تسجيل الدخولELYRIA
“MGA HAYOP KAYO!” Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng opisina. At gulat na gulat silang dalawa nang mapatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang galit na bumabalot sa katawan ko sa mga oras na iyon. Kahit na arrange marriage ang nangyari sa amin ni Caelan, hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya. O kahit na sabihin na nating… hindi ako dapat nag-expect na mahalin niya ako pabalik, dapat sana ay may respeto man lang niya ako bilang asawa niya. “Paano mo nagawa ito sa akin, Valentina? Itinuring kitang parang kapatid. Hinayaan kitang makapasok sa bahay namin. Lahat ng gusto mo at pangangailangan mo ay binigay ni Daddy para sa iyo. Tapos ganito ang gagawin mo sa akin?” Inilipat ko ang tingin ko kay Caelan. “At ikaw naman, Caelan…Alam kong hindi mo ako mahal pero dapat may respeto naman lang ako bilang asawa mo. O 'di kaya nakipag-divorce ka na lang sa akin at hindi mo na ako niloko pa. Matatanggap ko pa iyon kaysa sa ginawa mong ito!” Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Valentina. At pagkatapos ay lumapit siya sa akin. “Ano ba kung bakit ko 'to nagawa sa iyo? Kasi nasa iyo na ang lahat…samantalang ako wala man lang akong kahit ano. Ikaw, masaya ka kahit na wala na ang Mommy mo dahil nandiyan pa rin ang Daddy mo. Samantalang ako, wala man lang akong kahit ano at wala rin akong kapatid.” “Eh ano ngayon? Kasalanan ko ba kung namatay ang mga magulang mo para gawin mo ito sa akin?” “Hindi, pero kasi bida-bida ka masyado. Alam mo na ngang may gusto ako kay Caelan pero talagang pinush mo na pakasalan ka niya. Hindi ka ba masyadong desperado doon? Kasi alam mong hindi ka naman mahal ni Caelan pero talagang pumayag ka na ikasal kayong dalawa.” Hindi na ako nakapagtigil pa. Mabilis akong lumapit Kay Valentina at saka sinampal nang ubod ng lakas. Sinubukan pa akong awatin ni Caelan pero malakas ko siyang itinulak. Mabuti na lang talaga, nahilig akong mag-aral ng martial arts bago ako na-busy sa kumpanya. “Aray ko! Tang1na ka bitawan mo ako, Elyria!” sigaw ni Valentina habang hawak ko ang buhok niya. Hindi ako tumigil at wala akong balak na bitawan na lang siya ng ganoon. Ang gusto ko ay talagang makaganti ako ng sobra. Kaya naman basta ko na lang inihampas ang ulo niya sa lamesa doon at pagkatapos ay inihagis ko siya. Tumama ang likuran niya sa pader habang ako naman ay niyakap ni Caelan. Ubod ng lakas akong kumawala sa pagkakayakap niya at pagkatapos ay sinipa ko siya sa bayág. “Punyéta ka! Kakapal ng pagmumukha niyong lokohin ako! Lalong-lalo ka na, Valentina! Sobrang kapal ng mukha mo! Pasalamat ka ngang inampon ka namin tapos ito pa ang isusukli mo? Wala kang kwenta! Magsama kayong dalawa!” Mabilis akong naglakad palabas ng opisina na iyon. Hindi ako naroon para magmakaawa dahil lang nahuli ko siyang nagloko. Magsama silang dalawa. Oo masakit sa akin na niloko ako ng asawa ko pero… hindi ibig sabihin noon, dapat akong magmakaawa sa kanya na piliin ako. Mabilis akong nagmaneho patungo sa condo unit ni Vina. Nagulat nga siya nang makita ako. Hindi ko napigilang mapaiyak na lang kaya niyakap niya ako ng mahigpit. “Hoy, gaga ka! Ano ang nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin habang hinahaplos ang likuran ko. Kumalas ako ng yakap sa kanya at pagkatapos marahas kong pinahid ang luha ko. Hindi ko dapat iniiyakan ang lalaking iyon dahil wala naman siyang kwenta. Alam ko sa sarili ko na hindi naman ako perpektong babae, pero ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa para sa kanya. Malungkot akong tumingin kay Vina at pagkatapos doon po sinabi sa kanya ang lahat. Nakakunot ang kanyang noo habang nakikinig sa mga sinasabi ko. “Sobrang kapal ng pagmumukha ng Valentina na iyon. Nakakatawa ang sinabi niyang palusot kaya niya nagawang ahasin ang asawa ko. Alam mo yung wala naman akong kasalanan kung ano ang nangyayari sa buhay niya, na dapat sana magpasalamat siya sa akin dahil inampon namin siya ni Daddy? Pero tingnan mong ginawa niya… ang landi niyang hay0p siya.” “Sobrang kati ng pudày niya! Dapat doon tinatapyasan ang bilat! Kapal ng pagmumukha niya! Sobra! Akala mo naman kinaganda niya ang ginawa niya! Kabet! Ahas!” gigil na wika ni Vina. “Pero alam mo naisip ko na tama lang din na nangyari ito. At least nalaman ko na wala na talaga mangyayari sa pagsasama namin ni Caelan. Iniisip ko na lang na inalisan ako ng lalaking walang kwenta.” “Siyang tunay! At least hindi masasayang ang maraming taon mong makasama ang isang lalaking manloloko! Ang dami-dami pang lalaki diyan! Lumandi ka rin pero sa tamang lalaki na.” Dahan-dahan akong napaupo sa sofa at saka napahawak sa ulo. “Siguro, sa susunod ko na muna iisipin iyan. Ang kailangan kong gawin ay mag-focus sa kumpanya. At isa pa, sigurado akong matutuwa lang ang dalawang iyon kapag nakita nila akong nalulugmok. Ang kailangan kong gawin ay maging masaya.” *Correct ka diyan! Sabihin mo na agad sa daddy mo para mapalayas na iyan sa inyo!” Mabagal akong tumango bago mapait na ngumiti. PAGKAUWI KO SA BAHAY, sinabi ko agad ang lahat kay Daddy. Hindi ako umiyak Habang kinukwento sa kanya ang nangyari. Dahil gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado kahit nasa totoo lang ay masakit ang kalooban ko. “Anak…patawarin mo ako. Dapat sana, hindi ko na lang kayo ipinakasal dalawa.” “Ayos lang po, Daddy. Wala na rin naman kayong magagawa. Bukas na bukas, magpa-file na ako ng divorce papers.” “Okay sige, anak. Magpahinga ka na. May tatawagan lang akong tao para alisin lahat ang gamit ni Valentina dito. Hinding-hindi na makakatapak pa dito ang babaeng iyon. Ipinapangako ko sa iyo iyan, anak.” Tipid akong ngumiti bago umakyat sa patungo sa kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at saka tumingin sa kisama. Bumalik ulit sa isipan ko ang nakita ko. At sa mga oras na iyon, kumukulo ang dugo ko. “Pagbabayaran niyong dalawa ang ginawa niyo sa akin. Sisiguraduhin kong luluhod kayo sa harapan ko balang-araw…”ELYRIAMATALIM akong napatingin kay Damian na kasama si Valentina. Pareho silang maayos ang itsura at parang wala lang nangyari sa conference room kanina. Si Damian ay nakasuot pa rin ng suit niya habang si Valentina, may hawak na handbag at naglalakad sa tabi niya.Hindi na ako nagtaka kung bakit sila naroon. Alam kong kailangan nilang magpakitang-tao, lalo na si Damian. Maraming tao sa ospital na nakakakilala sa kanya bilang matalik na kaibigan ng Daddy ko. Kung bigla siyang hindi magpapakita pagkatapos isugod sa ospital si Daddy, siguradong mapapansin iyon ng mga tao.Lumapit sila sa akin."Anong ginagawa mo dito?"Ngumisi si Damian at tumingin sa pintuan ng emergency room."Nandito ako para tingnan kung okay pa ba ang Daddy mo. Kasi sa tingin ko, baka hindi na siya magtagal.""Hay0p ka!" galit kong sigaw.Tumawa lang siya na para bang wala siyang sinabing masama."Relax. Huwag ka naman masyadong mainit ang ulo mo diyan. Kaibigan ko pa rin naman ang Daddy mo kaya medyo may kauntin
ELYRIAMabilis akong lumabas ng conference room habang inalalayan ko si Daddy. Halos hindi na niya maayos na maihakbang ang mga paa niya at buong bigat ng katawan niya ay nakasandal sa akin. Ilang segundo lang ang lumipas nang makarinig kami ng mga yabag mula sa mga taong nasa labas ng conference room. May isa sa mga empleyado ang agad tumawag ng ambulansya habang ang iba naman ay tumulong sa akin na ihiga si Daddy sa malapit na sofa."Daddy, naririnig ninyo ba ako?"Hindi siya agad sumagot. Nakapikit ang mga mata niya habang pilit na humihinga. Nanginginig ang kamay niya at patuloy niyang hawak ang kaliwang bahagi ng dibdib niya."Sir Adrian, subukan ninyo pong huwag munang magsalita," sabi ng isa sa mga empleyado.Hindi ko na halos napapansin ang mga taong nakapaligid sa amin. Ang nasa isip ko lang ay ang Daddy ko. Ilang minuto lang ang lumipas bago tuluyang dumating ang mga paramedic.Agad nila siyang sinuri at mabilis na inilagay sa stretcher."Family member po kayo?" tanong ng is
ELYRIAPagdating ko sa bahay agad kong napansin na may kakaiba. May dalawang sasakyan ng kumpanya na nakaparada sa harap ng bahay. Ilang empleyado ang naglalabas-masok habang may bitbit na mga kahon ng dokumento. Nagtaka ako dahil bihirang mangyari iyon. Kapag may mga report na kailangang pag-aralan ni Daddy, sa opisina niya iyon ginagawa at hindi sa bahay.Pagpasok ko sa loob, mas lalo akong nagtaka.Nagkalat ang mga financial reports sa mahabang dining table. May mga folder na nakabukas, laptop na hindi pa nakapatay, calculator, at ilang tasa ng kape na halatang matagal nang nakalagay roon. Mukhang buong magdamag na may nagre-review ng mga dokumento."Daddy?"Inilapag ko muna ang bag ko bago ako dumiretso sa study room. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya kumatok muna ako."Daddy, nandiyan po ba kayo?""Nandito ako, anak."Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng mesa. Nakahawak siya sa noo habang nakatingin sa laptop. Halata sa mukha niya ang pagod. Namumula ang m
ELYRIAMaaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Kasama ko ang abogado ng pamilya namin at apat na tauhang maghahakot ng mga personal kong gamit sa Valmont Mansion. Wala na akong balak na ipagpaliban pa ang divorce dahil para sa akin, wala ng dahilan para manatili pa sa isang kasal na matagal nang wala namang saysay.Pagdating namin sa bahay, agad kaming pinapasok ng mga kasambahay. Mukhang nagulat pa sila nang makitang may kasama akong abogado, pero wala namang nagtanong. Ilang sandali lang ay bumaba na si Caelan mula sa ikalawang palapag. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala habang salitan kaming tinitingnan ng abogado."Bakit may abogado?" tanong niya.Diretso ko siyang tiningnan sa mata."Makikipag-divorce na ako. Narito ang papeles. Basahin mo kung gusto mo. Kung wala kang problema sa nakalagay diyan, pirmahan mo na."Marahan na inilapag ng abogado ang folder sa center table. Lumapit si Caelan at binuklat ang unang pahina. Hindi niya iyon binasa nang matagal. Ilang segundo lang ang
ELYRIA“MGA HAYOP KAYO!”Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng opisina. At gulat na gulat silang dalawa nang mapatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang galit na bumabalot sa katawan ko sa mga oras na iyon. Kahit na arrange marriage ang nangyari sa amin ni Caelan, hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya. O kahit na sabihin na nating… hindi ako dapat nag-expect na mahalin niya ako pabalik, dapat sana ay may respeto man lang niya ako bilang asawa niya.“Paano mo nagawa ito sa akin, Valentina? Itinuring kitang parang kapatid. Hinayaan kitang makapasok sa bahay namin. Lahat ng gusto mo at pangangailangan mo ay binigay ni Daddy para sa iyo. Tapos ganito ang gagawin mo sa akin?”Inilipat ko ang tingin ko kay Caelan.“At ikaw naman, Caelan…Alam kong hindi mo ako mahal pero dapat may respeto naman lang ako bilang asawa mo. O 'di kaya nakipag-divorce ka na lang sa akin at hindi mo na ako niloko pa. Matatanggap ko pa iyon kaysa sa ginawa mong ito!”Narinig ko ang mahinang pagtawa ni V
ELYRIABuong gabi akong halos hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nadatnan ko sa kuwarto naming mag-asawa. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya binabanggit ang pangalan ni Valentina habang pinapaligaya niya ang sarili niya. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka nagkakamali lang ako. Baka may ibang Valentina siyang tinutukoy. Baka nagkataon lang.Hindi puwedeng ang pinsan ko.Lumaki kaming parang magkapatid. Inampon ni Daddy si Valentina at itinuring na rin niya itong sariling anak matapos mamatay ang mga magulang nito. Hindi magagawa iyon sa akin ni Valentina. Hindi nila magagawa iyon sa akin.“Hay naku! Nabubuang na yata ako,” naiiling kong sabi sa sarili.Bandang alas-siyete ng umaga, bumaba ako sa dining room.Nandoon na si Caelan. Tahimik siyang nagbabasa ng business newspaper habang umiinom ng kape. Nang marinig niya ang mga yabag ko, ibinaba niya ang diyaryo at tumingin sa akin."Good morning,” wika niya."Good morning."Umupo a







