مشاركة

My Husband's Endless Regret
My Husband's Endless Regret
مؤلف: Allecorianna

1

مؤلف: Allecorianna
last update تاريخ النشر: 2026-08-06 14:45:08

ELYRIA ASHBOURNE

NAKAUPO AKO sa loob ng opisina habang isa-isang binabasa ang mga financial reports na ipinadala ng accounting department. Kahit hindi pa ako opisyal na humahawak sa kumpanya, ilang buwan na akong sinasanay ni Daddy sa iba't ibang aspeto ng Ashbourne Group. Madalas niya akong isama sa board meetings, ipinapabasa ang mga kontrata, at pinapaintindi kung paano gumagana ang negosyo na ilang dekada niyang pinaghirapan.

Hindi naman niya ako pine-pressure. Ang lagi lang niyang sinasabi, gusto niyang dumating ang araw na kaya kong magdesisyon nang mag-isa kapag siya na ang nagpahinga.

Kaya halos araw-araw, nasa opisina ako.

Hindi ko namalayang halos isang oras na pala akong nakatitig sa monitor nang marinig ko ang mahinang katok sa p***o.

"Come in."

Bumukas ang p***o at agad kong nakita ang pamilyar na mukha ng matalik kong kaibigan.

"Vina."

"Aba, mukhang istorbo yata ako."

Tumayo ako mula sa upuan at nilapitan siya.

"Ikaw pa ba? Halika nga rito."

Nagyakapan kami bago ko siya inaya sa maliit na receiving area sa loob ng opisina. Kumuha ako ng dalawang tasa ng kape mula sa coffee machine habang siya naman ay komportableng naupo sa sofa na parang sarili niyang opisina iyon.

"Nakakatuwa ka talaga," sabi niya habang tinatanggap ang tasa. "Hindi ka na halos mahagilap. Kapag tinatawagan kita, nasa meeting ka. Kapag nagme-message ako, nasa opisina ka pa rin kahit gabi na."

"Kasalanan ni Daddy. Gusto niya akong masanay sa paghawak ng kumpanya kaya busy ako.”

"Hindi naman sa nagrereklamo ako miss ko na ang bonggang chismisan natin. Iyong toda max ang ratratan ng bunganga natin!”

"Pasensya na…medyo busy lang. Pero puwede pa rin naman tayong magchikahan kahit nandito ako sa office.”

Mabilis niya akong tinaasan ng kilay.

"Talaga ba?"

"Ano na naman ang iniisip mo?"

"Wala. Nagtataka lang ako kung office na ba ang bahay mo o bahay na ang office mo."

"Grabe ka naman."

"Ewan ko sa iyo! Dito muna yata balak tumira!”

Marahan siyang humigop ng kape bago ako tiningnan ng mabuti. Kilala ko ang tingin na iyon. Alam kong may gusto siyang itanong.

"Ely."

"Hmm?"

"Kumusta na kayo ng asawa mong si Caelan?"

Nawala ang ngiti ko sa labi. Hindi dahil sa ayaw kong pag-usapan ang asawa ko. Kun'di dahil hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot. Napansin yata ni Vina ang pag-aalinlangan ko kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa.

"Huwag kang mag-isip ng magandang sagot. Sabihin mo lang kung ano talaga ang nagaganap sa inyo.”

Napabuntong-hininga ako bago bumuka ang bibig ko.

"Wala namang malaking problema."

"Ibig sabihin, wala ring malaking pagbabago?"

Marahan akong umiling.

"Wala pa rin."

"Paano ba ang setup ninyo ngayon?"

"Ganoon pa rin. Pareho kaming pumapasok sa trabaho. Minsan mas maaga siyang umaalis kaysa sa akin. Kapag gabi naman, madalas late na siyang nakakauwi. Kapag sabay kaming kumakain, maayos naman kaming nag-uusap pero tungkol lang sa pamilya o sa negosyo. Pagkatapos noon, papasok na siya sa study room o kaya sasabihin niyang may kailangan pa siyang tapusin."

"Hindi ba kayo lumalabas? Kahit dinner? Kahit weekend?"

"Minsan kapag may family gathering. Pero kaming dalawa lang? Hindi."

"Hindi ka ba niya niyayaya?"

Umiling ako.

"Hindi."

"Ikaw? Sinubukan mo na ba?"

"Maraming beses."

"Ano ang sinasabi niya?"

"Busy siya. May meeting. May business trip. O kaya pagod daw siya."

Napakagat ng labi si Vina.

"Ely, seryoso akong nagtatanong. Tatlong taon na kayong kasal. At sa loob ng tatlong taon na iyon, wala pa ring nangyayari sa relasyon ninyo?"

"Pinipilit kong intindihin siya. Arranged marriage naman kasinang naganap sa amin. Hindi naman kami nagkakilala dahil nagmahalan kami. Iniisip ko baka kailangan lang talaga ng panahon."

"Ely, tatlong taon na ang lumipas! At saka ang sabi mo, never niyang hinawakan ang pudày mo o kahit ang ded3 mo!”

“Vina! Gaga ka talaga!”

“Aba'y bakit? Binira ka na ba ang asawa mo? Napasukan na ba ng talong niya ang tahong mo? Hindi pa di ba? Ano iyon? Hindi siya naaakit sa iyo? Masakit kaya iyon para sa isang babae! Asawa ka n'ya pero never ka niyang binembang?”

Napakagat-labi ako. Tama si Vina. Masakit nga iyon para sa akin dahil kahit pasimple kong inaakit ang asawa ko, parang wala talaga sa kanya.

“Sexy ka at maganda. Mataba pudày mo pero walang effect sa kanya? Hindi naman bakla ang asawa mo.”

“Ewan ko. Baka ayaw niya lang talaga sa akin.”

"Mahal mo ba siya?"

Napangiti ako ng mapait.

"Hindi ko masasabing mahal na mahal. Pero... pinili kong maging mabuting asawa. Akala ko kasi darating din kami sa puntong magiging komportable siya sa akin."

"Tapos?"

"Wala pa rin."

Huminga ng malalim si Vina bago muling nagsalita.

"May itatanong ako. Huwag kang magagalit. Sigurado ka bang wala siyang ibang babae?"

Napataas agad ang ulo ko.

"Ano?"

"Huwag ka munang defensive. Iniisip ko lang kasi, hindi normal iyon. Tatlong taon na kayong kasal pero parang boarders lang kayo sa bahay na iyon. Kung sobrang busy lang siya, maiintindihan ko. Pero iyong hindi man lang kayo nagkakantvtan, aba! Ibang klase iyan! Kahit kantvtan man lang, wala?”

Gusto kong matawa sa sinabi ni Vina pero may point naman siya. Bakit nga ba ayaw makipag-séx sa akin ng asawa ko?

"Hindi ganoon si Caelan. Hindi ko naman siya nahuling may ibang babae.”

"Paano mo nasabing hindi?"

"Kilala ko siya."

"Ely, gaano mo ba talaga siya kakilala?"

Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi dahil may naisip akong mali tungkol kay Caelan. Kun'di dahil napagtanto kong wala pala akong maisagot. Ngumiti lang ako para pagtakpan ang sandaling katahimikan.

"Siguro busy lang talaga siya. Pero mukhang wala naman siyang ibang babae. O baka talagang ayaw niya lang sa akin. Hindi niya matanggap na mag-asawa kami.”

Napailing si Vina.

"Alam mo kung bakit ako nag-aalala? Kasi ikaw lang ang laging umiintindi. Ikaw ang laging nagbibigay ng excuse para sa kanya. Ikaw ang laging naghihintay. Pero ano ang ginagawa niya para sa'yo?"

"Wala naman kaming pinag-aawayan."

"Hindi naman tungkol sa away ang sinasabi ko. Ely, minsan hindi sapat na mabait ang isang tao. Kung hindi ka niya kayang mahalin o kahit respetuhin bilang asawa, kailangan mong tanungin ang sarili mo kung hanggang kailan ka maghihintay na mahalin ka.”

"Naniniwala pa rin akong puwede pang magbago ang lahat."

"At kung hindi? Kung ako ang nasa sitwasyon mo, matagal na akong umalis."

"Ikaw kasi, mainitin ang ulo."

"Hindi, ‘no! Sadyang ayoko lang maging martir. Kaloka! Dami-daming tite na malalaki diyan! Puwedeng-puwede akong humanap. Kaysa sa lalaking wala man lang pakialam sa akin.”

Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Pasaway talaga ang kaibigan kong ito kahit kailan.

"At isa pa, huwag mong isipin na imposible siyang magkaroon ng ibang babae. Guwapo ang asawa mo at malaki ang katawan. Kaya maraming babae ang naglalaway diyan!”

"Vina..."

"Sinasabi ko lang ang totoo. Sana mali ako. Sana ako ang unang humingi ng tawad kapag napatunayang mali ang hinala ko. Pero kung sakaling tama ako, ayokong dumating ang araw na ikaw ang huling makakaalam."

Hindi ko na ipinagpatuloy ang usapan. Kilala ko si Vina. Kapag may nabuo na siyang opinyon, mahirap na siyang kumbinsihin.

Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan tungkol sa ibang bagay bago siya nagpaalam. Naiwan akong mag-isa sa opisina habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi niya.

May ibang babae si Caelan?

Hindi ko kayang paniwalaan iyon.

Maaaring malamig siya sa akin, pero hindi siya ganoong klaseng lalaki. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko hanggang matapos ang trabaho..Bandang alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa bahay. Walang kahit anong ingay ang buong bahay. Sanay na ako roon. Madalas talagang nauuna o nahuhuli kaming umuwi ni Caelan.

Inakyat ko ang hagdan habang tinatanggal ang hikaw ko. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang magpalit ng damit at matulog.

Paglapit ko sa pintuan ng aming silid, napansin kong bahagyang nakabukas iyon.

Nagtaka ako dahil akala ko wala pa siya. Dahan-dahan kong itinulak ang p***o. Bago pa man ako tuluyang makapasok, may narinig akong mahihinang ung0l mula sa loob ng kuwarto.

“Ahhh! Fxxt, Valentina…”

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Caelan. Sumilip ako at nakita kong pinaglalaruan niya ang alaga niya. Hawak niya ng mahigpit ang mataba at mahaba niyang sandata. Napalunok ako dahil iyon ang unang beses na makita ko ito. Bakit siya nagsasarili? Bakit ayaw na lang niya akong galawin?

Pabilis nang pabilis ang paggalaw ng kamay niya hanggang sa muli niyang sinambit ang pangalan ng ibang babae.

“Valentina, ahh!”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Valentina? Bakit niya sinasambit ang pangalan ng pinsan ko habang nagsasarili?

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • My Husband's Endless Regret    7

    ELYRIAMATALIM akong napatingin kay Damian na kasama si Valentina. Pareho silang maayos ang itsura at parang wala lang nangyari sa conference room kanina. Si Damian ay nakasuot pa rin ng suit niya habang si Valentina, may hawak na handbag at naglalakad sa tabi niya.Hindi na ako nagtaka kung bakit sila naroon. Alam kong kailangan nilang magpakitang-tao, lalo na si Damian. Maraming tao sa ospital na nakakakilala sa kanya bilang matalik na kaibigan ng Daddy ko. Kung bigla siyang hindi magpapakita pagkatapos isugod sa ospital si Daddy, siguradong mapapansin iyon ng mga tao.Lumapit sila sa akin."Anong ginagawa mo dito?"Ngumisi si Damian at tumingin sa pintuan ng emergency room."Nandito ako para tingnan kung okay pa ba ang Daddy mo. Kasi sa tingin ko, baka hindi na siya magtagal.""Hay0p ka!" galit kong sigaw.Tumawa lang siya na para bang wala siyang sinabing masama."Relax. Huwag ka naman masyadong mainit ang ulo mo diyan. Kaibigan ko pa rin naman ang Daddy mo kaya medyo may kauntin

  • My Husband's Endless Regret    6

    ELYRIAMabilis akong lumabas ng conference room habang inalalayan ko si Daddy. Halos hindi na niya maayos na maihakbang ang mga paa niya at buong bigat ng katawan niya ay nakasandal sa akin. Ilang segundo lang ang lumipas nang makarinig kami ng mga yabag mula sa mga taong nasa labas ng conference room. May isa sa mga empleyado ang agad tumawag ng ambulansya habang ang iba naman ay tumulong sa akin na ihiga si Daddy sa malapit na sofa."Daddy, naririnig ninyo ba ako?"Hindi siya agad sumagot. Nakapikit ang mga mata niya habang pilit na humihinga. Nanginginig ang kamay niya at patuloy niyang hawak ang kaliwang bahagi ng dibdib niya."Sir Adrian, subukan ninyo pong huwag munang magsalita," sabi ng isa sa mga empleyado.Hindi ko na halos napapansin ang mga taong nakapaligid sa amin. Ang nasa isip ko lang ay ang Daddy ko. Ilang minuto lang ang lumipas bago tuluyang dumating ang mga paramedic.Agad nila siyang sinuri at mabilis na inilagay sa stretcher."Family member po kayo?" tanong ng is

  • My Husband's Endless Regret    5

    ELYRIAPagdating ko sa bahay agad kong napansin na may kakaiba. May dalawang sasakyan ng kumpanya na nakaparada sa harap ng bahay. Ilang empleyado ang naglalabas-masok habang may bitbit na mga kahon ng dokumento. Nagtaka ako dahil bihirang mangyari iyon. Kapag may mga report na kailangang pag-aralan ni Daddy, sa opisina niya iyon ginagawa at hindi sa bahay.Pagpasok ko sa loob, mas lalo akong nagtaka.Nagkalat ang mga financial reports sa mahabang dining table. May mga folder na nakabukas, laptop na hindi pa nakapatay, calculator, at ilang tasa ng kape na halatang matagal nang nakalagay roon. Mukhang buong magdamag na may nagre-review ng mga dokumento."Daddy?"Inilapag ko muna ang bag ko bago ako dumiretso sa study room. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya kumatok muna ako."Daddy, nandiyan po ba kayo?""Nandito ako, anak."Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng mesa. Nakahawak siya sa noo habang nakatingin sa laptop. Halata sa mukha niya ang pagod. Namumula ang m

  • My Husband's Endless Regret    4

    ELYRIAMaaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Kasama ko ang abogado ng pamilya namin at apat na tauhang maghahakot ng mga personal kong gamit sa Valmont Mansion. Wala na akong balak na ipagpaliban pa ang divorce dahil para sa akin, wala ng dahilan para manatili pa sa isang kasal na matagal nang wala namang saysay.Pagdating namin sa bahay, agad kaming pinapasok ng mga kasambahay. Mukhang nagulat pa sila nang makitang may kasama akong abogado, pero wala namang nagtanong. Ilang sandali lang ay bumaba na si Caelan mula sa ikalawang palapag. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala habang salitan kaming tinitingnan ng abogado."Bakit may abogado?" tanong niya.Diretso ko siyang tiningnan sa mata."Makikipag-divorce na ako. Narito ang papeles. Basahin mo kung gusto mo. Kung wala kang problema sa nakalagay diyan, pirmahan mo na."Marahan na inilapag ng abogado ang folder sa center table. Lumapit si Caelan at binuklat ang unang pahina. Hindi niya iyon binasa nang matagal. Ilang segundo lang ang

  • My Husband's Endless Regret    3

    ELYRIA“MGA HAYOP KAYO!”Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng opisina. At gulat na gulat silang dalawa nang mapatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang galit na bumabalot sa katawan ko sa mga oras na iyon. Kahit na arrange marriage ang nangyari sa amin ni Caelan, hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya. O kahit na sabihin na nating… hindi ako dapat nag-expect na mahalin niya ako pabalik, dapat sana ay may respeto man lang niya ako bilang asawa niya.“Paano mo nagawa ito sa akin, Valentina? Itinuring kitang parang kapatid. Hinayaan kitang makapasok sa bahay namin. Lahat ng gusto mo at pangangailangan mo ay binigay ni Daddy para sa iyo. Tapos ganito ang gagawin mo sa akin?”Inilipat ko ang tingin ko kay Caelan.“At ikaw naman, Caelan…Alam kong hindi mo ako mahal pero dapat may respeto naman lang ako bilang asawa mo. O 'di kaya nakipag-divorce ka na lang sa akin at hindi mo na ako niloko pa. Matatanggap ko pa iyon kaysa sa ginawa mong ito!”Narinig ko ang mahinang pagtawa ni V

  • My Husband's Endless Regret    2

    ELYRIABuong gabi akong halos hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nadatnan ko sa kuwarto naming mag-asawa. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya binabanggit ang pangalan ni Valentina habang pinapaligaya niya ang sarili niya. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka nagkakamali lang ako. Baka may ibang Valentina siyang tinutukoy. Baka nagkataon lang.Hindi puwedeng ang pinsan ko.Lumaki kaming parang magkapatid. Inampon ni Daddy si Valentina at itinuring na rin niya itong sariling anak matapos mamatay ang mga magulang nito. Hindi magagawa iyon sa akin ni Valentina. Hindi nila magagawa iyon sa akin.“Hay naku! Nabubuang na yata ako,” naiiling kong sabi sa sarili.Bandang alas-siyete ng umaga, bumaba ako sa dining room.Nandoon na si Caelan. Tahimik siyang nagbabasa ng business newspaper habang umiinom ng kape. Nang marinig niya ang mga yabag ko, ibinaba niya ang diyaryo at tumingin sa akin."Good morning,” wika niya."Good morning."Umupo a

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status