LOGINELYRIA
Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Kasama ko ang abogado ng pamilya namin at apat na tauhang maghahakot ng mga personal kong gamit sa Valmont Mansion. Wala na akong balak na ipagpaliban pa ang divorce dahil para sa akin, wala ng dahilan para manatili pa sa isang kasal na matagal nang wala namang saysay. Pagdating namin sa bahay, agad kaming pinapasok ng mga kasambahay. Mukhang nagulat pa sila nang makitang may kasama akong abogado, pero wala namang nagtanong. Ilang sandali lang ay bumaba na si Caelan mula sa ikalawang palapag. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala habang salitan kaming tinitingnan ng abogado. "Bakit may abogado?" tanong niya. Diretso ko siyang tiningnan sa mata. "Makikipag-divorce na ako. Narito ang papeles. Basahin mo kung gusto mo. Kung wala kang problema sa nakalagay diyan, pirmahan mo na." Marahan na inilapag ng abogado ang folder sa center table. Lumapit si Caelan at binuklat ang unang pahina. Hindi niya iyon binasa nang matagal. Ilang segundo lang ang lumipas ay isinara na niya ulit ang folder. "Wala kang hinihinging settlement?" tanong niya habang nakatingin sa akin. "Wala." "May sarili akong apelyido, may sarili akong pamilya at may sarili kaming kumpanya. Hindi ko kailangan ng pera ng Valmont family." Marahan siyang tumango bago muling nagsalita. "Akala ko pagkatapos ng nangyari kahapon, makikipag-away ka muna bago ka makipag-divorce." "Hindi ako pumunta rito para makipag-away. Sayang lang ang oras. Nahuli na kita at ano pa ang gusto mo? Mag-iyak-iyak ako at magmakaawa na ako ang piliin mo? Gunggong! Walang ganoon!” Napabuntong-hininga siya at kinuha ang bolpen. "Kung iyon ang gusto mo." "Teka… gusto kong malaman kung kailan nagsimula ang relasyon ninyo." "Bago pa tayo ikasal." Nanahimik ako sandali bago ako muling nagsalita. "Ibig sabihin, noong inaayos pa lang ng Daddy ko at ng Daddy mo ang kasal natin, kayo na?" "Oo." "At pumayag ka pa ring pakasalan ako." "Pumayag ako dahil iyon ang gusto ng Daddy ko. Hindi ko naman itinago sa iyo noon na hindi ko ginusto ang arranged marriage." "Pareho naman tayong walang ayaw ikasal. Ang pinagkaiba lang natin, noong naging asawa mo ako, tinapos ko ang relasyon ko sa lahat ng tao sa paligid ko at pinili kong respetuhin ang kasal natin. Ikaw, hindi mo man lang sinubukang gawin iyon." "Wala akong ipinangakong mamahalin kita." "Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo. Ang hinihingi ko ay respeto." "Hindi ko rin maibibigay iyon kung ang puso ko ay nasa ibang tao." "Eh di wow! Makati ka naman so ano pa ba ang magagawa ko?” inis kong sabi. Kinuha niya ulit ang ballpen at isa-isang pinirmahan ang lahat ng pahina ng divorce papers. Hindi na siya nagtanong pa tungkol sa laman ng kontrata. Nang matapos siya, itinulak niya ang folder pabalik sa abogado. "Tapos na." Lumingon ako sa apat na tauhang naghihintay sa labas. "Pwede na kayong umakyat. Lahat ng personal kong gamit sa master's bedroom, dressing room at study, ilagay ninyo sa mga kahon. Huwag kayong mag-iiwan ng kahit ano." "Opo, Ma'am." Agad silang umakyat sa ikalawang palapag habang nanatili kaming dalawa ni Caelan sa sala. Nagkatinginan lang kaming dalawa habang naghihintay na bumaba ang mga tauhan ko. Walang nagsasalita sa amin. Mayamaya ay siya rin ang unang bumasag sa katahimikan. "Hindi mo ba talaga pag-iisipan ulit ang desisyon mo?" "Ikaw ang mabilis na pumirma sa divorce papers. Tapos ngayon ako ang tinatanong mo kung pag-iisipan ko pa?" "Hindi ko sinasabing bawiin mo." "Kung ganoon, ano ang gusto mong marinig?" "Wala. Nagtatanong lang ako." "Caelan, hindi ko maintindihan kung bakit mo pa ako tinatanong. Kahapon lang nahuli kitang naghahalikan kayo ni Valentina sa opisina mo. Tapos pinirmahan mo agad ang divorce papers. Wala kang tinutulan kahit isang kondisyon. Sa tingin mo ba may dahilan pa para magbago ang isip ko?" Nanatiling nakatitig lang siya sa akin. Habang ako naman, pinagsasaks@k ko na siya sa isipan ko. "Kung sinabi mo sa akin noon na may mahal ka nang iba, ako na mismo ang kakausap kina Daddy para hindi matuloy ang kasal. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa lalaking ayaw sa akin. Pero ang ginawa mo, hinayaan mong matuloy ang kasal natin habang ipinagpapatuloy mo ang relasyon ninyo." "Wala na ring mangyayari kung babalikan pa natin ang nakaraan." "Tama. Kaya nga wala na rin akong balak pang manatili rito." "Anong plano mo pagkatapos nito?" "Babalik ako sa bahay ng Daddy ko." "At pagkatapos?" "Aasikasuhin sa kumpanya. Marami akong trabaho." "Hindi ka ba magpapahinga muna?" Natawa ako sa sinabi niya. Ano ba ang eksena niya? Pa-concern kuno? "Sa tingin mo ba kaya kong magbakasyon pagkatapos ng ginawa ninyo?" Hindi na siya sumagot. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ang mga tauhan ko. May bitbit na silang mga maleta, kahon at garment bags. "Ma'am Elyria," tawag ng isa sa kanila. "Naibaba na po namin ang lahat ng personal ninyong gamit. Paki-check na lang po kung may gusto pa kayong kunin." Tumango ako at sumunod sa kanila. Isa-isa kong tiningnan ang mga kahon. Binuksan ko pa ang dalawa para siguraduhing walang naiwan sa loob ng kuwarto. "Kumpleto na po ba, Ma'am?" tanong ng head mover. "Nasama ba iyong mga folders ko sa study room?" "Opo." "Iyong mga sketchbooks at design portfolio?" "Nasa ikatlong kahon po." "Okay. Isakay na ninyo lahat." Habang inilalabas nila ang mga gamit ko, napansin kong nakatayo lang si Caelan sa may pintuan ng sala. Wala siyang balak tumulong at wala rin siyang balak pigilan ang mga tauhan ko. Lumapit ako sa abogado. "Attorney, kayo na po ang bahala sa remaining legal process." "Yes, Miss Elyria. Makikipag-ugnayan na lang po kami sa legal team ng Valmont Group." Tumango ako bago muling humarap kay Caelan. "Kapag may kailangan ang korte, abogado ko na lang ang kausapin mo. Hindi na kailangang magkita pa tayong dalawa.” “Okay. No problem.” Tumalikod ako at lumabas ng Valmont Mansion. Pagkasakay ko sa sasakyan, umalis na rin ang truck na may karga ng lahat ng personal kong gamit. Hindi na ako lumingon sa bahay na tinirhan ko sa loob ng tatlong taon dahil wala na rin naman akong dahilan para balikan pa iyon.ELYRIAKINABUKASAN, maaga akong nagising kahit pakiramdam ko ay halos wala akong tulog. Ilang segundo akong nakahiga habang nakatitig sa kisame bago ko tuluyang naalala ang nangyari sa ospital. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako sa study room dahil sinabi ng family lawyer namin na kailangan naming ayusin ang mga dokumento ni Daddy bago magsimula ang funeral arrangements.Pagpasok ko sa study room, nakita ko agad ang ilang folder na nakapatong sa malaking mesa. Naroon na ang family lawyer namin kasama ang dalawang legal staff ng Ashbourne Group."Good morning, Miss Elyria. Alam kong napakabigat ng sitwasyon ninyo ngayon, pero kailangan nating ayusin ang ilang dokumento dahil bilang nag-iisang anak ni Mr. Ashbourne, kayo ang magiging legal successor ng ilang personal at corporate interests na naiwan niya."Umupo ako sa tapat niya at tumingin sa mga folder. "Alam kong kailangan kong gawin iyon, Attorney, pero gusto kong ipaliwanag ninyo sa akin ang bawat dokumento bago ako p
STEVEN NANLAKI ang mga mata ko sa sinabi niya.Hindi ko agad napansin ang pagbabago sa monitor dahil nakatingin ako sa kanya.“Steven, alam kong hindi na ako magtatagal. Ano mang oras, puwede na akong mawala.”"Sir, huwag po kayong magsalita ng ganoon. Magpapahinga muna kayo at gagaling kayo. Kapag naging stable na kayo, kayo mismo ang kakausap sa board at tutulungan ninyo si Elyria na ayusin ang kumpanya."Hindi na siya sumagot nang muli siyang pumikit. Napansin kong hindi na gumagalaw ang dibdib niya gaya kanina."Sir?"Tiningnan ko ang monitor. Biglang naging tuloy-tuloy ang tunog nito at nagkaroon na ng flat line. Tumayo ako agad at pinindot ang call button."Nurse!"Mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse. Kasunod nila ang doktor."Step outside, Mr. Laurent."Lumabas ako ngunit nanatili ako malapit sa pintuan. Naririnig ko ang mga utos ng doktor habang sinusubukan nilang i-revive si Adrian."Start CPR.""Prepare the medication.""Again."Hindi ako makagalaw hab
STEVENPAGKARATING namin sa ospital, diretso kami ni Elyria sa ICU. Halata sa mukha niya ang pagod dahil ilang araw na siyang halos walang maayos na tulog. Kanina pa siya nakikipag-usap sa board at alam kong hindi naging madali para sa kanya ang buong meeting dahil bukod sa problema ng kumpanya, iniisip din niya ang kalagayan ng Daddy niya.Pagdating namin sa hallway ng ICU, agad siyang tumingin sa loob ng kuwarto ni Adrian."Pwede ba akong pumasok?""Tatanungin natin ang nurse, pero bago iyon, kumain ka muna."Napatingin siya sa akin."Steven, hindi ako gutom.""Alam kong hindi mo nararamdaman na gutom ka, pero buong araw ka ng halos walang kinakain. Kanina sa conference room, ilang oras kang nakaupo at nakikipagtalo sa board. Hindi mo puwedeng ipilit ang sarili mo hanggang sa ikaw naman ang bumagsak.""Marami pa akong kailangang gawin.""Alam ko, pero hindi mawawala ang mga problema ng Ashbourne dahil lang kumain ka ng ilang minuto. Mas kailangan mong may lakas ka dahil mas marami k
ELYRIA"Wala ka namang magagawa,” nakangising sabi ni Damian.Mabilis akong tumayo."Huwag kang masyadong kampante.""Ano ang gagawin mo? Tatanggalin mo ako? Kailangan mo muna ng board approval. Babaligtarin mo ang resolution? Kailangan mo ulit silang kumbinsihin. Maghahanap ka ng bagong investors? Samantalang ako, may existing investors na handang sumuporta sa akin. Gusto mong harapin ako ngayon habang nasa ICU ang Daddy mo at ikaw pa mismo ang kailangang mag-asikaso ng kumpanya?""Kumpanya ng Daddy ko ito.""Sa ngayon.""At hindi ito magiging iyo."Muli siyang ngumisi."Ang gusto ko sa iyo, Elyria, matapang ka pa rin kahit alam mong wala ka nang sapat na resources para labanan ako. Pero huwag kang mag-alala. Hindi kita mamadaliin. Mas gusto kong makita kung gaano katagal mong kayang lumaban bago mo tanggapin na hindi mo na kayang iligtas ang kumpanya.""Hindi ako susuko.""Sinabi mo na iyan.""At uulitin ko hanggang marinig mo.""Ulitin mo kahit ilang beses. Hindi naman mababago ng
ELYRIAHindi agad natapos ang meeting pagkatapos ng mungkahi ng senior board member. Ilang minuto pang pinag-usapan ng mga directors ang magiging saklaw ng temporary authority na ibibigay kay Damian. At habang pinagmamasdan ko silang isa-isang nagbibigay ng opinyon, lalo kong nararamdaman ang inis sa dibdib ko. Gusto kong tumutol sa lahat ng sinasabi nila, pero alam kong kailangan kong maging maingat. Kapag nawalan ako ng composure sa harap ng board, lalo lamang akong gagamitin ni Damian bilang dahilan para sabihin nilang hindi pa ako handang humawak ng kumpanya.Sa kabilang bahagi ng mesa, tahimik lamang si Damian. Nakaupo siya nang maayos at paminsan-minsan ay tumatango kapag may nagsasalita. Para siyang isang taong walang pakialam kung ibibigay ba sa kanya ang authority o hindi, pero kilala ko na siya ngayon. Alam kong iyon lamang ang ipinapakita niya sa harap ng ibang tao."Kung wala ng ibang objection, maaari na nating ilagay sa board resolution ang temporary authority ni Damian
ELYRIABandang alas-siyete, bumalik ako sandali sa ICU upang tingnan si Daddy bago kami umalis. Hindi ko siya maaaring makausap dahil sedated pa siya, pero ilang minuto akong nakatayo sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang kamay niya bago ako tuluyang lumabas.Pagdating namin sa Ashbourne Group, agad kong napansin ang kakaibang tensiyon sa buong building. May ilang executives na mabilis na naglalakad patungo sa conference room at may mga empleyadong nag-uusap nang mahina. Alam kong kumalat na ang nangyari noong nakaraang araw..Pagpasok ko sa conference room, halos kumpleto na ang board.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Damian. Kasunod niya si Valentina. Napansin kong kalmado ang expression ni Damian. Kung hindi ko alam ang totoong ugali niya, iisipin kong isa siya sa mga taong pinakanaaapektuhan sa nangyari kay Daddy. Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko."Elyria, kumusta ang Daddy mo? Nabalitaan kong nasa ICU pa rin siya. Kung kailangan ninyo ng kahit a







