Share

Chapter 7

Author: Veyra Voss
last update publish date: 2026-10-24 16:00:25

Pagsapit ng hapon, umuwi si Ylaine na mabigat pa rin ang dibdib. Tahimik ang bahay, wala na naman ang asawa niya. Wala rin siya natanggap na mensahe mula rito mula nang umalis ito kaninang umaga. 

Nagpalit na siya ng pambahay at naupo sa sofa, kinuha niya ang cellphone at binuksan ang kanilang mga lumang picture. 

May mga litrato sila noong araw ng kanilang kasal. Sa bawat kuha, maayos ang suot ni Mike, pero hindi niya maalala kung minsan ba itong ngumiti nang totoo habang magkasama sila.

Sa isang litrato, nakatingin siya sa asawa habang nakaharap naman ito sa camera.

Noon, inisip niyang baka nahihiya lamang si Mike. Pero ngayon, alam na niyang hindi lang talaga nito gustong maikasal sa kanya. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang cellphone bago kinausap ang sarili. 

"Hanggang kailan ba ako kakapit?" bulong niya.

Walang sumagot, dahil miski siya ay hindi niya alam ang sagot. 

At sa katahimikang iyon, unang beses niyang tinanong ang sarili kung ang pagmamahal ba niya kay Mike ay sapat na dahilan para manatili sa isang pagsasama na patuloy na sumisira sa kanya.

Hindi man niya alam ang sagot, pero alam niya sa sarili niya na pagod na siya. Pagod na siyang maghintay sa pagmamahal na hindi dumarating, pagod na siyang umasa sa bawat maliit nakabutihang pinapakita ng asawa. At higit sa lahat, pagod na siyang sisihin ang sarili niya sa mga bagay na hindi naman niya kayang kontrolin. 

Bumalik sa ulirat si Ylaine nang biglang tumunog ang cellphone niya, isa itong message mula kay Scarlett.

“Ylaine, the clinic has scheduled a meeting with the patient involved in the specimen mix-up. They want to discuss the next steps with everyone concerned.”

Matagal na tinitigan ni Ylaine ang mensahe.

The patient involved.

Hindi niya alam kung sino ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung paano siya haharap dito, o kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nagkaharap sila.

Ngunit alam niyang hindi na maaaring manatili sa dilim ang lahat, kailangan niya harapin ang katotohanan gaano man ito kasakit. 

Nag-type siya ng maikling sagot. 

“Okay, please tell me when.”

Pagkatapos niyang ipadala ang mensahe, inilapag niya ang cellphone at napahawak sa kanyang tiyan.

Wala pa siyang alam tungkol sa magiging resulta ng procedure, wala pa siyang kasiguraduhan kung magkakaroon siya ng anak. At mas wala siyang ideya kung ano ang magiging papel ng lalaking ‘yon sa kanyang buhay. 

Ngunit sa unang pagkakataon, hindi lamang siya umaasa. Naghahanda na rin siyang harapin ang anumang katotohanang naghihintay sa kanya.  

Dahil anuman ang mangyari, ayaw na niyang habambuhay na maging babaeng naghihintay sa isang lalaking hindi naman siya kayang piliin.

Hindi pa alam ni Ylaine na sa kabilang panig ng lungsod, ang lalaking matagal nang naghihintay ng mga sagot ay naghahanda na ring harapin ang babaeng hindi niya sinasadya na makilala.

At ang kanilang unang pagkikita ay maaaring magbukas ng pintong hindi na nila maisasara kailanman.

Hindi na nag-abala pa si Ylaine na hintayin ang reply ni Scarlett, mas lalo namang hindi na siya nag-hintay sa pag-uwi ng kanyang asawa. Dahil alam naman niya na gabing-gabi na naman ito uuwi o hindi na naman uuwi. 

Umakyat siya sa kwarto at mas pinili na lang itulog ang mga tanong sa kanyang isipan. 

***

Maagang nagising si Ylaine kinabukasan, halos buong gabi na naman siyang hindi nakatulog kakaisip sa meeting na gaganapin sa clinic.

Hindi niya alam kung sino ang lalaking posibleng may-ari ng sampole na nagamit sa kanyang procedure. Hindi rin niya alam kung paano ito haharapin kapag nalaman na nito ang tunay na nangyari. 

Ang dami niyang gusto itanong, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula. Iniisip niya kung paano kung magalit ito sa kanya? Paano kung sisihin siya nito sa pagkakamali na hindi naman siya ang gumawa. At paano kung maging matagumpay ang procedure at mabuntis nga siya?

Napapikit siya habang hawak ang laylayan ng kanyang dress. Hindi niya kailanman ginustong mapasama sa ganitong sitwasyon. 

Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng anak kasama ang lalaking pinakasalan at minahal niya. Ngunit ngayon, maging ang pangarap niyang iyon ay tila nagiging dahilan pa para tuluyan siyang mawalan ng kapayapaan. 

“Ma’am Ylaine, breakfast na po kayo.”

Napalingon siya nang biglang may kumatok na kasambahay sa p***o.

“Thank you, pero mamaya na lang ako kakain.”

Wala siyang ganang kumain, hindi rin niya alam kung bakit pero hindi niya kayang kumain sa dami ng iniisip niya. 

“Pero Ma’am hindi pa po kayo kumakain simula kagabi.” nag aalalang sigaw ng kasambahay sa labas ng kanyang kwarto. 

Ngumiti siya ng pilit, buti pa ang kasambahay nag aalala sa kanya. Samantalang ang asawa niya, ni hindi na naman umuwi kagabi. 

“Wala akong gana, mamaya na lang.”

Nang hindi na sumagot ang kasambahay, kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung may message mula kay Mike. 

Bumagsak ang balikat niya nang makita niyang miski tawag ay wala. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang bumangon. Hindi na dapat siya umasa pa, kung hindi man siya kayang damayan nito sa panahong kailangan niya ito. Wala siyang magagawa kundi ang harapin ng mag-isa ang kanyang problema. 

Exactly 10 am nang makarating si Ylaine sa clinic. Pagpasok niya sa lobby, agad siyang sinalubong ng secretary at hinatid sa isang conference room sa second floor.

"Please wait here, Ma'am. The clinic representatives will be joining you shortly."

"Thank you."

Pagkasara ng p***o, napaupo si Ylaine sa isa sa mga upuan.

Malawak ang silid, may mahabang mesa sa gitna at malalaking salaming bintana na tanaw ang mga gusali sa labas. Nasa mesa na rin ang ilang dokumento at mga basong may tubig.

Pinagmasdan niya ang mga iyon habang pinipilit pakalmahin ang sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang p***o.

Unang pumasok ang dalawang lalaking nakasuot ng pormal na suit, kasunod ang isang babaeng kinatawan ng clinic.

Tumayo si Ylaine upang bumati.

"Good morning."

"Good morning, Ms. Ylaine," sagot ng babae. "Thank you for coming. We appreciate your cooperation while we investigate this matter."

Tumango siya.

"Is the other patient here?"

"We're expecting him shortly."

Muli siyang naupo.

Hindi niya alam kung bakit lalo siyang kinakabahan habang lumilipas ang mga segundo.

Hanggang sa muling bumukas ang p***o.

At sa pagkakataong iyon, tatlong tao ang pumasok.

Ang unang lalaki ay may matangkad na pangangatawan, maayos na itim na buhok, at matalim na mga matang tila walang anumang nakalalampas sa kanyang pansin. Nakasuot ito ng itim na suit na bumagay sa matipunong tindig nito. Sa likuran niya ay isang lalaking may dalang dokumento, na malamang ay ang kanyang assistant, at isa pang lalaki na may dalang briefcase.

Hindi alam ni Ylaine kung bakit bigla siyang natahimik.

May kakaibang awtoridad sa presensya ng lalaki. Hindi nito kailangan magsalita ng malakas para mapansin ng lahat ang pagdating nito.

"Mr. Adrian Alexander Montenegro," pakilala ng kinatawan ng clinic.

Adrian Montenegro, iyon ang pangalan ng lalaki na may-ari ng sample na posibleng nagamit sa kanyang procedure. 

Dahan-dahang tumayo ang babae, sa kabilang panig ng mesa saglit na napatingin ang lalaki sa kanya. 

***

Pinasadahan ni Adrian ang babae, simple lang ang suot nito. Halos walang make-up at halatang kinakabahan. Hindi ito katulad ng mga taong karaniwan niyang nakakaharap sa mga business meeting. 

Wala itong kasamang abogado o assistant, mag-isa lamang itong nakatayo habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bag. 

Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa unang tingin pa lang ay napansin na niyang tila pagod na pagod ang babae.

"Ms. Ylaine?" tanong ng kinatawan.

"Yes."

"Mr. Montenegro, this is the patient whose procedure may have been affected by the specimen identification error."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 14

    “Arrange the meeting through the clinic,” sabi niya. “I don't want her to feel that I'm pressuring her. She deserves to know the truth just as much as I do.”“Understood.”Nang makalabas si Daniel, muling binasa ni Adrian ang pangalan sa report.Ylaine.Isang babaeng hindi niya kilala, na posibleng madamay sa isang pagkakamali na wala sa kanilang dalawa ang may kagustuhang mangyari.Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay.Pero isang na bagay ang sigurado siya hindi niya hahayaang mawala ang katotohanan sa gitna ng kaguluhan ito.Kinagabihan, bumalik si Ylaine sa bahay nila mag-asawa.Tahimik ang buong sala. Nasa sofa si Mike, nakatingin sa cellphone niya. Nang marinig ang pag bukas ng pinto, saglit itong tumingin sa kanya.“Saan ka galing?”Hindi sumagot ang babae, sa halip dumiretso siya sa hagdan ngunit muling nagsalita ang lalaki. “Ylaine, I'm talking to you, sumagot ka naman. Saan ka galing?”Huminto siya at humarap dito.“Sa clinic.”Biglang nagbago

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 13

    Hindi na dumiretso sa bahay si Ylaine matapos ang tawag ni Scarlett.Sa halip, ipinag-utos niya sa driver na dalhin siya sa clinic. Habang bumabyahe, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari sa family meeting.Ang mukha ni Mike habang nakaupo sa tabi ng babaeng pinagpalit sa kanya. Ang katahimikan nito nang tanungin niya kung aamin ba ito kung hindi nabuntis ang babae. At ang mga salitang tila mas inaalala pa ng kanilang mga pamilya ang batang isisilang kaysa sa sakit na dinanas niya.Napahawak siya sa singsing na suot niya, dapat na ba niyang tanggalin iyon? Tatlong taon niya itong suot, tatlong taon din niyang pinanghahawakan ang kasal nila. Kahit paulit-ulit siyang tinatanggihan ni Mike, pinilit niyang maniwala na darating ang araw na magbabago rin ang lahat.Pero ngayon, alam na niya ang katotohanan. Hindi siya ang babaeng gusto ng asawa niya, at marahil kahit kailan ay hindi talaga siya nagustuhan nito. Nang makarating siya sa clinic, agad siyang sinalubong ng kanyang kaibig

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 12

    “Kung hindi siya nabuntis, sasabihin mo ba sa akin ang totoo?”Napatigil si Mike.“Mike?”Hindi ito sumagot, at sa katahimikan na iyon nakuha na niya ang sagot. Hindi ito aamin kung walang mabigat na dahilan, marahil magpapatuloy lamang ang lahat sa likod niya. Habang siya naman ay patuloy na umaasa sa isang pagmamahal na hindi naman pala nakalaan para sa kanya. Napahawak siya sa dibdib.“Akala ko, kahit hindi mo ako mahal, igagalang mo man lang ako bilang asawa mo.”“Ylaine, hindi ko naman ginustong mangyari ito.”“Hindi mo ginusto? Pero bakit hinayaan mong mangyari? Sa dami ng babae si Suzy pa talaga? Oo hindi mo ginusto pero pinili mo. Cheating is a choice, Mike”Hindi na siya sumigaw. Hindi na rin siya umiyak ng malakas.Pagod na pagod na siya.“May gusto pa ba kayong sabihin?” tanong niya sa lahat.Nagkatinginan ang mga nakatatanda.Sa huli, ang ina ni Suzy ang nagsalita.“Hindi namin maitatanggi ang nangyari. Pero dahil buntis na siya, kailangan ni Mike na panindigan ang respo

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 11

    Buong gabing hindi nakatulog ng maayos si Ylaine, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Magkakaroon na ito ng anak sa ibang babae, ang masakit pa hindi lang basta ibang babae ang tinutukoy nito. Isa itong babaeng lumaki sa pamilya ni Mike, ang ampon ng mismong tiyan nito. Mula pagkabata, magkasama silang kumain, naglaro, at dumalo sa mga pagtitipon ng pamilya. Sa mata ng lahat, para silang tunay na magpinsan.Paano nila nagawang gawin iyon? Paano nagawa ni Mike na sirain ang kanilang pagsasama para sa isang relasyong alam niyang ikagugulat at ikasasakit ng sarili niyang pamilya? Hindi man lang ba nila naisip ang iisipin ng pamilya nila?At bakit parang siya pa ang kailangang mag-adjust?Napatingin si Ylaine sa singsing sa kanyang daliri. Tatlong taon na niya itong suot, umaasang balang araw ay magiging totoo rin ang pagmamahal na ipinangako ng kanilang kasal.Ngayon, parang wala na itong halaga.“Ma’am Ylaine, ready na po ang sasakyan,” ana

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 10

    "Is there someone else?" tanong niya sa wakas.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mike."What?""May iba ka na ba?"Hindi agad sumagot ang lalaki. At sa katahimikang iyon, lalo lamang bumigat ang pakiramdam ni Ylaine."Mike, please. Kahit ngayon lang, sabihin mo sa akin ang totoo."Tumingin ito sa ibang direksyon bago muling humarap sa kanya."There's something you need to know."Naramdaman ni Ylaine na bumilis ang tibok ng kanyang puso."Ano iyon?"Huminga ng malalim si Mike."She's pregnant."Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid, halos hindi agad naintindihan ng babae ang sinabi nito. "Who's pregnant?"Hindi sumagot si Mike.Nagsimula nang manginig ang kanyang mga kamay."Mike, sino?"Ilang segundo pa ang lumipas bago nito ibinigay ang sagot na kinatatakutan niyang marinig."She's pregnant with my child."Napahawak si Ylaine sa gilid ng mesa, hindi niya alam kung paano siya nakahinga pagkatapos marinig iyon. Alam niyang may posibilidad na may ibang babae sa buhay n

  • My Husband's Betrayal: The CEO's Heir   Chapter 9

    Magkasabay na pumasok pabalik ng conference room sina Ylaine at Adrian. Wala sa kanilang dalawa ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa kanila sa mga susunod na araw.Ngunit sa unang pagkakataon, hindi na lamang pangalan sa isang dokumento ang isa't isa.Nagkaharap na sila.At kahit wala pang malinaw na sagot sa kanilang mga tanong, may isang bagay nang nagbago.Natapos ang meeting ng walang ganap na kasiguraduhan.Nangako ang clinic na magbibigay ng karagdagang ulat matapos ang masusing pagsusuri sa mga rekord. Pinayuhan din si Ylaine na sundin ang iskedyul ng follow-up at makipag-ugnayan agad sa kanyang doktor kung may mga katanungang medikal.Bago umalis, nilapitan siya ng kinatawan."We'll contact you as soon as we have verified information, Ms. Ylaine.""Thank you."Paglabas niya ng clinic, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang bag. Wala pa rin siyang sagot sa pinakamahalagang tanong sa isip niya. Hindi niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status