تسجيل الدخولELYRIA
Pagdating ko sa bahay agad kong napansin na may kakaiba. May dalawang sasakyan ng kumpanya na nakaparada sa harap ng bahay. Ilang empleyado ang naglalabas-masok habang may bitbit na mga kahon ng dokumento. Nagtaka ako dahil bihirang mangyari iyon. Kapag may mga report na kailangang pag-aralan ni Daddy, sa opisina niya iyon ginagawa at hindi sa bahay. Pagpasok ko sa loob, mas lalo akong nagtaka. Nagkalat ang mga financial reports sa mahabang dining table. May mga folder na nakabukas, laptop na hindi pa nakapatay, calculator, at ilang tasa ng kape na halatang matagal nang nakalagay roon. Mukhang buong magdamag na may nagre-review ng mga dokumento. "Daddy?" Inilapag ko muna ang bag ko bago ako dumiretso sa study room. Bahagyang nakabukas ang p***o kaya kumatok muna ako. "Daddy, nandiyan po ba kayo?" "Nandito ako, anak." Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng mesa. Nakahawak siya sa noo habang nakatingin sa laptop. Halata sa mukha niya ang pagod. Namumula ang mga mata niya at mukhang kulang na kulang sa tulog. "Daddy, bakit nandito pa kayo? Akala ko pumasok na kayo sa opisina." Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "May inaayos lang ako." Lumapit ako sa mesa niya. "Ano pong inaayos ninyo? Pagpasok ko pa lang sa bahay, napansin ko na ang daming papeles sa dining table. Pati mga empleyado ng kumpanya nandito. May nangyari ba?" "Wala naman. Medyo marami lang talagang kailangang tingnan." "Daddy, kilala ko kayo. Hindi kayo nag-uuwi ng trabaho sa bahay kung hindi importante. May problema ba sa Ashbourne Group?" Hindi siya agad sumagot. Kumuha siya ng isang folder at isinara iyon bago tumingin ulit sa akin. "May ilang bagay lang akong hindi maintindihan." "Anong ibig ninyong sabihin?" "Sa loob ng ilang buwan, sunod-sunod ang mga report na dumarating sa akin. Noong una, maliit lang ang mga losses kaya inisip kong normal lang iyon. Hindi naman puwedeng palaging mataas ang profit ng kumpanya." "Normal naman po talaga iyon." "Iyon din ang sinabi ko sa finance department. Pero habang tumatagal, dumarami ang mga projects na hindi natutuloy. May mga investors na biglang umatras kahit tapos na ang negotiation. May mga supplier na humihingi ng advance payment kahit hindi naman nila ginagawa iyon dati." Umupo ako sa tapat niya. "Na-check na ba ng finance team ang records?" "Oo. Tatlong beses na." "May nakita ba silang problema?" "Wala pa. Kumpleto ang records natin. Wala ring nawawalang pera. Ang problema, parang laging nauunahan ang kumpanya natin." "Hindi ko po maintindihan." Humugot siya ng isa pang folder at inilapit iyon sa akin. "Tingnan mo ito." Binuksan ko ang folder. Nandoon ang proposal para sa isang international luxury brand. "Proposal natin ito." "Oo." "Anong nangyari?" "Bago pa natin maipasa ang final proposal, may ibang kumpanya nang nagbigay ng halos kaparehong offer sa client." "Paano nangyari iyon?" "Iyan din ang gusto kong malaman." "May nakakaalam ba ng proposal na ito bukod sa board at management?" "Kaunti lang. Ako, finance director, legal department at ilang executives." "Kung ganoon, paano nalaman ng ibang kumpanya?" "Hindi ko alam." "Daddy, hindi kaya may naglalabas ng confidential information?" "Iyan din ang isa sa mga tinitingnan namin." "May hinihinala ba kayo?" "Wala pa akong gustong pagbintangan. Ayokong mag-akusa nang walang ebidensya." "Nakausap na po ba ninyo ang board?" "Kanina lang. Pare-pareho kaming naghahanap ng sagot. May ilan sa mga shareholders ang kinakabahan na. May narinig pa nga akong balita na may gustong bumili ng shares ng dalawa sa kanila." Napataas ang kilay ko. "May bumibili ng shares natin?" "Oo." "Sino?" "Hindi ko pa alam. Dumadaan sa iba't ibang investment firms kaya hindi pa namin alam kung sino talaga ang nasa likod." "Parang sunod-sunod naman ang problema…” kagat-labi kony sabi. Napatingin ako sa mga dokumentong nasa mesa. "Daddy, may tumutulong ba sa inyo sa pag-aayos nito?" "Nandiyan ang finance team, ang legal department, at si Steven. Pinapa-review ko sa kanya ang operations para makita kung may bahagi ng kumpanya na may problema." "Tama lang iyon. Malaki ang experience ni Steven sa operations." "At buti na lang, nandiyan din si Damian. Halos araw-araw niya akong tinatawagan nitong mga nakaraang linggo. Sinabi niyang tutulungan niya akong kausapin ang ilang investors at business partners para hindi sila tuluyang umatras." Hindi ako agad nakapagsalita. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin kay Caelan at Valentina, hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan nang marinig ko ang pangalan ng tatay ni Caelan. "Daddy, alam ko matagal na kayong magkaibigan ni Tito Damian. Pero sa tingin ninyo ba magandang idea na sabihin sa kanya ang lahat ng nangyayari sa kumpanya?" "Bakit mo naman naitanong iyan?" "Nag-iingat lang ako. Pagkatapos ng nangyari sa akin, gusto ko lang siguraduhin na wala nang ibang makakaalam ng mga plano natin bukod sa mga taong talagang kailangan." "Anak, halos sabay naming itinayo ni Damian ang mga kumpanya namin. Marami na kaming pinagdaanan niyan. Kung may isang tao akong hindi pagdududahan pagdating sa negosyo, siya iyon." Hindi na ako nagsalita. Sa isip ko, sana tama si Daddy. LUMIPAS ANG ISANG LINGGO. Sa loob ng pitong araw na iyon, kitang-kita ko kung gaano kalaki ang ipinayat ni Daddy. Halos hindi na siya umuuwi sa kuwarto niya. Madalas ay sa study room na siya nakakatulog habang nakabukas ang laptop at nagkalat ang mga financial reports sa mesa. Kahit ang personal niyang secretary ay ilang beses ng pinapayuhan siyang magpahinga, pero ayaw niyang makinig. Noong umagang iyon, ipinatawag niya ang emergency meeting ng lahat ng board members at senior executives ng Ashbourne Group. Isa-isang dumating ang mga board members. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang p***o. Pumasok si Damian Valmont at kasunod niya si Valentina. "Daddy, bakit kasama si Valentina?" tanong ko. "Siya ang liaison natin sa Valmont Group nitong mga nakaraang taon. Siya rin ang tumutulong sa pag-coordinate ng ilang reports sa pagitan ng dalawang kumpanya." Nagsimula ang meeting. Tumayo ang finance director at isa-isang ipinakita ang financial reports. "Sa kasalukuyan, bumaba na po ng halos tatlumpung porsiyento ang value ng Ashbourne Group. Tatlo pa nating investors ang nag-withdraw ng kanilang investments ngayong linggo. May apat na luxury retailers din ang nag-cancel ng kontrata. Ano ang recommendation ninyo?" tanong niya. Bago pa makasagot ang finance director, tumayo si Damian. "Pwede ba akong magsalita, Adrian?" "Oo naman,” sagot ni daddy. Inayos ni Damian ang coat niya bago tumingin sa lahat ng nasa conference room. "Sa tingin ko, wala ng saysay ang pag-uusap natin tungkol sa recommendations." Kumunot ang noo ni Daddy. "Bakit mo naman nasabi iyan?" "Dahil huli na." "Ano ang ibig mong sabihin?" Ngumiti ng malawak si tito Damian. Isang ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Hindi iyon ngiti ng isang matalik na kaibigan. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan hanggang ngayon, Adrian?" "Damian, ano bang sinasabi mo?" "Ang Ashbourne Group ay wala nang pag-asang makabalik sa dati." Mabagal siyang naglakad papunta sa malaking screen sa conference room. "Valentina." Tumayo si Valentina at inilabas ang isang flash drive mula sa bag niya. Ikinabit niya iyon sa laptop. Mayamaya ay lumabas sa screen ang sunod-sunod na confidential reports ng Ashbourne Group. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Napatingin agad si Daddy kay Valentina. "Anong ginagawa mo?" Ngumiti lang ito bago isa-isa niyang binuksan ang mga file. "European expansion." "Investment strategy." "Shareholder acquisition." "Luxury acquisition project." Lahat iyon ay mga dokumentong para lamang sa pinakamataas na opisyal ng kumpanya. Nanlaki ang mga mata ko. "Valentina... paano napunta sa iyo ang mga iyan?" gulat kong tanong. Humarap siya sa akin. "Ako ang nagbigay ng lahat ng impormasyon kay Tito Damian." Napatingin si Daddy sa kanya. "Ano?" "Narinig ninyo ako, tito. Ako ang nagbibigay ng reports sa Valmont Group. Lahat ng business plans ninyo, investment strategies, shareholder decisions at confidential negotiations, ipinapasa ko kay Tito Damian." Nanginginig ang mga kamay ni Daddy. "Bakit?" Ngumiti ng parang aso si Valentina. "Dahil iyon ang napag-usapan namin noon pa." "Anong napag-usapan?" Si tito Damian na ang sumagot. "Noong ipinakasal mo sina Elyria at Caelan, alam kong darating ang araw na magkakaroon ako ng pagkakataong makontrol ang Ashbourne Group." Napahawak si Daddy sa mesa. "Damian..." "Habang abala kang palakihin ang kumpanya mo, unti-unti kong kinukuha ang mga investors mo. Habang nagtitiwala ka sa akin, isa-isa kong kinakausap ang shareholders mo. At habang naniniwala kang parang anak mo si Valentina, siya naman ang nagbibigay sa akin ng bawat galaw ng kumpanya mo." "Hindi... hindi mo magagawa iyon sa akin." "Bakit hindi?" "Magkaibigan tayo." "Magkaibigan?" Malakas natawa si Damian. "Ikaw lang ang naniwalang magkaibigan tayo, Adrian. Ako, matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong maagaw sa'yo ang lahat." Biglang tumayo si Daddy. "Hay0p ka!" Hinampas niya nang malakas ang mesa. "Pinagkatiwalaan kita! Itinuring kitang kapatid! Pinapasok kita sa bahay ko! Pinakilala kita sa mga investors ko! Tapos ganito ang ginagawa mo?" Nakangiti lang na nakatingin si Damian. "Wala ng magagawa ang galit mo. Hawak ko na ang karamihan sa mga kumpanyang konektado sa Ashbourne Group. Unti-unti nang babagsak ang negosyo mo." Napahawak si Daddy sa dibdib niya. Napansin ko agad ang pagbabago ng mukha niya. "Daddy?" Hindi siya sumagot. Mas lalo niyang idiniin ang isang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib niya habang hirap na hirap siyang huminga. "Daddy!" Mabilis akong lumapit sa kanya bago ko siya inalalayan. "Daddy, anong nangyayari sa iyo?" Huminga siya ng malalim pero hindi siya makapagsalita. "Attorney! Tawagan ninyo ang ambulansya!" sigaw ko.ELYRIAMATALIM akong napatingin kay Damian na kasama si Valentina. Pareho silang maayos ang itsura at parang wala lang nangyari sa conference room kanina. Si Damian ay nakasuot pa rin ng suit niya habang si Valentina, may hawak na handbag at naglalakad sa tabi niya.Hindi na ako nagtaka kung bakit sila naroon. Alam kong kailangan nilang magpakitang-tao, lalo na si Damian. Maraming tao sa ospital na nakakakilala sa kanya bilang matalik na kaibigan ng Daddy ko. Kung bigla siyang hindi magpapakita pagkatapos isugod sa ospital si Daddy, siguradong mapapansin iyon ng mga tao.Lumapit sila sa akin."Anong ginagawa mo dito?"Ngumisi si Damian at tumingin sa pintuan ng emergency room."Nandito ako para tingnan kung okay pa ba ang Daddy mo. Kasi sa tingin ko, baka hindi na siya magtagal.""Hay0p ka!" galit kong sigaw.Tumawa lang siya na para bang wala siyang sinabing masama."Relax. Huwag ka naman masyadong mainit ang ulo mo diyan. Kaibigan ko pa rin naman ang Daddy mo kaya medyo may kauntin
ELYRIAMabilis akong lumabas ng conference room habang inalalayan ko si Daddy. Halos hindi na niya maayos na maihakbang ang mga paa niya at buong bigat ng katawan niya ay nakasandal sa akin. Ilang segundo lang ang lumipas nang makarinig kami ng mga yabag mula sa mga taong nasa labas ng conference room. May isa sa mga empleyado ang agad tumawag ng ambulansya habang ang iba naman ay tumulong sa akin na ihiga si Daddy sa malapit na sofa."Daddy, naririnig ninyo ba ako?"Hindi siya agad sumagot. Nakapikit ang mga mata niya habang pilit na humihinga. Nanginginig ang kamay niya at patuloy niyang hawak ang kaliwang bahagi ng dibdib niya."Sir Adrian, subukan ninyo pong huwag munang magsalita," sabi ng isa sa mga empleyado.Hindi ko na halos napapansin ang mga taong nakapaligid sa amin. Ang nasa isip ko lang ay ang Daddy ko. Ilang minuto lang ang lumipas bago tuluyang dumating ang mga paramedic.Agad nila siyang sinuri at mabilis na inilagay sa stretcher."Family member po kayo?" tanong ng is
ELYRIAPagdating ko sa bahay agad kong napansin na may kakaiba. May dalawang sasakyan ng kumpanya na nakaparada sa harap ng bahay. Ilang empleyado ang naglalabas-masok habang may bitbit na mga kahon ng dokumento. Nagtaka ako dahil bihirang mangyari iyon. Kapag may mga report na kailangang pag-aralan ni Daddy, sa opisina niya iyon ginagawa at hindi sa bahay.Pagpasok ko sa loob, mas lalo akong nagtaka.Nagkalat ang mga financial reports sa mahabang dining table. May mga folder na nakabukas, laptop na hindi pa nakapatay, calculator, at ilang tasa ng kape na halatang matagal nang nakalagay roon. Mukhang buong magdamag na may nagre-review ng mga dokumento."Daddy?"Inilapag ko muna ang bag ko bago ako dumiretso sa study room. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya kumatok muna ako."Daddy, nandiyan po ba kayo?""Nandito ako, anak."Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng mesa. Nakahawak siya sa noo habang nakatingin sa laptop. Halata sa mukha niya ang pagod. Namumula ang m
ELYRIAMaaga akong umalis ng bahay kinabukasan. Kasama ko ang abogado ng pamilya namin at apat na tauhang maghahakot ng mga personal kong gamit sa Valmont Mansion. Wala na akong balak na ipagpaliban pa ang divorce dahil para sa akin, wala ng dahilan para manatili pa sa isang kasal na matagal nang wala namang saysay.Pagdating namin sa bahay, agad kaming pinapasok ng mga kasambahay. Mukhang nagulat pa sila nang makitang may kasama akong abogado, pero wala namang nagtanong. Ilang sandali lang ay bumaba na si Caelan mula sa ikalawang palapag. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala habang salitan kaming tinitingnan ng abogado."Bakit may abogado?" tanong niya.Diretso ko siyang tiningnan sa mata."Makikipag-divorce na ako. Narito ang papeles. Basahin mo kung gusto mo. Kung wala kang problema sa nakalagay diyan, pirmahan mo na."Marahan na inilapag ng abogado ang folder sa center table. Lumapit si Caelan at binuklat ang unang pahina. Hindi niya iyon binasa nang matagal. Ilang segundo lang ang
ELYRIA“MGA HAYOP KAYO!”Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng opisina. At gulat na gulat silang dalawa nang mapatingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang galit na bumabalot sa katawan ko sa mga oras na iyon. Kahit na arrange marriage ang nangyari sa amin ni Caelan, hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya. O kahit na sabihin na nating… hindi ako dapat nag-expect na mahalin niya ako pabalik, dapat sana ay may respeto man lang niya ako bilang asawa niya.“Paano mo nagawa ito sa akin, Valentina? Itinuring kitang parang kapatid. Hinayaan kitang makapasok sa bahay namin. Lahat ng gusto mo at pangangailangan mo ay binigay ni Daddy para sa iyo. Tapos ganito ang gagawin mo sa akin?”Inilipat ko ang tingin ko kay Caelan.“At ikaw naman, Caelan…Alam kong hindi mo ako mahal pero dapat may respeto naman lang ako bilang asawa mo. O 'di kaya nakipag-divorce ka na lang sa akin at hindi mo na ako niloko pa. Matatanggap ko pa iyon kaysa sa ginawa mong ito!”Narinig ko ang mahinang pagtawa ni V
ELYRIABuong gabi akong halos hindi nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nadatnan ko sa kuwarto naming mag-asawa. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya binabanggit ang pangalan ni Valentina habang pinapaligaya niya ang sarili niya. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka nagkakamali lang ako. Baka may ibang Valentina siyang tinutukoy. Baka nagkataon lang.Hindi puwedeng ang pinsan ko.Lumaki kaming parang magkapatid. Inampon ni Daddy si Valentina at itinuring na rin niya itong sariling anak matapos mamatay ang mga magulang nito. Hindi magagawa iyon sa akin ni Valentina. Hindi nila magagawa iyon sa akin.“Hay naku! Nabubuang na yata ako,” naiiling kong sabi sa sarili.Bandang alas-siyete ng umaga, bumaba ako sa dining room.Nandoon na si Caelan. Tahimik siyang nagbabasa ng business newspaper habang umiinom ng kape. Nang marinig niya ang mga yabag ko, ibinaba niya ang diyaryo at tumingin sa akin."Good morning,” wika niya."Good morning."Umupo a







