon sa magiging resulta ng imbestigasyon at sa medical advice na matatanggap mo. Kailangan nating tiyakin ang lahat ng impormasyon bago gumawa ng anumang desisyon."

Napapikit si Ylaine.

Sa loob ng tatlong taon, akala niya ang pinakamahirap na bagay na maaari niyang maranasan ay ang paulit-ulit na pagkabigo sa pagkakaroon ng anak.

Hindi niya inakalang darating ang araw na matatakot siya sa mismong pangarap na matagal niyang ipinagdarasal.

Samantala, sa Montenegro International Holdings, hindi maganda ang timpla ni Adrian.

Nasa harap niya ang kanyang personal assistant, si Daniel, na may dalang bagong dokumento mula sa legal team.

"Sir, the clinic has requested a formal meeting to discuss the incident."

Kinuha ni Adrian ang folder.

"When?"

"Tomorrow morning, their administration and legal representatives will be present."

"Good. Make sure our legal team attends as well."

"Yes, sir."

Binuklat ni Adrian ang mga dokumento. Sa mga nakaraang araw, ilang beses na niyang binasa ang parehong impormasyon, ngunit wala pa rin siyang nakukuhang sagot sa mga tanong niya.

May pagkakamali sa laboratoryo.

May isa pang pasyenteng posibleng gumamit ng kanyang sample.

At may posibilidad na ang pagkakamali na iyon ay magkaroon ng pangmatagalang epekto sa buhay ng ibang tao.

Ipinatong niya ang folder sa mesa.

"Have they confirmed whether the procedure was successful?"

"Not yet, sir. The clinic hasn't provided any medical information about the other patient."

Tumango si Adrian.

Hindi niya kailangang malaman ang lahat ng personal na detalye ng babae. Ang gusto niya ay matiyak na hindi itatago ng clinic ang nangyari at hindi mapapabayaan ang sinumang naapektuhan.

"Daniel, I want this handled properly. No unnecessary pressure on the patient. We need the truth, but we also need to respect her privacy."

"Understood, sir."

Nang makalabas ang assistant, sumandal si Adrian sa kanyang upuan.

Hindi niya alam kung bakit hindi mawala sa isip niya ang posibilidad na may isang babaeng kasalukuyang dumaranas ng takot na dulot ng isang pagkakamali.

Hindi niya ito kilala.

Hindi niya alam ang pangalan nito.

Ngunit kung may buhay na mabuo dahil sa nangyari, hindi niya maaaring basta talikuran ang bagay na iyon.

Hindi dahil gusto niyang kontrolin ang buhay ng babae, kundi dahil ayaw niyang maging isa pang taong mag papabaya sa responsibilidad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 14

    “Arrange the meeting through the clinic,” sabi niya. “I don't want her to feel that I'm pressuring her. She deserves to know the truth just as much as I do.”“Understood.”Nang makalabas si Daniel, muling binasa ni Adrian ang pangalan sa report.Ylaine.Isang babaeng hindi niya kilala, na posibleng madamay sa isang pagkakamali na wala sa kanilang dalawa ang may kagustuhang mangyari.Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay.Pero isang na bagay ang sigurado siya hindi niya hahayaang mawala ang katotohanan sa gitna ng kaguluhan ito.Kinagabihan, bumalik si Ylaine sa bahay nila mag-asawa.Tahimik ang buong sala. Nasa sofa si Mike, nakatingin sa cellphone niya. Nang marinig ang pag bukas ng pinto, saglit itong tumingin sa kanya.“Saan ka galing?”Hindi sumagot ang babae, sa halip dumiretso siya sa hagdan ngunit muling nagsalita ang lalaki. “Ylaine, I'm talking to you, sumagot ka naman. Saan ka galing?”Huminto siya at humarap dito.“Sa clinic.”Biglang nagbago

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 13

    Hindi na dumiretso sa bahay si Ylaine matapos ang tawag ni Scarlett.Sa halip, ipinag-utos niya sa driver na dalhin siya sa clinic. Habang bumabyahe, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari sa family meeting.Ang mukha ni Mike habang nakaupo sa tabi ng babaeng pinagpalit sa kanya. Ang katahimikan nito nang tanungin niya kung aamin ba ito kung hindi nabuntis ang babae. At ang mga salitang tila mas inaalala pa ng kanilang mga pamilya ang batang isisilang kaysa sa sakit na dinanas niya.Napahawak siya sa singsing na suot niya, dapat na ba niyang tanggalin iyon? Tatlong taon niya itong suot, tatlong taon din niyang pinanghahawakan ang kasal nila. Kahit paulit-ulit siyang tinatanggihan ni Mike, pinilit niyang maniwala na darating ang araw na magbabago rin ang lahat.Pero ngayon, alam na niya ang katotohanan. Hindi siya ang babaeng gusto ng asawa niya, at marahil kahit kailan ay hindi talaga siya nagustuhan nito. Nang makarating siya sa clinic, agad siyang sinalubong ng kanyang kaibig

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 12

    “Kung hindi siya nabuntis, sasabihin mo ba sa akin ang totoo?”Napatigil si Mike.“Mike?”Hindi ito sumagot, at sa katahimikan na iyon nakuha na niya ang sagot. Hindi ito aamin kung walang mabigat na dahilan, marahil magpapatuloy lamang ang lahat sa likod niya. Habang siya naman ay patuloy na umaasa sa isang pagmamahal na hindi naman pala nakalaan para sa kanya. Napahawak siya sa dibdib.“Akala ko, kahit hindi mo ako mahal, igagalang mo man lang ako bilang asawa mo.”“Ylaine, hindi ko naman ginustong mangyari ito.”“Hindi mo ginusto? Pero bakit hinayaan mong mangyari? Sa dami ng babae si Suzy pa talaga? Oo hindi mo ginusto pero pinili mo. Cheating is a choice, Mike”Hindi na siya sumigaw. Hindi na rin siya umiyak ng malakas.Pagod na pagod na siya.“May gusto pa ba kayong sabihin?” tanong niya sa lahat.Nagkatinginan ang mga nakatatanda.Sa huli, ang ina ni Suzy ang nagsalita.“Hindi namin maitatanggi ang nangyari. Pero dahil buntis na siya, kailangan ni Mike na panindigan ang respo

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 11

    Buong gabing hindi nakatulog ng maayos si Ylaine, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Magkakaroon na ito ng anak sa ibang babae, ang masakit pa hindi lang basta ibang babae ang tinutukoy nito. Isa itong babaeng lumaki sa pamilya ni Mike, ang ampon ng mismong tiyan nito. Mula pagkabata, magkasama silang kumain, naglaro, at dumalo sa mga pagtitipon ng pamilya. Sa mata ng lahat, para silang tunay na magpinsan.Paano nila nagawang gawin iyon? Paano nagawa ni Mike na sirain ang kanilang pagsasama para sa isang relasyong alam niyang ikagugulat at ikasasakit ng sarili niyang pamilya? Hindi man lang ba nila naisip ang iisipin ng pamilya nila?At bakit parang siya pa ang kailangang mag-adjust?Napatingin si Ylaine sa singsing sa kanyang daliri. Tatlong taon na niya itong suot, umaasang balang araw ay magiging totoo rin ang pagmamahal na ipinangako ng kanilang kasal.Ngayon, parang wala na itong halaga.“Ma’am Ylaine, ready na po ang sasakyan,” ana

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 10

    "Is there someone else?" tanong niya sa wakas.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mike."What?""May iba ka na ba?"Hindi agad sumagot ang lalaki. At sa katahimikang iyon, lalo lamang bumigat ang pakiramdam ni Ylaine."Mike, please. Kahit ngayon lang, sabihin mo sa akin ang totoo."Tumingin ito sa ibang direksyon bago muling humarap sa kanya."There's something you need to know."Naramdaman ni Ylaine na bumilis ang tibok ng kanyang puso."Ano iyon?"Huminga ng malalim si Mike."She's pregnant."Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid, halos hindi agad naintindihan ng babae ang sinabi nito. "Who's pregnant?"Hindi sumagot si Mike.Nagsimula nang manginig ang kanyang mga kamay."Mike, sino?"Ilang segundo pa ang lumipas bago nito ibinigay ang sagot na kinatatakutan niyang marinig."She's pregnant with my child."Napahawak si Ylaine sa gilid ng mesa, hindi niya alam kung paano siya nakahinga pagkatapos marinig iyon. Alam niyang may posibilidad na may ibang babae sa buhay n

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 9

    Magkasabay na pumasok pabalik ng conference room sina Ylaine at Adrian. Wala sa kanilang dalawa ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa kanila sa mga susunod na araw.Ngunit sa unang pagkakataon, hindi na lamang pangalan sa isang dokumento ang isa't isa.Nagkaharap na sila.At kahit wala pang malinaw na sagot sa kanilang mga tanong, may isang bagay nang nagbago.Natapos ang meeting ng walang ganap na kasiguraduhan.Nangako ang clinic na magbibigay ng karagdagang ulat matapos ang masusing pagsusuri sa mga rekord. Pinayuhan din si Ylaine na sundin ang iskedyul ng follow-up at makipag-ugnayan agad sa kanyang doktor kung may mga katanungang medikal.Bago umalis, nilapitan siya ng kinatawan."We'll contact you as soon as we have verified information, Ms. Ylaine.""Thank you."Paglabas niya ng clinic, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang bag. Wala pa rin siyang sagot sa pinakamahalagang tanong sa isip niya. Hindi niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status