Share

2

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-08-06 15:13:15

ELYRIA

Buong gabi akong halos hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nadatnan ko sa kuwarto naming mag-asawa. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya binabanggit ang pangalan ni Valentina habang pinapaligaya niya ang sarili niya.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka nagkakamali lang ako. Baka may ibang Valentina siyang tinutukoy. Baka nagkataon lang.

Hindi puwedeng ang pinsan ko.

Lumaki kaming parang magkapatid. Inampon ni Daddy si Valentina at itinuring na rin niya itong sariling anak matapos mamatay ang mga magulang nito.

Hindi magagawa iyon sa akin ni Valentina. Hindi nila magagawa iyon sa akin.

“Hay naku! Nabubuang na yata ako,” naiiling kong sabi sa sarili.

Bandang alas-siyete ng umaga, bumaba ako sa dining room.

Nandoon na si Caelan. Tahimik siyang nagbabasa ng business newspaper habang umiinom ng kape. Nang marinig niya ang mga yabag ko, ibinaba niya ang diyaryo at tumingin sa akin.

"Good morning,” wika niya.

"Good morning."

Umupo ako sa tapat niya. Agad lumapit ang kasambahay para ihain ang almusal. Tahimik kaming kumain sa loob ng ilang minuto. Karaniwan na sa amin ang ganitong setup. Hindi kami madaldal sa isa't isa, pero hindi rin kami nag-aaway. Habang hinihiwa ko ang bacon sa plato ko, palihim ko siyang pinagmasdan.

Kalmado ang ekspresyon ng mukha niya. Wala kang makikitang kahit anong senyales na may itinatago siya. Kung hindi dahil sa narinig ko kagabi, iisipin kong normal lang ang lahat. Humigop siya ng kape bago ako tiningnan.

"May problema ba? Bakit nakatingin ka sa akin ng ganiyan?”

"Wala naman.”

"Sigurado ka?"

Napalunok ako ng laway bago bumuka ang bibig ko.

"May itatanong lang sana ako."

"Sige…ano ba iyon?”

"Close ba kayo ni Valentina?"

Napahinto siya sa pag-inom ng kape. Halos isang segundo lang iyon, pero napansin ko. Parang nagulat siya sa tingin ko.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Ewan. Naisip ko lang. Nagtatrabaho siya sa kumpanya ninyo pero bihira ko kayong makitang magkasama. Kaya na-curious lang ako."

Ibinalik niya ang tasa sa mesa.

"Hindi.”

"Hindi?"

"Nagkikita naman kami paminsan-minsan sa office. Pero hindi naman kami close. CEO ako, Ely. Araw-araw akong may meeting. Siya naman, may sarili ring trabaho. Hindi ko naman puwedeng kausapin ang lahat ng empleyado araw-araw."

"Ah..."

"Kapag may report siya o may kailangan sa opisina ko, saka lang kami nagkakausap. Hanggang doon lang.”

Bumalik na ulit ako sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Pakiramdam ko may mali na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit narinig kong binibigkas niya ang pangalan ni Valentina kagabi. Pero wala akong lakas ng loob.

Paano kung mali lang pala ako?

Paano kung masira ko lang ang samahan naming mag-asawa dahil sa isang bagay na hindi ko naman sigurado?

Tinapos namin ang almusal nang walang ibang napag-usapan. Pagkatapos noon, magkasabay kaming lumabas ng bahay pero magkaibang sasakyan ang sinakyan namin.

PAGDATING ko sa Ashbourne Group, pilit kong ibinaon ang sarili ko sa trabaho. Sunod-sunod ang meeting. May mga dokumentong kailangang pirmahan. May reports na kailangang basahin. Pero kahit anong pilit kong mag-concentrate, wala akong maintindihan sa mga numerong nasa harapan ko.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari kagabi. At paulit-ulit ding bumabalik ang sagot ni Caelan kaninang umaga.

"Hay naku! Ano ba itong naiisip ko? May iba nga ba talaga ang asawa ko? O tamang hinala lang ako?” mahina kong bulong.

Kung hindi sila close, bakit pangalan ni Valentina ang binabanggit niya?

Napabuntong-hininga ako at isinara ang folder na hawak ko. Napansin iyon ng secretary ko.

"Ma'am Elyria, okay lang po ba kayo?"

Ngumiti ako ng tipid.

"Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko."

"Kung gusto ninyo, ililipat ko na lang po ang meeting ninyo ngayong hapon."

"Hindi na. May aasikasuhin lang ako sa labas."

Mabilis kong kinuha ang handbag ko. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan kong makita. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako mapakali.

Pero isa lang ang alam ko at iyon ay kailangan kong makita si Caelan.

PAGDATING ko sa Valmont Group, magalang akong binati ng receptionist.

"Good afternoon, Mrs. Valmont."

"Good afternoon. Susunduin ko lang ang asawa ko."

"Of course, ma'am."

Kilala ako ng halos lahat ng empleyado roon. Walang nagtangkang pigilan ako habang naglalakad papunta sa executive floor. Huminto ako sa harap ng opisina ni Caelan. Bahagyang nakabukas ang p***o kaya nagtaka ako dahi dapat, nakasara iyon palagi.

Dahan-dahan ko iyong itinulak ito. At doon tuluyang gumuho ang lahat ng pilit kong pinaniniwalaan. Sa loob ng opisina, mahigpit na nakayakap si Caelan sa isang babae habang nakakandong ito sa kanya. Tila enjoy na enjoy silang naghahalikang dalawa. Parang tumigil ang oras nang makilala ko ang mukha ng babae.

Dahil iyon ay walang iba kun'di ang pinsan kong itinuring ko ng parang kapatid.

Si Valentina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Husband's Endless Regret    14

    ELYRIAKINABUKASAN, maaga akong nagising kahit pakiramdam ko ay halos wala akong tulog. Ilang segundo akong nakahiga habang nakatitig sa kisame bago ko tuluyang naalala ang nangyari sa ospital. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako sa study room dahil sinabi ng family lawyer namin na kailangan naming ayusin ang mga dokumento ni Daddy bago magsimula ang funeral arrangements.Pagpasok ko sa study room, nakita ko agad ang ilang folder na nakapatong sa malaking mesa. Naroon na ang family lawyer namin kasama ang dalawang legal staff ng Ashbourne Group."Good morning, Miss Elyria. Alam kong napakabigat ng sitwasyon ninyo ngayon, pero kailangan nating ayusin ang ilang dokumento dahil bilang nag-iisang anak ni Mr. Ashbourne, kayo ang magiging legal successor ng ilang personal at corporate interests na naiwan niya."Umupo ako sa tapat niya at tumingin sa mga folder. "Alam kong kailangan kong gawin iyon, Attorney, pero gusto kong ipaliwanag ninyo sa akin ang bawat dokumento bago ako p

  • My Husband's Endless Regret    13

    STEVEN NANLAKI ang mga mata ko sa sinabi niya.Hindi ko agad napansin ang pagbabago sa monitor dahil nakatingin ako sa kanya.“Steven, alam kong hindi na ako magtatagal. Ano mang oras, puwede na akong mawala.”"Sir, huwag po kayong magsalita ng ganoon. Magpapahinga muna kayo at gagaling kayo. Kapag naging stable na kayo, kayo mismo ang kakausap sa board at tutulungan ninyo si Elyria na ayusin ang kumpanya."Hindi na siya sumagot nang muli siyang pumikit. Napansin kong hindi na gumagalaw ang dibdib niya gaya kanina."Sir?"Tiningnan ko ang monitor. Biglang naging tuloy-tuloy ang tunog nito at nagkaroon na ng flat line. Tumayo ako agad at pinindot ang call button."Nurse!"Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse. Kasunod nila ang doktor."Step outside, Mr. Laurent."Lumabas ako ngunit nanatili ako malapit sa pintuan. Naririnig ko ang mga utos ng doktor habang sinusubukan nilang i-revive si Adrian."Start CPR.""Prepare the medication.""Again."Hindi ako makagalaw hab

  • My Husband's Endless Regret    12

    STEVENPAGKARATING namin sa ospital, diretso kami ni Elyria sa ICU. Halata sa mukha niya ang pagod dahil ilang araw na siyang halos walang maayos na tulog. Kanina pa siya nakikipag-usap sa board at alam kong hindi naging madali para sa kanya ang buong meeting dahil bukod sa problema ng kumpanya, iniisip din niya ang kalagayan ng Daddy niya.Pagdating namin sa hallway ng ICU, agad siyang tumingin sa loob ng kuwarto ni Adrian."Pwede ba akong pumasok?""Tatanungin natin ang nurse, pero bago iyon, kumain ka muna."Napatingin siya sa akin."Steven, hindi ako gutom.""Alam kong hindi mo nararamdaman na gutom ka, pero buong araw ka ng halos walang kinakain. Kanina sa conference room, ilang oras kang nakaupo at nakikipagtalo sa board. Hindi mo puwedeng ipilit ang sarili mo hanggang sa ikaw naman ang bumagsak.""Marami pa akong kailangang gawin.""Alam ko, pero hindi mawawala ang mga problema ng Ashbourne dahil lang kumain ka ng ilang minuto. Mas kailangan mong may lakas ka dahil mas marami k

  • My Husband's Endless Regret    11

    ELYRIA"Wala ka namang magagawa,” nakangising sabi ni Damian.Mabilis akong tumayo."Huwag kang masyadong kampante.""Ano ang gagawin mo? Tatanggalin mo ako? Kailangan mo muna ng board approval. Babaligtarin mo ang resolution? Kailangan mo ulit silang kumbinsihin. Maghahanap ka ng bagong investors? Samantalang ako, may existing investors na handang sumuporta sa akin. Gusto mong harapin ako ngayon habang nasa ICU ang Daddy mo at ikaw pa mismo ang kailangang mag-asikaso ng kumpanya?""Kumpanya ng Daddy ko ito.""Sa ngayon.""At hindi ito magiging iyo."Muli siyang ngumisi."Ang gusto ko sa iyo, Elyria, matapang ka pa rin kahit alam mong wala ka nang sapat na resources para labanan ako. Pero huwag kang mag-alala. Hindi kita mamadaliin. Mas gusto kong makita kung gaano katagal mong kayang lumaban bago mo tanggapin na hindi mo na kayang iligtas ang kumpanya.""Hindi ako susuko.""Sinabi mo na iyan.""At uulitin ko hanggang marinig mo.""Ulitin mo kahit ilang beses. Hindi naman mababago ng

  • My Husband's Endless Regret    10

    ELYRIAHindi agad natapos ang meeting pagkatapos ng mungkahi ng senior board member. Ilang minuto pang pinag-usapan ng mga directors ang magiging saklaw ng temporary authority na ibibigay kay Damian. At habang pinagmamasdan ko silang isa-isang nagbibigay ng opinyon, lalo kong nararamdaman ang inis sa dibdib ko. Gusto kong tumutol sa lahat ng sinasabi nila, pero alam kong kailangan kong maging maingat. Kapag nawalan ako ng composure sa harap ng board, lalo lamang akong gagamitin ni Damian bilang dahilan para sabihin nilang hindi pa ako handang humawak ng kumpanya.Sa kabilang bahagi ng mesa, tahimik lamang si Damian. Nakaupo siya nang maayos at paminsan-minsan ay tumatango kapag may nagsasalita. Para siyang isang taong walang pakialam kung ibibigay ba sa kanya ang authority o hindi, pero kilala ko na siya ngayon. Alam kong iyon lamang ang ipinapakita niya sa harap ng ibang tao."Kung wala ng ibang objection, maaari na nating ilagay sa board resolution ang temporary authority ni Damian

  • My Husband's Endless Regret    9

    ELYRIABandang alas-siyete, bumalik ako sandali sa ICU upang tingnan si Daddy bago kami umalis. Hindi ko siya maaaring makausap dahil sedated pa siya, pero ilang minuto akong nakatayo sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya bago ako tuluyang lumabas.Pagdating namin sa Ashbourne Group, agad kong napansin ang kakaibang tensiyon sa buong building. May ilang executives na mabilis na naglalakad patungo sa conference room at may mga empleyadong nag-uusap nang mahina. Alam kong kumalat na ang nangyari noong nakaraang araw..Pagpasok ko sa conference room, halos kumpleto na ang board.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Damian. Kasunod niya si Valentina. Napansin kong kalmado ang expression ni Damian. Kung hindi ko alam ang totoong ugali niya, iisipin kong isa siya sa mga taong pinakanaaapektuhan sa nangyari kay Daddy. Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko."Elyria, kumusta ang Daddy mo? Nabalitaan kong nasa ICU pa rin siya. Kung kailangan ninyo ng kahit a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status